Blair Castro
MAAGA akong umalis sa condo ni kuya kinabukasan. Suot ang simpleng jeans at itim na damit ay lumabas ako bitbit ang shoulder bag ko. Habang lumalakad ay isinilid ko ang cellphone ko sa shoulder bag. Nang mag-angat ako ng mukha ay pasara na ang elevator kaya agad akong tumakbo para umabot ako.
Umabot ako pero gulat na napatingin sa akin ang babaeng naglilipstick. Kumalat pa ang lipstick sa gilid ng labi niya kaya awkward akong napangiti.
Pumasok ako at tumayo sa tabi niya. Nagpatuloy naman siya sa kaniyang ginagawa habang tahimik lang ako. Hindi na rin ako nag-abalang pindutin ang button ng ground floor dahil doon rin ang punta ng babae.
Biglang sumagi sa isip ko ang pagkikita namin ni Lukas kahapon. Hindi ko akalaing sa pangalawang pagkakataon ay malulunod ako sa titig ng luntian niyang mga mata. Tumibok ng mabilis at malakas ang puso ko at natakot ako. Natakot ako dahil baka masira ng nararamdaman ko ang mga plano ko.
Napatingin ako sa babaeng katabi ko nang mahagip ng paningin ko ang keychain sa cellphone niya. Umawang ang labi ko nang mamukhaan ang babaeng nasa litrato na nakalagay sa keychain. Napalunok rin ako. Sikat na sikat na si Alicia—bagay na pinapangarap niya lamang noon.
Dahan-dahang nalukot ang mukha ko saka umiwas ng tingin mula sa keychain.
Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Diretso lamang ang lakad ko at natitiyak kong hindi maganda ang timpla ng mukha ko. Sa laki ng kasalanan sa akin ni Alicia, simpleng litrato niya lang ay matindi na ang epekto sa akin. Ayokong magpaapekto sa kaniya pero hindi ko talaga maiwasan. Sa totoo lang, gustong-gusto ko siyang sabunutan, sampalin at pagtatadyakan. Makaganti manlang sa malaking kasalanan na ginawa niya sa akin noon at hanggang ngayon. Gusto kong gumanti sa kaniya pero uunahin ko pa ba iyon kaysa sa mga anak ko? Uunahin ko pa ba ang galit kaysa sa pagmamahal ko sa mga nawalay kong anak? Hindi. Ayoko!
Hustong nakalabas ako ng gusali ay biglang tumunog ang cellphone ko. Halos mapatalon ako sa gulat. Natawa pa nga ang isang matandang lalaking nasalubong ko.
Nagpatuloy sa pag-iingay ang cellphone ko. Nang kunin ko ito at tingnan ang pangalan ng caller ay agad akong napakagat ng labi. Nabisto niya kaagad ako?
Napalunok ako at sinagot ang tawag. “Hello, kuya?”
[Blair! Nasaan ka?]
Namaywang ako at nagpalinga-linga para humanap ng taxi. Kailangan kong makaalis na kaagad bago pa ako maabutan ni kuya dito sa labas. Tiyak na pagagalitan niya ako dahil hindi pa ako nag-aalmusal.
[Sumagot ka, Blair!]
Tumikhim ako. “Kuya, pupuntahan ko si Lira.”
[What?!]
Bumuntong-hininga ako. “Gusto ko nang makita sa personal ang anak ko, kuya.”
Gustong-gusto kong malapitan si Lira, mahaplos ang kaniyang buhok, mahawakan ang pisngi at mayakap ng mahigpit. Alam kong hindi ko basta-bastang magagawa iyon dahil hindi naman ako pwedeng basta nalang lumapit sa kaniya at yakapin siya. Bata pa si Lira, tiyak akong matatakot siya sa akin kapag bigla ko nalang siyang niyakap.
[Blair, hindi ka pwedeng magpadalos-dalos. Kapag nakita ka ni Alicia, tiyak na gagawa siya ng paraan para ilayo sa 'yo ang bata.]
Hindi ako nakapagsalita. Isa iyon sa iniiwasan ko kaya nga mag-iingat ako ng husto at titiyakin ko na hindi ako mabubuko sa gagawin ko.
[Naiintindihan mo ba ako, Blair?]
Hindi pa rin ako nagsalita. Pakiramdam ko'y natunaw ang excitement na nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi ni kuya. Hindi niya pa nakikilala ng personal si Alicia pero alam na niya kung gaano ito ka-sama dahil lang sa mga kwento ko.
Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. [Blair, you know I love you—I mean, you're my sister. Mahalaga ka sa akin kaya ayokong mapahamak at masaktan ka na naman. Naiintindihan mo naman ako, diba?]
Dahan-dahan akong tumayo saka nagtaas ng noo. Tapos na ang panahon ng pagiging mahina ko at bumalik ako na may tapang para ipaglaban ang karapatan ko—sa paraang alam ko. Sa paraan ko kaya hindi ako matitinag ng kahit ano pang balakid o problema.
“Naiintindihan kita, kuya. 'Wag kang mag-aalala dahil mag-iingat ako. Hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko lalo na ng mga anak ko.” matigas at puno ng determinasyon na litanya ko.
Nahuhulaan ko na ang reaksyon ni kuya. Tiyak na napapailing siya ngayon pero wala naman siyang magagawa. Desisyon ko ang masusunod dahil anak ko ang nakasalalay dito. Ang pagiging ina ko ang nakataya kaya lalaban ako gamit ang nag-iisang alas ko—ang pagmamahal ko para sa mga bata.
[Fine! Susunduin kita mamaya. Itext mo sa akin kung saan ang school ni Lira.] May bahid ng frustrasyon sa boses na sagot niya.
Unti-unti akong napangisi. Hindi naman siya mananalo sa akin. Mula nang dumating ako sa buhay nila ay hindi pa siya nanalo sa akin tuwing nagdidiskusyon kami. Sa huli ay siya palagi ang sumusuko.
“Thanks, kuya.” mahinang sambit ko saka nagpalinga-linga ulit.
[Sandali, nagbreakfast ka ba?]
Mariin akong napapikit at natigilan. Iyan na nga! Bakit ba hindi ko kaagad ibinaba ang tawag? Tiyak na hindi niya ako paaalisin nang hindi nag-aalmusal.
[I knew it! Hintayin mo ako riyan sa labas. Magbibihis lang ako.] Matapos niyang sabihin iyon ay ibinaba na niya ang tawag.
Napabuga nalang ako ng hangin at humalukipkip sa isang tabi—tahimik na naghintay sa kaniya.
Ilang sandali pa ay dumating na si kuya. Agad akong nagtaka dahil bihis na bihis siya at mukhang balak niyang sumama sa akin.
Naniningkit ang mga matang sinalubong ko siya. “Bakit nakabihis ka?”
Nginitian niya ako. “Sasamahan kita.”
Hindi ako nakaalma. Sa mga ganitong sitwasyon ay palaging nananalo si kuya. Hinahayaan lang naman niya akong manalo kapag mga gusto ko ang pinag-uusapan pero hindi niya ako hinahayaang mag-isa—palagi ko siyang kasama sa lahat ng bagay kaya hindi na ako nagtataka na minsan ay napapagkamalan kaming magkasintahan.
“Anong balak mo kapag nakita mo si Lira?”
Napaisip ako sa biglaang tanong ni kuya habang kumakain kami. Bumuntong-hininga ako kasi sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin oras na makita ko siya pero ayokong matakot siya sa akin.
Sandali pa akong nag-isip at natulala. Sa huli ay bumuntong-hininga ako. “Ewan ko, kuya. Bahala na!”
Nagpatuloy kaming dalawa sa pag kain. Halos hindi ako makakain ng maayos dahil ang nasa isip ko ay si Lira.
“Mamaya aalis ako. Pupunta ako sa Siargao para hanapin si Dra. Licauco.”
Nag-angat ako ng mukha kay kuya. “Sasama ako!
Agad siyang umiling. “Ako nalang muna. Kapag nahanap ko na ang kambal saka kita isasama.”
Marahan lamang akong tumango. Pakiramdam ko'y wala akong buhay dahil sa mga nangyari at nangyayari. Oo, malakas na ako. Kaya ko nang harapin si Alicia at ipagtanggol ang sarili ko pero talagang kulang ako dahil kinuha ni Alicia ang dapat na rason kung bakit naging matapang ulit ako.
Bahagyang kumunot ang noo ko. Isipin ko palang na magkikita kami ni Alicia ay umiinit na ang dugo ko. Itinuring ko siyang kaibigan tapos ganoon ang ginawa niya sa akin. Makasarili siya!
“Tayo na!”
Kumurap-kurap ako at tiningnan si kuya. Bumaba ang tingin ko sa plato niya na nasa mesa. “Hindi mo pa ubos ang kinakain mo.”
Umiling siya. “Mas gugustuhin ko pang hindi ubusin ang pagkain kaysa maubos mo lahat ng table napkin.”
Gulat na napatingin ako sa kamay ko at agad na nabitawan ang gutay gutay na table napkin. Napakamot ako ng batok ko at narinig ko naman ang tawa ni kuya.
Tiningnan ko siya at napapailing pa siya habang nakangiti.
Tumayo ako at tinapon sa kaniya ang isang table napkin. Lumabas kami sa fastfood na tumatawa pa rin siya sa hindi ko alam na dahilan.
GAMIT ang kotse ni kuya ay nakarating kami sa school kung saan nag-aaral si Lira. Galing ang impormasyon na ito sa private investigator na binayaran ko. Totoo naman ang nakuha niyang impormasyon dahil may ipinadala siya sa akin na litrato bilang patunay.
Napangiti ako nang maalala ang mukha ni Lira. Napakagandang bata niya at kamukhang-kamukha siya ni Lukas. Nakakainis dahil tila ba mas pinahihirapan ako ng tadhana dahil walang nakuha sa akin si Lira. Ang matangos niyang ilong, mapulang labi at luntiang mga mata ay nakuha niya kay Lukas.
“Maaga pa. 9 am yata ang start ng klase ng kindergarten dito.” ani kuya Cloud.
Nasa tapat na kami ng gate ng elementary school. Maraming mga batang dumarating at pumapasok sa gate pero wala sa kanila si Lira.
Bahagyang naningkit ang mga mata ko ng makita ang isang guro na nakauniform. Nilingon ko si kuya. “Kuya!”
“Oh?” tugon niya habang hindi lumilingon. Abala siya sa cellphone niya at mukhang may katext.
Hindi ko pinansin ang ginagawa niya sa halip ay sinabi ko ang gusto kong mangyari. “Tulungan mo akong mapalipat sa school na 'to.”
Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at tinitigan ako. “Seriously, Blair? Tapos ano? Itotorture mo ang sarili mo? Akala ko ba okay ka na sa plano natin na babawiin natin ang mga bata nang hindi nalalaman ni Alicia?”
Umiling ako. “Komplikado ang ganoong plano, kuya. Oo, pumayag ako pero mas mapapadali ang lahat kung makikipaglapit ako kay Lira.”
“You can't do that, Blair. Hindi iyon madali. Malaki ang chance na makita ka ni Alicia. Mas magiging komplikado ang lahat kapag nakita ka ni Alicia dahil makakagawa siya ng paraan para ilayo ulit sayo si Lira.”
Nangunot ang noo ko saka umiling-iling. “Ina ako, kuya. May laban ako! Hindi lang talaga patas lumaro si Alicia kaya nakakatakot siyang kalaban pero kakayanin ko. Kaya ko na dahil mga anak ko ang nakataya. Hindi ako pwedeng maghintay lang kung kailan natin pwedeng makuha ang mga anak ko dahil bukod kay Alicia ay nariyan si Lukas. Hindi iyon papayag na basta ko nalang kunin ang anak ko kahit nasa akin ang lahat ng karapatan.”
Marahas siyang bumuntong-hininga. “Naroon na ako. I get your point! Karapatan mo dahil ina ka. May laban ka dahil ikaw ang nagluwal sa kanila pero sa gusto mong mangyari, maiinvolve ka kina Alicia at Lukas. Alam mo naman ang ibig sabihin ng guro diba? Pangalawang magulang, Blair. Gagabayan mo si Lira, tuturuan mo siya. Oo, karapatan mo iyon pero kay Lira ka lang dapat mainvolve—hindi kay Lukas!”
Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko siya maintindihan. Noong wala pa kami dito sa Pilipinas ay todo suporta siya pero bakit ngayon ay parang umaatras na siya?
“Kakampi pa ba kita, kuya?” halos pabulong kong tanong.
Tinitigan niya ako. Ilang saglit pa ay marahas niyang ginulo ang sarili niyang buhok saka bumuga ng hangin. “Fine! Sasabihin ko kina mom ang gusto mong mangyari. Ako na rin ang mag-aasikaso ng mga documents mo pero may kondisyon ako.”
Lumiwanag ang mukha ko. Kaonting arte ko lang talaga ay pumapayag na siya. Perks of being the youngest.
“McBride ang gagamitin mong apelyido dahil baka makilala ka ni Alicia.”
Ngumiti ako. “Basta ikaw ang bahala kapag nahuli na peke ang documents na ipapasa ko.”
Tumawa siya at umiling. “Baliw ka talaga!”
Tumawa lang rin ako saka tumingin na sa labas. Umawang ang labi ko nang saktong paglingon ko ay bumaba sa kotse ang isang batang babae na pamilyar sa akin—ang anak ko!
Nangilid ang luha ko. Ginusto kong bumaba ng sasakyan at sugurin siya ng yakap pero pinigilan ako ng mahigpit na paghawak ni kuya sa braso ko. Natigilan rin ako nang bumaba si Lukas mula sa kotseng pinanggalingan ni Lira. Hinawakan nito ang kamay ng anak ko at sabay silang naglakad papasok sa gate ng school.
Hindi ko na napigilan ang luha ko habang nawawala sila sa paningin ko dahil sa pagpasok nila sa loob ng school.
Bago pa ako humagulhol ay sumubsob na ang mukha ko sa didbib ni kuya Cloud dahil sa biglaan niyang paghila at pagyakap sa akin. Napaiyak ako sa d****b niya habang hinahaplos niya ang buhok ko.
Ang anak ko! Nakita ko na siya sa personal. Tunay ngang maganda siya at mukhang bibo rin.
Ang saya ko! Ang saya-saya ko!
“K-Kuya, si L-Lira! S-Si Lira iyon!”
Naramdaman ko ang pagtango ni kuya sa balikat ko. “Oo, Blair. Si Lira nga iyon. Makakasama mo rin siya. Makakasama rin natin siya basta magtiwala ka sa akin.”
NAKATAYO ako sa harap ng malaking mansion ni Lukas de Marco. Hatinggabi na pero hindi ko alintana ang oras. Gusto kong makita ang anak ko at alam kong imposible ang gusto ko sa mga oras na ito dahil tiyak na natutulog na ngayon si Lira.
Mataman kong pinagmamasdan ang kabuohan ng bahay habang nakasandal sa kotse ni kuya. Umalis na kaninang tanghali si kuya para puntahan sa Siargao si Dra. Licauco at hindi niya alam ang ginagawa ko ngayon. Wala rin naman akong balak na ipaalam dahil tiyak na kagagalitan niya ako.
Bumuntong-hininga ako habang nakasandal sa hood ng sasakyan. May nakaipit na sigarilyo sa daliri ko habang may beer naman sa kabila kong kamay.
Wala talaga akong balak na magtagal dito pero umaasa kasi ako na makikita ko ulit ang mukha ni Lira bago ako matulog pero mukhang malayo iyon.
Umiling ako at uminom ng beer. Umawang ang labi ko nang wala nang pumatak sa bibig ko. Napailing nalang ako saka niyupi ang can at itinapon sa malapit na basurahan. Isang beses pa akong humithit sa sigarilyong hawak ko saka ito itinapon at tinapakan.
Namulsa ako saka muling tumingin sa malaking bahay na kaharap ko. Kung ay makakakita sa akin ngayon, tiyak na iisipin na nababaliw na ako dahil halos mangiyak-ngiyak ako habang nakatingin sa malaking bahay.
Sa totoo lang, kanina pa ako natutukso na akyatin ang bahay at hanapin si Lira para lang makita siya pero hindi pa naman ako tuluyang nasisiraan ng bait kaya hindi ko ginagawa.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa tapat ng bahay hanggang sa napagpasyahan ko nang umalis. Sumakay ako sa kotse ni kuya na pinili niyang iwan sa akin. Muli pa akong sumulyap sa bahay saka ngumiti.
“Makakasama rin kita, anak. Sana hindi pa huli para kilalanin mo ako.” madamdaming bulong ko saka binuhay ang makina ng kotse. Umalis ako sa tapat ng bahay ni Lukas na bigong makita si Lira pero may baon akong tapang at lakas ng loob na bawiin ang anak ko kay Alicia.
Blair Castro ANG maingay na tunog ng cellphone ko ang gumising sa akin kinabukasan. Pikit-matang kinapa ko ang nag-iingay na bagay sa bedside table saka walang pagdadalawang-isip na sinagot ang tawag. [Blair!] Mabilis akong napabangon nang marinig ang boses ni kuya Cloud. Napaungol ako nang mahilo ako dahil sa ginawa ko. Napahawak ako sa ulo ko at mariing pumikit. [Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa 'yo?] Muli kong narinig ang boses ni kuya. Sa pagkakataong ito ay bakas na ang pag-aalala. Nagmulat ako ng mata at tiningnan ang kabuohan ng kwarto. Nahagip ng paningin ko ang oras at napabuntong-hininga nalang ako dahil alas diyes na pala. Agad akong tumayo at nagmumog sa banyo saka binalikan si kuya na nasa linya pa rin. “Kuya.” [Bakit ang tagal mo sumagot? Ano bang ginagawa mo?] Napakamot ako ng batok. “Tinanghali ako
Blair Castro TAHIMIK akong umiinom ng milk tea habang nakaupo sa loob ng shop. Katatapos lang ng klase ko sa pangalawang section ng mga bata at alas kuwatro palang kaya pinili kong tumambay muna dahil wala naman akong aabutan sa condo dahil tiyak akong wala pa si kuya—susunduin ako niyon kung nakauwi na. Mataman kong pinagmamasdan ang mga teenagers na nagtatawanan habang umiinom rin ng milk tea. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay na nakapukaw sa interes nila. Bigla ko tuloy naalala sa kanila ang mga barkada ko noong highschool. Nakakatawa lang isipin na bigla nila akong iniwan noong nawala na ang mga negosyo ng magulang ko. Inisip ko noon na mga plastik sila at si Alicia lang ang totoo pero nagkamali ako—mas matinding pahirap pala ang aabutin ko sa taong inakala kong totoo. Napatingin ako sa straw nang wala na akong masipsip. Binitawan ko ito nang mapagtantong wala
Blair Castro NAGSALUBONG ang kilay ko nang mamataan ko si Lira na bumaba sa isang kotse sa mismong tapat ng gate ng eskwelahan. Wala siyang kasamang maghahatid sa kaniya pero nakatanaw sa kaniya si Lukas na nasa loob ng kotse. Kapuwa nakangiti sa isa't-isa ang mag-ama. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka tumayo mula sa pagkakaupo sa bleachers. Isinukbit ko ang bag ko habang pinagmamasdan si Lira na naglalakad papasok matapos umalis ni Lukas. Hindi ko maintindihan. Ang yaman-yaman niya pero bakit wala siyang kinukuhang tagapag-alaga ni Lira gayong palagi silang wala ni Alicia sa bahay? Pinababayaan ba nila ang anak ko? Habang pinagmamasdan ko ang masiglang mukha ni Lira ay hindi ko maiwasang mamangha dahil nakuha niya talaga ang mukha ng kaniyang ama. Magkamukhang-magkamukha sila kaya naman tiyak kong mahihirapan akong patunayan kay Lukas na
Blair Castro MARAHAN kong pinasadahan ng daliri ang bawat letra ng pangalan ni Lira. Pakiramdam ko'y may kuryenteng dumadaloy sa daliri ko sa bawat pagsayad ng balat ko sa papel. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin sa kamay ko ang paghawak niya dito at nakikita ko pa rin sa isip ko ang matamis niyang ngiti lalo na nang sunduin siya ni Lukas kanina. Bumuntong-hininga ako saka binitawan ang papel at lumingon kay kuya na kalalabas lang ng banyo. Nakasuot siya ng pants at simpleng sando habang tinutuyo ng tuwalya ang basa niyang buhok. Bigo pa rin siyang makahanap ng clue tungkol sa umampon sa kambal dahil confidential raw ang impormasyon na iyon ayon sa nakausap niyang tao. “Ano iyan?” Napangiti ako kay kuya at ipinakita sa kaniya ang papel na galing kay Lira. “Pangalan ni Lira. Hiningi ko ito sa kaniya kanina matapos niyang isulat.” “O
Blair Castro WALA akong imik na bumalik sa school matapos kong magpaalam kay kuya. Kumain naman na ako ng pananghalian kasama si Lira kaya tutuloy na ako sa school para sa susunod na klase ko sa isa pang section ng kindergarten na pang-hapon. Pagkatapos umalis ni Lukas kanina ay inaya ako ni kuya na kumain pero tumanggi ako dahil tapos naman na ako. Nawalan talaga ako ng gana at biglang nanghina. Ni hindi ko na naitanong kay kuya kung kumusta ang lakad niya—hindi rin naman siya nagsalita marahil ay sa pag-aalala. Literal na tulala ako. Hindi katulad kaninang umaga na magana ako sa pagtuturo, ngayon ay para akong lantang gulay. Nagbigay nalang ako ng assignment sa mga bata at hinayaan ko na silang maglaro. Kinuha ko ang cellphone ko saka pinakatitigan ang nasa lockscreen ko. Litrato ito ni Lira habang nakangiti siya at bakas sa mga mata ang saya. Kinuha ko ito sa social
Blair Castro NANG sumapit ang sabado ay hindi ko napigilang mapasimangot. Gusto kong lumipas na kaagad ang weekend para makita ko na ulit si Lira. Pagkatapos ng engkwento ko kay Lukas ay napansin kong mas maaga na itong dumarating para sunduin si Lira kaya hindi na ako nagkakaroon ng pagkakataon para makasama si Lira tuwing tanghali. Alas tres ng hapon nang mapagpasyahan kong lumabas muna. Agad akong naligo at nagbihis ng simpleng damit saka lumabas. Gusto ko muna sanang magliwaliw at kalimutan ang mga problema ko—kahit ilang oras lang marelax ko ang isipan ko. Pauli-uli lang ako sa mall. Naglalakad ng walang direksyon at napapatigil sa tuwing mapapadaan ako sa lugar kung saan may mga bata—saglit silang pagmamasdan saka muling maglalakad ng walang direksyon. Pumasok naman ako sa bookstore nang mapadaan ako dito. Nagtingin-tingin ako ng mga libro hanggang sa mapadako ako sa mga babasahin
Blair Castro“INUMIN mo muna ito.”May kaonting panginginig pa rin na kinuha ko ang iniabot ni kuya na tubig. Nakaupo ako sa sofa at hinang-hina na nakatingin sa kawalan. Matapos umalis ni Alicia na may iniwang banta ay nakaramdam ako ng labis na takot. Hindi pwedeng lumipas ang buwan na ito na hindi ko makakasama ang kambal. Kailangang masiguro ko ang kaligtasan nila.Narinig ko ang buntong-hininga ni kuya. Naupo siya sa tabi ko saka marahang hinaplos ang braso ko. Nilingon ko siya, pilit tinatagan ang loob ko dahil ayokong mag-alala siya.“'Wag kang mag-alala, Blair. Hindi ako papayag na saktan niya ang kambal.”Umiling ako. Walang nakasisiguro. Kilala ko si Alicia, alam ko ang takbo ng utak niya at kapag desperada siya ay hahamakin niya ang lahat.Matagal kaming natahimik ni kuya. Pumasok sa isip ko ang iba't-iba
Blair CastroNAKATULALA ako sa telescope na nakalagay sa may bintana ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at bumili ako nito. Nananaig sa puso ko ang pananabik na mabantayan si Lira at mali man ang ginagawa ko ay hindi ko mapigilan dahil pakiramdam ko'y tama ito—sa puso ko'y tama ang ginagawa ko.Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa telescope. Hindi ako sigurado kung makikita ko ba si Lira gamit ang bagay na ito dahil—una, hindi ko alam kung paano iaadjust ang mga nalakagay dito at pangalawa ay gabi na at nakikita kong sarado na ang ilaw sa bahay ni Lukas.Nang sumilip ako sa eye piece ay mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. Tama ang hinala ko, wala akong makikita dahil madilim na sa mansion ni Lukas de Marco.Bagsak ang balikat na humilata ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Sinapo ko ang mukha ko at nagmulat ng mata saka natulala
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami