Home / Romance / His Sweet Surrender / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng His Sweet Surrender: Kabanata 1 - Kabanata 10

36 Kabanata

Prologue

Sa katahimikan at kadiliman ng gabi, pumailanlang ang tunog ng mga yabag at paghabol ng hininga ni Ellisa. 'Di niya alintana ang pagod at ang mga natamong sugat sa mga paa. Ang anging mahalaga lang sa kanya ay ang makalayo sa mga taong humahabol sa kanya.'Tiisin mo lang, Elisa.'Pagod man ang katawan subalit nanatiling alerto ang kanyang isipan. Mas nilakihan at binilisan niya ang paghakbang. Minsan pa ay lumingon siya. Sa kanyang likuran ay naaninag niya ang liwanag na nagmumula sa mga flashlights ng mga humahabol sa kanya.Malapit na sila.Pumaibabaw man ang frustrations ngunit sumasandal siya sa natitirang lakas.Pag-asa. Ang naramdaman niya nang matanaw ang highway.Pinalis niya ang luha sa mga mata dahil pakiramdam niya ay nagiging malabo ang kanyang paningin.Sa unahan ay natanaw niya ang liwanag na nagmumula sa headlight ng papalapit na sasakyan.'Makakalayo ka na rin, Elisa.'Iniharang niya ang katawan sa daan a
last updateHuling Na-update : 2021-11-12
Magbasa pa

Kabanata 1

Ang malawak na tubuhang kanyang nararaanan ay tila nagsasalimbayan sa musikang nilikha ng marahang pag-ihip ng hangin. Napangiti si Elisa habang manaka-nakang tinatapunan ng tingin ang nararaanang berdeng kapaligiran.All things bright and beautiful.Kapag namamalas niya ang payapa at berdeng paligid, iyon kaagad ang nasasaisip niya. Lumang tula na laging sinasaulo ng ina niya noon kapag papatulog na sila.Kahit kailan, hindi niya pagsasawaan ang kagandahan ng lugar nila. Walang kahit anong halaga ng pera ang magpapabago sa desisyon niyang dito ilaan ang buhay niya dahil ang Hacienda Helenita ay di lang basta isang tanyag at mayamang lupain, para sa kanya isa itong tahanan.Nagsisilbing backdrop ng malawak na taniman ng tubo ang matatayog na bukirin. Very scenic, tila subject sa mga paintings ni Amorsolo.Ilang metrong layo mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na niya ang malaking gusali sa isang panig ng hacienda. Ito ang nagsisilbing pinakasentro n
last updateHuling Na-update : 2021-11-12
Magbasa pa

Kabanata 2

"She is unbelievable!" Mas lumalim ang inis ni Lorenzo sa babaeng iyon. Mas naggatungan ang dati nang yamot. "Who does she think she is?"Isang simpleng pinapasahod lang ng mga Samonte. The nerve of that woman. Mariin niyang nahawakan ang manibela. Kung hindi lang ito babae matagal na niya itong nasapak. Elisa is a nobody pero may kung anong masamang hangin ang babae at basta na lang siya sinasagot ng ganoon na lang. He is Lorenzo Santibañez for God's sake! Pinangingilagan siya ng mga kakumpetensya sa negosyo at hinahabol-habol ng mga babae. But that wicked woman."Sa 'yo na ulit ang kalsada, mahal na hari."Bakit ba kasi niya binigyang pansin ang kutong lupang 'yon? Kausap niya ang inang si Viviana kani-kanina lang nang mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng basta na lang nakaharang sa daan."How's my future daughter-in-law?"Hindi niya maaaring maitanggi ang interes na napukaw sa kanya
last updateHuling Na-update : 2021-11-12
Magbasa pa

Kabanata 3

Ang ganda ng mood niya kanina ngunit may demonyong dumating at bumulahaw sa kanyang pananahimik at pamamahinga. Napaismid siya at kaagad na inilipat ang paningin sa unahan. Mas maiging ang malawak na sakahan ang tititigan kesa sa gwapo nga ngunit nakakasuya namang pagmumukha ng kanyang intuder.Sa akin ba nakatingin si Lorenzo? Himala yata iyon sa lahat ng himala. Dapat yata magpa-fiesta siya."What are you doing here?"Sa loob ng maraming taon ay hindi si Lorenzo ang tipo ng taong unang nagbubukas ng usapan sa kanya. He hates her. Sa di malamang dahilan ay mabigat ang kalooban nito sa kanya. Tingin nito sa kanya ay bacteria magmula noong mga bata pa lamang sila. At kapansin-pansin na mababa ang tonong ginamit nito sa kanya."Kumakain," sa mababa ring tono ay sagot niya. Saka niya sininop ang walang laman ng baunan at inilagay sa duffel bag niya."And of all places, dito pa talaga sa paborito kong spot."Nasorpresa siya sa nala
last updateHuling Na-update : 2021-11-12
Magbasa pa

Kabanata 4

"Bakit mo pa ako kailangang isama doon?"May uneasiness siyang nararamdaman habang nakaupo sa kotse katabi ni Margaux. Patungo sila sa kabilang hacienda, sa mismong mansion ng mga Santinbañez. Katunayan ay nakakapangalahati pa lang sila ng nilalakbay."Relax. Hindi tayo magtatagal don. We will last not later than nine. Isa pa, we are going to the lion's den, alangan namang pababayaan mo akong mag-isa. Syempre, I need my pack.""Pupunta naman ang mga friends mo, ah, panigurado at saka, nandodoon din naman ang daddy mo."Nakapangalumbaba siya sa nakabukas na bintana at kasalukuyang tinititigan ang nakalatag na mga bituin sa langit. Ang ganda ng gabi pero natatabunan naman ng discomfort na nararamdaman sa puso niya.She was never comfortable around Lorenzo."Ano ka ba? I prefer your company over my so called friends. Si Dad naman, for sure, he and Lorenzo's father would discuss nothing but business."Napabuntunghininga siya.
last updateHuling Na-update : 2021-11-12
Magbasa pa

Kabanata 5

Matuling lumipas ang mga araw. Mag-iisang buwan na rin simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Kapag sumasagi sa utak niya ang pangayayaring iyon, ‘di niya maiwasang lukubin ng pait ang kanyang dibdib. Sa buong buhay niya, sa pagkakataong iyon siya nakaramdam ng matinding humiliation. Labis-labis na pagpapahiya pa nga. She suffered this pain all alone, in silence. Ayaw niyang magsumbong kay Margaux. Ayaw niyang makagulo.Naipagpasalamat niya na hindi na nagpapang-abot ang mga landas nila ni Lorenzo. Hindi na rin ito madalas na napapagawi sa hacienda.Ngunit nang dumating 25th birthday ni Margaux, napipinto na naman niyang makakrus ng landas si Lorenzo. May engrandeng pagtitipon sa bahay. Imbes na sa isang hotel sa bayan o ‘di kaya ay sa Manila idadaos ang naturang pagtitipon gaya ng nakagawian, mas pinili ni Sir Deo na sa bahay na lang. As always, Margaux looks exquisite sa suot nitong Sherri Hill purple gown. Simple lang ang tabas ngunit lumalabas ang k
last updateHuling Na-update : 2021-11-12
Magbasa pa

Kabanata 6

"Bullshit!"Nag-echo sa loob ng apat na sulok ng modernong opisina ni Lorenzo ang sunud-sunod na pagmumura niya. He is more than furious. Margaux is gone and nobody could tell where she is.Nasipa ni Lorenzo ang pa ang mesa at muntikan na niyang ibato sa kung saan ang cellphone. Kung hindi pa niya naisipang magpadala ng bulaklak sa tauhan para kay Margaux ay di niya malalamang umalis ito. Kabilin-bilinan niya sa tauhan na personal na iabot ang regalo sa dalaga at hindi kung kani-kanino lang.Niluwagan niya ang kwelyo. He felt his chest tightening. Suddenly, pinangangapusan siya ng hininga. A week since his engagement and his bride ran away. Malaking insulto sa buo niyang pagkatao ang nangyari. Naikuyom niya ang kamao. He has to get to the bottom of this."Cancel all my appointments," utos niya sa assistant at mabilis na tinung
last updateHuling Na-update : 2022-04-23
Magbasa pa

Kabanata 7

Sa tantiya ni Elisa ay tatlong beses siyang nagpalipat-lipat ng sasakyan. Nakapiring man ay sinikap niyang makiramdam sa paligid. Binilang niya talaga. Mula sa silid na kinaroroonan niya ay lumulan sila sa kotse at lumipat sa isang eroplano. Nararamdaman niya ang pressure. Halos masuka siya. Napahawak siya nang mariin sa upuan at naipikit nang mariin ang natatabingang mga mata. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasa-sama kay Margaux kahit anong pangungulit nito na isama siya sa mga bakasyon nito sa ibang bansa. Kapag lumuluwas siya ng Manila, barko ang sinasakyan niya. Ang pressure, ang pagod, ang kaba, naghahalo sa sistema niya. Hinihila na siyang matulog pero hindi niya ginawa.Nang makababa sa eroplano ay sumakay naman sila sa isa pang sasakyan na siyang nagdala sa kanya sa kinaroroonan ngayon. Tinanggalan siya ng piring sa mga mata. Naninibago siya sa nakakasilaw na liwanag na tumambad sa kanyang mga mata. Ilang oras ding may tabing ang paningin niya. Napapikit siyang muli
last updateHuling Na-update : 2024-02-02
Magbasa pa

Kabanata 8

"What the hell was that?!"Dumadagundong ang malakas at galit na boses ni Audrey sa buong opisina. He was expecting for Audrey to barge in. Hinintay lang nito na lumabas ang ka-meeting niya. Habang nakikipag-usap kay Mr. Pantaleon, ibinulong na ng sekretarya niya na naghihintay ang kapatid sa opisina at mukhang mainit ang ulo nito. Hindi ugali ni Audrey ang pumarito sa opisina lalo at hindi maganda ang relasyon nito sa mga magulang nila. For Audrey to have come here, may mahalaga itong pakay. By the looks of it, she was furious over something."Ganito ba talaga ang greeting mo sa akin, ha, sis? Matapos nating hindi magkita ng matagal-tagal?"Kakauwi lang nito mula sa Europe. Kung nagkataong good mood ito, malamang na sumugod na ito ng yapos sa kanya. Sa buong pamilya niya, si Audrey ang pinakamalapit sa kanya.Niluwagan niya ang pagkakabuhol ng kurbata at naupo sa swivel chair at minwestrahan ang kapatid na maupo sa katapat na upuan. Instead, nagpalaka-lakad ito sa harapan niya habang
last updateHuling Na-update : 2024-02-02
Magbasa pa

Kabanata 9

Sa nakalipas na dalawang araw na nanatili si Elisa sa bahay ni Lorenzo, walang pagbabago sa sitwasyon niya. Nakakulong pa rin siya sa isang silid. Bagama't hindi sinasaktan, hindi niya maiwasang makaramdam ng pangamba na baka isoli siya nito kay Sir Deo anumang oras. Nakakabagot ang bawat minutong nakakulong siya sa maliit na silid na nagbubukas lang kapag may inihahatid na pangangailangan niya."Hindi mo ginagalaw ang pagkain."Mula sa pagtitig sa labas, nabaling ang pansin niya sa pagkain na inihatid kanina ni Mando. Gaano man ‘yon kasarap tingnan, hindi niya makuhang ganahang kumain. “Pakialis na lang niyan.”Imbes na bitbitin ang tray, napapailing lang na napatingin doon si Mando."Mando, ‘yong bag ko. Kailangang-kailangan ko lang talaga ‘yon. Please." May halo nang pagmamakaawa ang boses niya pero ang lalaki, tumalikod lang nang walang sinabi. Narinig naman siguro nito ang sinabi niya. Napabuntung-hininga na lang siya at muling tumitig sa labas ng grills partikular na sa mga ha
last updateHuling Na-update : 2024-02-21
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status