Blair Castro
KULANG nalang ay mangatog ako dahil sa presensya ni Lukas. Hindi ko magawang makapagsalita habang hinahabol niya ng tingin si Lira na pumasok sa loob ng bahay niya. Nang mawala ito sa kaniyang paningin ay nilingon niya ang pinsan niya. “You can go home, Jean.”
Nagkibit-balikat si Jeanette saka nagpaalam sa akin. Napalunok naman ako nang umalis si Jeanette dala ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumikhim ako. “Aalis—”
“I warned you already, miss McBride!” nagtatagis ang bagang niya habang matalim ang tingin sa akin. Parang kulog rin ang boses niya na yumanig sa buong katawan ko. Naghatid rin ng matinding takot sa akin ang madilim niyang mga mata na tumatagos yata pati sa kaluluwa ko.
Humakbang siya palapit dahilan para mapaatras ako. “Why are you so stubborn? Why can't you stay away from
Blair CastroMAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa kutsara habang kumakain ng tanghalian. Mabuti nalang talaga at namili ako ng stocks noong isang araw dahil hindi talaga ako makalabas ngayong Sabado na nasa tapat lang si Alicia. Palagi kasi siyang nakadungaw sa bintana at panaka-naka pang lumalabas para tumingin sa labas sa hindi ko alam na dahilan.Feeling niya ba siya si Rapunzel? Umirap ako sa kawalan. Kung pwede ko lang sabitan ng lubid ang leeg niya at hilahin siya pababa mula sa bintana ng kwarto nila ni Lukas.Napabuntong-hininga ako. Matinding galit pa rin ang hatid ng pamumukha at presensya ni Alicia sa akin pero hindi ko naman siya maaaring sugurin nalang ng basta basta dahil hindi ko pa nasisiguro kung ligtas nga ang dalawa ko pang anak.Hinayaan kong lumipas ang buong maghapon na nakakulong lamang ako sa bahay at panay ang sulyap sa kabila. Laking tuwa ko naman nang
Blair CastroPASILIP-silip ako sa kabilang bahay habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Galing ako sa laundry shop at pagbalik ko ay wala ang kotse ni Lukas sa tapat. Holiday ngayon kaya walang pasok sa school pero may activity ako na ibinigay kina Lira na galing sa lesson plan na iniwan ng talagang guro nila. Gusto kong makita kung paano gagawin ni Lira ang family tree at mukhang ngayon na ang chance ko dahil wala ang kotse ni Lukas—baka umalis siya saglit.Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at sumilip sa bukas na pinto ng bahay mula sa gate. Nakita ko si Lira na nasa living area habang nakaupo sa sahig at may ginagawa sa coffee table.Napangiti ako at akmang tatawagin siya nang may humarang sa tinatanaw ko.Nanlaki ang mga mata ko nang salubungin ako ng luntiang mga mata ni Lukas. Kunot ang kaniyang noo habang nakahalukipkip at bahagyang nakatagilid ang ulo
Blair CastroBUMALIK ako kina Lukas tulad ng gusto niya. Mabilis akong naligo dahil sa panlalagkit na dulot ng natapon sa akin na juice. Hindi na rin ako nag-abalang tuyuin ang buhok ko. Agad akong bumalik kina Lira na naghihintay sa akin sa lanai.Sinalubong niya ako. “Teacher!”Ngumiti ako nang hawakan niya ako at pinaupo sa kaninang inuupuan ko na ngayon ay malinis na. Iniabot niya sa akin ang juice at plato na may lamang cookies.“Teacher, look! Ang ganda po ng ginawa natin.” tuwang-tuwa na ipinakita sa akin ni Lira ang kinalabasan ng project niya.Ngumiti akong muli saka tumango sa kaniya. “Magaling ka kasi magdikit.”Napako ang tingin ko sa litrato ni Aliicia. Sa totoo lang at gusto ko itong pilasin kanina pa. Nahihirapan rin akong tanggapin na si Alicia ang nakalagay sa pwesto ng nanay sa project
Blair CastroIPINAGPAG ko ang kamay ko matapos itapon sa basurahan ang mga nangangamoy nang stocks ng pagkain na inilagay ni kuya sa condo. Bakit ba nakalimutan ko na may mga stocks nga pala akong nakita bago ako umalis dito? Kailangan ko pa tuloy maglinis dahil talagang na bulok ang mga gulay at karne sa ref. Hindi ko naman pwedeng palitan ang ref dahil magtataka si kuya.Bumalik ako sa condo at nagsimulang maglinis ng refrigerator. Sinigurado kong walang matitirang amoy. Maging ang mga nasa pantry na madaling masira ay itinapon ko na rin. Matapos kong linisan ang kusina at isinunod ko ang kwarto.Napaunat ako at ngalay na sinapo ang baywang ko nang matapos ako sa paglilinis. Alas onse na ng gabi nang matapos ako. Ayoko sana munang umuwi ngayong gabi dahil pagod na talaga ako pero hassle naman bukas pagpasok ko sa school lalo na't hindi ko dala ang uniform ko.“Bye,
Blair Castro INALALAYAN kong makababa ng kotse si Lira matapos kong mauna. Ngumiti ako sa kaniya saka nagpaalam. Isinasabay na rin kasi ako ni Lukas ngayong tanghali para makuha ko ang kotse ko at nang may masakyan ako mamayang hapon. Tiningnan ko si Lukas nang bigla niyang inihagis sa akin ang susi ng kotse ni kuya nang walang paalam. Sumimangot ako pero hindi niya ako pinansin. Tumalikod na siya kasama si Lira at pumasok sa bahay nila. Umismid naman ako at tumawid na sa kabilang kalsada. Hindi na ako pumasok sa bahay. Agad akong sumakay sa kotse at nagmaneho paalis. Sa karinderya nalang ako kakain dahil matatagalan ako kapag nagluto pa. Agad rin akong bumalik sa school matapos kong kumain ng pananghalian. Maayos ang naging takbo ng araw ko at masaya naman ako sa nangyari ngayon. Nakasama ko si Lira at feeling ko ay saglit akong naging nanay sa kaniya.
Blair Castro TUMAYO ako ng tuwid sa harapan ng salamin para pagmasdan ang katawan ko. Hinila ko sa likod ang suot kong t-shirt dahilan para bumakat ang katawan ko. Bahagya akong tumagilid saka hinagod ng palad ang kurba ng katawan ko. Siguro dahil na rin sa stress at madalas na pagpapalipas ko ng pag kain ang dahilan kung bakit mas pumayat ako ngayon. Kumpara noong kasama ko pa si mama ay mas payat ako ngayon. Nagstress eating pa ako dati sa kabila ng hirap ng buhay kaya medyo chubby ako pero ngayon na may pera na ako dahil sa trabaho at suporta ng mga McBride ay mas lalo lang akong pumayat. Napabuntong-hininga ako. Baliktad talaga ang katawan ko noon at ngayon. Binitawan ko ang t-shirt saka lumapit sa salamin saka tinitigan ang mukha ko. Napasimangot ako dahil wala talagang nakuha sa akin si Lira. Sana kahit labi manlang ay nakuha niya sa akin!
Blair CastroMARAHAN kong sinusuklay ang madulas na buhok ni Lira habang nasa sala kami ng bahay nila. May hawak siyang pahabang salamin habang tiningnan ang ginagawa kong pagsuklay sa buhok niya.“Teacher, marunong ka po magbraid?”Mabilis akong tumango. “Oo naman! Gusto mo ibraid kita?”Excited niya akong nilingon. “Gusto ko po! Dalawa, teacher! Magkabila po!”Natawa ako at binitawan ang suklay. Sinimulan kong i-braid ang buhok niya na medyo maluwag para hindi masakit sa kaniyang anit. Nakangiti naman siya habang pinapanuod ako sa ginagawa ko gamit ang hawak niyang salamin.Matapos kong i-braid ang mahabang buhok niya ay agad siyang tumayo at umikot sa harapan ko. Lumagpas ang tingin niya sa akin dahilan para mapalingon rin ako kay Lukas. Pababa siya ng hagdan habang may kausap sa telepono
Blair CastroKUMAWAY ako kay kuya nang gamit ang kotse ay umalis siya ng maaga. Bibiyahe na raw siya pa-Quezon Province at kahit nagpumilit akong sumama ay hindi siya pumayag. Idinahilan niya sa akin ang trabaho ko at si Lira. Napabuntong-hininga ako. Sana ay positibo ang maging resulta ng lakad ni kuya. Gusto ko nang makita at makasama ang dalawa pang anak ko.“Teacher!”Lumingon ako sa may gate ng bahay ni Lukas. Nasa loob ng gate si Lira at nakatanaw sa akin. May hawak siyang diyaryo na mukhang kakukuha niya pa lamang sa may gate. Ngumiti ako sa kaniya saka tumawid at lumapit. “Good morning!”“Sino po 'yon?”Ngumiti. “Kuya ko iyon.”“Talaga po?” aniya sa malungkot na boses. Nangunot naman ang noo ko sa reasyon niya.“Bakit? Bakit parang nalungkot ka?&rdqu
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami