Blair Castro
TUMAYO ako ng tuwid sa harapan ng salamin para pagmasdan ang katawan ko. Hinila ko sa likod ang suot kong t-shirt dahilan para bumakat ang katawan ko. Bahagya akong tumagilid saka hinagod ng palad ang kurba ng katawan ko. Siguro dahil na rin sa stress at madalas na pagpapalipas ko ng pag kain ang dahilan kung bakit mas pumayat ako ngayon.
Kumpara noong kasama ko pa si mama ay mas payat ako ngayon. Nagstress eating pa ako dati sa kabila ng hirap ng buhay kaya medyo chubby ako pero ngayon na may pera na ako dahil sa trabaho at suporta ng mga McBride ay mas lalo lang akong pumayat.
Napabuntong-hininga ako. Baliktad talaga ang katawan ko noon at ngayon.
Binitawan ko ang t-shirt saka lumapit sa salamin saka tinitigan ang mukha ko. Napasimangot ako dahil wala talagang nakuha sa akin si Lira. Sana kahit labi manlang ay nakuha niya sa akin!
Blair CastroMARAHAN kong sinusuklay ang madulas na buhok ni Lira habang nasa sala kami ng bahay nila. May hawak siyang pahabang salamin habang tiningnan ang ginagawa kong pagsuklay sa buhok niya.“Teacher, marunong ka po magbraid?”Mabilis akong tumango. “Oo naman! Gusto mo ibraid kita?”Excited niya akong nilingon. “Gusto ko po! Dalawa, teacher! Magkabila po!”Natawa ako at binitawan ang suklay. Sinimulan kong i-braid ang buhok niya na medyo maluwag para hindi masakit sa kaniyang anit. Nakangiti naman siya habang pinapanuod ako sa ginagawa ko gamit ang hawak niyang salamin.Matapos kong i-braid ang mahabang buhok niya ay agad siyang tumayo at umikot sa harapan ko. Lumagpas ang tingin niya sa akin dahilan para mapalingon rin ako kay Lukas. Pababa siya ng hagdan habang may kausap sa telepono
Blair CastroKUMAWAY ako kay kuya nang gamit ang kotse ay umalis siya ng maaga. Bibiyahe na raw siya pa-Quezon Province at kahit nagpumilit akong sumama ay hindi siya pumayag. Idinahilan niya sa akin ang trabaho ko at si Lira. Napabuntong-hininga ako. Sana ay positibo ang maging resulta ng lakad ni kuya. Gusto ko nang makita at makasama ang dalawa pang anak ko.“Teacher!”Lumingon ako sa may gate ng bahay ni Lukas. Nasa loob ng gate si Lira at nakatanaw sa akin. May hawak siyang diyaryo na mukhang kakukuha niya pa lamang sa may gate. Ngumiti ako sa kaniya saka tumawid at lumapit. “Good morning!”“Sino po 'yon?”Ngumiti. “Kuya ko iyon.”“Talaga po?” aniya sa malungkot na boses. Nangunot naman ang noo ko sa reasyon niya.“Bakit? Bakit parang nalungkot ka?&rdqu
Blair CastroGALIT na galit na sumugod sa akin si Alicia. Mabigat ang bawat hakbang niya matapos pabalyang bitawan ang maleta niyang hawak niya kanina. Sinugod niya ako. Hinintay ko ang pagtama ng palad niya sa pisngi ko pero nahila ako ni Lukas at sa pisngi niya tumama ang kamay ni Alicia.Umawang ang labi ko. Mas lalo namang nanggalaiti si Alicia sa ginawa ng kaniyang asawa. “WHAT DID YOU DO?!”Hindi sumagot si Lukas. Hinawakan niya ang braso ni Alicia at hinila para sana pumasok ng bahay pero pumiglas ito at muli akong sinugod. Nahablot niya ang buhok ko at dahil sa galit ay hindi ko napigilang gumanti.“ANG KAPAL NG MUKHA MO! SINO KA PARA LANDIIN ANG ASAWA KO!?”Tiningnan ko siya ng masama. “HINDI KO NILALANDI ANG ASAWA MO!”“NO! I SAW IT! YOU, BITCH! MALANDI KA! MAKATI KA! ANG HAROT HAROT MO!
Blair CastroMAAGA akong umuwi sa bahay kinabukasan. Iniwan ko sa condo si kuya na tulog na tulog sa sofa. Hindi ko na rin ginamit ang kotse niya. Nagtaxi ako pauwi at naabutan kong bukas na ang ilaw bahay ni Lukas. Nangunot ang noo ko dahil bukas rin ang pinto sa bahay nila. Bigla akong nag-alala para kay Lira.Lumapit ako sa may gate pero natanaw ko si Lukas na nakatayo sa may pintuan. Kaharap niya si Alicia na bakas sa mukha ang galit. Nagtago ako gilid ng nakaparadang kotse ni Lukas at dahil medyo malapit ang gate sa bahay ay narinig ko ang pinag-uusapan nila.“YOU CAN'T DO THIS TO ME, LUKE! I AM YOUR WIFE! AKO DAPAT ANG KINAKAMPIHAN MO AT HINDI ANG BABAENG 'YON!”Dahan-dahang tumaas ang noo ko. Kinakampihan ako ni Lukas?“Hindi ko siya kinakampihan, Alicia! What I'm saying is wala kaming ginagawang masama! She's not flirting with me
Blair CastroUMINOM ako mag-isa. Hinayaan kong malunud sa alak ang nababaliw ko nang puso na nasasaktan dahil kay Lukas. Mahina akong natawa at umiling. Walang mangyayari kung ganitong palagi lang akong magmumukmok.Hawak ang bote ng alak sa leeg ay tumayo ako pero agad akong nahilo. Lumabas ako ng bahay at naabutan si Lukas na may bitbit na garbage bag. Ngumisi ako at pasuray-suray na naglakad palapit sa kaniya. Itinapon niya ang basurang dala at sinalo ako nang muntik akong mapasubsob.Tinulak ko siya saka tiningnan habang naniningkita ang mga mata. “L-Lukas! M-May tanong a-ako shayo!”Nangunot ang kaniyang noo. “You're drunk, miss McBride.”Tumawa ako at umiling. “Hindi 'yan ang gushto kong marinig! Gushto kong malaman kung—” napatigil ako nang masinok ako. Dumura ako at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang
Blair Castro“WHY did you do that?” halos manlamig ako sa tono ng boses ni kuya Cloud. Bakas dito ang galit at disappointment. “Bakit ka nakikipag-away ng ganoon? Kaya ba masakit ang ulo mo nitong nakaraan dahil nakikipagsabunutan ka kay Alicia? Blair, I never thought na aabot ka sa ganito!”“Gumanti lang ako, kuya—”“Hindi 'yon ang nakita ko! Sinadya mo!”“Oo!” pag-amin ko. “Sinadya ko! Sinadya kong asarin si Alicia. Sinadya kong galitin siya dahil gusto ko. Natutuwa ako kapag nakikita kong nanggagalaiti siya sa galit sa 'kin. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang takot sa mukha niya tuwing lalapitan ko si Lukas.”“Paano kung saktan niya si Lira?”Umiling ako. “Hindi niya masasaktan si Lira. Magagalit sa kaniya si Lukas at hindi siya papayag na ma
Blair CastroHINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Lukas. He looked so disappointed. Para bang may inaasahan siya na hindi niya sa akin at nakita at may nakita siya na hindi niya inaasahan. Naguguluhan ako. Bakit ganito ang inaakto niya?Nanlalambot man ay tinapangan ko ang loob ko. Sinalubong ko ang malalim na titig ng luntian niyang mga mata. “Totoo ang lahat ng ipinakita ko sa inyo ni Lira. Ang Blair na nakasama niyo ay totoo kaya wala kang karapatang pagdudahan ang pagkatao ko dahil kailanman ay hindi ko pineke ang nararamdaman ko.”“Then, why are you doing this? Just give me one fucking reason because I'm going crazy! My wife says you're a threat to my family but my mind whispers the otherwise. Ano bang paniniwalaan ko? Tell me the truth now, and I will believe you.”Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. “A-
Blair CastroMANHID ang puso ko sa mga sandaling ito. Wala akong ibang inisip kundi si Lira. Inaabangan ko siya habang nasa loob ako ng bahay ko pero kanina pa ako nakasilip sa bintana pero hindi ko pa siya nakikita. Ayaw niya ba talagang umuwi?Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko. Nadamay pa si Lukas sa mga kabaliwan ko. Nagalit sa kaniya si Lira. Sinalakay ako ng konsensya. Hindi nagalit sa akin si Lukas sa kabila ng kasalanang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan niya gayong may karapatan siyang magalit dahil nasaktan si Lira pero hindi—hindi siya nagalit sa akin bagkus ay nalungkot lamang sa kinahinatnan ng kasalanan ko. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil hindi siya dumagdag sa bigat na nararamdaman ko.Bandang alas dose ng tanghali nang tumawag si kuya. Agad kong sinagot ang tawag niya matapos kong tumikhim para ayusin ang boses ko. “K&m
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami