Home / Romance / Never Not Love You / Chapter 131 - Chapter 140

All Chapters of Never Not Love You: Chapter 131 - Chapter 140

244 Chapters

Chapter 124

Allyson's Point of ViewHindi na ako nagpahatid kay Zia papunta sa restaurant ni Lance. Kaagad akong sumakay sa sarili kong kotse at kaagad na sinugod ang lugar."Lance! Talaga bang wala kang alam sa lahat ng nangyayari?" sigaw ko pagkababa sa sasakyan.Naramdaman ko na lang ang malakas na bisig na yumakap sa akin. Pinipigilan akong lapitan ang nagmamadaling Lance. Hindi ko naman siya aawayin. Gusto ko lang namang malaman ang totoo dahil pagod na akong tumakbo sa lahat ng paratang nila sa 'kin."Hindi mo na kailangang kausapin si Lance. Kumalma ka na, Ally." mahinahong saad ni Travis pero hindi ako nakinig sa kaniya."No! Hindi ako naniniwalang wala siyang alam sa nangyari dati! Kailangan niyang masalita!" sigaw ko habang pilit na kumakawala kay Travis pero mas lalo lamang itong humihigpit."Allyson!"Dahil sa malakas niyang sigaw ay napatigil ako. Nagmistulang warning ang sigaw niya."I already told you na ako na ang bahala sa lahat ng nangyayari. Hindi ka ba naniniwala sa pangako ko
last updateLast Updated : 2022-05-26
Read more

Chapter 125

Allyson's Point of ViewPlano sana naming kumain sa isang thai restaurant, pero habang nagmamaneho siya ay napansin ko na napapahawak siya sa kaniyang ulo kaya sinabihan ko na lang siya na umuwi na lang kami. Naniwala naman siya kaagad nang nangako ako na ako ang magluluto sa kakainin namin ngayon. Wala siyang alam na papainumin ko siya ng gamot at isa iyon sa pinakaayaw niya."What do you want to cook?" tanong ni Travis at niyakap ako mula sa likuran.Hindi naman ako mapakali sa kaniyang yakap. Baka kasi mahawaan ako ng sakit niya at mahawaan din si Tyrell."I'll cook adobo. Mauna ka muna sa kwarto mo at ihahatid ko na lang ang pagkain sa kwarto. Pagabi na rin naman kaya magpahinga ka muna." utos ko sa kaniya. Masyado na yata siyang napagod ngayong araw dahil hindi siya nagreklamo at kaagad na sumunod sa utos ko.Una kong inihanda ang mga herbal plants na dinala ko rito sa bahay dati. Mabuti na lang talaga at hindi siya mahilig magluto dito dahil baka naitapon niya 'to ng wala sa ora
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

Chapter 126

Third Person's Point of ViewLahat ng camera ay kaagad na nakatuon sa pinto kung nasaan nanggaling ang boses. Kaagad namang nagkaroon ng pag-asa sa mukha ni Allyson."Sino po kayo?" ang karaniwang tanong ng mga reporter sa bagong dating.Nakasunod si Lance si bagong dating na matanda habang may dala itong malaking kahon."Ako ang tatay ni Alice!" sigaw ng may edad na lalaki at awtomatikong pumalibot sa kanila ang media."Bakit po kayo nandito?""Paano niyo po naatim na pumunta rito at sabihin na ang anak niyo ang may kasalanan kung kayo po mismo ang may pasimuno sa rally noong isang araw sa harap ng kompanya?"Dahil sa maliit na gulong nangyari ay ipinatawag ni Travis ang mga guwardiya upang pakalmahin ang mga tao."Kung gusto niyong makakuha ng maayos na balit ay kumalma kayo!" sigaw ni Chad sa nakakumpol na mga tao. Awtomatiko naman silang natakot sa galit na sigaw ni Chad kaya saglit silang natahimik. Sinenyasan naman nila ang tatay ni Alice na magsalita."Una sa lahat ay gusto kon
last updateLast Updated : 2022-05-28
Read more

Chapter 127

Allyson's Point of View Akala ko ay magugulat na ako sa sinabi ni Lance, pero mas nagulat ako ng lumuhod sa aking harapan ang tatay ni Alice. "Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa 'yo, Allyson." saad niya. Kaagad naman akong nagpatulong kay Travis upang mapatayo ito. Masyado namang nakakahiya ang ginagawa niya. Kaedad ko lang naman ang anak niya at kahit may nagawa sila ay hindi ko pa rin kayang isipin na luluhod siya sa 'kin. May respeto naman ako sa mas nakakatanda sa akin. "Hindi niyo na po kailangang tumayo. Masyado na pong maayos sa 'kin ang malinis ang pangalan ko sa publiko." nakangiting saad ko at umiling naman siya. "Malaki ang kasalanan at pinsalang naidulot ko sa 'yo kaya ayos lang sa 'kin kung kailangan kong lumuhod sa harapan mo para lang mapatawad mo ko." Ramdam ko ang pagiging totoo ng lahat ng sinasabi niya at sino ba naman ako upang hindi magpatawad. "Kalinutan na po natin ang nangyari. Matagal ko na po kayong napatawad at hindi ko po gustong lum
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter 128

Allyson's Point of ViewNilingon ko si Travis at nginitiaan sya bago humarap sa camera."Pitong taon na ang nakakalipas magmula nang mangyari ang pagkamatay ni Alice  at gusto ko rin na matahimik na ang kaluluwa niya kaya hindi na ako nag-abalang hanapin ang totoo." mahinahon kong paliwanag sa lahat.Ang buong akala ko ay magiging kampante na sila sa sagot ko pero hindi ko inaasahan ang biglang pagbabago ng kanilang mga ugali. Naging marahas ang kanilang mga galaw at lahat sila ay gustong makalapit sa akin ng maayos. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng kaba sa kanilang mga galaw."Sabihin mo lang sa 'kin kung gusto mo ng umalis dito." bulong sa akin ni Travis at mas lalo akong hinapit palapit sa kaniya."Hindi po ba at kaibigan niyo si Alice? Bakit hindi po kayo nag-abalang hanapin ang katotoh
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

Chapter 129

Allyson's Point of ViewPagkatapos ng pag-uusap namin ni Zia sa parking lot ay kaagad niya akong inihatid sa bahay. Baka raw kasi gantihan ako ni Zia ng wala sa oras kaya natatakot siyang iwan akong mag-isa."Umuwi ka na kaya? Paniguradong naghihintay si Tyrell sa 'yo. Baka maghanap na naman siya ng taong kasama at umabot na naman yun dito." pagtataboy ko kay Zia pero inirapan niya ako at ipinagpatuloy ang ginagawang panunuod ng palabas."Nakalimutan mo na bang pinag-enroll mo ang anak mo sa isang boarding school dati? Mas sanay pa 'yong mag-isa keysa sa 'kin."Medyo napahiya yata ako sa kaniyang sinabi kaya nanahimik na lamang ako. Bahala na lang kung nandito siya. At least ay may kasama akong naghihintay kay Travis."Anong oras ba kasi ang uwi ng asawa mo? Uuwi na ako kapag may kasama ka na."Hindi na ako nag-abalang sumagot sa kaniya at sa halip ay nagkibit balikat na lamang. Wala rin naman akong alam kung anong oras siya uuwi. Ang sabi lang niya sa 'kin ay uuwi siya.Magrereklamo
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more

Chapter 130

Third Person's Point of ViewHindi mapigilan ni Travis ang hindi mapaatras dahil sa biglaang pagsigaw ni Yuri. Hindi niya inaasahan ang ganitong reaksiyon mula sa inaakala niyang inosenteng kapatid."Yuri, hindi na ikaw 'to!" balik na sigaw ni Travis. Nagbabakasakaling matauhan si Yuri sa kaniyang mga pinagsasabi, pero mas lalo lamang itong naging galit."Ito ang tunay na Yuri! Kung wala si Allyson ay matagal na sana tayong nagkaroon ng sariling pamilya! Ako dapat ang asawa mo at hindi siya!" sigaw ni Yuri at sinubukang lumapit kay Travis. Mabuti na lang at nakaiwas kaagad si Travis at bahagya niya itong naitulak."Baliw ka na ba?! Kapatid pa rin kita sa papel!" sigaw ni Travis at pilit na ipinapamukha kay Yuri na wala na itong pag-asa sa kaniya."No! Hindi ako baliw! Kinailangan ko lang namang gumamit ng dahas para lang mapaalis si Allyson sa buhay mo! Sa oras na umalis na siya ay mababalik na sa akin ang buong atensiyon mo!" saad ni Yuri at sinabayan pa ng munting pag-iyak.Awtomati
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Chapter 131

Third Person's Point of ViewNapangisi si Yuri sa sinabi ni Travis. Kahit kailan ay hindi niya kailangan ang awa ni Allyson para lamang maging maayos ang buhay niya."Dapat ba akong magpasalamat kay Allyson? Hindi ko kailangan ang awa niya!" sigaw ni Yuri at akmang lalapit na naman kay Travis pero ibinato ni Travis ang ilang bulaklak dito kaya napatigil si Yuri."Sa tingin mo ba talaga ay makukuha ka niya? Akala niya yata ay mailalayo ka na niya sa 'kin, pwes nagkakamali siya! Hindi ako papayag na mangyari ang bagay na 'yan!" dagdag na sigaw ni Yuri at binasag ni Travis ang vase. Nagkalat ang mga bulaklak sa sahig."Wala ka na talagang pag-asa." saad ni Travis at diretsong tumalikod dito.Bago pa man tuluyang makaalis si Travis ay may sinabi pa siya kay Yuri na talagang naging dahilan upang mas lalong masaktan ang babae."Naihanda ko na ang mga gamit at plain ticket mo. Aalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon at hindi ka na muling makakabalik pa dito." saad ni Travis at narinig
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more

Chapter 132

Travis Point of ViewPagkauwi ko sa bahay ay kaagad kong hinanap si Allyson. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mas lalo pa siyang mahalin matapos kong malaman ang lahat ng pinagdaanan niya.Inaamin ko na noong una ay hindi ko talaga alam kung bakit ako nahulog sa isang katulad niya, pero ngayon ay sigurado na ako sa babaeng napili kong pakasalan. Siya ang tipo ng babaeng kayang magsakripisyo para lang sa kapakanan ng iba. Palagi niyang inuuna ang kaligayan ng iba keysa ang mismong sarili niya."Love, I'm home!" sigaw ko mula sa sala at kaagad siyang hinanap.Medyo kinabahan ako nang wala kaagad sumagot sa akin. Muli na namang pumasok sa aking isipan na baka pumunta si Yuri dito at may ginawa na naman siyang gulo."Ally? Allyson!" sigaw ko at tinahak ang daan papuntang kusina.Halos habulin ko ang hininga ko sa pagmamadali papunta sa kusina. Mas lalo pa akong kinabahan nang maabutan kong madilim ang buong kusina. Mabuti na lang at nakaramdam ako ng yakap mula sa likuran."I'm here po
last updateLast Updated : 2022-06-10
Read more

Chapter 133

Allyson's Point of ViewHindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Travis na hindi ko pala namalayang kanina pa nakadungaw sa akin."Trav, patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko sa 'yo. Hindi ko lang talaga inisip ng mabuti ang mga bagay na dapat kong gawin. Nagpadala ako sa galit at pangungulila ko kay Auntie kaya hindi ko na naisip ang ibang bagay." hinging tawad ko sa kaniya.Umiling siya sa 'kin at bahagyang ngumiti. Hinaplos niya ang aking pisngi at ginawaran ako ng halik sa noo."May kasalanan din naman ako sa mga nangyari sa atin. Ako dapat ang gumagawa ng paraan upang protektahan ka, pero si Auntie Almira pa ang tumutulong sa akin upang maprotektahan ka." panimula niya at hindi muna ako nagsalita. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya at sinusuri ko ng maiigi kung gaano siya kaseryoso ngayon."Malaki ang pagkukulang ko sa 'yo lalo na't nakalimutan pa kita. Kung sana ay hindi ako nagka-amnesia, edi sana ako ang tumutulong sa 'yo upang maprotektahan si Auntie Almira. So, " hi
last updateLast Updated : 2022-06-11
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
25
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status