Blair Castro5 years later... “HUWAG!!” mabilis akong bumangon kasabay ng paghiyaw ko sa kalagitnaan ng hikbi. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga palad at doon umiyak ng umiyak. “Blair, hija.” Nilingon ko ang matandang babaeng yumakap sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok habang mahigpit ang yakap sa akin. Mas lalo akong napaiyak. “Shh! Tahan na, anak. Tahan na. Panaginip lang iyon.” Humikbi ako at umiling-iling. “Hindi po iyon basta panaginip, mom. Alaala ko iyon. Ang huling alaala ko kasama ang mga anak ko.” “Oh, sweetie!” Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. Ilang saglit pa ay bumukas ang ilaw sa kwarto ko. Pumasok ang isang matandang lalaki at isang lalaking mas matanda lang ng ilang taon sa akin. “Honey, ano ba iyan? Bakit sumisigaw si Blair?” tanong ng matandang lalaki saka lu
Huling Na-update : 2021-11-15 Magbasa pa