Allyson's Point of View
Hindi ko mapigilan ang hindi madismaya sa nangyayari ngayon. Kahit halata na si Travis ang may gawa ng lahat ay may parte pa rin sa akin ang naniniwalang hindi si Travis ang puno't dulo ng lahat.
"Huwag ka munang mag-isip nang kung ano-ano lalo na't hindi pa naman natin napapatunayan ang lahat."
Alam kong sinasabi lang ito ni Zia upang hindi ako magalit kaagad kay Travis lalo na't maraming tao ang madadamay kapag bigla ko na lang pinutol ang kung ano man ang mayroon sa amin ni Travis.
"Hindi ko na alam, Zi. Nakakatakot nang pagkatiwalaan si Travis." malungkot kong saad kay Zia at pinipigilan ang sariling mapaiyak. Hindi kasi ito ang panahon upang pairalin ko ang pagiging malambot.
"Sa tingin ko naman ay mahal ka talaga ni Travis. Hindi naman niya ibibigay lahat ng ari-arian niya sa 'yo
Allyson's Point of View"Basahin mo ng maiigi ang mga nakasulat." seryosong saad ng doktor at iniabot sa akin ang isang folder.Kaagad ko naman itong tinanggap at seryosong binasa. Halos manlamig ako sa aking kinatatayuan sa mga salitang nabasa."Kailangan na po ba talagang umabot sa ganito, Dok?" kalmado kong tanong dito habang umaasa na magiging maayos lang si Auntie."Nasa kritikal na kondisyon ang pasyente kaya gusto naming ihanda ang pamilya niya sa mas masakit na katotohanan." saad ng doktor at tahimik akong tumango.Sa tingin ko ay ayos lang naman kung pipirma ako dahil mukha namang makakayanan ni Auntie ang operasyon.Pagkatapos kong pumirma ay kaagad akong nanghina kaya kailangan pa akong alalayan ni Iris paupo. Pagkaupo ko ay biglang sumagi sa aking isipan k
Travis Point of ViewPagkatapos ng aking mga trabaho sa kompanya ay minabuti kong umuwi muna sa bahay upang magbihis para sa date namin ni Allyson. Kasalukuyan kong tinitingnan ang mga gamit na gagamitin namin mamaya. Gusto kong maging perpekto ang paglalahad ko sa aking nararamdaman upang hindi siya magkaroon ng ideyang makakahanap pa siya iba."Importante sa akin ang gabing ito kaya sana ay walang mangyaring hindi kaaya-aya." panimula ko sa mga empleyadong nakahilera.Nagsimula kong tingnan ang mga dekorasyon pati na rin ang mga napiling bulaklak."Bakit mukhang nalanta ang bulaklak na 'to? Hindi ba't sinabi ko naman sa inyo na dapat bago ang mga bulaklak?" tanong ko sa isang staff at ipinakita ang medyo nalalantang bulaklak. Baka sabihin pa ni Allyson na wala akong effort sa ginawa ko."Titingnan ko na po
Allyson's Point of ViewSeryoso ang mukhang ipinakita ko sa lahat matapos akong lumabas mula sa make-up room."Get Ready!" sigaw ng direktor at kaagad ng nagsimula."Good evening, Philippines! This is Holy from popdev media. Today, we are pleased to have Flare. She is an international critic and also known as Allyson, president of Soul Empire modelling agency. Please help me welcome, Allyson Flare Tan!" masiglang panimula ng interviewee at pilit naman akong ngumiti sa camera."Hello everyone, I'm Allyson. It's my pleasure to be here tonight." nakangiting bati ko sa camera para naman hindi nila mahalata ang tunay kong nararamdaman."You've earned a reputation na lahat ng gusto mong tulongan ay umaangat sa buhay. Maraming nagsasabi na lahat ng taong tinutulongan mo ay umuunlad sa buhay basta't
Third Person's Point of ViewMalapad ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Travis matapos panoorin ang interview ng kaniyang asawa. Pakiramdam niya ay mahal na mahal siya ni Allyson at kaya nitong ipagsigawan sa buong mundo ang nararamdaman nito para sa kaniya.Babalik na sana si Travis sa kaniyang upuan nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone dahil sa mensaheng natanggap mula kay Chad. Nakangiti siyang binuksan ang mensahe hanggang sa unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mukha."Hindi bumalik si Allyson para ayusin ang relasyon niyo kung hindi ay bumalik siya upang hanapin ang hustisya sa nangyari kay Almira at para na rin sirain ka at ang pinakamamagal mong Soul Empire." basa ni Travis sa mensahe ni Chad.Napaupo si Travis at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Masyado siyang nabasa sa nagulat dahil pakiramdam niya ay pi
Third Person's Point of View"What kind of rubbish is this?"Nagulat ang lahat matapos marinig ang sigaw ni Mr. Tan."I didn't pay you to give me this kind of work! Go away!"Kaagad namang umalis ang empleyado sa opisina ni Mr. Tan."You'll be fired if you can't satisfy me!" sigaw ni Travis mula sa kaniyang opisina na paniguradong maririnig ng lahat."May sayad ba si Mr. Tan ngayon? Kausapin mo nga dahil pitong tao na ang tinanggal niya ngayon." reklamo ng empleyado sa kadadating lang na secretary nito, si Chad Biazon."May pinagdadaanan lang si Mr. Tan kaya ibuhos niyo lahat ng lakas niyo sa trabaho." Hindi sumagot ang empleyado kaya nagpatuloy na lang si Chad sa opisina ni Travis at laking gulat niya n
Third Person's Point of ViewPapupungas-pungas na gumising si Chad. Napakunot ang noo niya nang bigla niyang maalala ang nangyari sa kaniya. Akmang igagalaw na niya sana ang mga kamay niya upang abutin ang ilong niyang namamaga nang biglang sumakit ang mga ito. Tiningnan niya ang mga kamay niya at nanlaki ang mga mata nang biglang makita ang kaniyang kalagayan."Zia!" sigaw ni Chad at ilang minuto naman ang lumipas nang lumitaw si Zia sa kaniyang harapan. May hawak itong prutas na tila naiirita kay Chad."Ano na naman ang kailangan mo? Alam mo ba na napakaingay mo?" naiiritang tanong ni Zia bago kumagat sa hawak niyang apple."Ano na naman ang naisip mong kalokohan at talagang itinali mo pa ako?" kunot noong tanong ni Chad at buong lakas na pilit kumawala sa pagkakatali."Baka kasi kunin mo s
Third Person's Point of ViewMalungkot na umuwi si Allyson. Bitbit niya ang flashdrive na ibinigay ni Chad sa kaniya. Milyon-milyong emosyon ang nararamdaman niya habang inilalagay sa laptop ang flashdrive."I love you so much, Ally!" sigaw ni Travis mula sa video. Boses pa lang ni Travis ay naiiyak na si Allyson. Gusto na niyang makausap ng matino ang asawa."I just want to say na, sana ay manatili ka sa tabi ko hanggang sa tumanda tayong dalawa. Hindi ako magdadalawang isip na hanapin ka kapag nawala ka pa ulit sa buhay ko."Napaiwas ng tingin si Travis sa camera pero pinilit siya ni Chad na humarap doon."Ikaw na lang kaya ang magsabi sa kaniya? Nahihiya ako! Hindi ako 'to, Chad!" Napatawa si Allyson sa pa
Allyson's Point of ViewPagkatapos kong umalis sa hospital ay minabuti kong tawagan ang kompanya upang sabihin sa kanila ang meeting. Naisipan ko na mauna na lang sa meeting place para naman hindi magkaroon si Travis ng rason upang hindi makapunta.Mula sa aking kinatatayuan ay kaagad kong nakita ang nakaupong Xia. May bitbit siyang inumin habang bakante ang kaharap niyant upuan. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad siyang nilapitan."Xia!" masiglang bati ko sa kaniya kaya napatingin siya sa 'kin. Awtomatiko naman siyang ngumiti nang mapagtanto niya na ako pala ang lumapit sa kaniya."You're still the jolly Allyson from the roadside." natatawang saad niya at itinuro ang bakanteng upuan sa kaniyang harapan. Marunong naman siyang magtagalog kaya maiintindihan niya pa rin ako kung sakali mang magsalita ako ng filipino.
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan