Marahang nagbuga ng hininga si Diego nang tuluyan niyang marating ang mesa niya sa SSL. Alam niya, gaya kahapon, magiging abala na naman siya ngayon. Sunod-sunod ang utos sa kanya ni Sir Aaron nang magpunta ito roon kahapon. Sa kabila ng kalituhan sa buong kumpanya kahapon, siniguro niya na nakabantay rin siya sa mga utos ng dati niyang boss. Marami itong hininging dokumento at iba-iba pang kailangan para daw sa readings na gagawin nito. At the end of the day, he had a big pile of files on his table. Lahat ‘yon inuwi ni Sir Aaron. Pakiramdam niya para siyang nagde-de javu noong nag-uumpisa pa lang siya sa SSL, noong si Sir Aaron pa ang kanyang boss. Noong maayos pa ang lahat. The past 24 hours had been crazy. The last time he got that busy was more than two decades ago, noong nasangkot din sa kontrobersiya sina Sir Aaron at Ms. Sam. But this time, it’s different. Kung noon, reputasyon lang ng mag-asawang Sandejas ang nalagay sa alanganin, ngayon, ang SSL na mismo. Hindi siya halos
Magbasa pa