Blair Castro
“INUMIN mo muna ito.”
May kaonting panginginig pa rin na kinuha ko ang iniabot ni kuya na tubig. Nakaupo ako sa sofa at hinang-hina na nakatingin sa kawalan. Matapos umalis ni Alicia na may iniwang banta ay nakaramdam ako ng labis na takot. Hindi pwedeng lumipas ang buwan na ito na hindi ko makakasama ang kambal. Kailangang masiguro ko ang kaligtasan nila.
Narinig ko ang buntong-hininga ni kuya. Naupo siya sa tabi ko saka marahang hinaplos ang braso ko. Nilingon ko siya, pilit tinatagan ang loob ko dahil ayokong mag-alala siya.
“'Wag kang mag-alala, Blair. Hindi ako papayag na saktan niya ang kambal.”
Umiling ako. Walang nakasisiguro. Kilala ko si Alicia, alam ko ang takbo ng utak niya at kapag desperada siya ay hahamakin niya ang lahat.
Matagal kaming natahimik ni kuya. Pumasok sa isip ko ang iba't-iba
Blair CastroNAKATULALA ako sa telescope na nakalagay sa may bintana ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at bumili ako nito. Nananaig sa puso ko ang pananabik na mabantayan si Lira at mali man ang ginagawa ko ay hindi ko mapigilan dahil pakiramdam ko'y tama ito—sa puso ko'y tama ang ginagawa ko.Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa telescope. Hindi ako sigurado kung makikita ko ba si Lira gamit ang bagay na ito dahil—una, hindi ko alam kung paano iaadjust ang mga nalakagay dito at pangalawa ay gabi na at nakikita kong sarado na ang ilaw sa bahay ni Lukas.Nang sumilip ako sa eye piece ay mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. Tama ang hinala ko, wala akong makikita dahil madilim na sa mansion ni Lukas de Marco.Bagsak ang balikat na humilata ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Sinapo ko ang mukha ko at nagmulat ng mata saka natulala
Blair CastroSABAY kaming natawa ni Lira dahil sa pinapanuod namin sa cellphone ko. Nandito kami sa bleacher sa labas ng school habang hinihintay si Lukas. Nanunuod kami ng Red Shoes and the Seven Dwarfs at tuwang-tuwa talaga siya. Ang totoo ay kanina ko pa siya gustong ihatid pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong sumama na naman ang tingin sa akin ni Lukas.Nahilot ko ang sintido kong sumasakit. Mabuti nalang talaga at cancelled ang pasok ngayong hapon bilang paghahanda sa Family day bukas kaya magagawa ko ang gusto kong magpahinga at matulog dahil kulang na kulang talaga ang tulog ko.Napatitig ako sa kaniya nang hindi namamalayan. Bakit ba wala siyang nakuha sa akin kahit kaonti lang? Kahit labi lang sana para naman may kahit kaonti akong ebidensya na anak ko talaga siya. Umaasa pa naman kasi talaga ako na may makakapansin sa pagkakapareho namin pero wala naman pala siyang nak
Blair CastroHINDI ako sumabay kina Lukas gaya ng gusto ni Lira. Ayokong magkaroon ng problema sa pagitan naming dalawa ni Lukas kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan na naman si Lira. Pakiramdam ko'y mas lalo akong nagiging desperadang makuha ang mga anak ko at alam kong hindi na maganda ito—maaari akong mapahamak, maging ang mga bata.Habang tahimik akong nagmamaneho ay natanaw ko ang kotse ni Lukas na sumusunod lang sa akin. Napalunok ako dahil hindi pa rin kumakalma ang puso ko dahil lang nakita ko siya kanina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako. Paano ako magkakagusto sa lalaking hindi ko naman pinapansin noon dahil abala ako sa sarili kong buhay?Nagkakilala na rin kami ni Lukas noong highchool dahil schoolmate namin siya ni Alicia. He's our senior at snob talaga siya. Masipag siyang mag-aral pero kataka-taka na palaging matamlay a
Blair CastroBAGSAK kaagad ang katawan ko nang makauwi ako sa bahay. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil sa pagod. Agad akong nakatulog sa unang pagpikit palang ng mata ko at nang magising ako ay umaga na. Mabuti nalang talaga at walang pasok ngayon dahil sabi ng Principal ay tiyak raw na pagod ang mga bata dahil sa event kahapon.Tamad pa rin na naligo ako at nagbihis ng pambahay saka bumaba. Tamang-tama naman na may narinig akong katok sa pintuan. Kunot-noo akong lumapit doon at pinagbuksan ang kumakatok.“Good morning, teacher!”Napakurap-kurap ako habang nakatingin kay Lira na nakatingala sa akin. Ngiting-ngiti siya habang may hawak na plato na may lamang dalawang pancake. Umawang ang labi ko kasabay ng pagkalam ng sikmura. Mukhang masarap kasi 'yung pancake lalo na't may chocolate syrup sa ibabaw.Kumislot ako nang hawakan ni L
Blair CastroNAGISING ako ng alas kwatro ng madaling araw na may pumipintig na sintido. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakasalpak sa gitna ng kama saka sinapo ang ulo ko. Napangiti ako nang maamoy ko ang sarili kong hininga dahil amoy alak pa rin ako at hindi talaga maganda iyon sa pakiramdam.Agad akong dumiretso sa banyo at naligo. Habang nagsasabon naman ako ng katawan ay pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi bago ako matulog pero wala akong maalala kahit anong piga ko sa utak ko.Halos kalahating oras rin ang itinagal ko sa pagligo. Nang matapos ay agad akong nagbihis at suot ang uniform ay lumabas ng kwarto bitbit ang bag ko. Magddrive thru nalang ako para sa almusal dahil wala naman akong stock na lulutuin. Nang lumabas ako ng bahay ay hinagis-hagis ko pa ang susi ng kotse sa kamay ko habang palabas ng gate pero natigilan ako nang makitang may nakat
Blair CastroNATAPOS ang araw ko na hindi nakalapit kay Lira. Bukod kasi sa paghatid at pagsundo ni Lukas ay may nagbantay rin sa bata—si Jeanette Mendoza na tinawag ni Lira na tita. Hindi ko alam kung sino siya pero mahigpit ang pagbabantay niya kay Lira kaya ni hindi ko manlang nakausap ang anak ko kahit gustong-gusto ko.Wala akong nagawa. Baka tuluyang ilayo ni Lukas ang anak ko sa akin kapag nagmatigas ako. Maaari niya rin akong ipatanggal sa school na ito kung gugustuhin niya gamit ang pag-stalk ko kay Lira o kaya naman ay ituloy ang pagdemanda niya sa akin na hindi lang sa akin makakasira kundi pati na rin kay kuya dahil paniguradong kakampihan ako niyon.Nakatayo ako ngayon sa may pintuan ng bahay habang hawak ang platong pinaglagyan ni Lira ng pancake kahapon. Nakatanaw ako sa saradong bintana ni Lira habang walang enerhiya sa katawan. Pakiramdam ko'y
Blair CastroKULANG nalang ay mangatog ako dahil sa presensya ni Lukas. Hindi ko magawang makapagsalita habang hinahabol niya ng tingin si Lira na pumasok sa loob ng bahay niya. Nang mawala ito sa kaniyang paningin ay nilingon niya ang pinsan niya. “You can go home, Jean.”Nagkibit-balikat si Jeanette saka nagpaalam sa akin. Napalunok naman ako nang umalis si Jeanette dala ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumikhim ako. “Aalis—”“I warned you already, miss McBride!” nagtatagis ang bagang niya habang matalim ang tingin sa akin. Parang kulog rin ang boses niya na yumanig sa buong katawan ko. Naghatid rin ng matinding takot sa akin ang madilim niyang mga mata na tumatagos yata pati sa kaluluwa ko.Humakbang siya palapit dahilan para mapaatras ako. “Why are you so stubborn? Why can't you stay away from
Blair CastroMAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa kutsara habang kumakain ng tanghalian. Mabuti nalang talaga at namili ako ng stocks noong isang araw dahil hindi talaga ako makalabas ngayong Sabado na nasa tapat lang si Alicia. Palagi kasi siyang nakadungaw sa bintana at panaka-naka pang lumalabas para tumingin sa labas sa hindi ko alam na dahilan.Feeling niya ba siya si Rapunzel? Umirap ako sa kawalan. Kung pwede ko lang sabitan ng lubid ang leeg niya at hilahin siya pababa mula sa bintana ng kwarto nila ni Lukas.Napabuntong-hininga ako. Matinding galit pa rin ang hatid ng pamumukha at presensya ni Alicia sa akin pero hindi ko naman siya maaaring sugurin nalang ng basta basta dahil hindi ko pa nasisiguro kung ligtas nga ang dalawa ko pang anak.Hinayaan kong lumipas ang buong maghapon na nakakulong lamang ako sa bahay at panay ang sulyap sa kabila. Laking tuwa ko naman nang
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami