Allyson's Point of View
Maaga akong nagising kumpara sa oras ng paggising ko kada umaga. Siguro ay naninibago ako sa presensya ni Travis sa aking tabi.
Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang nakaharap niyang mukha. Nakapikit ito at talagang napakaamo ng nakikita ko. Walang bakas ng kamanyakan ang hitsura niya ngayon. Walang bakas ng isang strikto na boss kung hindi ang tangi lang makikita ay mahimbing at payapang natutulog na Travis.
Itinaas ko ang aking kamay at hinaplos ang pisngi niya. Ewan mo ba sa sarili ko kung bakit hindi ko mapigilan ang hawakan ang pisngi niya.
"Good Morning, Love." biglang saad ni Travis kaya dahil sa gulat ay nasipa ko siya ng malakas. Nakonsensya tulo ako nang makitang hinihimas niya ang likod niga habang nakangiwi.
"Pasensya ka na. Medyo nagulat kasi ako." saad ko sa kani
Allyson's Point of ViewMagkaiba ang sasakyang ginamit namin ni Yuri. Sinadya kong iba ang ipagamit sa kaniya dahil may gawin siyang kababalaghan sa kotse ko."Bakit mo naman ako iniwan kanina?" taas kilay kong tanong kay Zia pagkapasok ko sa aking kotse."Pagod na akong makisama sa mga tao dito sa kompanya kaya hindi ko na gustong idagdag pa ang pakikisama sa babaeng 'yon." maarteng saad ni Zia na tila nandidiri siya kay Yuri. Hindi ko naman siya masisisi kung ganito na lang ang reaksiyon niya, dahil palaging siya ang napagsasabihan ko sa lahat ng inis na nararamdaman ko kay Yuri."Huwag mo na lang ipahalata kay Yuri na naiinis ka sa kaniya. Bata pa naman 'yon kaya magkakasundo kayo." natatawang saad ko kay Zia at sinamaan niya agad ako ng tingin. Nagkibit na lang ako at hindi na nagsalita dahil baka matagalan pa kami kapag nagpatuloy ako sa pang-iinis.Halos kalahating oras din ang itinagal ng byahe dahil sa traffic papunta sa venue. Me
Allyson's Point of View"I hope so. Palagi ko kasing ipinapadala ang resume ni Rory pero lahat ng ipinasa ko ay rejected. Naninibago lang ako dahil kayo mismo ang tumawag sa amin upang sabihin na gusto niyong kunin si Rory bilang model at talagang siya pa ang magsusuot ng grand dress ni Jerome. Nakakapagtataka lang." kaswal kong saad niya at pilit na itinago ang pagdududa ko. Napatawa si Austin sa 'kin at bahagyang napailing na tila nakakatawa ang aking sinabi."Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo, dahil sa nakikita ko ay talagang importante sa 'yo ang bawat modelong hinahawakan mo. Hindi rin kita masisisi sa naiisip mo dahil hindi rin maganda ang nangyari kagabi, pero sinisiguro ko sa 'yo na walang mangyayaring masama sa modelo niyo." nakangiting saad ni Austin kaya tumango na lang ako."Thank you talaga, Austin. Pasensya ka na talaga." saad ko sa kaniya at umiling naman ito. "Wala naman akong ginawa kaya huwag ka ng magpasalam
Allyson's Point of ViewMula sa aking kinatatayuan ay dinig na dinig ko ang bangayan nila Zia at Jerome."I spent my whole year para lang sa damit na 'to, tapos masisira lang ng ganito kadali?" rinig kong sigaw ni Jerome. Hindi na muna ako lumapit sa kanila dahil gusto kong malaman kung sino ang dapat kong kampihan at kung paano ko ipagtatanggol ang sarili kong modelo laban kay Jerome. Mahirap pa namang suyuin ang baklang 'to kapag involve na ang mga ginawa niyang damit."Hindi nga sinasadya ni Rory ang nangyari at isa pa, wala kang pruweba na si Rory nga ang may kasalanan. Malay ba natin kung sira na pala ang damit bago niya pa maisuot ito?" sagot naman ni Zia. Sa tingin ko ay si Matt ang may gawa ng bagay na 'to. Hindi ko siya nakita ngayon kaya hindi malabong ginawa niya ang event na 'to upang maghiganti sa nangyari kagabi. Kaya pala hindi ako mapakali kanina."Ewan ko lang talaga sa 'yo Zia kung bakit ipinagtatanggol mo pa rin ang ba
Allyson's Point of ViewPagkaailis ni Jerome ay kaagad kong sinimulan ang paggupit sa damit. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti habang ginagawa ang trabaho ko. Unti-unting bumabalik sa aking ala-ala ang dati kong trabaho na bumuhay sa amin ni Tyrell."Are you sure na kaya mong ayusin ang problema? Mukhang tama nga ang baklang 'yon na hindi na kaya sa oras." saad ni Yuri sa aking tabi pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay itinuon ang atensiyon sa paggupit. Maingat kong sinukat ang bawat gilid ng damit upang maging maayos ang kalalabasan nito. Kung marami lang sana akong oras ay dapat pinaganda ko pa ang damit, pero kailangan na itong isuot ni Rory."Rory," tawag ko kay Rory nang matapos kong ayusin ang damit."Bakit po?" malungkot na tanong ni Rory at halata sa mukha niya ang takot na baka mawalan siya ng trabaho. Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na hindi naman ako seryoso sa sinabi ko kay Jerome kanina. Wala sa plano
Third Person's Point of View Dali-daling isinugod ni Austin si Allyson sa hospital. Natataranta siya sa kung ano ang mangyayari kay Allyson.Kasalukuyan silang naghihintay ni Yuri sa labas ng emergency room."Lagot ako kay Kuya kapag may nangyaring masama sa kaniya." natatarantang saad ni Yuri at napatingin si Austin sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Inoobserbahan niya ang ikinikilos ng babae. Sa kilos palang kasi nito ay halatang may balak talaga itong ipahamak si Allyson.Ilang minuto pa ang hinintay nila nang sabay silang mapalingon sa natatarantang Lola ni Yuri."Anong nangyari? Kumusta ant bata?" sunod-sunod na tanong nito kay Yuri. Pilit na lumalapit sa pinto ng emergency room."Na sa loob pa po siya at hindi ko alam kung ano ang kalagayan nila. Pasensya na po talaga, La. Hindi ko nagawa ang utos niyo sa 'kin." mangiyak-ngiyak na saad ni Yuri at agad namang napailing ang Lola ni Travis. Lingid sa kaalaman ng dalawa ang nakangisi
Allyson's Point of View"Nasaan ang bata?" Sabay kaming napalingon ni Travis kay Lola. Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay biglang bumalik sa akin. "Lola," tawag ko dito upang sana ay kumalma siya pero hindi man lang nag-iba ang ekspresyon niya."Nasaan ang bata, Allyson? Hindi ba't sabi mo ay buntis ka?" seryosong tanong nito at napalingon ako kay Travis. Sa mukha ni Travis ay halatang kinakabahan din siya sa nangyayari ngayon. Siguro ay ayos lang sa Lola niya kung magsisinungaling siya dahil magkadugo naman sila, samantalang ako ay talagang kamumuhian ng buong pamilya nila. Mas malabong makilala ni Tyrell ang pamilya ng tatay niya."Lola, pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadya." mahinahong saad ko dito at akmang aabutin ang kamay niya nang inilayo siya ni Yuri sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi samaan ito ng tingin. Halata naman kasi na plano niya ang lahat ng 'to. Hindi bobo si Yuri kaya alam ko na nakakahalata s
Travis Point of ViewHindi kami sabay pumasok ni Allyson sa kompanya dahil mamayang hapon pa siya aalis para sa isang broadcast. Gusto ko nga sanang sumama sa kaniya para masiguro ang kaligtasan niya pero hindi naman siya pumayag sa gusto ko. Kaya naman daw niyang protektahan ang sarili niya kung sakali mang may gagawin si Yuri sa kaniya. Sa lahat ng tao na nakapaligid sa amin ay si Yuri lang talaga ang sa tingin ko ay kayang gumawa ng krimen para lang masira kami ni Allyson. Nabasa ko kasi sa isang article na kapag sumobra ang pagmamahal mo sa isang tao ay baka makagawa ka pa ng krimen para lang makuha ito."Lutang ka yata ngayon?"Napalingon ako sa pumasok at nang mapagtanto na si Chad lang pala ay hindi ko mapigilan ang hindi bumung hininga. Kanina pa ako naghihintay ng taong mapagsasabihan ng problema."Hindi naman masyado. Wala lang talaga akong magawa kaya ang tahimik ko." depensa ko sa kaniyang sinabi pero napangisi ito at umupo s
Travis Point of ViewHindi ko mapigilan ang sariling hindi mapangiti habang kinukuha ang aking cellphone. Plano kong tawagan muna si Allyson dahil baka kung ano na naman ang isinuot niya ngayon sa broadcast.Nakakailang ring pa ang nagdaan matapos niyang sagotin ang tawag. "Hello?"Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapangiti matapos marinig ang maamo niyang boses."Hello! Nasaan ka ngayon?" bati ko kay Allyson at narinig ko naman ang pagmamadali niya sa kabilang linya."Pababa na ako ng hagdan sa bahay. Pupunta ako sa live broadcast ngayon. Bakit?" inosente nitong tanong at ako naman itong pinipilit ikalma ang sarili dahil nakatingin sa akin si Chad at baka isipin niya na under ako kay Allyson."Alam mo na ba ang proper dress code sa broadcast? Ako mismo ang nagpabago sa dress code para sa 'yo." nakangiti kong sagot at hinintay ang sagot niya sa 'kin. Ang tanging narinig ko lang ay ang buntong hininga niya. Siguro a
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan