Home / Romance / The Invisible Love of Billionaire / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of The Invisible Love of Billionaire : Chapter 61 - Chapter 70

182 Chapters

Kabanata 32

Hindi maintindihan ni Prinsipe Aldrick kung ano ang mahalaga na bagay na sasabihin sa kan’ya ng kan’yang ina at pinauwi siya agad nito sa Genova. At sa tono ng pananalita nito nang huli sila na magkausap ay hindi bukas sa diskusyon ang ina. Ito ay isang utos na galing sa reyna na kailangan niya sundin. Kaya kahit ayaw niya sana na iwan sina Atasha at Ashira ay wala siyang magawa, kailangan niya na harapin ang ka'yang ina. Pagdating ni Aldrick sa palasyo ay agad na hinanap niya ang kan’yang ina. “Prinsipe Aldrick.” Bati sa kan’ya ng isang tauhan at yumukod pa upang magbigay-galang sa kan’ya. Tango lamang ang isinagot niya rito bago nagsalita. “Nasaan ang hari at reyna?” “Nasa study hall, prinsipe.” sagot nito. Mabilis siya na naglakad patungo sa direksyon ng study hall upang magpakita sa mga magulang. Dalawang bantay ang nakatayo sa may pintuan at magalang na yumukod sa kan'yang pagdating bago kumatok at binuksan ang pinto para siya ay makapasok. Pagpasok ni Prinsipe Aldrick ay s
last updateLast Updated : 2022-01-18
Read more

Kabanata 32.1

Hindi alam ni Prinsipe Aldrick kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga naging pasabog ng ina. Sa lahat ng puwede na sumambulat sa kan'ya, iyon pang lubos na hindi niya inaasahan. Kapatid niya si Colton Mijares. Kapatid niya ang lalaki sa ina. Hindi niya alam kung paano nangyari ang mga bagay na iyon. Ang sabi lamang ng kan’yang ina ay malalaman niya ang buong katotohanan sa muli na pagbabalik nila sa Pilipinas. Ngayon ay naiintindihan na ni Aldrick ang dahilan sa matindi na kagustuhan ng ina na makauwi siya rito. Tama nga ang kan'yang ina, ang bagay na isasambulat niya ay hindi basta-basta na puwede lamang na idaan sa telepono. Gusto maawa ni Aldrick sa ina dahil sa nakikita niya ang sakit at pighati na nararamdaman nito. Gusto niya na damayan ang reyna sa paghihirap ng puso nito sa mga katotohanan na itinago at ngayon ay lumalabas. Pero paano niya iyon gagawin? Hindi niya alam kung ano ang dapat niya na maramdaman sa pagkakataon na ito. Hindi niya alam kung paano rin tatanggap
last updateLast Updated : 2022-01-19
Read more

Kabanata 33

“Isang Laureus, Aldrick. Isa sa pamilya mo ang nagtraydor sa pamilya ko. Isa sa pamilya mo ang nanakit sa kapatid ko at sa pamangkin ko. At sinasabi ko sa’yo na hindi ko mapapatawad ang nagpasimuno na iyon. Kaya ngayon pa lang aminin mo na sa akin, Aldrick, kung ano ang papel mo sa mga nangyari.” “Queen Isabel Diana Laureus. Your fucking mother, Aldrick.” Paulit-ulit. Paulit-ulit na naririnig ni Aldrick sa kan’yang isipan ang mga tinuran na iyon ni Akiro. Walang salita na namutawi sa kan'yang mga labi matapos ipagtapat ni Akiro ang lahat ng nalalaman tungkol sa aksidente. Matapos ng lahat nang sumambulat sa kan’ya na katotohanan ay lambot na lambot siya. Halos gusto na bumigay ng mga binti niya at hindi niya alam kung paano pa siya nakakuha ng lakas upang makabalik sa palasyo. Gulong-gulo ang buong isip niya. Ang inaakala niya na pagkikita nila ng matalik na kaibigan niya upang kahit paano ay maibsan ang sakit ng kalooban niya dahil sa kaalaman na kapatid niya sa ina si Colton Mija
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more

Kabanata 33.1

Masaya na naglalaro ang mag-ama na sina Colton at Cole nang dumating si Miguel sa condo ng bilyonaryo. Agad na napasimangot si Colton nang makita ang kaibigan. “What are you doing here?” tanong niya. “Iyan ba ang dapat na ibungad mo sa matalik na kaibigan mo?” sagot ng kaibigan. Agad na nagdiretso sa kinaroroonan ni Cole si Miguel at binuhat ang bata, “And how’s the prince?” “Ano ang ginagawa mo rito?” Ulit na tanong ni Colton kay Miguel. “Cole, sana talaga ay huwag ka magmana sa ama mo na sobra ang sungit at napakamainitin ang ulo.” Muli na baling ni Miguel kay Cole. Bumungisngis naman agad ang bata kahit hindi naiintindihan ang sinasabi ng kaharap. Napangiti si Colton nang makita ang masaya na ngiti sa anak. Iba ang hatid nito na pakiramdam sa bilyonaryong ama. Sa dami ng problema na gumugulo sa isip niya ay ang ngiti na lamang ni Cole ang nakapagpapaligaya sa kan’ya. “Ayun! Ang mga ngiti mo lang pala, Cole, ang magpapawala sa kasungitan ng ama mo.” Naiiling pa na sabi ni Migu
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more

Kabanata 34

Naging abala ako kaninang umaga dahil pinapunta ko rito si Vincent upang dalahin ang ilan mga dokumento patungkol sa proyekto ng Royal Designs at Designers Unlimited. Kagaya nang naipangako ko kay Aldrick na hindi ako pupunta sa opisina habang nasa Genova siya upang maiwasan ang hindi sinasadya na pagkikita namin ni Colton. Gusto ko na papanatagin ang damdamin ni Aldrick sa bagay na iyon. Iyon na lamang ang maibibigay ko sa kan'ya. Nakipaglaro pa si Vincent kay Ashira kanina habang pinagtuunan ko ng pansin ang mga pina-review niya sa akin na mga kontrata. Matapos ang ilang oras na pagtatrabaho ko at pagbabantay ni Vincent kay Ashira ay agad din siya na umalis upang bumalik sa opisina. Pagkaalis ni Vincent ay sinubukan ko na tawagan si Aldrick dahil pagkatapos ng huli na mensahe niya na nasa Genova na siya at makikipagkita kay Akiro ay hindi na kami muli na nakapag-usap. Nakapagtataka lamang na nakakailang tawag na ako ay hindi pa rin niya sinasagot iyon o ang kahit na mag-message ma
last updateLast Updated : 2022-01-21
Read more

Kabanata 34.1

“Colton! Ano ang ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?” Agad ako na napabalikwas at napatayo nang makita na si Colton ang h*****k sa aking labi. “Atasha, gusto ko lang na makipag-usap sa’yo. Wala akong gagawin sa'yo at wala rin akong balak na masama. Hindi ka pumapasok sa opisina ng RD at wala na akong ibang alam na paraan para makausap ka kung hindi ang puntahan ka.” Pilit siya na lumapit sa akin pero humakbang ako palayo sa kan'ya. Bigla ang kaba ko, nasaan ba si Nathan? At paano siya nakalusot sa dami ng mga tauhan namin? “Paano ka nakapasok dito? Nathan!” sigaw ko pa. Hindi ako mapakali. Milya-milya na naman ang itinatakbo ng puso ko. Kung dahil sa presensya niya o sa pamilyar na halik na iginawad niya sa mga labi ko ay hindi ko alam. “Tash, maniwala ka na wala akong gagawin na masama. Gusto lang talaga kita na makausap.” “Bakit mo ako gusto makausap? Ano ba ang sadya mo?” Napasulyap siya kay Ashira na mahimbing pa rin na natutulog sa may lounge chair. Payapa na payapa ang a
last updateLast Updated : 2022-01-22
Read more

Kabanata 35

“Babe, are you crying?” Ito ang nag-aalala na tanong ni Aldrick sa akin. Kita ko ang pangamba sa mga mata niya. “Bakit ka umiiyak, Atasha? What happened?” Napailing na lamang ako. Paano ko sasabihin sa kan’ya na ang mga luha na ito ay gawa ni Colton? Dahil parang totoong-totoo ang panaginip ko na iyon. Ramdam na ramdam ko ang bawat halik na iginawad niya sa akin. “Atasha?” muli na tawag niya sa akin. Mahigpit na yakap mula sa kan'ya ang sunod na naramdaman ko. Yakap na puno ng iba’t-ibang emosyon. Hindi ko alam ngunit sa pakiramdam ko ay may takot sa mga yakap na ito ni Aldrick. Dinig na dinig ko rin ang mabilis at malakas na dagundong ng tibok ng puso niya. Pinunasan ko ang ilang takas na luha sa akin mata bago bumitaw sa pagkakayakap niya, “Why are you here? May nangyari ba? I was trying to call you, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at kahit ang mga text ko?” Sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya, na muli nakapagpaalala sa akin ng takot at kaba na naramdaman ko kahapon. “I
last updateLast Updated : 2022-01-23
Read more

Kabanata 35.1

Hindi alam ni Colton kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Muli ay halo-halo ang emosyon na lumulukob sa pagkatao niya. Mataman siyang nakaupo sa study niya. Hindi sigurado sa mga hakbang na gagawin. Isa lamang ang kan’yang nasa isip sa mga oras na iyon kaya walang ano-ano ay kinuha niya ang kan’yang telepono at i-dinial ang numero roon. Ilan ring na ngunit wala pa rin sumasagot. Gusto na ni Colton na lalo panghinaan ng loob pero pilit pa rin niya na pinatatatag ang sarili. Alam niya na sasagutin niyon ang tawag. Kahit ngayon lamang ay muli siyang umaasa. At naniniwala siya na sasagot ang importante na tao na iyon at bibigyan siya ng oras. “Colton.” sagot sa kabilang linya. Hindi namalayan ni Colton ang unti-unti na pagpatak ng kan’yang luha. Muli na naman siya ginugupo ng kan’yang emosyon. Pilit niya pinatatatag ang sarili. “Lets talk.” Tahimik lamang ang nasa kabilang linya. Marahil ay inaalam at pilit iniintindi ang sitwasyon at ang nais niya. “Please, let’s talk.” Ul
last updateLast Updated : 2022-01-24
Read more

Kabanata 36

Kasama ang ilang tauhan ay dumating sa saktong oras na napagkasunduan si Colton Mijares. Iginiya siya ng isang waitress sa isang pribado na kuwarto sa restawran na iyon. Kabado man ay gusto na niya na matapos ang lahat ng ito. Hawak na niya ang pagpapatunay at gagawin niya ang lahat para sa kan’yang karapatan. Pagbukas ng pintuan sa pribadong kuwarto ay agad na natuon ang mata ni Colton sa pares na naroon sa loob. Mabilis na nagsalubong ang kilay niya at napakuyom ng kan’yang kamao. Hindi niya inaasahan ang pagdalo ng tao na iyon na kasalukuyan na nasa harapan niya. Naestatwa lamang siya at nakatitig sa pares na nakaupo. “Colton.” Bungad ng babae sa kan’ya sa mahina na boses. Agad na tumayo ang pares upang salubungin siya. “Colton.” bati naman ng lalaki. Gustuhin man niya na umatras ngayon ay hindi niya magawa. Importante sa kan’ya ang paguusapan nila ngayon, kaya kung ano man ang sadya ng tao na ito ngayon para sumama sa usapan ay tsaka na niya proproblemahin. Ang mahalaga sa kan’
last updateLast Updated : 2022-01-25
Read more

Kabanata 37

Hindi ako mapakali simula nang matanggap ko ang tawag na iyon ni Colton. Hinihiling niya na makapag-usap kami. Alam ko na panahon na upang harapin ko ang lahat ng takot na mayroon ako at upang tapusin na ang pagtatago. Hindi pa man ako sigurado kung paano aaminin kay Colton ang tungkol sa pagkamatay ni Cole ay bahala na. Wala naman ipagkakaiba ang katotohanan na marahil ay isumpa niya ako kapag nalaman niya ang pagtatago at pagtakas ko sa mga anak niya. At siguro nga mas makakabuti na magalit na lamang siya upang pareho na kami na makalaya sa kung ano man pagmamahal ang mayroon kami para sa isa’t-isa. At ngayon araw na ito ang araw ng paghaharap na iyon. Ngayon araw na ito ay kailangan na namin pareho na tuldukan ang paghahabulan at pagtataguan. “Babe.” Napalingon ako sa boses ni Aldrick. Kagaya ng dati ay malamlam na naman ang mga mata niya. Simula nang magbalik siya rito ay parang lagi siya na may malalim na iniisip. “Babe, aalis ka?” Tanong ko sa kan'ya nang mapansin na nakabihi
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more
PREV
1
...
56789
...
19
DMCA.com Protection Status