Home / Romance / Never Not Love You / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Never Not Love You: Chapter 91 - Chapter 100

244 Chapters

Chapter 88

Allyson's Point of ViewMula sa aking kinatatayuan ay dinig na dinig ko ang bangayan nila Zia at Jerome."I spent my whole year para lang sa damit na 'to, tapos masisira lang ng ganito kadali?" rinig kong sigaw ni Jerome. Hindi na muna ako lumapit sa kanila dahil gusto kong malaman kung sino ang dapat kong kampihan at kung paano ko ipagtatanggol ang sarili kong modelo laban kay Jerome. Mahirap pa namang suyuin ang baklang 'to kapag involve na ang mga ginawa niyang damit."Hindi nga sinasadya ni Rory ang nangyari at isa pa, wala kang pruweba na si Rory nga ang may kasalanan. Malay ba natin kung sira na pala ang damit bago niya pa maisuot ito?" sagot naman ni Zia. Sa tingin ko ay si Matt ang may gawa ng bagay na 'to. Hindi ko siya nakita ngayon kaya hindi malabong ginawa niya ang event na 'to upang maghiganti sa nangyari kagabi. Kaya pala hindi ako mapakali kanina."Ewan ko lang talaga sa 'yo Zia kung bakit ipinagtatanggol mo pa rin ang ba
Read more

Chapter 89

Allyson's Point of ViewPagkaailis ni Jerome ay kaagad kong sinimulan ang paggupit sa damit. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti habang ginagawa ang trabaho ko. Unti-unting bumabalik sa aking ala-ala ang dati kong trabaho na bumuhay sa amin ni Tyrell."Are you sure na kaya mong ayusin ang problema? Mukhang tama nga ang baklang 'yon na hindi na kaya sa oras." saad ni Yuri sa aking tabi pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay itinuon ang atensiyon sa paggupit. Maingat kong sinukat ang bawat gilid ng damit upang maging maayos ang kalalabasan nito. Kung marami lang sana akong oras ay dapat pinaganda ko pa ang damit, pero kailangan na itong isuot ni Rory."Rory," tawag ko kay Rory nang matapos kong ayusin ang damit."Bakit po?" malungkot na tanong ni Rory at halata sa mukha niya ang takot na baka mawalan siya ng trabaho. Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na hindi naman ako seryoso sa sinabi ko kay Jerome kanina. Wala sa plano
Read more

Chapter 90

Third Person's Point of View Dali-daling isinugod ni Austin si Allyson sa hospital. Natataranta siya sa kung ano ang mangyayari kay Allyson.Kasalukuyan silang naghihintay ni Yuri sa labas ng emergency room."Lagot ako kay Kuya kapag may nangyaring masama sa kaniya." natatarantang saad ni Yuri at napatingin si Austin sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Inoobserbahan niya ang ikinikilos ng babae. Sa kilos palang kasi nito ay halatang may balak talaga itong ipahamak si Allyson.Ilang minuto pa ang hinintay nila nang sabay silang mapalingon sa natatarantang Lola ni Yuri."Anong nangyari? Kumusta ant bata?" sunod-sunod na tanong nito kay Yuri. Pilit na lumalapit sa pinto ng emergency room."Na sa loob pa po siya at hindi ko alam kung ano ang kalagayan nila. Pasensya na po talaga, La. Hindi ko nagawa ang utos niyo sa 'kin." mangiyak-ngiyak na saad ni Yuri at agad namang napailing ang Lola ni Travis. Lingid sa kaalaman ng dalawa ang nakangisi
Read more

Chapter 91

Allyson's Point of View"Nasaan ang bata?" Sabay kaming napalingon ni Travis kay Lola. Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay biglang bumalik sa akin. "Lola," tawag ko dito upang sana ay kumalma siya pero hindi man lang nag-iba ang ekspresyon niya."Nasaan ang bata, Allyson? Hindi ba't sabi mo ay buntis ka?" seryosong tanong nito at napalingon ako kay Travis. Sa mukha ni Travis ay halatang kinakabahan din siya sa nangyayari ngayon. Siguro ay ayos lang sa Lola niya kung magsisinungaling siya dahil magkadugo naman sila, samantalang ako ay talagang kamumuhian ng buong pamilya nila. Mas malabong makilala ni Tyrell ang pamilya ng tatay niya."Lola, pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadya." mahinahong saad ko dito at akmang aabutin ang kamay niya nang inilayo siya ni Yuri sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi samaan ito ng tingin. Halata naman kasi na plano niya ang lahat ng 'to. Hindi bobo si Yuri kaya alam ko na nakakahalata s
Read more

Chapter 92

Travis Point of ViewHindi kami sabay pumasok ni Allyson sa kompanya dahil mamayang hapon pa siya aalis para sa isang broadcast. Gusto ko nga sanang sumama sa kaniya para masiguro ang kaligtasan niya pero hindi naman siya pumayag sa gusto ko. Kaya naman daw niyang protektahan ang sarili niya kung sakali mang may gagawin si Yuri sa kaniya. Sa lahat ng tao na nakapaligid sa amin ay si Yuri lang talaga ang sa tingin ko ay kayang gumawa ng krimen para lang masira kami ni Allyson. Nabasa ko kasi sa isang article na kapag sumobra ang pagmamahal mo sa isang tao ay baka makagawa ka pa ng krimen para lang makuha ito."Lutang ka yata ngayon?"Napalingon ako sa pumasok at nang mapagtanto na si Chad lang pala ay hindi ko mapigilan ang hindi bumung hininga. Kanina pa ako naghihintay ng taong mapagsasabihan ng problema."Hindi naman masyado. Wala lang talaga akong magawa kaya ang tahimik ko." depensa ko sa kaniyang sinabi pero napangisi ito at umupo s
Read more

Chapter 93

Travis Point of ViewHindi ko mapigilan ang sariling hindi mapangiti habang kinukuha ang aking cellphone. Plano kong tawagan muna si Allyson dahil baka kung ano na naman ang isinuot niya ngayon sa broadcast.Nakakailang ring pa ang nagdaan matapos niyang sagotin ang tawag. "Hello?"Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapangiti matapos marinig ang maamo niyang boses."Hello! Nasaan ka ngayon?" bati ko kay Allyson at narinig ko naman ang pagmamadali niya sa kabilang linya."Pababa na ako ng hagdan sa bahay. Pupunta ako sa live broadcast ngayon. Bakit?" inosente nitong tanong at ako naman itong pinipilit ikalma ang sarili dahil nakatingin sa akin si Chad at baka isipin niya na under ako kay Allyson."Alam mo na ba ang proper dress code sa broadcast? Ako mismo ang nagpabago sa dress code para sa 'yo." nakangiti kong sagot at hinintay ang sagot niya sa 'kin. Ang tanging narinig ko lang ay ang buntong hininga niya. Siguro a
Read more

Chapter 94

Third Person's Point of ViewNakangiting ibinaba ni Travis ang tawag at mapang-asar na tiningnan si Chad. Gustong iparating ni Travis kay Chad kung gaano sila kasayang mag-asawa sa piling ng isa't isa."How was it? Hindi ba't napakasaya namin ni Allyson? Masyado bang swerte si Allyson dahil nakahanap siya ng isang sweet na lalaki?" nakangiting tanong ni Travis at para namang nandidiring tumingin si Chad sa kaniya. Sa buong buhay ni Chad ay ngayon niya na lang ulit nakita ang kaibigang masaya matapos itong magising mula sa pagiging coma, kaso lang natatakot si Chad dahil sa nakita niyang plano ni Allyson sa bahay ni Zia. Nahihirapang magtiwala si Chad dahil baka pinaglalaruan lang ni Allyson si Travis upang makuha nito ang hustisya para kay Almira."Gusto mo talagang malaman ang opinyon ko?" tanong ni Chad at tumango naman si Travis. Sabik na sabik na malaman ang opinyon ng kaibigan."Sa sinabi mo sa kaniya ay nagmumukha ka ng tatay ni Al
Read more

Chapter 95

Allyson's Point of ViewHindi ko mapigilan ang hindi madismaya sa nangyayari ngayon. Kahit halata na si Travis ang may gawa ng lahat ay may parte pa rin sa akin ang naniniwalang hindi si Travis ang puno't dulo ng lahat."Huwag ka munang mag-isip nang kung ano-ano lalo na't hindi pa naman natin napapatunayan ang lahat."Alam kong sinasabi lang ito ni Zia upang hindi ako magalit kaagad kay Travis lalo na't maraming tao ang madadamay kapag bigla ko na lang pinutol ang kung ano man ang mayroon sa amin ni Travis."Hindi ko na alam, Zi. Nakakatakot nang pagkatiwalaan si Travis." malungkot kong saad kay Zia at pinipigilan ang sariling mapaiyak. Hindi kasi ito ang panahon upang pairalin ko ang pagiging malambot."Sa tingin ko naman ay mahal ka talaga ni Travis. Hindi naman niya ibibigay lahat ng ari-arian niya sa 'yo
Read more

Chapter 96

Allyson's Point of  View"Basahin mo ng maiigi ang mga nakasulat." seryosong saad ng doktor at iniabot sa akin ang isang folder.Kaagad ko naman itong tinanggap at seryosong binasa. Halos manlamig ako sa aking kinatatayuan sa mga salitang nabasa."Kailangan na po ba talagang umabot sa ganito, Dok?" kalmado kong tanong dito habang umaasa na magiging maayos lang si Auntie."Nasa kritikal na kondisyon ang pasyente kaya gusto naming ihanda ang pamilya niya sa mas masakit na katotohanan." saad ng doktor at tahimik akong tumango.Sa tingin ko ay ayos lang naman kung pipirma ako dahil mukha namang makakayanan ni Auntie ang operasyon.Pagkatapos kong pumirma ay kaagad  akong nanghina kaya kailangan pa akong alalayan ni Iris paupo. Pagkaupo ko ay biglang sumagi sa aking isipan k
Read more

Chapter 97

Travis Point of ViewPagkatapos ng aking mga trabaho sa kompanya ay minabuti kong umuwi muna sa bahay upang magbihis para sa date namin ni Allyson. Kasalukuyan kong tinitingnan ang mga gamit na gagamitin namin mamaya. Gusto kong maging perpekto ang paglalahad ko sa aking nararamdaman upang hindi siya magkaroon ng ideyang makakahanap pa siya iba."Importante sa akin ang gabing ito kaya sana ay walang mangyaring hindi kaaya-aya." panimula ko sa mga empleyadong nakahilera.Nagsimula kong tingnan ang mga dekorasyon pati na rin ang mga napiling bulaklak."Bakit mukhang nalanta ang bulaklak na 'to? Hindi ba't sinabi ko naman sa inyo na dapat bago ang mga bulaklak?" tanong ko sa isang staff at ipinakita ang medyo nalalantang bulaklak. Baka sabihin pa ni Allyson na wala akong effort sa ginawa ko."Titingnan ko na po
Read more
PREV
1
...
89101112
...
25
DMCA.com Protection Status