Pagkatapos ng nangyaring usapan sa hapag ay saglit na nagpahinga si Travis. Eksakto namang dumating sina Zia at Chad upang bisitahin ang pamilya. Si Chad ang nakikipaglaro kay Tyrell, habang si Zia at Allyson ay nag-uusap sa veranda kung saan hindi maririnig ni Travis."Anong balita? Pumayag ba?" nakangiting tanong ni Zia, pero umiling si Allyson."Masyadong naging excited si Tyrell kaya hindi niya nakumbinsi ang tatay niya. Though, napauwi niya naman sa bahay." sagot ni Allyson. Tinapik ni Zia ang likod ng kaibigan upang kahit papaano ay mabawasan ang lungkot nito."Ano na ang plano? Huhulaan ko mula sa mukha mo na nag-away kayo ni Travis kanina." panimula ni Zia at inirapan naman siya ng kaibigan."Nag-aya kasi si Tyrell na pumunta sa ocean park. Alam na nga niya sa sarili niya na hindi niya kayang samahan ang anak namin, pero sasama pa rin siya. Hindi niya man lang inisip na may nag-aalala sa kaniya." sumbong ni Allyson at bahagyang napatingin sa direksiyon ng anak."What if ito na
Read more