Home / Romance / The Invisible Love of Billionaire / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of The Invisible Love of Billionaire : Chapter 71 - Chapter 80

182 Chapters

Kabanata 37.1

Para akong nabingi sa mga sinabi na iyon ni Colton. Hindi ako nakakibo at kusa na lamang na gumalaw ang aking mga kamay para abutin ang papel na inilapag niya sa lamesa. Sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ko ito at doon ko nakita ang nilalaman ng papel. Isa itong DNA test result. Hindi magkamayaw ang isip ko at sumasabay pa ang dagundong ng puso ko. Hindi ko lubos na maisip kung maniniwala ba ako sa hawak ko na papel o iisipin na isa lamang ito na patibong ni Colton para umamin ako sa kan’ya. Hindi ko mahanapan ng dahilan kung paano niya nagawa na makakuha ng DNA sample ni Ashira para makapagpa-test sila. Lalo na naman nagugulo ang aking kaisipan. May nagtatraydor ba sa amin? Pero sino? Hindi naman palagian na lumalabas si Ashira ng bahay kaya hindi ko maisip kung paano siya makakakuha ng sample na iyon. Hindi ba panaginip ko lamang iyon isang araw na nasa mansyon siya? Alam ko na kahit parang totoong-totoo ang mga halik na iyon ay panaginip lamang iyon. Nababaliw na ba ako sa
last updateLast Updated : 2022-01-27
Read more

Kabanata 37.2

Naisambulat ko na ang lahat ng katotohanan. Ang mga katotohanan na pilit ko na itinago kay Colton. Hindi ko makita ang reaksyon niya sa mga sinabi ko dahil nakayapos lamang siya sa akin. Patuloy pa rin niya ako na pinapakalma at binibigyan ng suporta. Sa kabila ng mga sakit na ibinigay ko sa kan’ya, ito pa rin siya at nagbibigay sa akin ng lakas. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at agad ko naramdaman ang kakulangan. Hinahanap-hanap ko agad ang presensya ng mga yakap na iyon upang magbigay ng suporta at lakas ng loob sa akin. Inalalayan niya ako na maupo muli. Lumuhod siya sa harapan ko at muli na tumitig sa aking mga mata. Ang mga mata na nag-aalala at walang bahid ng galit at poot. Mga mata na nagtatanong. “Why did you leave, Atasha? Bakit ka bigla na umalis at nagtago? Bakit mo inilayo sa akin ang mga anak ko?” Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko sa mga tanong na iyon. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na umiiyak pero hindi napapagod ang aking mga mata sa pagpapakawala n
last updateLast Updated : 2022-01-28
Read more

Kabanata 37.3

Pagkatapos ng madamdamin na pag-aaminan namin kanina ni Colton ay pareho kami ngayon na nakaupo sa may sofa rito sa may opisina niya. Tahimik lamang siya at parang malalim ang iniisip. “Colton.” tawag ko sa kanya. “Yes, love.” sagot niya. Agad ako na napabuntong-hininga sa tawag niya na iyon sa akin. “Colton, you know you can’t call me that.” “I can and I will, love.” “No. Colton kagaya ng sinabi ko hindi ito ang tamang panahon para isipin natin ang ating mga sarili. Maraming tao ang masasaktan kung ipipilit natin.” “No, Atasha, ito ang pinakatama na gagawin natin. Ang magpakatotoo sa ating mga sarili. Tama na ang panahon ng pagsisinungaling at pagtatago. Ito na ang tamang pagkakataon para aminin natin ang pagmamahal natin sa isa't-isa. Hindi na ako makakapayag na muli ka na naman na mawala sa akin. I’ve waited enough for you. Siguro naman sa pagkakataon na ito, Atasha, kaya mo na ako na piliin?” Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong na iyon ni Colton. Ang puso ko ay naghuhumi
last updateLast Updated : 2022-02-01
Read more

Kabanata 38

Palakad-lakad si Reyna Isabel sa penthouse suite na iyon ng isang mamahaling hotel. Dito siya pansamantala na tumutuloy kasama ng ilan sa mga tauhan niya matapos siya na magdesisyon na pumunta ng Pilipinas. Lahat ng desisyon niya ay naging biglaan bunsod ng biglaan din na pag-alis ni Aldrick sa palasyo. Kung ano-ano na lamang ang idinahilan niya sa asawa na hari upang makapunta sa Pilipinas. Gulong-gulo na ang reyna. Galit na galit ang itsura ni Aldrick nang umalis sa Genova. At alam niya na may nalalaman na ang anak niya tungkol sa aksidente. Alam niya na nakausap na nito si Prinsipe Akiro at sigurado siya na nailabas na ni Akiro sa anak ang katotohanan. Pagdating na pagdating ng reyna sa Pilipinas ay agad sila na nagkita ni Celsius Mijares. Kailangan niya na makausap si Colton bago pa nito makausap si Aldrick. Gusto niya na siya ang makapagpaliwanag sa dalawang anak ng tungkol sa lahat-lahat. Handa na siya na tanggapin kung ano man ang magiging hatol at kaparusahan ng mga Altamir
last updateLast Updated : 2022-02-02
Read more

Kabanata 38.1

Buhay si Cole Ashton. Buhay ang isa sa kambal na inakala nilang lahat na patay na. Ito ang pauulit-ulit na gumagambala sa isipan ni Prinsipe Aldrick. Hindi niya mawari kung isa ba ito na katotohanan o sa muli ay pinapaikot lamang siya ng sarili niya na ina. Ngunit kung buhay si Cole Ashton, nasaan siya ngayon? Sino ang may hawak sa bata? Ang kan’yang ina ba na si Reyna Isabel? O hindi kaya si Prinsipe Akiro? Nabawi na ba ni Akiro Altamirano ang sariling pamangkin sa ina niya na reyna? Sino pa ang maaari na nagtatago kay Cole Ashton? Bukod sa kan'yang ina sino pa ang naghihiganti kay Atasha? Si Yulence Villagomeza ba? O ang ina ng dating kasintahan ni Atasha na si Ofelia? Nasaan si Cole? Kailangan niya na makita at mahanap si Cole bago pa siya maunahan ni Colton Mijares na magawa iyon. Kailangan na siya mismo ang makapagbalik kay Atasha sa anak na akala niya ay wala na. Kapag nagawa niya iyon alam ni Aldrick na lalo na mapapalapit sa kan'ya si Atasha at hindi na siya kailanman maiiw
last updateLast Updated : 2022-02-02
Read more

Kabanata 39

Pagkalapag na pagkalapag ng pribado na eroplano na sinasakyan ni Prinsipe Akiro sa paliparan ay mabilis niya na kinuha ang kan’yang telepono at i-dinial niya ang isang numero. Ito ang unang pakay niya rito sa Pilipinas at nais niya ito matapos bago pa man niya harapin ang kan’yang kapatid. Nang may sumagot sa kabilang linya ay agad siya na nagsalita at nagbigay ng instruksyon. “Kalalapag lang namin sa Pilipinas. We’ll be there in twenty minutes.” Pagkasabi niyon ay pinutol niya na ang tawag at humarap sa kan'yang kasama na head security na si Caden. “Caden, diretso na tayo sa tagpuan.” Tumango naman ang kinausap bago nag-utos sa ilan pang mga kasamahan. Iginiya nila si Prinsipe Akiro papunta sa isang sasakyan na nag-aantay sa hindi kalayuan sa pinaglapagan ng pribado na eroplano. Walang pinagkatapusan ang pag-uusap ni Prinsipe Akiro at Prinsipe Aldrick sa Genova. Matapos niya sabihin kay Aldrick ang katotohanan sa kasamaan ng ina nito na reyna ay nabalitaan na lamang niya na lumipa
last updateLast Updated : 2022-02-03
Read more

Kabanata 39.1

Pagkatapos na makipagkita ni Prinsipe Akiro kay Colton Mijares ay dumiretso na siya sa mansyon nila rito sa Pilipinas. Alam niya na masosorpresa si Atasha sa pagbabalik niya. Kahit alam na ng kapatid na babalik siya ng Pilipinas ay hindi alam ng prinsesa ang eksaktong araw kung kailan. Gusto niya na maisikreto ang lahat ng detalye dahil kailangan niya na mag-ingat habang wala pang kasiguraduhan ang katapatan ni Aldrick sa kanila. Kaya kailangan lahat ng kilos niya ay patago. Tanging si Nathan lamang ang nakakaalam na ngayon ang araw ng pagdating nila ni Caden. Kagaya ng ini-report ni Nathan kay Prinsipe Akiro ay kasalukuyan na nasa mansyon si Aldrick kasama ang mga prinsesa. Hindi maiiwasan ang pagtatagpo nila at alam niya na hindi niya rin mapapaalis si Aldrick sa mansyon dahil lubha na magtataka si Atasha kapag ginawa niya ang bagay na iyon. Ilang beses na rin na nagsabi si Nathan sa kan’ya ng patungkol sa paghihinala ni Atasha sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Aldrick. Kaya al
last updateLast Updated : 2022-02-04
Read more

Kabanata 39.2

Kabadong-kabado si Prinsipe Aldrick nang masilayan ang pagdating ni Prinsipe Akiro. Hindi niya inaasahan na ilan araw matapos ang biglaan niya na pagbabalik sa Pilipinas ay kasunod niya na rin ang Prinsipe ng mga Altamirano. Alam niya ang dahilan kung bakit narito na ang prinsipe. At alam ni Aldrick na lalo na nauubos ang oras niya. Kailangan na niya na makakuha ng impormasyon sa lalong madaling panahon. “Aldrick, ayos ka lang ba?” Nag-aalala na tanong ni Atasha. Hindi niya na namalayan na nakatitig sa kan’ya ang kasintahan at mataman na inoobserbahan siya dahil ang isip niya ay nakatutok sa mga susunod na hakbang na gagawin niya. “Oo naman, babe, hayan ka na naman. Kasasabi lang ng kapatid mo sa’yo kanina na huwag mag-overthink ay ginagawa mo na naman. Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano na wala naman saysay.” sagot ni Aldrick kay Atasha. Lumapit siya sa nobya at ikinulong sa mga bisig niya si Atasha. Gusto niya na maramdaman ni Atasha ang pagmamahal niya. Walang salita na maapu
last updateLast Updated : 2022-02-04
Read more

Kabanata 40

Pagkatapos nang pag-uusap namin na iyon ni Aldrick kahapon ay lalo na nagkagulo-gulo ang takbo ng isip at puso ko. Ramdam na ramdam ko ang takot ni Aldrick sa mga sandali na iyon. Hindi ko alam ang mga bagay na nalalaman niya pero sa paraan ng pananalita niya ay parang mayro’n na siya na nalalaman. Kung nabisto na ba niya ang nangyari na pagkikita namin ni Colton ay hindi ko sigurado. Sa sobrang kaba na nararamdaman ko at pagkakonsensya ko ay halos hindi ko na matugunan nang halikan niya ako. Naaawa ako kay Aldrick at nahihiya ako na sa kabila ng matindi na pagmamahal na inilalaan niya sa akin ay nagagawa ko siya na pasakitan ng ganito. Ang malaking bahagi ng isip ko ay naghuhumiyaw na manatili kay Aldrick. Siya ang naging kaagapay ko sa lahat ng sakit at pagluha ko. Hindi lamang siya tumayo bilang ama ng mga anak ko kung hindi para ko na rin siya na naging asawa. Siya ang katuwang ko simula ng magbuntis ako hanggang sa maipanganak ko ang kambal. At alam ko nang tugunin ko ang mga ha
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more

Kabanata 40.1

“Answer this question, are you still in love with Colton Mijares?” Para akong nabingi sa tanong na iyon ni Akiro. At ang mga salita na iyon ay parang echo na umuulit-ulit sa tainga ko. At kahit alam ko ang kasagutan ay hindi ko masabi ang totoo sa mga oras na ito. “Atasha, uulitin ko ang tanong. Mahal mo ba si Colton Mijares?” Muli na tanong ni Akiro ng wala siya na narinig na pagtugon sa akin sa unang beses niya na pagtatanong. Pinanlalamigan ako ng buong katawan. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin sa sandali na ito. Hindi ko masiguro kung nararapat ko ba na sabihin kay Akiro ang katotohanan. “You can lie to me, Atasha, lie all you want. Pero alam na alam mo sa sarili mo ang sagot sa tanong ko. You can never ever lie to yourself at kahit paulit-ulit mo na itanggi ay iba ang nakikita ko sa’yo. Kaya sagutin mo ang tanong ko, Tash. Hindi kita huhusgahan dahil wala akong karapatan na gawin iyon. Gusto ko lamang na maging totoo ka sa sarili mo.” Wala pa man salita na lumalabas
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more
PREV
1
...
678910
...
19
DMCA.com Protection Status