Natigilan si Hudson at napatayo rin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita dahil batid kong natahimik siya, "Vincent and I are enemies. And if I would ever go to his arms, manganganib ang posisyon ko sa kompanya. Parehas nating alam kung gaano kinamumuhian ni Papa ang Aurelius family." "I-I'm sorry." Nagbaba ng ulo si Hudson. "I am just frustrated, Shianna. Pero sa totoo lang, kahit ano pa ang isagot mo sa mga tanong ko ay ayos lang. Ipaglalaban pa rin kita, kahit batid kong... mababa ang tyansa na ibalik mo ang nararamdaman ko para sa'yo. Kahit itapon mo ako ay a-ayos lang... dahil mahal na mahal kita..." "Ha..." Bumagsak ang magkabilang balikat ko. "Let me think first, Hudson. Parehas tayong stress ngayon dahil sa mga nangyayari." "I-I understand." Halata na labag sa loob ang kan'yang sagot. Pilit siyang ngumiti. "Pero may isa akong katanungan na matagal nang gumugulo sa akin, Shianna." "What is it?"
Huling Na-update : 2022-04-23 Magbasa pa