Allyson's Point of View"Ate,"Mabuti na lang at dumating si Yuri. Kahit na hindi ko gusto ang ugali niya ay nakatulong pa rin ito mgayon."Wala na po akong ibang nakitang damit mo na maluwag. Ayos na po ba 'to?" tanong ni Yuri at ipinakita sa akin ang mga nakuha niyang damit.Halos lahat ng kinuha niya ay beach dress kaya masasabi kong maluluwag talaga ang mga ito."Thank you, Yuri. Hindi pa kasi kami nakabili ni Travis ng mga damit ko kaya mahihirapan ka talagang maghanap." saad ko sa kaniya bago kinuha ang aking damit.Kunot noo siyang bumalik sa kaniyang upuan. Yung tipong may nalaman siyang kakaiba."Pumunta ako sa kwarto ni Kuya para sana kumuha ng damit mo, pero wala akong nakitang damit mo kahit isa." ani ni Yuri at napalunok ako. "Yes, magkaiba ang lagayan ng damit namin. Masyado kasing maliit ang closet ni Travis kaya hindi ko na inilagay ang damit ko doon." palusot ko dito at kunwari sinusuri ang dam
Read more