Hindi ko alam kung bakit kakaibang kaba ang aking naramdaman dahil sa ginawa niya. Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa ibang tao. Hindi niya na ako kailangan pang ipagtanggol.
Nang makarating kami sa pool area ay huminto siya sa paglalakad. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para bawiin sa kaniya ang aking braso.
“Hindi mo naman ako kailangang ipagtanggol, Sir Leander,” kalmadong sambit ko sa kaniya kahit ang totoo ay ang lakas ng tibok ng puso ko.
Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya sa akin.
“Really now, Leah? Eh, binastos ka ng noong lalaking iyon eh.”
Pumikit ako nang mariin bago nag-angat nang tingin sa kaniya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata nang diretso.
“What happened to us, stays with us. Labas ka na roon. Kung ako pinersonal niya, ayos lang ‘yun. Dapat hindi ka na sumali pa.”
He scoffed in frustration. Naihilamos niya pa ang kaniy
one year later… “Oh, kumusta ang pag-a apply ng visa?” bungad sa amin ni Felize pagkapasok namin sa loob ng starbucks. Kasama ko si Liam ngayon. Kagagaling lang namin sa US Embassy para mag-apply ng visa. Pagod akong umupo, ganoon din si Liam. Mukhang sumakto sa break time ni Felize ang pagpunta namin dito kaya naman narito siya ngayon sa harapan namin at pinagmamasdan kaming dalawa ng kuya niya. “Ano, denied ba?” Bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito nang marahan. “Okay lang iyan, Leah. Pangalawang beses niyo palang naman ni Kuya mag-apply. Nasabi niyo na ba kay Tita Anna na denied ang visa niyo?” tanong niya. Ang Tita Ana na kaniyang tinutukoy ay ang tutulong sa amin kapag nakarating na kami ni Liam sa US. Ngayong araw kami bumalik sa embassy para subukan ang suwerte namin. “Joke! Approved ang visa namin ni Liam papunta sa US!” tuwang sambit ko sa kaniya.
“Wala na bang ibibilis iyang pagkilos mo, Leah?” reklamo ni Felize sa akin. Kasalukuyan akong nagsusuot ng rubber shoes nang dumating siya sa labas ng bahay namin. Kinailangan ko pang magmadali sa pagsisintas ng sapatos ko para lang mapagbuksan siya ng gate. “Sa biyahe ka nalang kay magsuklay. Kaloka ka. Kahit naman yata magmukha kang sinabunutan, maganda ka pa rin. Tama na ‘yan.” Mabilis niyang kinuha ang suklay sa kamay ko at hinagis sa sofa namin sa sala. Nagmadali kami sa paglabas ng bahay at tumakbo patungo sa labasan. Lahat ng tao sa bahay ay tulog pa. Wala man lang yatang nagising kahit noong nag-aasikaso ako. Ganoon din yata sa kanila. Tahimik pa ang buong kalsada. Konting sasakyan lang ang dumadaan. Paisa-isa at mga truck pa. “Paano tayo makakarating sa venue? 2:30 na,” kabadong tanong ko. Bumaling siya sa akin at ngumisi. “May solusyon na ako para riyan. Siyempre, bago pa ako pumunta sa inyo, tumawag na ako sa isang ta
*warning: a bit of spg* Wala akong naging reaksiyon sa ginawa niyang pagbati sa akin. Kahit na kinakabahan ako, buo ang loob ko na ipakita na hindi ako apektado sa kaniyang presensiya. “Hindi mo man lang ba ako babatiin pabalik, Miss Rivera?” Umayos ako sa pagkakaupo at tumingin sa kaniya nang diretso. “Hi? Hello. Alin ba ang mas gusto mo?” tanong ko sa kaniya. Pilit akong ngumiti. Pagkatapos ay ibinaling ko na sa ibang bagay ang aking paningin. “Mukhang magkakilala naman silang dalawa. Feeling ko okay naman silang maging extra sa eksena na ito.” Kahit naririnig ko ang pag-uusap ng mga staff, hindi ko na sila pinansin pa. Kapag ngingiti sila sa akin, gaganti rin ako ng ngiti. Wala akong ibang gusto sa oras na ito kundi matapos na para makauwi na ako at makapaggayak para sa susunod kong trabaho. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Felize na nakangiti sa akin. Naka-thumbs up pa ito sa akin. Pinaning
“Leah, okay ka lang ba?”Marahan akong umayos sa pagkakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan ni KD at bumaling kay Felize.“Oo naman,” tipid kong sagot na sinamahan pa ng marahang pagtango.Dahil sa shotgun seat siya nakaupo, nakadungaw siya ngayon sa akin at pinagmamasdan ang reaction ko.“Mukhang hindi ka naman okay. Galit ka ba sa akin dahil sa ginawa ko kanina?”Tipid akong ngumiti sa kaniya.“Hindi ako galit. Inaantok lang ako. Gusto ko pang matulog. Ano kaya kung umabsent ako ngayon? Tutal naman, malaki ang kita ko roon sa pag-aasikaso kay Kyline. Isa pa, inabutan din ako ng staff kanina para sa pag-extra ko sa eksena.”Naningkit ang mga mata ni Felize.“Sigurado ka ha?”Tumango naman ako.“Hindi ka talaga papasok sa trabaho mo?”Sa nangyari sa amin ni Leander kanina sa garden, pakiramdam ko nagulantang ang buong pagka
“Naks, naman! Sikat na ang best friend ko. Kapag naging artista ka, gawin mo akong PA ha?”Inirapan ko si Felize nang marinig ang kaniyang sinabi. Kapapasok palang niya sa loob ng bahay namin, ganoon agad ang bungad niya. Sa kaniyang likuran ay naroon si Liam na tahimik lang na nakamasid sa akin. Dumiretso sila sa sala kung saan naroon ang buong pamilya ko.“Wow, ano ‘to, meeting?” pang-aasar ni Felize.Pagkalapit niya sa akin, mabilis kong kinurot ang kaniyang tagiliran.“Problemado na nga ako, andami mo pang sinasabi.”Si Liam naman ay tipid na ngumiti sa akin at umupo sa tabi ni Papa. Tinapik ni Papa ang kaniyang balikat bago sila sabay na nag-angat nang tingin sa akin.“Paano na iyan, ate? Sikat ka na. Paniguradong maraming lalapit sa’yo para interview-hin ka. Kaya mo ba ‘yon?”I think this is really the curse of being pretty. Iyong wala ka namang gina
“Grabe ang ganda niya, hindi siya bagay maging taga-linis lang.”Umagang-umaga, kapapasok ko palang sa trabaho, iyan agad ang bungad sa akin ng mga nagtatrabaho sa kompanyang pinapasukan ko bilang janitress. Lahat ng dadaan sa akin ay ngumingiti o hindi kaya ang iba na malakas ang loob ay bumabati pa.“Do you know her name?” Dinig kong tanong ng isang lalaking empleyado sa kasama nito.“Sa pagkakaalam ko, Leah raw. I don’t know about her surname.”“Grabe, totoo pala ang balita sa TV. Talagang maganda siya. Not a joke pare. How come na isa lang siyang janitress?”I bit my lower lip and focused my attention in cleaning the floor.“Based on my source, she’s working multiple jobs. Hindi ko nga lang alam kung anong mga trabaho iyon.”Through my peripheral, nakita kong napailing ang lalaking habang nakamasid sa akin.“She must be really
Maraming nagtangka na interview-hin ako pero ako na mismo ang tumanggi. Malinaw kong paliwanag sa kanila na wala akong intensiyon na makilala pa ng mga tao at sa simpleng pagkilala nila sa akin ay masaya na ako. Pero may isang pangyayari na siyang mismong nagpabago sa aking isip nang minsang may isang babaeng lumuhod sa harapan ko at nakiusap na pumayag akong maging model ng brand ng isang damit. Nagmakaawa ito na tanggapin ko ang kaniyang alok dahil kung hindi ay patatalsikin siya sa trabaho ng kaniyang boss. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para tanggihan ito lalo na at lumuhod pa ito sa harapan ko.“Sa tingin mo, tama ang ginawa kong pagpayag?” tanong ko kay Felize habang kumakain kami ng chips dito sa court. Dahil wala na akong trabaho sa gabi, nakakasabay ko na sa pag-uwi si Felize. At marami na kaming oras para magkuwentuhan.“Pakiramdam ko naman, tama lang iyon. Kasi kung tinanggihan mo siya sa harap ng mga press, paniguradong
“Teka, kaya ba nandito yung current girlfriend ng ex mo, kasi magkasama kayo sa iisang shoot?” tanong sa akin ni Felize.Kibit-balikat naman ang sinagot ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam. Hindi ko nga akalaing magkikita kami nito. I thought it would be me and the photographer. Pero nang makita ko si Ellaine naramdaman ko agad na hindi pala ako ang importanteng tao ngayong araw rito kundi siya. Siyempre, bukod sa isa siyang modelo, artista rin siya. Kilala ng mga tao. Mas kilala sa akin. Sino ba naman ako kumpara sa kaniya?Pagkarating namin sa floor kung saan magaganap ang shoot, nakita namin ang dalawang kasama ni Ellaine kanina sa labas ng studio. Nang makita kami nito ay agad itong ngumiti at lumapit sa akin. Bakas ang excitement sa kanilang mga mata habang hawak ang kani-kanilang mga cellphone.“Miss Leah, puwede po bang pa-picture? Grabe, idol ko po talaga kayo. Ang ganda-ganda po ninyo.”Ngumiti ako sa kani
Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia
“Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld
“How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga
“Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s
Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya
“Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.
Kinabukasan nang magising ako ay agad kong napansing wala sa tabi ko si Leander. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Agad akong bumangon sa kama at nagtungo sa kitchenette pero wala siya roon. Wala rin siya sa shower room at lalong wala sa balcony.Ilang beses kong inikot ang buong suite pero wala talaga siya. Gustong-gusto ko nang lumabas sa suite para hanapin siya, pero bago ko ginawa iyon ay naghilamos muna ako at nagsipilyo. Nagpalit na rin ako ng damit. Mas conservative ang pananamit ko ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.I’m wearing one of his shirts and a denim tokong the reaches the middle of my knees.The first place that I went to is in the gym. Naisip ko, baka nag-g gym siya. Pero wala siya roon. The next place I went was the play area, still there is no sign of him being there. Bigla ko namang naalala ang Misto. Right. Maybe he is there, having chitchats with his cousin, Vin.Nasa bun
Isang marahang katok sa labas ng suite na tinutuluyan namin ang kumuha sa aming atensiyon. Nagkatinginan kami saglit ni Leander. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.“Sino ba itong istorbo?” naiinis na sambit niya. Tinawanan ko siya sa kaniyang reaksiyon. Normally, hindi talaga mainitin ang ulo niya. Pero ngayon, kitang-kita sa kaniyang hitsura na nainis siya.“Hey, love birds. It’s time to go outside of your nest and feel the beach air.”Nang marinig ko ang boses ni Vin ay agad akong napatayo sa kama at napatakbo patungo kay Leander. Sa likuran niya ako pumuwesto dahil wala akong suot na bra at the moment. I held Leander’s arm. Naramdaman ko naman ang pagharang niya sa akin. He’s covering my body so that Vin won’t see it.“So possessive,” pang-aasar nito sa kaniya. Inirapan niya naman ang kaniyang pinsan.“I’m just protecting my girl.”Vin nodde
Maganda ang buong kuwarto. Halos pinagsamang laki ito ng tatlong kuwarto namin sa bahay. Mayroong balcony sa labas. Nang magtungo ako sa banyo, nakita ko ang bathtub at ang shower room. Grabe, siguro yung gastos dito ni Leander ay kasing laki na ng tatlong buwan na trabaho ko.“Bakit naman ganito kalaking kuwarto ang kinuha mo? Dalawa lang naman tayo. Ang lawak ng espasyo, oh.”He smiled at me and put both of his hands on my shoulder.“Hindi ba sabi ko huwag mo nang problemahin kung magkano ang ibinayad ko rito. Bakasyon ito, Leah. Bakasyon natin. Mas gusto ko kampante ka. Gusto ko mae-enjoy mo ang paligid, kabilang ang kuwarto na tutuluyan natin.”“Kaya ganito kalaki ang kinuha mong kuwarto para makampante ako? Seryoso ka bas a sinasabi mo? You know I—”Napahinto ako sa pagsasalita nang halikan niya ako sa labi. Binigyan niya ako ng isang marahang halik bago mabilis na lumayo sa akin.