Blair Castro
TAHIMIK akong umiinom ng milk tea habang nakaupo sa loob ng shop. Katatapos lang ng klase ko sa pangalawang section ng mga bata at alas kuwatro palang kaya pinili kong tumambay muna dahil wala naman akong aabutan sa condo dahil tiyak akong wala pa si kuya—susunduin ako niyon kung nakauwi na.
Mataman kong pinagmamasdan ang mga teenagers na nagtatawanan habang umiinom rin ng milk tea. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay na nakapukaw sa interes nila. Bigla ko tuloy naalala sa kanila ang mga barkada ko noong highschool. Nakakatawa lang isipin na bigla nila akong iniwan noong nawala na ang mga negosyo ng magulang ko. Inisip ko noon na mga plastik sila at si Alicia lang ang totoo pero nagkamali ako—mas matinding pahirap pala ang aabutin ko sa taong inakala kong totoo.
Napatingin ako sa straw nang wala na akong masipsip. Binitawan ko ito nang mapagtantong wala nang laman. Kinuha ko ang shoulder bag ko saka agad na naglakad palabas ng milk tea shop. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa condo ni kuya. Hindi kasi ako gumamit ng kotse kanina dahil tinatamad akong magdrive.
Habang lulan ng taxi ay hindi ko maiwasang mapasimangot sa tuwing makikita ang naglalakihang billboard kung saan nakadisplay ang pagmumukha ni Alicia. Parang gusto kong lagyan bigla ng granada ang bawat billboard na naglalaman ng mukha niya.
Ilang saglit ay nabura ang pagkakasimangot ng mukha ko nang makita ko ang mukha ni Lukas de Marco sa isang mas malaking billboard. Hindi siya nakangiti. Sa katunayan ay nakakunot ang kaniyang noo pero sobrang attractive niyang tingnan. Hindi ako makapaniwalang nag-eexist ang isang katulad niya dito sa mundo at sa kasamaang palad ay kay Alicia pa siya napunta.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka ipinikit ang aking mga mata pero sa isip ko ay nakita ko ang luntian niyang mga mata na nakatitig sa akin na puno ng pagnanasa. Kumislot ako dahil sa naalala ko. Ang mga mata niyang iyon na grabe kung tumitig sa akin noong gabing iyon. Hindi ko makakalimutan ang mga h***k at titig niya.
“Ang gwapo ni Mr. de Marco, ano po?”
Napatingin ako sa taxi driver. Nakangiti siya habang pasulyap-sulyap sa akin sa rear mirror.
“Maswerte talaga iyong modelo na si Alicia sa kaniya. Sobrang yaman kasi ng lalaki at responsable pa. Sayang lang at hindi na masundan ang anak nila. Abala raw kasi sa trabaho si Alicia.”
Hindi ako nagsalita. Umiwas lang ako ng tingin sa taxi driver dahil hindi ko kaya ang mga pinagsasabi niya.
Kung alam niya lang kung sino ang totoong ina ni Lira. Saka hanggang ngayon ba naman ay ganito pa rin sa Pilipinas? Chismoso pa rin ang mga tao at kahit yata ang pinakapersonal na pangyayari ay alam nila.
“Nandito na tayo, ma'am.”
Agad akong napatingin sa paligid. Tama nga ang driver.
Kumuha ako ng pambayad sa wallet ko saka iniabot sa kaniya. Matapos niya akong suklian ay binuksan ko ang pinto ng taxi pero bago ako makalabas ay nagsalita pa siya.
“Crush mo si Mr. de Marco, ano po?”
Napakurap-kurap ako at gulat na tiningnan ang driver. “Ho?”
Ngumiti siya at umiling. “Ingat, ma'am.”
Hindi na ako nagsalita. Bumaba ako ng taxi at tinitigan ito na umaandar palayo. Napailing nalang ako saka tahimik na naglakad papasok sa condominium. Pakialamero ang taxi driver na iyon!
Payapa na sana akong tutungo sa direksyon kung nasaan ang elevator nang mamataan ko ang babaeng naglalakad sa lobby. Papunta siya sa direksyon ko at mukhang palabas na. May kasunod siyang bodyguard at panay ang ngiti niya sa mga kumukuha ng litrato sa kaniya.
Anong ginagawa niya dito?
Dahil sa labis na pagtataka at pagkatulala ay hindi ako nakatabi. Nakaharang ako sa mismong daraanan niya at natigilan siya nang madako ang kaniyang paningin sa akin. Mabilis niyang inalis ang suot niyang sunglass saka sinalubong ang mga mata ko.
Gusto kong humalakhak. Pagabi na pero nakasunglass pa siya. Hindi ba siya nainform na hindi ginagamit ang bagay na iyon kapag walang araw?
Umawang ang kaniyang labi nang pasadahan niya ako ng tingin. Nagtaas ako ng noo. Gusto kong maintimidate siya sa akin at dahil magkasing-taas naman kami ay hindi ako nahirapang maliitin siya sa paningin ko.
“Miss, excuse us—”
“She's an old friend. Let me talk to her in private.” putol ni Alicia sa sasabihin sana ng bodyguard niya.
Hindi ako nagsalita, sa halip ay nilagpasan ko siya at dire-diretso akong naglakad papunta sa elevator. Pinindot ko ito para bumukas saka ako kaagad na pumasok.
Hindi na ako nagulat nang sundan ako ni Alicia sa loob. Nang sandaling sumara ang pinto ng elevator ay agad tumalim ang tingin niya sa akin. “What are you doing here, you bitch? Bakit buhay ka pa? Pinapatay na kita!”
Sinapo niya ang kaniyang noo saka napailing. “Nang walang maipakitang bangkay sa akin ang killer, naghinala ako na buhay ka pa talaga pero hindi ko akalaing ganoon ka kasamang damo. Tell me, anong ginawa mo at nabuhay ka pa?!”
Bahagyang tumagilid ang ulo ko. Pinalabas ko sa mga mata ko ang emosyon na para bang naawa at nagulat ako sa kaniya. “Oh! I guess hindi magaling ang killer na kinuha mo, Alicia. Bakit? Natatakot ka na bang bawiin ko ang dapat ay sa akin?”
Saglit niya akong tinitigan. Bakas ang matinding galit sa kaniyang mga mata hanggang sa unti-unti siyang ngumisi. “You think I'm stupid? Hindi mo na mababawi ang sayo dahil wala namang sayo, Blair. Una palang ay akin na si Lukas at pinadala ko lang sayo ang anak namin.”
Tumalim ang tingin ko sa kaniya kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. “Paano kaya kung sabihin ko kay Lukas na ako ang ina ni Lira at ako ang nakasiping niya five years ago?”
“Don't you dare!”
Mahina akong natawa. “Bakit nga ba ayaw mong magkaanak, Alicia? Dahil ba talaga sa pagiging model mo o baka dahil baog ka? Tell me, hindi ako huhusga.”
Suminghap siya at akmang sasampalin ako nang matigilan siya. Bahagya siyang sumulyap sa sulok ng elevator kung saan nakalagay ang CCTV. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, nagpigil ng galit.
Muli niya akong tiningnan. “Subukan mo, Blair. Para malaman natin kung sino ang magmumukhang tanga. Sa tingin mo ba maniniwala si Lukas na ikaw ang ina ni Lira?”
“Naniwala nga siya na naanakan ka niya, diba.” sarkastiko kong sagot.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Kating-kati na akong sakalin siya hanggang sa malagutan siya ng hininga. Gustong-gusto ko na siyang saktan!
“Ito ang tandaan mo, Blair. Hindi mo na makukuha ang anak mo at kung magtangka ka man, mangyayari kay Lira ang nangyari sayo!”
Umiling ako. “Kapag sinaktan mo si Lira, tapos ang relasyon niyo ni Lukas.”
Doon siya natigilan. Ayon sa mga naririnig at nababasa ko sa balita ay mahal na mahal ni Lukas si Lira. Prinsesa ang turing niya rito kaya kung sino man ang mananakit sa bata ay tiyak na mananagot sa kaniya—and Alicia is not an exception. Batid kong alam niya iyon.
Biglang humalakhak na parang baliw si Alicia dahilan para mas tumindi ang galit na nararamdaman ko.
Biglang bumukas ang pinto ng elevator pero walang pumasok dahil natulala ang mga naghihintay dahil kay Alicia. Nang sandaling sumara itong muli ay muli kaming nagsukatan ng tingin.
Tiningnan niya ako gamit ang mapag-uyam na mga titig. “Akala mo ba wala akong alas? Alam kong hinahanap mo ang kambal at oras na lumapit ka sa asawa ko... tuluyan kong buburahin sa mundo ang mga anak mo!”
Bumilis ang paghinga ko at napailing-iling. “Napakasama mo, Alicia!”
Ngumisi siya. Ngisi na mas nagpasidhi ng pagkamuhi ko sa kaniya.
“Don't test me, Blair. Kung ako sayo, maghahanap nalang ako ng lalaking willing magpunla ng sperm sayo. Doon ka naman magaling diba? Sa kama! Kapalit ng malaking pera bubukaka ka!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Akmang sasampalin ko siya nang biglang bumukas ang elevator. Umawang ang labi ko nang makita ko si kuya na agad pumasok matapos makilala si Alicia.
Ngumisi muli sa akin si Alicia saka ito naglakad palabas ng elevator. Mabilis namang pinindot ni kuya ang button papunta sa floor ng unit niya habang hawak ang balikat ko bilang suporta sa nanghihina kong tuhod at mga binti.
Tiningala ko si kuya. Nakatingin siya sa akin habang puno ng pag-aalala ang mukha. Napaiwas ako ng tingin saka mabilis na pinunasan ang luhang tumakas sa gilid ng mata ko. Tumayo ako ng tuwid saka pinatatag ang sarili ko.
Hindi dapat ako nagpapatalo sa mga salita at panghuhusga ni Alicia dahil matatalo ako kapag ganitong palagi akong nanghihina.
Nakarating kami sa unit na walang imikan. Umupo ako sa sofa at kaagad naman akong inabutan ni kuya ng tubig na nasa baso. Tinanggap ko ito at agad na inubos ang laman.
Naupo siya sa tabi ko. “You okay, Blair?”
Marahas akong bumuga ng hangin. “Mas tumitindi ang galit na nararamdaman ko, kuya.”
“Kailangan mong unahin ang mga anak mo.”
Ipinatong ko sa coffee table ang baso saka sinapo ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Napailing-iling ako saka tiningnan si kuya. “Kumusta ang lakad mo?”
Bumuntong-hininga siya. “Two years na daw sarado ang orphanage kung saan iniwan ni Alicia ang kambal noon. Sinubukan kong magtanong-tanong tungkol sa mga dating nagtatrabaho doon pero wala akong nakuhang sagot.”
Muling bumigat ang d****b ko. “A-Alam yata ni Alicia kung nasaan ang kambal. Ginamit niya ang mga bata para takutin ako. Anong gagawin ko, kuya?”
Naramdaman ko ang mainit niyang braso na yumakap sa akin mula sa gilid. Marahang hinaplos niya ang buhok ko. “Ang gagawa ng paraan para mahanap ang kambal, Blair. Ako ang bahala basta ipagpatuloy mo ang pagbabantay kay Lira.”
Tiningnan ko siya. “Ano kaya kung kausapin ko si Lukas at sabihin sa kaniya na ako ang ina ni Lira? I can prove it through DNA test, kuya.”
“Sa tingin mo papayag si Lukas na ipa-DNA si Lira? Blair, limang taon na ang lumipas. Iisipin niya na bakit hindi ka naghabol noon kay Lira. Bakit hindi ka lumantad noong hindi pa sila kasal ni Alicia at sa dami ng desperadang nagkakagusto sa kaniya, sa tingin mo paniniwalaan ka niya?”
Napayuko ako. Malaki ang punto niya pero anong gagawin ko? May punto rin naman ako. DNA test ang makakapagpatunay na anak ko si Lira ngunit... paano?
“Think rationally, Blair. Hindi pwedeng basta ka nalang susugod kay Lukas at sasabihing anak mo si Lira. Masyadong mataas ang kilalagyan ngayon ng de Marco na iyon at mahirap siyang abutin sa mga panahong ito. Ang tamang gawin mo ay bantayan si Lira at siguraduhin na hindi siya masasaktan ni Alicia. Kailangan muna nating mahanap ang kambal dahil makakadagdag sila sa ebidensya na kinuha lang sila sayo ni Alicia.”
Ayoko mang tanggapin pero malaki ang punto ni kuya. Wala akong magagawa kundi maghintay at magtiyaga.
Marahan akong tumango-tango. Wala na naman akong magawa! Lagi nalang walang magawa. Lagi nalang akong naghihintay. Hanggang kailangan ko ba hahabulin ang karapatan ko sa mga anak ko? Hanggang kailan ko ipaglalaban ang pagiging ina ko sa mga anak ko? Hanggang kailan ako makikipagbuno sa maramot na kapalaran?
“Rest for now. Magluluto lang ako ng hapunan natin. May gusto ka bang kainin?”
Tiningala ko si kuya na nakatayo na sa harapan ko. Hindi ako nagsalita sa halip ay tumayo ako at mahigpit na niyakap siya. Agad rin naman siyang gumanti ng yakap at marahang hinaplos ng buhok ko.
“Nandito lang ako palagi, bunso. Palagi lang akong nasa likod mo at kahit anong laban pa ang haharapin mo, tandaan mong kakampi mo ako. Hindi ka nag-iisa kaya 'wag kang matakot dahil aalalayan kita.” malambing na bulong niya sa akin.
Napangiti ako at kumalas sa yakap. Tiningnan ko siya. “Ikaw talaga ang superhero ko, kuya. Sana 'wag kang magsawang alagaan at samahan ako. Ikaw lang ang nagsisilbing gabay ko para hindi ako tuluyang masiraan ng bait pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin. Kung hindi niyo ako tinulungan, malamang nasa mental ako ngayon o kaya ay nakalibing na.”
Bigla siyang sumimangot at pinitik ang noo ko. “Baliw! Kaya nga dumating kami para sagipin ka e! Tadhana iyon at hindi nagkataon lang kaya 'wag ka nang sumimangot riyan dahil hindi ka nag-iisa.”
Ngumiti akong muli. “Tatandaan ko iyan palagi, kuya.”
“Good! Dito ka lang at magluluto na ako.” aniya saka ako iniwan sa sala.
Naupo akong muli habang hinahabol siya ng tingin. Si kuya Cloud na siguro ang pinakamabait na taong nakilala ko. Bagay talaga sa kaniya ang magpari.
Blair Castro NAGSALUBONG ang kilay ko nang mamataan ko si Lira na bumaba sa isang kotse sa mismong tapat ng gate ng eskwelahan. Wala siyang kasamang maghahatid sa kaniya pero nakatanaw sa kaniya si Lukas na nasa loob ng kotse. Kapuwa nakangiti sa isa't-isa ang mag-ama. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka tumayo mula sa pagkakaupo sa bleachers. Isinukbit ko ang bag ko habang pinagmamasdan si Lira na naglalakad papasok matapos umalis ni Lukas. Hindi ko maintindihan. Ang yaman-yaman niya pero bakit wala siyang kinukuhang tagapag-alaga ni Lira gayong palagi silang wala ni Alicia sa bahay? Pinababayaan ba nila ang anak ko? Habang pinagmamasdan ko ang masiglang mukha ni Lira ay hindi ko maiwasang mamangha dahil nakuha niya talaga ang mukha ng kaniyang ama. Magkamukhang-magkamukha sila kaya naman tiyak kong mahihirapan akong patunayan kay Lukas na
Blair Castro MARAHAN kong pinasadahan ng daliri ang bawat letra ng pangalan ni Lira. Pakiramdam ko'y may kuryenteng dumadaloy sa daliri ko sa bawat pagsayad ng balat ko sa papel. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin sa kamay ko ang paghawak niya dito at nakikita ko pa rin sa isip ko ang matamis niyang ngiti lalo na nang sunduin siya ni Lukas kanina. Bumuntong-hininga ako saka binitawan ang papel at lumingon kay kuya na kalalabas lang ng banyo. Nakasuot siya ng pants at simpleng sando habang tinutuyo ng tuwalya ang basa niyang buhok. Bigo pa rin siyang makahanap ng clue tungkol sa umampon sa kambal dahil confidential raw ang impormasyon na iyon ayon sa nakausap niyang tao. “Ano iyan?” Napangiti ako kay kuya at ipinakita sa kaniya ang papel na galing kay Lira. “Pangalan ni Lira. Hiningi ko ito sa kaniya kanina matapos niyang isulat.” “O
Blair Castro WALA akong imik na bumalik sa school matapos kong magpaalam kay kuya. Kumain naman na ako ng pananghalian kasama si Lira kaya tutuloy na ako sa school para sa susunod na klase ko sa isa pang section ng kindergarten na pang-hapon. Pagkatapos umalis ni Lukas kanina ay inaya ako ni kuya na kumain pero tumanggi ako dahil tapos naman na ako. Nawalan talaga ako ng gana at biglang nanghina. Ni hindi ko na naitanong kay kuya kung kumusta ang lakad niya—hindi rin naman siya nagsalita marahil ay sa pag-aalala. Literal na tulala ako. Hindi katulad kaninang umaga na magana ako sa pagtuturo, ngayon ay para akong lantang gulay. Nagbigay nalang ako ng assignment sa mga bata at hinayaan ko na silang maglaro. Kinuha ko ang cellphone ko saka pinakatitigan ang nasa lockscreen ko. Litrato ito ni Lira habang nakangiti siya at bakas sa mga mata ang saya. Kinuha ko ito sa social
Blair Castro NANG sumapit ang sabado ay hindi ko napigilang mapasimangot. Gusto kong lumipas na kaagad ang weekend para makita ko na ulit si Lira. Pagkatapos ng engkwento ko kay Lukas ay napansin kong mas maaga na itong dumarating para sunduin si Lira kaya hindi na ako nagkakaroon ng pagkakataon para makasama si Lira tuwing tanghali. Alas tres ng hapon nang mapagpasyahan kong lumabas muna. Agad akong naligo at nagbihis ng simpleng damit saka lumabas. Gusto ko muna sanang magliwaliw at kalimutan ang mga problema ko—kahit ilang oras lang marelax ko ang isipan ko. Pauli-uli lang ako sa mall. Naglalakad ng walang direksyon at napapatigil sa tuwing mapapadaan ako sa lugar kung saan may mga bata—saglit silang pagmamasdan saka muling maglalakad ng walang direksyon. Pumasok naman ako sa bookstore nang mapadaan ako dito. Nagtingin-tingin ako ng mga libro hanggang sa mapadako ako sa mga babasahin
Blair Castro“INUMIN mo muna ito.”May kaonting panginginig pa rin na kinuha ko ang iniabot ni kuya na tubig. Nakaupo ako sa sofa at hinang-hina na nakatingin sa kawalan. Matapos umalis ni Alicia na may iniwang banta ay nakaramdam ako ng labis na takot. Hindi pwedeng lumipas ang buwan na ito na hindi ko makakasama ang kambal. Kailangang masiguro ko ang kaligtasan nila.Narinig ko ang buntong-hininga ni kuya. Naupo siya sa tabi ko saka marahang hinaplos ang braso ko. Nilingon ko siya, pilit tinatagan ang loob ko dahil ayokong mag-alala siya.“'Wag kang mag-alala, Blair. Hindi ako papayag na saktan niya ang kambal.”Umiling ako. Walang nakasisiguro. Kilala ko si Alicia, alam ko ang takbo ng utak niya at kapag desperada siya ay hahamakin niya ang lahat.Matagal kaming natahimik ni kuya. Pumasok sa isip ko ang iba't-iba
Blair CastroNAKATULALA ako sa telescope na nakalagay sa may bintana ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at bumili ako nito. Nananaig sa puso ko ang pananabik na mabantayan si Lira at mali man ang ginagawa ko ay hindi ko mapigilan dahil pakiramdam ko'y tama ito—sa puso ko'y tama ang ginagawa ko.Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa telescope. Hindi ako sigurado kung makikita ko ba si Lira gamit ang bagay na ito dahil—una, hindi ko alam kung paano iaadjust ang mga nalakagay dito at pangalawa ay gabi na at nakikita kong sarado na ang ilaw sa bahay ni Lukas.Nang sumilip ako sa eye piece ay mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. Tama ang hinala ko, wala akong makikita dahil madilim na sa mansion ni Lukas de Marco.Bagsak ang balikat na humilata ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Sinapo ko ang mukha ko at nagmulat ng mata saka natulala
Blair CastroSABAY kaming natawa ni Lira dahil sa pinapanuod namin sa cellphone ko. Nandito kami sa bleacher sa labas ng school habang hinihintay si Lukas. Nanunuod kami ng Red Shoes and the Seven Dwarfs at tuwang-tuwa talaga siya. Ang totoo ay kanina ko pa siya gustong ihatid pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong sumama na naman ang tingin sa akin ni Lukas.Nahilot ko ang sintido kong sumasakit. Mabuti nalang talaga at cancelled ang pasok ngayong hapon bilang paghahanda sa Family day bukas kaya magagawa ko ang gusto kong magpahinga at matulog dahil kulang na kulang talaga ang tulog ko.Napatitig ako sa kaniya nang hindi namamalayan. Bakit ba wala siyang nakuha sa akin kahit kaonti lang? Kahit labi lang sana para naman may kahit kaonti akong ebidensya na anak ko talaga siya. Umaasa pa naman kasi talaga ako na may makakapansin sa pagkakapareho namin pero wala naman pala siyang nak
Blair CastroHINDI ako sumabay kina Lukas gaya ng gusto ni Lira. Ayokong magkaroon ng problema sa pagitan naming dalawa ni Lukas kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan na naman si Lira. Pakiramdam ko'y mas lalo akong nagiging desperadang makuha ang mga anak ko at alam kong hindi na maganda ito—maaari akong mapahamak, maging ang mga bata.Habang tahimik akong nagmamaneho ay natanaw ko ang kotse ni Lukas na sumusunod lang sa akin. Napalunok ako dahil hindi pa rin kumakalma ang puso ko dahil lang nakita ko siya kanina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako. Paano ako magkakagusto sa lalaking hindi ko naman pinapansin noon dahil abala ako sa sarili kong buhay?Nagkakilala na rin kami ni Lukas noong highchool dahil schoolmate namin siya ni Alicia. He's our senior at snob talaga siya. Masipag siyang mag-aral pero kataka-taka na palaging matamlay a
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami