Home / Romance / The Billionaire's Crazy Obsession / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of The Billionaire's Crazy Obsession: Chapter 91 - Chapter 100

380 Chapters

Chapter 10

Malakas na pumainlang ang tunog ng fireworks sa buong paligid. Namayagpag ang makulay na ilaw ng paputok sa kalangitan. Namamanghang tumingin si Ivana sa labas ng bintana habang ang piloto ay nag-anunsyong magla-landing na ang helicopter. "It's pretty." Sumalamin sa mga mata ni Ivana ang repleksyon ng naggagandahang paputok. Napahawak siya sa bintana at banayad na napangiti. "Finally, makakasama na rin kita nang walang humahadlang sa'ting dalawa, Dmitri." Bumaba ang helicopter sa isang malaking isla na nagliliwanag dahil sa mga naggagandahang pailaw sa paligid nito. At nang makalapag ang sasakyang panghimpapawid ay bumaba si Ivana mula rito. Isang kotse ang sumalubong sa kan'ya na agad niyang sinakyan. Dinala ng sasakyan si Ivana patungo sa isang napakalaking mansyon na mukha nang palasyo. Sa paligid ng mansyon ay ang mga naggagandahang Italian styled buildings na may mga pailaw rin. "Welcome to the annual event of UNB O
last updateLast Updated : 2022-04-12
Read more

Chapter 11

"Cayer..." Binalingan ni Shianna ang lalaking kasama niya. Bumulong siya rito, "Is there something wrong going with those two?" Saglit itong natigilan nang maalala si Ivana na palihim na kasama noon ni Dmitri at Olivia. Natigil lamang siya sa pag-iisip nang kinausap siya ng ibang businessmen na dumating. Interesado ang mga ito na mag-close ng deal kay Shianna. Samantala, si Ivana at Dmitri naman ay nagtungo sa second floor ng malaking mansion. At nang makarating sila sa dulo ng hallway ay saka marahas na binawi ni Ivana ang kan'yang palapulsuhan. "What do you think you're doing?!" Galit siyang tiningnan ni Ivana. "I am leaving, kailangan ko pang magpahinga." Napatiim-bagang siya. "Let's talk first." Umigting ang panga ni Dmitri. "Tell me, bakit mo ako tinulungan na makuha si Solei mula sa Kalinga?" Nanginig ang mga labi ni Ivana at saglit na hindi nakapagsalita. Ramdam niya ang puso niyang tila nagku
last updateLast Updated : 2022-04-13
Read more

Chapter 12

"Oo!" Biglang napuno ng pag-asa ang mukha ni Ivana at ngumiti. "Handa akong ibigay sa'yo ang lahat."   "That's good." Ngumiti si Dmitri at inalalayan si Ivana na tumayo. "Then shall we do it now?"   "H-Huh?" Napamaang si Ivana at napalunok. Tinitigan niya si Dmitri na ngayon ay hindi niya nababasa ang tunay na emosyon.   "Ito ang una at huling tiyansa na ibibigay ko sa'yo. Let's see if you're worthy of my love and affection."   Napakurap si Ivana at napahugot ng malalim na paghinga. Lumunok siya bago tinulak si Dmitri sa malamig na pader at sinunggaban ng halik. Dmitri groaned at hinawakan niya ang doorknob ng pinto na nasa kan'yang tabi. Pinihit niya ito pabukas at inakay si Ivana papasok sa kuwarto habang patuloy silang naghahalikan. Tuluyang sumarado ang pinto at sakto nito ay lumabas si Livi mula sa kuwartong katabi ng kay Dmitri. Nakasuot siya ng maid outfit upang walang may makalahata na palihi
last updateLast Updated : 2022-04-13
Read more

Chapter 13

"D-Dmitri." Napayuko si Ivana at humagulhol. "You're cruel." "I am cruel." Dmitri smiled darkly at marahas na hinawakan ang panga ni Ivana. "And you'll see how cruel this man can be." Marahas na binitiwan ni Dmitri ang panga ni Ivana. Akmang tatayo siya nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog ng pagsabog. "Fuck!" Dmitri muttered at lumapit sa pintuan kahit walang suot na saplot. At nang binuksan niya ang pinto ay sumalubong sa kan'ya ang usok. Halos masinghot ito ni Dmitri kung hindi niya lamang nasara agad ang pinto. "Ano'ng nangyayari?!" Nabahala si Ivana at napaalis sa kama kahit masakit ang katawan niya. "We need to stay here." Sumeryoso si Dmitri. "May gas sa labas at tingin ko ay may halo ito." "H-Halo?" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Ivana. "What do you mean?" "Tingin ko..." Isang madilim at naaaliw na ngiti ang su
last updateLast Updated : 2022-04-13
Read more

Chapter 14

"What the fuck." Biglang bumundol ang kaba sa puso ko at binalingan ang pintuan, ngunit sakto rin niyon ay biglang nagsara ito. "Ano'ng nangyayari?!" Natatakot na nagkatinginan ang mga tao habang ako ay napatiim-bagang. Lumingon muli ako sa stage at napasapo sa aking noo nang makaramdam ng hilo. "S-Shit..." Napahawak ako sa mesa at pinanood ang ilan na nawalan na rin ng malay. Napatingin muli ako sa stage at dito ay nakuha ng makina ang aking atensyon. Naningkit ang aking mga mata at pinagmasdan ang puting usok na lumalabas rito. "Nero..." Natigilan ako nang mapagtanto na mali ang lahat ng nangyayari ngayon. Napakurap ako at iritadong ngumiti. Pinaplano niya bang patulugin kaming lahat dito?! "Cayer!" sigaw ko bago tuluyang nawalan ng balanse. At dahil napahawak ako sa mesa ay sumama rin ito sa aking pagkatumba. "H-Hindi..." Pilit akong bumangon habang pinipi
last updateLast Updated : 2022-04-13
Read more

Chapter 15

He just darkly smiled bago inilahad ang kan'yang mga bisig. Mariing napakuyom ako ng kamao at sumampa sa bintana. Bahala na... Kapag hindi ako sinalo ng lalaking ito, aabangan ko na lang siya sa kabilang buhay. Malalim akong napahinga bago buong tapang na tumalon pababa mula sa second floor. Napapikit ako sa takot na baka ang sunod na lamang na mangyari ay mabalian ako ng buto. Pero nawala rin agad ang takot na iyon nang maramdaman ko ang matigas na bisig ni Vincent na sumalo sa akin. Napadilat ako at nagsalubong ang aming paningin. Ako na ang kusang bumaba upang hindi matingnan ang titig niyang may kakaibang intensidad. "Salamat sa pagligtas sa akin." Halos umasim ang mukha ko nang sabihin ang litanyang iyon. Mabilis kong tinalikuran si Vincent at nagmamadaling naglakad palayo. At himala, hindi tulad ng sa mga drama ay hindi ko narinig na tinawag niya ako. Gusto kong magreklamo sa nangyari sa pagita
last updateLast Updated : 2022-04-13
Read more

Chapter 16

Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit hindi ko alam ang aking patutunguhan. Kung nandito lang si Cayer ay hindi ako makakaramdam ng takot. Pero nandito na ako nang nag-iisa, kaya kailangan kong maging matatag. Hindi ko afford na matakot kung alam kong nasa kapahamakan ang anak ko! Kailangan ko siyang mahanap! Dahil alam ko—buhay siya. Muli akong humikbi kaya pinalis ko muli ang aking mga luha na kusang tumulo. Kanina pa nanginginig ang aking mga tuhod ngunit mas nanginginig ang mga ito ngayon. Lubhang lumalakas ang pagtibok ng puso ko na tila ay mas mauunahan pa ako nito sa pagtakbo. Ngunit napatigil din ako sa aking ginagawa nang bigla akong natalisod sa isang bato. Halos tumama ang aking ulo sa sementadong daan kung hindi ko lamang nailapat ang aking mga palad sa daan upang protektahan ang sarili sa pagbagsak. "A-Aray..." Nahihirapan akong bumangon at sinapo ang aking siko na tumama pala sa semento. Napangiwi na laman
last updateLast Updated : 2022-04-15
Read more

Chapter 17

"Ibigay mo sa akin ang anak ko, Nero!" Umigting ang panga ko at galit siyang tiningnan. "Wala kang karapatan na kuhain siya!" "A-huh?" He laughed. "Kung gusto mong subukan na kuhain siya, then gawin mo ngayon." Matiim kaming nagkatitigan ni Nero. At sa isang iglap ay pumainlang ang malakas na tunog ng baril mula sa hawak ko. Napasapo si Nero sa kan'yang balikat at tiningnan ang kan'yang palad na nabahiran ng dugo. "Don't underestimate me, Nero." Matapang ko siyang tiningnan. "Tingin mo ba ay aakto akong duwag kung gagamitin mo ang anak ko laban sa akin? I've changed, Nero. At gagawin ko ang lahat para mapabagsak ka!" "S-Shit." Napailing siya at ako naman ay tumingin kay Art na nakatanaw pa rin sa akin. Walang emosyon siyang ngumiti bago nag-iwas ng tingin. Si Nero naman ay sumakay na sa helicopter. I could kill him right now. Pero alam kong mapapahamak ang anak ko kapag ginawa ko
last updateLast Updated : 2022-04-15
Read more

Chapter 18

"Ang pinakahinihintay na event ng United National Businesses Organization o mas kilala sa tawag na UNB Org. ay nauwi sa isang malagim na pagkaudlot nang biglang sumabog ang isang building sa isla nito. Ayon din sa awtoridad ay nabalot ng sleeping gas ang parte ng isang venue dahilan upang makatulog ang karamihan sa mga taong dumalo sa pagtitipon. Wala pang lead ang mga pulis sa kung sino ang may pakana nito. Ako si Maria Dizon, nag-uulat, Weston News." "Mommy!" Patakbong lumapit si Ashy at Nash kay Shianna nang makita nila itong bumaba sa isang helicopter. Kasalukuyan silang nasa UNB Center na naka-locate sa Manila. Lahat nang dumalo sa naudlot na annual event ay dito dumiretso. Bukod sa kailangan nilang magbigay ng testamento sa pulis ay kailangan din nilang pag-usapan ang nangyari. Isa pa, ang mga helicopter ay pagmamay-ari ng UNB Org. "Ashy." Mahigpit na niyakap ni Shianna si Ashy nang makalapit ang bata sa kan'ya. Napapikit siya at mapai
last updateLast Updated : 2022-04-16
Read more

Chapter 19

"You need to destroy Shianna if you want to destroy the Viacera." Nalusaw ang madilim na ngiti ng lalaki. "The Viacera is already powerful, but they would be more powerful once Shianna inherits her clan's riches." "More powerful?" Natawa si Nero. "Alam kong malakas si Shianna pero tingin ko ay masyadong mataas ang tingin mo sa kan'ya. If you had just seen her last night, paniguradong magbabago ang isip mo. Mukha siyang isang mahinang babae." "No." Saglit na tumahimik ang misteryosong lalaki. "Shianna isn't weak. You just think that she is because you don't know her. Once you've seen her real self—you'll probably change your thoughts about her." Napaseryoso si Nero sa sinabi ng lalaki. Ang huli naman ay nagsalin din ng whiskey sa shotglass at uminom nito. "Believe me, Nero. Shianna is strong. Much stronger that what you think she already is." Shianna's POV
last updateLast Updated : 2022-04-16
Read more
PREV
1
...
89101112
...
38
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status