Home / Romance / Never Not Love You / Chapter 221 - Chapter 230

All Chapters of Never Not Love You: Chapter 221 - Chapter 230

244 Chapters

Chapter 205

Allyson's Point of ViewPagkauwi ko sa bahay ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad naghanap ng maaaring lunas sa sakit ni Travis. May ideya na ako sa kung ano ang sakit niya at kailangan ko lang ng confirmation upang mapatingnan ko siya sa magaling na doktor."May nakita ka na ba?"Napaangat ako ng tingin dahil sa biglaang pagsasalita ni Zia. Nauna kasi akong umuwi sa kaniya."Naghahanap pa ako ng tamang tawag sa sakit niya. Wala kasi akong masyadong alam sa nararamdaman niya ngayon." sagot ko dito at ipinagpatuloy ang paghahanap."Masyado bang seryoso ang kondisyon niya?" muling tanong nito at ngayon ay naglapag na siya ng wine.Tumango ako sa kaniya bago ibinaba ang c
Read more

Chapter 206

Allyson's Point of ViewPagkaalis nina Zia ay kaagad akong umupo sa upuan ni Chad. Kung dati ay tumitingin kaagad sa akin si Travis, ngayon ay hindi. Diretso ang tingin nito sa unahan habang seryoso ang mukha. Ewan ko lang kung galit ba siya o kinakabahan sa maaaring mangyari ngayong wala si Chad sa tabi niya."Ito nga pala ang follow up contract ng Jewel. Basahin mo na lang at kung wala ka namang mahanap na mali ay pirmahan mo na lang." saad ko at inilapag ang folder.Pwede naman talaga na ako na lang ang pumirma nito, pero mas malalaman ko ang tunay na kalagayan niya kapag ginamit ko 'to.Tinanggap niya ang folder pero hindi niya ito binasa."Kanina pa kasi ako nagbabasa ng mga papeles kaya medyo sumasakit ang ulo ko. Pwede ba na mamaya ko na lang ito basahin at ipapahatid ko na lang kay Chad pagkatapos?" tanong ni
Read more

Chapter 207

Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ay mauuna ako sa kompanya. Dumiretso ako sa opisina ni Travis ay doon naisipang hintayin siya. Sinabi ko na rin sa kaniya kung gaano kagulo ang kompanya kung wala ang presensya niya. Natatakot nga ako sa magiging reaksiyon nila mamaya sa sasabihin ni Travis. Paniguradong aalma na naman ang mga tao mamaya."Nandito na po si Sir Travis." anunsiyo ni Shiloah."Papuntahin mo muna siya dito." utos ko dito.Unang pumasok si Chad sa amin dahil baka raw maawa siya kay Travis kung sasabay siya. Sasamahan ko nga sana si Travis dahil baka kung saan siya bumangga o 'di kaya ay baka mawala siya kaso ayaw niya naman dahil nakakakita pa raw siya.Ilang minuto pa ang pinili kong paghihintay sa kaniya, pero walang Travis ang pumasok kaya naisipan ko na lumabas at salubungin
Read more

Chapter 208

3rd Person's Point of ViewTulad ng palaging nakasanayan nina Austin at Mr. Chan ay naglaro sila ng golf matapos ang meeting nito. Ito ang ginagawa nila kapag nagpapatawag ng meeting si Travis. Pinag-uusapan nila kung ano ang susunod nilang hakbang."Nice goal! Iba talaga ang galing kapag bata." papuri ni Mr. Chan kay Austin na ngayon ay nakangiti habang papalapit sa matanda."Masyado mo namang pinapalaki ang ulo ko sa mga papuri mo, Mr. Chan." kunwari nahihiyang sagot ni Austin at tumabi sa matanda. Naging seryoso naman bigla ang mukha ni Mr. Chan."Sa tingin ko ay may mali talagang nangyayari sa Soul Empire." pahayag ni Mr. Chan at napatingin naman sa kaniya si Austin na tila naguguluhan."Anong ibig mong sabihin? Baka naman nagkakamali ka lang ng hinala." tila natatawang tanong ni
Read more

Chapter 209

Allyson's Point of ViewNagising ako nang marinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto. Nakita ko si Tyrell na nakatayo sa aking gilid habang malungkot ang mga mata nito."Kanina ka pa ba dito?" tanong ko at kaagad siyang binuhat paupo sa gitna namin ni Travis, na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Sana ganito lang siya palagi, edi sana hindi siya nagkakasakit."Yes po, sinabihan kasi ako ni yaya na nandito raw kayo kaya pumasok ako. Bakit nga po pala kayo maagang umuwi?" nagtataka ang mukha nito, pero nakatingin pa rin sa kaniyang ama. Kahit palaging inaaway ni Tyrell ang ama, ay hindi pa rin niya matatago na mahal na mahal niya ito."Daddy is sick anak kaya kailangan niya munang magpagaling. You need to behave, so that daddy can avoid stress, okay?" malumanay na sagot ko dito at inosente naman itong tumango. I wonder k
Read more

Chapter 210

Allyson's Point of ViewHalos tatlong araw na siyang wala sa tabi ko, pero pakiramdam ko ay isang taon ko na siyang hindi kasama. Nakakalungkot lang isipin na kailangan kong ibuhos ang buong atensiyon ko sa trabaho at sa anak namin upang hindi ko siya maisip. Kapag kasi wala akong pinagkaka-abalahan ay naiisip ko siya at hindi ko maiwasang huwag mag-alala."Malungkot ka na naman. Hindi pa nga umaabot ng isang linggo mula ng umalis sila ay nagiging tahimik ka na."Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Travis at nakatayo doon si Zia. May dala itong kape habang nakangiti sa akin. Napili ko kasing dito muna sa opisina ni Travis magtrabaho upang kahit pa-paano au maramdaman ko ang presensya niya.Ang corny lang pakinggan, pero hindi ko kaya kapag wala siya o kahit anong bagay na may kinalaman sa kaniya. Nagiging dependent na 'ko masyado sa presensya niya."Kanina ka pa diyan? Hindi ko naramdaman ang presensya mo." pahayag ko at sinimulang maghanap ng mga papeles na babasahin."Paano mo nam
Read more

Chapter 211

Allyson's Point of ViewTinawagan ko lahat ng pangalan na ibinigay ni Zia. Halos lahat naman sila ay may magagandang gawa, pinili ko lang talaga yung hindi mahirap kausapin at mabilis matuto upang hindi ako mahirapan sa pakikipag-usap dito.Kasalukuyan kaming papunta ni Zia sa isang restaurant upang makipag-kita sa napili naming core member ng bagong project."Sana talaga siya na ang hinahanap natin. Masyadong sayang ang oras natin kung hindi riya siya sisipot."Medyo naiinis nga ako sa ibang designer dahil masyadong mataas ang tingin sa sarili. Maayos ang naging usapan namin na magkikita kami, pero pinaghintay kami ng tatlong oras. Mabuti sana kung siya lang ang trabaho namin ngayon, pero hindi."Tinataasan ko na nga lang ang pasensya ko, Zi." sagot ko dito at bumuntong hininga."You're here!" napatingin ako sa labas bago nginitian si Zia."Ipadala mo na lang yung kotse ko dito mamaya at ako na lang ang uuwi." suhestiyon ko kay Zia dahil palagi na lang itong nakasunod sa akin at sa t
Read more

Chapter 212

Masayang nakipag-kamay si Austin kay Mr. Chan. Sa isip nito ay malapit na niyang makuha ang bagay na gusto niya at hindi siya makapaniwala na masyadong madali ang ginawa niya. Hindi ito ang inaasahan niya."My pleasure working with you." nakangiting saad nito matapos pumirma ang lahat ng naimbitahan ni Mr. Chan."Likewise, but how is it going with Travis? Wala pa rin akong naririnig na balita." tanong ni Mr. Chan at nagkibit-balikat si Austin."Nothing special. Nautosan ko na ang mga tauhan ko na alamin ang tunay niyang kondisyon. Sa tingin ko ay resulta na sa lalong madaling panahon." buong sariling sagot ni Austin, pero nairita si Mr. Chan."Huwag mong isasagot sa 'kin na magkakaroon ka na ng resulta. Nagmamadali ang mga tao kaya hindi ito dapat malaman ni Travis. Alam mo naman siguro kung gaano kabilis mag-isip ang lalaking 'yon." seryosong paalala nito sa binata, pero ngumisi lang ito na tila alam niya na ang mangyayari."Nakakatawa naman ang hitsura mo ngayon. Kahit pa gaano kabi
Read more

Chapter 213

Allyson's Point of View"This is all nonsense!" umalingaw-ngaw ang boses ni Mr. Chan sa loob ng meeting room."Hindi ako naniniwala na hindi totoo ang kumakalat na balita tungkol sa kalusugan mo! Nakita namin ang medical records mo! Aren't you sick?" hindi makapaniwalang pahayag nito.Kahit nga ako ay hindi makapaniwalang kasama ko ngayon si Travis. Siguro ay hindi talaga sila umalis ng bansa at inilihim lang nila ito sa akin upang hindi ako magalit dahil alam ni Travis na hindi ako papayag na hindi siya umalis."Ang bigat naman yata ng presensya ko para sa 'yo, Mr. Chan. Masyado ka naman yatang nagulat na buhay ako." natatawang saad ng asawa ko habang si Mr. Chan ay nakakunot pa rin ang noo. Pareho kami ng reaksiyon ni Mr. Chan ngayon."Nakita namin lahat ang medical record mo at may pirma pa ng doktor! Hindi naman nagkakamali ang isang medical record!"Iyon din ang pagkakaintindi ko. Ipinakita niya ang medical record ni Travis at talagang may pirma ito ng doktor niya. Ang doktor na
Read more

Chapter 214

Travis Point of ViewMaaga akong nakipagkita kay Uncle Tiu upang linawin ang lahat ng bumabagabag sa isipan ko. Sa lahat ng empleyado sa kompanya ay sa kaniya lang ako may tiwala. Mabuti nga at wala siyang ginagawa ngayon kaya napaunlakan niya ang gusto ko.Kasalukuyan kaming nakaupo sa dining area nila habang inaayos ko ang iinumin namin."Naalala ko pa po na hindi kayo umiinom ng alcohol drinks, kaya nagdala ako ng imported tea." nakangiting saad ko dito habang nilalagyan ng tsaa ang baso nito."Thank you so much for visiting, Mr. Tan. Ano nga pala ang maitutulong ko sa pagpunta mo dito?"Medyo nakaramdam naman ako ng lungkot dahil masyado itong pormal sa akin."Tayong dalawa lang po ang nandito kaya pwede niyo akong tawagin sa pangalan ko. Kalimutan niyo po muna ang posisyon ko." magalang kong saad dito at tumango naman siya.Si uncle Tiu na ang nagsilbi kong pangalawang pamilya magmula nang mawala ang magulang ko. Siya palagi ang kasama ko sa tuwing may problema ang kompanya."Ano
Read more
PREV
1
...
202122232425
DMCA.com Protection Status