Buhay si Cole Ashton. Buhay ang isa sa kambal na inakala nilang lahat na patay na. Ito ang pauulit-ulit na gumagambala sa isipan ni Prinsipe Aldrick. Hindi niya mawari kung isa ba ito na katotohanan o sa muli ay pinapaikot lamang siya ng sarili niya na ina. Ngunit kung buhay si Cole Ashton, nasaan siya ngayon? Sino ang may hawak sa bata? Ang kan’yang ina ba na si Reyna Isabel? O hindi kaya si Prinsipe Akiro? Nabawi na ba ni Akiro Altamirano ang sariling pamangkin sa ina niya na reyna? Sino pa ang maaari na nagtatago kay Cole Ashton? Bukod sa kan'yang ina sino pa ang naghihiganti kay Atasha? Si Yulence Villagomeza ba? O ang ina ng dating kasintahan ni Atasha na si Ofelia? Nasaan si Cole? Kailangan niya na makita at mahanap si Cole bago pa siya maunahan ni Colton Mijares na magawa iyon. Kailangan na siya mismo ang makapagbalik kay Atasha sa anak na akala niya ay wala na. Kapag nagawa niya iyon alam ni Aldrick na lalo na mapapalapit sa kan'ya si Atasha at hindi na siya kailanman maiiw
Pagkalapag na pagkalapag ng pribado na eroplano na sinasakyan ni Prinsipe Akiro sa paliparan ay mabilis niya na kinuha ang kan’yang telepono at i-dinial niya ang isang numero. Ito ang unang pakay niya rito sa Pilipinas at nais niya ito matapos bago pa man niya harapin ang kan’yang kapatid. Nang may sumagot sa kabilang linya ay agad siya na nagsalita at nagbigay ng instruksyon. “Kalalapag lang namin sa Pilipinas. We’ll be there in twenty minutes.” Pagkasabi niyon ay pinutol niya na ang tawag at humarap sa kan'yang kasama na head security na si Caden. “Caden, diretso na tayo sa tagpuan.” Tumango naman ang kinausap bago nag-utos sa ilan pang mga kasamahan. Iginiya nila si Prinsipe Akiro papunta sa isang sasakyan na nag-aantay sa hindi kalayuan sa pinaglapagan ng pribado na eroplano. Walang pinagkatapusan ang pag-uusap ni Prinsipe Akiro at Prinsipe Aldrick sa Genova. Matapos niya sabihin kay Aldrick ang katotohanan sa kasamaan ng ina nito na reyna ay nabalitaan na lamang niya na lumipa
Pagkatapos na makipagkita ni Prinsipe Akiro kay Colton Mijares ay dumiretso na siya sa mansyon nila rito sa Pilipinas. Alam niya na masosorpresa si Atasha sa pagbabalik niya. Kahit alam na ng kapatid na babalik siya ng Pilipinas ay hindi alam ng prinsesa ang eksaktong araw kung kailan. Gusto niya na maisikreto ang lahat ng detalye dahil kailangan niya na mag-ingat habang wala pang kasiguraduhan ang katapatan ni Aldrick sa kanila. Kaya kailangan lahat ng kilos niya ay patago. Tanging si Nathan lamang ang nakakaalam na ngayon ang araw ng pagdating nila ni Caden. Kagaya ng ini-report ni Nathan kay Prinsipe Akiro ay kasalukuyan na nasa mansyon si Aldrick kasama ang mga prinsesa. Hindi maiiwasan ang pagtatagpo nila at alam niya na hindi niya rin mapapaalis si Aldrick sa mansyon dahil lubha na magtataka si Atasha kapag ginawa niya ang bagay na iyon. Ilang beses na rin na nagsabi si Nathan sa kan’ya ng patungkol sa paghihinala ni Atasha sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Aldrick. Kaya al
Kabadong-kabado si Prinsipe Aldrick nang masilayan ang pagdating ni Prinsipe Akiro. Hindi niya inaasahan na ilan araw matapos ang biglaan niya na pagbabalik sa Pilipinas ay kasunod niya na rin ang Prinsipe ng mga Altamirano. Alam niya ang dahilan kung bakit narito na ang prinsipe. At alam ni Aldrick na lalo na nauubos ang oras niya. Kailangan na niya na makakuha ng impormasyon sa lalong madaling panahon. “Aldrick, ayos ka lang ba?” Nag-aalala na tanong ni Atasha. Hindi niya na namalayan na nakatitig sa kan’ya ang kasintahan at mataman na inoobserbahan siya dahil ang isip niya ay nakatutok sa mga susunod na hakbang na gagawin niya. “Oo naman, babe, hayan ka na naman. Kasasabi lang ng kapatid mo sa’yo kanina na huwag mag-overthink ay ginagawa mo na naman. Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano na wala naman saysay.” sagot ni Aldrick kay Atasha. Lumapit siya sa nobya at ikinulong sa mga bisig niya si Atasha. Gusto niya na maramdaman ni Atasha ang pagmamahal niya. Walang salita na maapu
Pagkatapos nang pag-uusap namin na iyon ni Aldrick kahapon ay lalo na nagkagulo-gulo ang takbo ng isip at puso ko. Ramdam na ramdam ko ang takot ni Aldrick sa mga sandali na iyon. Hindi ko alam ang mga bagay na nalalaman niya pero sa paraan ng pananalita niya ay parang mayro’n na siya na nalalaman. Kung nabisto na ba niya ang nangyari na pagkikita namin ni Colton ay hindi ko sigurado. Sa sobrang kaba na nararamdaman ko at pagkakonsensya ko ay halos hindi ko na matugunan nang halikan niya ako. Naaawa ako kay Aldrick at nahihiya ako na sa kabila ng matindi na pagmamahal na inilalaan niya sa akin ay nagagawa ko siya na pasakitan ng ganito. Ang malaking bahagi ng isip ko ay naghuhumiyaw na manatili kay Aldrick. Siya ang naging kaagapay ko sa lahat ng sakit at pagluha ko. Hindi lamang siya tumayo bilang ama ng mga anak ko kung hindi para ko na rin siya na naging asawa. Siya ang katuwang ko simula ng magbuntis ako hanggang sa maipanganak ko ang kambal. At alam ko nang tugunin ko ang mga ha
“Answer this question, are you still in love with Colton Mijares?” Para akong nabingi sa tanong na iyon ni Akiro. At ang mga salita na iyon ay parang echo na umuulit-ulit sa tainga ko. At kahit alam ko ang kasagutan ay hindi ko masabi ang totoo sa mga oras na ito. “Atasha, uulitin ko ang tanong. Mahal mo ba si Colton Mijares?” Muli na tanong ni Akiro ng wala siya na narinig na pagtugon sa akin sa unang beses niya na pagtatanong. Pinanlalamigan ako ng buong katawan. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin sa sandali na ito. Hindi ko masiguro kung nararapat ko ba na sabihin kay Akiro ang katotohanan. “You can lie to me, Atasha, lie all you want. Pero alam na alam mo sa sarili mo ang sagot sa tanong ko. You can never ever lie to yourself at kahit paulit-ulit mo na itanggi ay iba ang nakikita ko sa’yo. Kaya sagutin mo ang tanong ko, Tash. Hindi kita huhusgahan dahil wala akong karapatan na gawin iyon. Gusto ko lamang na maging totoo ka sa sarili mo.” Wala pa man salita na lumalabas
Makaraan ang pakikipagkita ni Colton sa prinsipe ng mga Altamirano na si Akiro noon isang araw ay isang pagpupulong at paghaharap na naman ang nakatakda niya na puntahan ngayon araw kasama ang mga tauhan niya. Sa magkasunod na araw ay dalawang prinsipe ng Genova ang kakaharapin niya. Nauna na si Prinsipe Akiro Altamirano at nakahinga ng maluwag si Colton na naging maayos ang kanilang pag-uusap. Hindi na binanggit pa muna ni Colton sa prinsipe ang katotohanan tungkol sa anak na si Cole Ashton. Sa ngayon kagaya sa napagkasunduan nila ni Atasha ay tangi na sila na lamang muna ang makakaalam sa bagay na iyon upang masiguro ang kaligtasan ng anak, lalo na at hindi pa rin sigurado si Colton kung sino ang mga kaaway at kakampi nila. Hiniling din ni Atasha na makita at makasama si Cole kaya napagkasunduan nila na gagawin iyon upang mabigyan din ng pagkakataon si Colton na makilala at makapiling si Ashira Coline. Saktong-sakto naman din ang naging kahilingan ni Prinsipe Akiro na tulungan si
Hindi alam ni Colton kung ano ang mararamdaman niya matapos ipagtapat sa kan’ya ni Aldrick Laureus ang katotohanan tungkol sa kan'yang ina. Hindi niya rin alam kung dapat ba niya paniwalaan ang mga sinabi nito. Hindi rin siya sigurado sa mga isiniwalat ni Aldrick na magkapatid sila at isa lang ang alam ni Colton na makapagpapaliwanag sa lahat nang sinabi ng prinsipe ng Laureus. Nagmamadali siya na bumiyahe papunta sa mansyon ng mga Mijares. Ayaw man sana niya na magpunta roon dahil malaki ang tsansa na makaharap niya si Ofelia ay wala na siyang pakialam. Sa dami ng mga katotohanan na itinago sa kan’ya na ngayon ay isa-isa na nalalantad ay wala na siyang pakialam pa sa mag-ina na sina Yulence at Ofelia. Pagkarating ng mansyon ay agad siya na nagdiretso sa loob ng bahay. “Where’s dad?” seryoso na tanong niya sa isang katulong. “Sir, nasa may garden po.” magalang na sagot ng kasambahay. Papalakad na siya papunta sa hardin nang marinig niya ang boses ng babae na ayaw niya na sana kahar
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay