“Babe, are you crying?” Ito ang nag-aalala na tanong ni Aldrick sa akin. Kita ko ang pangamba sa mga mata niya. “Bakit ka umiiyak, Atasha? What happened?” Napailing na lamang ako. Paano ko sasabihin sa kan’ya na ang mga luha na ito ay gawa ni Colton? Dahil parang totoong-totoo ang panaginip ko na iyon. Ramdam na ramdam ko ang bawat halik na iginawad niya sa akin. “Atasha?” muli na tawag niya sa akin. Mahigpit na yakap mula sa kan'ya ang sunod na naramdaman ko. Yakap na puno ng iba’t-ibang emosyon. Hindi ko alam ngunit sa pakiramdam ko ay may takot sa mga yakap na ito ni Aldrick. Dinig na dinig ko rin ang mabilis at malakas na dagundong ng tibok ng puso niya. Pinunasan ko ang ilang takas na luha sa akin mata bago bumitaw sa pagkakayakap niya, “Why are you here? May nangyari ba? I was trying to call you, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at kahit ang mga text ko?” Sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya, na muli nakapagpaalala sa akin ng takot at kaba na naramdaman ko kahapon. “I
Hindi alam ni Colton kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Muli ay halo-halo ang emosyon na lumulukob sa pagkatao niya. Mataman siyang nakaupo sa study niya. Hindi sigurado sa mga hakbang na gagawin. Isa lamang ang kan’yang nasa isip sa mga oras na iyon kaya walang ano-ano ay kinuha niya ang kan’yang telepono at i-dinial ang numero roon. Ilan ring na ngunit wala pa rin sumasagot. Gusto na ni Colton na lalo panghinaan ng loob pero pilit pa rin niya na pinatatatag ang sarili. Alam niya na sasagutin niyon ang tawag. Kahit ngayon lamang ay muli siyang umaasa. At naniniwala siya na sasagot ang importante na tao na iyon at bibigyan siya ng oras. “Colton.” sagot sa kabilang linya. Hindi namalayan ni Colton ang unti-unti na pagpatak ng kan’yang luha. Muli na naman siya ginugupo ng kan’yang emosyon. Pilit niya pinatatatag ang sarili. “Lets talk.” Tahimik lamang ang nasa kabilang linya. Marahil ay inaalam at pilit iniintindi ang sitwasyon at ang nais niya. “Please, let’s talk.” Ul
Kasama ang ilang tauhan ay dumating sa saktong oras na napagkasunduan si Colton Mijares. Iginiya siya ng isang waitress sa isang pribado na kuwarto sa restawran na iyon. Kabado man ay gusto na niya na matapos ang lahat ng ito. Hawak na niya ang pagpapatunay at gagawin niya ang lahat para sa kan’yang karapatan. Pagbukas ng pintuan sa pribadong kuwarto ay agad na natuon ang mata ni Colton sa pares na naroon sa loob. Mabilis na nagsalubong ang kilay niya at napakuyom ng kan’yang kamao. Hindi niya inaasahan ang pagdalo ng tao na iyon na kasalukuyan na nasa harapan niya. Naestatwa lamang siya at nakatitig sa pares na nakaupo. “Colton.” Bungad ng babae sa kan’ya sa mahina na boses. Agad na tumayo ang pares upang salubungin siya. “Colton.” bati naman ng lalaki. Gustuhin man niya na umatras ngayon ay hindi niya magawa. Importante sa kan’ya ang paguusapan nila ngayon, kaya kung ano man ang sadya ng tao na ito ngayon para sumama sa usapan ay tsaka na niya proproblemahin. Ang mahalaga sa kan’
Hindi ako mapakali simula nang matanggap ko ang tawag na iyon ni Colton. Hinihiling niya na makapag-usap kami. Alam ko na panahon na upang harapin ko ang lahat ng takot na mayroon ako at upang tapusin na ang pagtatago. Hindi pa man ako sigurado kung paano aaminin kay Colton ang tungkol sa pagkamatay ni Cole ay bahala na. Wala naman ipagkakaiba ang katotohanan na marahil ay isumpa niya ako kapag nalaman niya ang pagtatago at pagtakas ko sa mga anak niya. At siguro nga mas makakabuti na magalit na lamang siya upang pareho na kami na makalaya sa kung ano man pagmamahal ang mayroon kami para sa isa’t-isa. At ngayon araw na ito ang araw ng paghaharap na iyon. Ngayon araw na ito ay kailangan na namin pareho na tuldukan ang paghahabulan at pagtataguan. “Babe.” Napalingon ako sa boses ni Aldrick. Kagaya ng dati ay malamlam na naman ang mga mata niya. Simula nang magbalik siya rito ay parang lagi siya na may malalim na iniisip. “Babe, aalis ka?” Tanong ko sa kan'ya nang mapansin na nakabihi
Para akong nabingi sa mga sinabi na iyon ni Colton. Hindi ako nakakibo at kusa na lamang na gumalaw ang aking mga kamay para abutin ang papel na inilapag niya sa lamesa. Sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ko ito at doon ko nakita ang nilalaman ng papel. Isa itong DNA test result. Hindi magkamayaw ang isip ko at sumasabay pa ang dagundong ng puso ko. Hindi ko lubos na maisip kung maniniwala ba ako sa hawak ko na papel o iisipin na isa lamang ito na patibong ni Colton para umamin ako sa kan’ya. Hindi ko mahanapan ng dahilan kung paano niya nagawa na makakuha ng DNA sample ni Ashira para makapagpa-test sila. Lalo na naman nagugulo ang aking kaisipan. May nagtatraydor ba sa amin? Pero sino? Hindi naman palagian na lumalabas si Ashira ng bahay kaya hindi ko maisip kung paano siya makakakuha ng sample na iyon. Hindi ba panaginip ko lamang iyon isang araw na nasa mansyon siya? Alam ko na kahit parang totoong-totoo ang mga halik na iyon ay panaginip lamang iyon. Nababaliw na ba ako sa
Naisambulat ko na ang lahat ng katotohanan. Ang mga katotohanan na pilit ko na itinago kay Colton. Hindi ko makita ang reaksyon niya sa mga sinabi ko dahil nakayapos lamang siya sa akin. Patuloy pa rin niya ako na pinapakalma at binibigyan ng suporta. Sa kabila ng mga sakit na ibinigay ko sa kan’ya, ito pa rin siya at nagbibigay sa akin ng lakas. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at agad ko naramdaman ang kakulangan. Hinahanap-hanap ko agad ang presensya ng mga yakap na iyon upang magbigay ng suporta at lakas ng loob sa akin. Inalalayan niya ako na maupo muli. Lumuhod siya sa harapan ko at muli na tumitig sa aking mga mata. Ang mga mata na nag-aalala at walang bahid ng galit at poot. Mga mata na nagtatanong. “Why did you leave, Atasha? Bakit ka bigla na umalis at nagtago? Bakit mo inilayo sa akin ang mga anak ko?” Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko sa mga tanong na iyon. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na umiiyak pero hindi napapagod ang aking mga mata sa pagpapakawala n
Pagkatapos ng madamdamin na pag-aaminan namin kanina ni Colton ay pareho kami ngayon na nakaupo sa may sofa rito sa may opisina niya. Tahimik lamang siya at parang malalim ang iniisip. “Colton.” tawag ko sa kanya. “Yes, love.” sagot niya. Agad ako na napabuntong-hininga sa tawag niya na iyon sa akin. “Colton, you know you can’t call me that.” “I can and I will, love.” “No. Colton kagaya ng sinabi ko hindi ito ang tamang panahon para isipin natin ang ating mga sarili. Maraming tao ang masasaktan kung ipipilit natin.” “No, Atasha, ito ang pinakatama na gagawin natin. Ang magpakatotoo sa ating mga sarili. Tama na ang panahon ng pagsisinungaling at pagtatago. Ito na ang tamang pagkakataon para aminin natin ang pagmamahal natin sa isa't-isa. Hindi na ako makakapayag na muli ka na naman na mawala sa akin. I’ve waited enough for you. Siguro naman sa pagkakataon na ito, Atasha, kaya mo na ako na piliin?” Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong na iyon ni Colton. Ang puso ko ay naghuhumi
Palakad-lakad si Reyna Isabel sa penthouse suite na iyon ng isang mamahaling hotel. Dito siya pansamantala na tumutuloy kasama ng ilan sa mga tauhan niya matapos siya na magdesisyon na pumunta ng Pilipinas. Lahat ng desisyon niya ay naging biglaan bunsod ng biglaan din na pag-alis ni Aldrick sa palasyo. Kung ano-ano na lamang ang idinahilan niya sa asawa na hari upang makapunta sa Pilipinas. Gulong-gulo na ang reyna. Galit na galit ang itsura ni Aldrick nang umalis sa Genova. At alam niya na may nalalaman na ang anak niya tungkol sa aksidente. Alam niya na nakausap na nito si Prinsipe Akiro at sigurado siya na nailabas na ni Akiro sa anak ang katotohanan. Pagdating na pagdating ng reyna sa Pilipinas ay agad sila na nagkita ni Celsius Mijares. Kailangan niya na makausap si Colton bago pa nito makausap si Aldrick. Gusto niya na siya ang makapagpaliwanag sa dalawang anak ng tungkol sa lahat-lahat. Handa na siya na tanggapin kung ano man ang magiging hatol at kaparusahan ng mga Altamir
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay