Home / Romance / Pretty You / Chapter 44

Share

Chapter 44

Author: Iya Perez
last update Huling Na-update: 2022-03-23 12:49:45

“T-teka nga lang? Bakit ka nagmamadali?” tanong ko kay Liam pagkapasok namin sa loob ng kaniyang kuwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang hitsura niya, kung bakit mukha siyang galit. Alam ko namang may mali ako sa parteng hindi ko siya na-replyan o nasagot man lang ang kaniyang tawag. Kasalanan ko dahil hindi ko chineck ang phone ko.

Binitawan niya naman ako at pinaningkita ako ng mata.

“Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan, Leah. Sa susunod, i-check mo naman ang phone mo.”

Bumuntong-hininga ako.

“Kasama ko naman si Sir Leander.”

Bumuntong-hininga rin siya at saka tumalikod. Hindi ko alam kung bakit ganito siya mag-react ngayon. Parang may something sa kaniya na hindi ko maintindihan.

“Nag-alala ako, Leah,” pagod niyang sambit.

Tumango ako.

“Alam ko, kaya nga sorry. Hayaan mo, sa susunod ay palagi ko nang hahawakan ang phone ko.”

Tuma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Pretty You   Chapter 45

    “Puwede ba naman iyon? Hindi puwedeng alam mo lang, dapat tinatanong mo nang direkta ang isang taong gusto mo. Para kahit paano ay malaman mo ang totoo.”Tipid siyang ngumiti.“Hindi na. Isa pa, hindi naman iyon mahalaga kung sabihin ko sa kaniya iyon o hindi. Ang importante sa akin, nakikita ko siyang masaya, kasama ng taong gusto niya.”Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May parte sa akin na gustong isipin na ako iyong tinutukoy niya. Posible kayang ako ang gusto niya?“Puwede ko bang malaman kung sino ang tinutukoy mo? I mean kung sino ang taong mahal mo. Gusto ko lang malaman.”He laughs.“Huwag na Leah—”“Ako ba ‘yon, Liam?” lakas-loob kong tanong sa kaniya.Kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit iyon sinabi ay hindi ko alam. Pero sigurado akong pagkatapos na pagkatapos kong sambitin iyon sa kaniya

    Huling Na-update : 2022-03-24
  • Pretty You   Chapter 46

    Alam kong narito sa Ilocos Norte si Julian dahil na rin sa nasabi na ito sa akin ni Felize. Pero hindi ko in-expect na rito ko sa siya makikita sa mismong bar kung saan ako niyaya ni Maureen. Kung kailan ako napahiya at kung kailan maraming tao ang tumatawa sa nangyari sa akin, saka pa siya darating.Nang makarating siya sa harapan ko ay inilahad niya agad ang kaniyang kamay sa aking harapan.“It’s nice to see you again, Leah Katarina.”Nanatili ang tingin ko sa kaniyang kamay na nasa harapan ko. What is he expecting? Gusto niya bang abutin ko iyon at sabihin kong masaya rin ako na makita siya?Nang maramdaman niyang wala akong planong tanggapin ay nakita ko ang kaniyang bahagyang pagngisi.“Namiss kita.”Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang ilakas iyon. Para bang proud na proud siya na sabihin iyon sa akin.

    Huling Na-update : 2022-03-25
  • Pretty You   Chapter 47

    Sa buong buhay ko, hindi ko pinangarap na maranasan ang ganito. Hindi ko ginusto na dahil sa akin ay magtatalo-talo ang tatlong lalaki na malapit sa akin. Yes, they are all special to me, kaya naman hindi ko matanggap na parang magpapatayan na sila kung makatingin sa isa’t isa.“Teka nga. Please lang, bitawan niyo ako,” sabi ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Halos karamihan ay lumabas na ng bar para lang makiusyoso sa nangyayari sa amin dito sa labas.“No, I won’t let you go,” Julian said.Leander scoffed. Si Liam ay tahimik lang sa isang tabi pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Pinandidilatan ko siya ng mata pero hindi pa rin siya natitinag. Ano bang problema nila sa buhay?“Kung hindi bibitaw ang lalaking ito, hindi rin kita bibitawan,” palaban na saad ni Leander.Lumakas pa ang bulung-bulungan ng mga taong nasa paligid. Ang ibang naglalakad ay humihinto pa para lang pagma

    Huling Na-update : 2022-03-25
  • Pretty You   Chapter 48

    “Leah! Leah nasa loob ka ba? Leah, open the door!”Napatayo sa kama nang marinig ko ang boses ni Leander.“Leah, buksan mo ito. Leah, okay ka lang ba?” Now it’s Liam.“Leah Katarina, please let’s talk.” At siyempre, hindi magpapatalo ang palaban na si Julian. Si Julian pa ba?“See? Even my brother is concerned to your whereabouts. Meaning, he likes you,” nakangising saad ni Felize.Itinaas-baba niya pa ang kaniyang kilay na para bang tuwang-tuwa sa nangyayari. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking pisngi.“Iba na talaga ang frenny ko. Tatlong lalaki ang nagkakagusto. Haba ng buhok ha. Ang sarap gupitin.”Napailing ako sa sinabi ni Felize.“Ewan ko sa’yo. Ang dami mong sinasabi.”Maglalakad na sana ako patungo sa pinto nang bigla niya akong harangin.“Hep! Hindi ka lalabas ng kuwarto han

    Huling Na-update : 2022-03-26
  • Pretty You   Chapter 49

    “Ang sakit ng ulo ko,” reklamo ko pagkabangon ko sa kama. Umupo ako sandali roon at marahang hinilot ang aking ulo.Naramdaman ko ring bumangon si Felize. Dire-diretso itong tumayo. Hindi ako gaanong sanay nang may katabi sa kama kaya aaminin ko, nanibago ako nang makatabi ko si Felize. Kahit kaibigan ko siya, hindi pa rin talaga ako sanay. Weird lang, kasi noong si Leander naman ang katabi ko, nakatulog naman ako nang maayos. Pero si Felize na mismong kaibigan ko, hindi ko kinaya. Ang ingay kasing matulog. Pagod siguro kaya humihilik sa pagtulog.“Ganiyan talaga. Kahit ako sasakit din ang ulo kung tatlong poging lalaki ang manliligaw ko.”Nag-angat ako nang tingin para tingnan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nakangisi siya at halatang nang-aasar.“Ang sabihin mo, ang ingay mong humilik. Dahil sa’yo kaya hindi ako nakatulog nang maayos eh.”Tumawa naman siya at saka napaturo sa kaniyang sari

    Huling Na-update : 2022-04-01
  • Pretty You   Chapter 50

    Hindi ko alam kung bakit kakaibang kaba ang aking naramdaman dahil sa ginawa niya. Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa ibang tao. Hindi niya na ako kailangan pang ipagtanggol.Nang makarating kami sa pool area ay huminto siya sa paglalakad. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para bawiin sa kaniya ang aking braso.“Hindi mo naman ako kailangang ipagtanggol, Sir Leander,” kalmadong sambit ko sa kaniya kahit ang totoo ay ang lakas ng tibok ng puso ko.Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya sa akin.“Really now, Leah? Eh, binastos ka ng noong lalaking iyon eh.”Pumikit ako nang mariin bago nag-angat nang tingin sa kaniya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata nang diretso.“What happened to us, stays with us. Labas ka na roon. Kung ako pinersonal niya, ayos lang ‘yun. Dapat hindi ka na sumali pa.”He scoffed in frustration. Naihilamos niya pa ang kaniy

    Huling Na-update : 2022-04-01
  • Pretty You   Chapter 51

    one year later… “Oh, kumusta ang pag-a apply ng visa?” bungad sa amin ni Felize pagkapasok namin sa loob ng starbucks. Kasama ko si Liam ngayon. Kagagaling lang namin sa US Embassy para mag-apply ng visa. Pagod akong umupo, ganoon din si Liam. Mukhang sumakto sa break time ni Felize ang pagpunta namin dito kaya naman narito siya ngayon sa harapan namin at pinagmamasdan kaming dalawa ng kuya niya. “Ano, denied ba?” Bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito nang marahan. “Okay lang iyan, Leah. Pangalawang beses niyo palang naman ni Kuya mag-apply. Nasabi niyo na ba kay Tita Anna na denied ang visa niyo?” tanong niya. Ang Tita Ana na kaniyang tinutukoy ay ang tutulong sa amin kapag nakarating na kami ni Liam sa US. Ngayong araw kami bumalik sa embassy para subukan ang suwerte namin. “Joke! Approved ang visa namin ni Liam papunta sa US!” tuwang sambit ko sa kaniya.

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Pretty You   Chapter 52

    “Wala na bang ibibilis iyang pagkilos mo, Leah?” reklamo ni Felize sa akin. Kasalukuyan akong nagsusuot ng rubber shoes nang dumating siya sa labas ng bahay namin. Kinailangan ko pang magmadali sa pagsisintas ng sapatos ko para lang mapagbuksan siya ng gate. “Sa biyahe ka nalang kay magsuklay. Kaloka ka. Kahit naman yata magmukha kang sinabunutan, maganda ka pa rin. Tama na ‘yan.” Mabilis niyang kinuha ang suklay sa kamay ko at hinagis sa sofa namin sa sala. Nagmadali kami sa paglabas ng bahay at tumakbo patungo sa labasan. Lahat ng tao sa bahay ay tulog pa. Wala man lang yatang nagising kahit noong nag-aasikaso ako. Ganoon din yata sa kanila. Tahimik pa ang buong kalsada. Konting sasakyan lang ang dumadaan. Paisa-isa at mga truck pa. “Paano tayo makakarating sa venue? 2:30 na,” kabadong tanong ko. Bumaling siya sa akin at ngumisi. “May solusyon na ako para riyan. Siyempre, bago pa ako pumunta sa inyo, tumawag na ako sa isang ta

    Huling Na-update : 2022-04-02

Pinakabagong kabanata

  • Pretty You   Chapter 79

    Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia

  • Pretty You   Chapter 78

    “Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld

  • Pretty You   Chapter 77

    “How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga

  • Pretty You   Chapter 76

    “Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s

  • Pretty You   Chapter 75

    Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya

  • Pretty You   Chapter 74

    “Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.

  • Pretty You   Chapter 73

    Kinabukasan nang magising ako ay agad kong napansing wala sa tabi ko si Leander. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Agad akong bumangon sa kama at nagtungo sa kitchenette pero wala siya roon. Wala rin siya sa shower room at lalong wala sa balcony.Ilang beses kong inikot ang buong suite pero wala talaga siya. Gustong-gusto ko nang lumabas sa suite para hanapin siya, pero bago ko ginawa iyon ay naghilamos muna ako at nagsipilyo. Nagpalit na rin ako ng damit. Mas conservative ang pananamit ko ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.I’m wearing one of his shirts and a denim tokong the reaches the middle of my knees.The first place that I went to is in the gym. Naisip ko, baka nag-g gym siya. Pero wala siya roon. The next place I went was the play area, still there is no sign of him being there. Bigla ko namang naalala ang Misto. Right. Maybe he is there, having chitchats with his cousin, Vin.Nasa bun

  • Pretty You   Chapter 72

    Isang marahang katok sa labas ng suite na tinutuluyan namin ang kumuha sa aming atensiyon. Nagkatinginan kami saglit ni Leander. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.“Sino ba itong istorbo?” naiinis na sambit niya. Tinawanan ko siya sa kaniyang reaksiyon. Normally, hindi talaga mainitin ang ulo niya. Pero ngayon, kitang-kita sa kaniyang hitsura na nainis siya.“Hey, love birds. It’s time to go outside of your nest and feel the beach air.”Nang marinig ko ang boses ni Vin ay agad akong napatayo sa kama at napatakbo patungo kay Leander. Sa likuran niya ako pumuwesto dahil wala akong suot na bra at the moment. I held Leander’s arm. Naramdaman ko naman ang pagharang niya sa akin. He’s covering my body so that Vin won’t see it.“So possessive,” pang-aasar nito sa kaniya. Inirapan niya naman ang kaniyang pinsan.“I’m just protecting my girl.”Vin nodde

  • Pretty You   Chapter 71

    Maganda ang buong kuwarto. Halos pinagsamang laki ito ng tatlong kuwarto namin sa bahay. Mayroong balcony sa labas. Nang magtungo ako sa banyo, nakita ko ang bathtub at ang shower room. Grabe, siguro yung gastos dito ni Leander ay kasing laki na ng tatlong buwan na trabaho ko.“Bakit naman ganito kalaking kuwarto ang kinuha mo? Dalawa lang naman tayo. Ang lawak ng espasyo, oh.”He smiled at me and put both of his hands on my shoulder.“Hindi ba sabi ko huwag mo nang problemahin kung magkano ang ibinayad ko rito. Bakasyon ito, Leah. Bakasyon natin. Mas gusto ko kampante ka. Gusto ko mae-enjoy mo ang paligid, kabilang ang kuwarto na tutuluyan natin.”“Kaya ganito kalaki ang kinuha mong kuwarto para makampante ako? Seryoso ka bas a sinasabi mo? You know I—”Napahinto ako sa pagsasalita nang halikan niya ako sa labi. Binigyan niya ako ng isang marahang halik bago mabilis na lumayo sa akin.

DMCA.com Protection Status