Allyson's Point of ViewMalapad ang ngiti ko habang tinitingnan si Travis na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa kaniyang opisina. Wala naman siyang ibang ginagawa kung hindi ang magbasa ng mga papeles para sa meeting sa susunod na linggo.Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matuwa sa kaniya. Mabuti nga at wala akong trabaho ngayon kaya malaya akong nakakatingin kay Travis buong araw."Buntis ka ba? Kanina mo pa ako tinitingnan." biglang tanong niya sa 'kin kahit hindi naman siya nakatingin sa direksiyon ko.Saglit akong napaisip sa kaniyang tanong. Medyo matagal na rin naman mula noong may mangyari sa amin at palagi naman akong may dalaw. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa tanong niya."Masama ka bang tingnan? Ngayon ko lang ulit nakita ng malapitan ang mukha mo kaya natutuwa lang ako." sagot ko sa kaniya.Nag-angat siya ng tingin sa akin sabay kunot ng kaniyang noo. Medyo kinabahan naman ako sa uri ng kaniyang tingin. May halong duda ang bawat titig niya."Bakit napaisip ka pa sa
Third Person's Point of ViewHindi lahat ng tao sa oras na iyon ay masaya. May mga taong katular ni Matt na kanina pa naiinis habang hinihintay ang pagdating ni Austin. Ngayon na kasi ang araw na lalaya na siya mula sa presinto at kanina pa siya naghihintay sa tabi ng kalsada."Kahit kailan ay hindi talaga maaasahan ang ampon na 'yon." reklamo ni Matt habang inaabangan pa rin ang kotse ng kapatid.Ilang minuto pa ang dumaan nang may makita siyang humintong sasakyan sa kaharap na kalsada at doon lumabas si Austin. Kaagad itong kumaway sa kaniya.Austin's Point of ViewKanina ko pa sana masusundo si Kuya, ang kaso lang ay bigla akong naabutan ng traffic malapit sa Soul Empire. Naisipan ko kasing dumaan muna upang makita ang signing of contract nila. Mabuti na nga lang at hindi ako nakita ni Travis dahil tiyak magagalit na naman yun at iisipin niya na naman na aagawin ko ang asawa niya.Pagkalagpas ko sa traffic ay kaagad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa presinto kung saan lalay
Third Person's Point of ViewMasayang naglalaro si Tyrell kasama ang kaniyang kaibigan."Hihiramin ko na muna ang mini car mo." saad ng kaibigan ni Tyrell at hindi man lang hinintay ang sagot niya.Napabuntong hininga na lang ang bata habang tinatanaw ang kaniyang mini car."Huwag mong gagasgasan 'yan. Be careful!" sigaw ni Tyrell at naupo sa isang bench.Pasimpleng nakatingin si Tyrell sa kawalan nang biglang may humawak sa kaniyang balikat kaya napatayo siya at kunot noong tiningnan ang lalaking nakatayo."Sino ka?" inosenteng tanong niya at ngayon ay sinusuri ang lalaki."Ako ang Tito Matt mo. Nice to meet you, young man." pakilala ni Matt sa kaniyang sarili at naupo sa tabi ng inuupuan kanina ni Tyrell.Saglit pang tiningnan ni Tyrell si Matt bago ito nagdesisyong maupo sa tabi ng ginoo. Nakatingin lang naman si Matt sa bata habang sinusuri kung talagang anak ba siya ni Allyson at Travis."Bakit ka nakatingin sa 'kin? What do you want po?" tanong ni Tyrell dito at kunot noong napa
Allyson's Point of ViewKunot noo kong tinitingnan si Austin. Sa nakikita ko ay parang may gusto siyang sabihin, pero nagdadalawang isip siya kung magpapatuloy pa siya o hindi."Ally, kasi si---," Hindi na niya natapos ang dapat niyang sabihin dahil sa biglaang tawag na kaniyang natanggap. Umiwas naman ako ng tingin upang mabigyan siya ng privacy.Siguro ay nag-iisip lang ako nang kung ano-ano kaya nagdududa ako kay Austin. Medyo nahiya tuloy ako sa kaniya dahil pinag-isipan ko siya ng masama."Ano?! Nakatakas si Kuya?!"Mabilis pa sa alas singko akong lumingon sa kaniya. Ang kabang kanina ko pa nararamdaman ay biglang dumoble. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag nakatakas si Matt."Sige, pupunta ako diyan." saad ni Austin sa kaniyang kausap sa teleponon bago nito tinapos ang tawag.Nakatuon lang kay Austin ang atensiyon ko at siya naman ay dismayadong napailing sa akin."Nakawala si kuya sa detention center ngayong araw."Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lu
Third Person's Point of ViewImbes na magalit si Matt ay itinuon na lang niya ang kaniyang atensiyon sa paghahanap ng pangalan ni Travis. Plano niya kasing gulatin ito sa katotohanang na kidnap niya ang anak nila ni Allyson."Are you listening to me?" tanong ni Tyrell at hindi pa rin nakikinig si Matt sa kaniya."Bata nga po ako sa paningin niyo, pero kailangan niyo rin akong irespeto. Bakit ba napakahirap sa inyo ang rumespeto sa bata?" muling reklamo ni Tyrell at nakatuon lang naman ang atensiyon ni Matt sa tawag.Ilang minuto ang lumipas bago niya tuluyang mahanap ang pangalan ni Travis. Kaagad niya itong tinawagan at ilang ring pa ang lumipas bago may sumagot."Hello?" naiinis na bati ni Travis sa tawag."Makinig ka sa akin. Nasa akin ang anak mo."Bago pa masabi ni Matt ang nais niyang sabihin ay kaagad na naputol ang tawag. Walang alam si Matt na kaagad pinutil ni Travis ang tawag.Sa ugali ni Matt ay hindi ito bastang sumusuko, kaya tinawagan niya ulit si Travis. Kumpara kanina
Allyson's Point of ViewGabi na nang makarating ako sa sinabing lugar ni Matt. Eksakto namang pagdating ko ay ang pagdating din ni Travis. Kunot noo itong nakatingin sa 'kin habang sinalubong ko naman siya kaagad."Pwede bang ipaliwanag mo sa 'kin, kung ano ang nangyayari ngayon?" kunot noong tanong ni Travis habang sinusuri ang lumang building."Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat, pero nakidnap si Tyrell at si Matt ang tumawag sa akin!"Wala na akong pake kung nahalata ba niya ang pag-aalala ko sa bata o wala. Hindi na siya nag-tanong pang muli at kaagad na lumapit sa pinto ng lumang building. Paglapit namin sa building ay ang eksaktong paglabas ni Matt na hawak si Tyrell.Pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko habang tinitingnan ang umiiyak na mukha ng anak ko. Sa buong buhay ko ay hindi ko kailanman naisip na paiyakin ang anak ko dahil para sa 'kin ay doble ang sakit na nararamdaman ko."L-Let me go! I don't like you!" sigaw ni Tyrell habang pilit na umaalis sa pagkakagawak ni Ma
Allyson's Point of ViewSinubukan naming sundan ni Travis si Matt upang makuha si Tyrell, pero lumabas ito kasama ang anak namin habang may nakatutok na baril sa leeg ng anak ko.Mas lalo akong natatakot para sa kaligtasan ng anak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawala sa akin si Tyrell. Ito na lang ang nagsisilbing buhay ko. Ikakamatay ko kapag nawala pa sa 'kin ang anghel ng buhay ko."Kumalma ka, Ally. Makukuha natin ang anak natin." bulong ni Travis sa 'kin at itinago ako sa kaniyang likuran. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin."Iligtas mo si Tyrell, Trav. Hindi ko kaya kapag nawala pa sa 'kin ang anak natin." pagmamakaawa ko kay Travis at tanging mahigpit na hawak ang isinagot niya sa 'kin.Alam ko na kapag nagpadalos-dalos kami ngayon ay may mawawala. Ibang-iba na 'to sa Matt na nakilala ko noon at sa tingin ko ay malaki ang tiyansa na kaya niya nang pumatay para lamang makaalis sa lugar na 'to."Anong karapatan niyong tumawag ng pulis?!" galit na sigaw ni
Travis Point of ViewNapatingin ako sa mag-ina ko habang hawak sa kwelyo si Matt. Sinigurado ko muna na wala silang galos bago ko sirain ang pagmumukha ng hayop na 'to."Masyado mo ng sinasagad ang kakarampot na pasensya ko para sa 'yo, Matt. Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa isang kagaya mo?" gigil na tanong ko sa kaniya at hindi naman siya makasagot sa akin."Ayos lang sana kung ako ang ginawan mo ng masama dahil baka mapatawad pa kita, pero dinamay mo pa ang isang inosenteng batasa kawalang-hiyaan mo!" sigaw ko dito at muling sinuntok ang kaniyang tagiliran."Tapusin mo na 'yan at kailangan ng magpahinga ni Tyrell." rinig kong utos ni Allyson na kaagad ko namang sinunod sa pamamagitan nang pagsuntok sa mukha ni Matt. Diretso itong napahiga sa lupa."Mauna na muna kayo sa kotse ko at ipapakuha ko lang kay Chad ang sasakyan mo." utos ko kay Allyson at tahimik siyang tumango.Sinadya ko na hindi sumunod kaagad kay Allyson. Kailangan ko pang kausapin ang isang kampon ng kasamaan. Mal
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan