Share

Kabanata 1

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2021-11-12 11:35:14

Ang malawak na tubuhang kanyang nararaanan ay tila nagsasalimbayan sa musikang nilikha ng marahang pag-ihip ng hangin. Napangiti si Elisa habang manaka-nakang tinatapunan ng tingin ang nararaanang berdeng kapaligiran.

All things bright and beautiful.

Kapag namamalas niya ang payapa at berdeng paligid, iyon kaagad ang nasasaisip niya. Lumang tula na laging sinasaulo ng ina niya noon kapag papatulog na sila.

Kahit kailan, hindi niya pagsasawaan ang kagandahan ng lugar nila. Walang kahit anong halaga ng pera ang magpapabago sa desisyon niyang dito ilaan ang buhay niya dahil ang Hacienda Helenita ay di lang basta isang tanyag at mayamang lupain, para sa kanya isa itong tahanan.

Nagsisilbing backdrop ng malawak na taniman ng tubo ang matatayog na bukirin. Very scenic, tila subject sa mga paintings ni Amorsolo.

Ilang metrong layo mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na niya ang malaking gusali sa isang panig ng hacienda. Ito ang nagsisilbing pinakasentro ng operasyon ng lupain. Naroroon ang bodega, ang supply storage, at ang pinakaopisina na rin. Sa isang panig ay nakahanay ang iilang trak na siyang ginagamit sa pagkakarga ng mga produkto ng hacienda patungo sa sinusuplayan nilang sugar milling company ng mga Samonte at ng isa pang pabrika sa Bacolod.

"Andiyan na si Eli!" si Goryo, ang isa sa mga trabahador na malapad kaagad ang ngiti nang makita siyang paparating. Kumaway at lumapit pa ito sa kanya, inantabayanang makaibis siya sa bisekleta at kinuha mula sa kanya ang mga dala-dalahan. "Eli, ano bang dala mo para sa amin ngayon?" kaagad nitong tanong.

"Naku! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Excited ka lang na makita ako kasi may bitbit akong pasalubong sa inyo."

Kasisuweldo niya lang kahapon mula sa pagtatrabaho sa hacienda kaya nagagawa niyang maghanda ng ipapasalubong sa mga kasamahan at mga kaibigan.

"May natitira pa bang pera para sa 'yo?"

"Meron pa naman ho, Nanay Belya."

Madalas na pinupuna ng mayordoma ng mansion ang mga ginagawa niya. Katwiran nito baka maubusan siya. Balik-katwiran niya naman, "hindi ho natin madadala sa kamatayan ang pera."

"Uy, Eli, may sa akin ba?" ang isa pang kasamahan niya.

"Tingnan mo ang mga 'yan, hindi pa nga nagsisimula ang oras ng trabaho, nagsisilamon na. Kung di lang talaga ikaw ang may pakana nito." Si Mang Felipe, ang masasabing kanang kamay ng may-ari at go-to-person 'pag usaping lupa at pananim na ang pag-uusapan. Tinagurian nga nila itong walking agriculture encyclopedia.

"Guilty as charged, ho."

Kunwari ay sinisita siya ni Mang Felipe pero ang totoo naman ay lihim nitong sasabihin sa kanya na tirhan siya. 

"Hoy, kayo, pag natapos na kayo riyan, atupagin kaagad ang trabaho, ha?"

In chorus ay sumagot ang mga trabahador na abala sa pagnguya ng, "yes, bossing!"

Inatupag na rin niya ang mga gawain.

Ilang saglit pa ay buhos na ang atensyon niya sa ginagawang inventory ng mga supplies sa bodega. End of the month. Kapag ganitong petsa ay nagka-conduct sila ng inventory para naman malaman kung ano ang kailangang i-replenish na mga stocks.

Ganoon ka-absorb ang atensyon niya sa trabaho nang dumating at pumarada ang pamilyar na land rover at umibis mula roon ang isang literal na diosa, only this time ay nakasimangot ito.

"Bakit nakasimangot ka na naman?"

Pansamantalag itinigil ni Elisa ang ginagawa at hinarap ang kadarating na si Margaux. Amo niya ito, anak ng may-ari ng hacienda at ang masasabing pinakamatalik niyang kaibigan. Kapag ganitong sinasadya siya nito sa opisina at di na makapaghintay na makauwi siya ng mansion ng mga Samonte kung saan din siya nakatira, malamang na magsusumbong ito ng mga frustrations o di naman kaya ay magpapasama sa kung saan.

Sa tingin niya, may kinayayamutan ito. Sa tagal ng pinagsamahan nila ay kilala na niya ang dalagang prinsesa ng Hacienda Helenita. Kung tutuusin, para na niya itong nakababatang kapatid.

"Ikaw ba ay nayayamot dahil bored ka o sadyang nireregla ka lang?"

Parang bata itong pasalampak na naupo sa mononlock chair at pinag-ekis ang mahahabang legs at nangalumbaba.

"Si Daddy kasi, eh, ora mismong pinapauwi ako nang hindi ko pa man lang muna nameet ang mga friends ko. 'Yon pala dinner with a Santibañez lang ang uuwian ko."

Natatawa siya habang nakikinig sa pagmamaktol nito. Parang batang nagtatantrum. Kapag ganitong nagsusumbong si Margaux ay para itong hindi isang sikat na commercial model. Kung tutuusin ay magtitwenty–five na ito. Matanda lang siya rito ng halos dalawang taon. Every now and then ay lumilipad ito pa-Maynila para sa mga modelling commitments nito.

"Bago ba 'yon?"

Ang heredero ng mga Santibañez ang tinutukoy nito. Ang nirireto kay Margaux bata pa lang ang mga ito. 

"Ba't di ka humindi sa Papa mo?"

"I don't wanna have an argument with Dad over that matter. I wouldn't win, alam mo iyon." 

Mahal ng ama nitong si Deogracias Samonte si Margaux pero pagdating sa usaping yon, ang una ang laging nagdodomina. 

"Bakit ba ayaw mo do'n?" aniyang binuklat-buklat ang ledger.

"He is gwapo, okay. Matangkad, macho, matalino. But, so full of himself. I hate his guts, his confidence. Bakit, ikaw, 'di ba kumukulo rin ang dugo mo sa kanya?"

Bata pa lang sila nang maranasan ang kawalanghiyaan ng taong yon. Simula noon ay namahay na sa kanyang puso ang lihim na yamot.

"Pwede bang samahan mo na lang akong mag-unwind?"

"May trabaho ako, uy. Hindi ako pwedeng magbulakbol. Mamaya mapagalitan ako ni Mang Felipe."

"Nakalimutan mo yata na anak ako ng may-ari."

Tumayo si Margaux at pinuntahan si Mang Felipe. Ilang saglit lang ay hila-hila na siya ntio sa kamay patungo sa kinapaparadahan ng land rover.

"Kaw talaga. Pag-iinitan na naman ako ng ibang trabahador," animo maktol niya na ikinataas ng kilay ng kaibigan.

"Pag-iinitan? Darling of the crowd ka kaya ng mga yon. Sige sila at di na sila makakatikim ng mga masasarap mong luto."

Napapailing na lang siya. "Talagang ayaw magpahindi."

Pinulot niya ang duffel bag at pinuntahan ang bike at ikinarga sa likod ng sasakyan ni Margaux.

Ilang minuto lang ay binabaybay na nila ang kalsada. Nararaanan pa ang ilang kakilalang mga trabahador ba abala na sa paghahabas ng mga pananim na tubo. Kumaway pa siya sa mga ito.

"Come to think of it, bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mong negosyo. Restaurant. That way, you can put your skills into good use. Sayang din yang talent mo no?"

Mula sa pagmamaneho ay nagtatanong na napasulyap ito sa kanya.

"Huwag na. Okay naman na ako dito sa atin, ah. Maganda naman dito. Super ganda nga."

"And you will forever be on my Dad's employ. He could be a difficult boss." Sa kalsada ito nakatuon, papaliko na sila sa main highway palabas ng lupain.

"Pero okay naman kung magpasweldo si Sir Deo. Nakakahiya na nga kasi hanggang ngayon sa inyo pa rin ako nakikitira pero tumatanggap naman ako ng sahod."

Totoo 'yon. Kahit papano ay nakakapag-ipon na siya. Ipampapagawa niya iyon ng maliit na bahay sa ituktok ng burol sa loob ng hacienda. Okay na sa kanya yon. Mababang pangarap para sa simpleng taong tulad niya. Bakit pa ba siya maghahangad ng higit pa kung lahat ng yon ay iiwanan rin lang?

Isa pa, hindi siya basta-basta makakaalis sa bahay nina Margaux. Nangako ang nanay nito sa namayapa niyang ina na hangga't hindi siya nakapag-asawa ay mananatili siya sa malaking bahay.

=====

Kung saan-saan lang naman sila nagsusuot ni Margaux. Namasyal sa mga pasyalang alam nila at nagbabad sa isang restoran sa bayan at ang pinakahuli nilang pinuntahan ay ang paborito niyang burol.

"This meadow is your most favorite place, I supposed."

Nagkibitbalikat siya. "Sana payagan ako ng Dad mo na dito magtatayo ng bahay ko ano."

"Hoy, walang ganyanan." Yumapos si Margaux sa kanya. "Wala na nga si mommy, aalis ka pa?"

"Hindi pa naman sa ngayon. Baka isang araw."

"Nag-promise ka kay Mommy na hindi mo ako iiwan. At nag-promise din si Mommy sa Nanay mo na sa amin ka hangga't hindi ka nakapag-asawa."

Makapag-asawa. Far from possibility. Para na lang iyon sa iba.

Nang bigla ay pumatak ang ulan. "See, sign na hindi ka dapat umalis sa bahay. Umiiyak ang mga nanay natin."

Natatawa siya sa sinabi nito. Kapagkuwan ay sinalya niya ang kamay nitong nakayakap sa kanya at inunahan niya ito sa pagtakbo patungo sa sasakyan.

"Ah, ganon ha."

Humabol ito sa kanya pero malapit na siya sa sasakyan nang maunahan siya nito.

"Lagi ka talagang nagpapatalo sa akin."

Nagkatawanan silang lumululan ng kotse  at binabaybay ang daan pabalik ng bahay. Napansin nilang nakaparada sa garahe ang kotse ng ama ni Margaux. May isa pang sasakyang naroroon maliban pa sa iba pang sasakyan ng mga Samonte. Naging sanhi iyon ng pagbabago ng ekspresyon nito.

"Huwag mo nang paghintayin ang daddy mo."

Mas minabuti niyang sa kusina dumaan kung saan naratnan si Nana Belya.

"Susmaryosep kang bata ka! Ba't basang-basa ka?" si Nanay Belya na tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Ang hawak nitong Chef's knife ba ginagamit sa paghihiwa ng rekados ay pansamantalang inilapag sa chopping board.

Imbes na sagutin ay iniabot niya ang pasalubong rito. "Nadaanan ho namin ni Margaux."

Napapangiti na napapailing si Nanay Belya. "Ikaw talaga dinadaan mo ako sa lambing. Salamat," saka nito hinaplos ang pisngi niya. Kung tutuusin ay para na rin niya itong ina, simula nang maulila siya ito na at si Mrs. Samonte ang naging guardian niya.

"Bihis lang ho ako, Nanay."

Pumasok siya sa silid nya na nasa likurang bahagi ng kusina kahanay ang servant's quarters. Pagkabihis ay kaagad siyang bumalik sa kusina at tinulungan si Nanay Belya at ang iba pang mga katulong.

"'Di mo naman na kailangang tumulong dito."

"Si Nanay talaga."

Simula nang makapagtapos siya ng kolehiyo sa community college sa bayan, lagi na siyang sinisita ni Nanay Belya kapag tumutulong siya. 

"Hindi ka na basta lang katulong." Kadalasan ay sabi nito. "Kung nandito ang nanay mo, maiiyak iyon sa tuwa."

Siya na ang nagboluntaryong magset ng lamesa. Isa sa pinakapaborito niyang gawin ang magmix and match ng mga dining implements. Nakakatuwa lang kasing tingnan ang mga makikintab na babasaging kagamitan na nakaayos sa pabilog na mesang gawa sa hardwood. 

"I'm glad you could join us for dinner, Lorenzo."

Mula sa paglalagay ng soup spoon ay bahagya siyang napalingon kay Sir Deo Samonte na kapapasok lang ng dining at inaakbayan sa balikat si Lorenzo. Malapad ang pagkakangiti at magiliw ang pakikipag-usap ng patriarch ng pamilya sa panauhin. Talagang boto ito kay Lorenzo at halos ipagduldulan na si Margaux rito. 

Heredero lang naman kasi ito ng mga Santibanez at ang pinakamayaman sa bayan nila. Kahit na sa buong Pilipinas ay nasa mataas na antas ng lipunan. Bukod sa hacienda, kalat sa buong Pilipinas at kahit na sa international market ang mga negosyo at investments. Sugar and flour milling, fertilizer production, financing ang ilan lang sa alam niyang negosyo ng pamilya. Nagbi-venture din daw sa food industry ang mga Santibanez at kahit na nga telecommunications ay pinasok na.

'The Santibanezes are everywhere,' ayon na rin kay Deo.

"I really try my best to spend time with you, Sir."

Sobrang

galang naman.

Parang walang kademonyohang tinatago sa katawan.

"Especially with Margaux."

Sa Maynila ito kadalasang namamalagi pero humahanap ng pagkakataong mabisita si Margaux. Hindi nito iyon nakakaligtaang gawin.

"Elisa, pakitawag kay Margaux."

"Opo, Sir."

Di sinasadyang matapunan niya ng tingin si Lorenzo na nasa mismong malapit lang niya. Pero kaagad itong nagbawi ng paningin. Akala mo may mikrobyo ako. Kapal! Parang ikamamatay nito ang makipag eye contact sa kanya.

'Hmp! Matapobre,' sa isip-isip niya.

Simula pa man noon ay may hindi na magandang hangin sa pagitan nila. Mutual iyon na nag-ugat sa magaspang na pag-uugali nito noon pa man. Kaya nga, hindi siya boto rito para kay Margaux. Margaux is too good for him. Anghel at demonyo. Tiyanak ang magiging anak ng mga ito pag nagkataon.

"Good evening, Dad."

Hindi na niya kinailangang akyatin pa si Margaux. Kusa na itong bumaba ng hagdanan looking like a princess in her expensive floral dress.

Nakita niya kung paanong puminta ang kislap ng paghanga sa mga mata ni Lorenzo para kay Margaux.

Ang laki talaga ng tama nito kay Magaux.

Napapailing na lang na pumanhik siya ng kusina.

"Manang, panhik muna ako sa loob ha?"

Inatupag niya ang mga nabinbing trabaho nang dahil sa pagsama kay Margaux kanina. Kailangan niyang tapusin ang pag-entry sa ledger. Mabuti na rin at binitbit niya ang mga transaction receipts sa bahay.

"Natapos din sa wakas."

Maaari na siyang matulog ngunit ayaw pa siyang dalawin ng antok. Tumayo siya at binalabal sa katawan ang malaking shawl at lumulan sa nakaparada niyang bisikleta at sa kaligtnaan ng gabi ay tahimik na binaybay ang daan.

Ang Hacienda Helenita ay magandang tanawin sa araw pero para sa kanya ay mas tumitingkad ang kagandahan niyon sa gabi. Ang nakalinyang mga mahogany tress sa magkabilang gilid ng kalsada mula sa mansion ay lumilikha ng napakagandang canopy. Mas pinatitingkad iyon ng mga firefly na animo nagsasayawan sa itaas ng mga puno.

"Ang ganda," bulalas niya ng paghanga.

Kapag ganitong nag-iisa siya habang huni ng panggabing mga hayop ang naririnig, pakiwari niya ay pag-aari niya ang mundo. Nakakapagreconnect siya sa sarili at nakakaramdam siya ng contentment.

Nanunuot na rin ang malamig na hangin sa kanyang balat kaya minabuti niyang huminto sa pagpadyak sa mismong gitna ng kalsada at tumingala sa langit na nalalatagan ng maraming bituin. Idinipa niya ang dalawang braso at sinamyo ang malamig na simoy ng hangin sa balat at mukha. Every person has his own version of weirdness and this is hers. Basta ba nakaugalian na niyang gawin lalo na kapag patang-pata ang katawan. Ito ang inexpensive therapy niya.

Nang bigla na lang ay umugong ang sunud-sunod na malalakas na bosina mula sa kung saan.

Gulat niyang naidilat ang mga mata at napalingon sa likuran. Subalit agad din siyang napapikit muli nang direktang tumama sa mga mata niya ang nakakasilaw na liwanag mula sa headlight ng kung kaninong sasakyan.

"Are you stupid?"

Iisa lang ang tumatawag sa kanya ng istupida. Mabilis niyang naidilat ang mga mata at natuklasang nasa mismong harapan na niya ang seryosong si Lorenzo. Mali, hindi lang ito basta seryoso, naiinis ito sa kanya. Nakalapit na pala at lahat nang di niya namamalayan.

"Stupid and deaf, as well."

Saka lang siya parang nakahuma.

Ilang beses na ba siyang pinagsasalitaan ng ganito ng lalaking ito. Umandar na naman ang pagiging kontrabida sa buhay niya.

"Pasensya na ho, mahal na hari." Minaniobra niya ang biseklta sa gilid ng daan. "Sa inyo na po uli ang buong kalsada," aniya na minwestra ng palad ang daan.

Nakita niya kung paanong naningkit ang mga mata ni Lorenzo. Marahil di nito inaasahan ang mapangahas niyang mga pangungusap. Dapat lang na suklian ng kagaspangan ang magaspang din nitong pag-uugali. Siya man ay nagulat din sa sarili dahil kadalasan ay iniignora niya ito.

"Ano pa'ng hinihintay ninyo, pasko?"

Ginagambala ang relaxation niya iyon naman pala ay tutunganga lang ito.

"You're crazy."

Yamot na muli itong lumulan ng hummer at pinaharurot ang sasakyan. Yamot na naihatid na lang niya ito ng tingin. 

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Missy F
asar talo si Lorenzo...
goodnovel comment avatar
Jocyte Morales
ngayon ko lang to nakita hehe
goodnovel comment avatar
Che Che
ang gaspang nga Lorenzo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • His Sweet Surrender   Kabanata 2

    "She is unbelievable!"Mas lumalim ang inis ni Lorenzo sa babaeng iyon. Mas naggatungan ang dati nang yamot."Who does she think she is?"Isang simpleng pinapasahod lang ng mga Samonte. The nerve of that woman.Mariin niyang nahawakan ang manibela. Kung hindi lang ito babae matagal na niya itong nasapak. Elisa is a nobody pero may kung anong masamang hangin ang babae at basta na lang siya sinasagot ng ganoon na lang. He is Lorenzo Santibañez for God's sake! Pinangingilagan siya ng mga kakumpetensya sa negosyo at hinahabol-habol ng mga babae. But that wicked woman."Sa 'yo na ulit ang kalsada, mahal na hari."Bakit ba kasi niya binigyang pansin ang kutong lupang 'yon?Kausap niya ang inang si Viviana kani-kanina lang nang mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng basta na lang nakaharang sa daan."How's my future daughter-in-law?"Hindi niya maaaring maitanggi ang interes na napukaw sa kanya

    Last Updated : 2021-11-12
  • His Sweet Surrender   Kabanata 3

    Ang ganda ng mood niya kanina ngunit may demonyong dumating at bumulahaw sa kanyang pananahimik at pamamahinga. Napaismid siya at kaagad na inilipat ang paningin sa unahan. Mas maiging ang malawak na sakahan ang tititigan kesa sa gwapo nga ngunit nakakasuya namang pagmumukha ng kanyang intuder.Sa akin ba nakatingin si Lorenzo?Himala yata iyon sa lahat ng himala. Dapat yata magpa-fiesta siya."What are you doing here?"Sa loob ng maraming taon ay hindi si Lorenzo ang tipo ng taong unang nagbubukas ng usapan sa kanya. He hates her. Sa di malamang dahilan ay mabigat ang kalooban nito sa kanya. Tingin nito sa kanya ay bacteria magmula noong mga bata pa lamang sila. At kapansin-pansin na mababa ang tonong ginamit nito sa kanya."Kumakain," sa mababa ring tono ay sagot niya. Saka niya sininop ang walang laman ng baunan at inilagay sa duffel bag niya."And of all places, dito pa talaga sa paborito kong spot."Nasorpresa siya sa nala

    Last Updated : 2021-11-12
  • His Sweet Surrender   Kabanata 4

    "Bakit mo pa ako kailangang isama doon?"May uneasiness siyang nararamdaman habang nakaupo sa kotse katabi ni Margaux. Patungo sila sa kabilang hacienda, sa mismong mansion ng mga Santinbañez. Katunayan ay nakakapangalahati pa lang sila ng nilalakbay."Relax. Hindi tayo magtatagal don. We will last not later than nine. Isa pa, we are going to the lion's den, alangan namang pababayaan mo akong mag-isa. Syempre, I need my pack.""Pupunta naman ang mga friends mo, ah, panigurado at saka, nandodoon din naman ang daddy mo."Nakapangalumbaba siya sa nakabukas na bintana at kasalukuyang tinititigan ang nakalatag na mga bituin sa langit. Ang ganda ng gabi pero natatabunan naman ng discomfort na nararamdaman sa puso niya.She was never comfortable around Lorenzo."Ano ka ba? I prefer your company over my so called friends. Si Dad naman, for sure, he and Lorenzo's father would discuss nothing but business."Napabuntunghininga siya.

    Last Updated : 2021-11-12
  • His Sweet Surrender   Kabanata 5

    Matuling lumipas ang mga araw. Mag-iisang buwan na rin simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Kapag sumasagi sa utak niya ang pangayayaring iyon, ‘di niya maiwasang lukubin ng pait ang kanyang dibdib. Sa buong buhay niya, sa pagkakataong iyon siya nakaramdam ng matinding humiliation. Labis-labis na pagpapahiya pa nga. She suffered this pain all alone, in silence. Ayaw niyang magsumbong kay Margaux. Ayaw niyang makagulo.Naipagpasalamat niya na hindi na nagpapang-abot ang mga landas nila ni Lorenzo. Hindi na rin ito madalas na napapagawi sa hacienda.Ngunit nang dumating 25th birthday ni Margaux, napipinto na naman niyang makakrus ng landas si Lorenzo. May engrandeng pagtitipon sa bahay. Imbes na sa isang hotel sa bayan o ‘di kaya ay sa Manila idadaos ang naturang pagtitipon gaya ng nakagawian, mas pinili ni Sir Deo na sa bahay na lang. As always, Margaux looks exquisite sa suot nitong Sherri Hill purple gown. Simple lang ang tabas ngunit lumalabas ang k

    Last Updated : 2021-11-12
  • His Sweet Surrender   Kabanata 6

    "Bullshit!"Nag-echo sa loob ng apat na sulok ng modernong opisina ni Lorenzo ang sunud-sunod na pagmumura niya. He is more than furious. Margaux is gone and nobody could tell where she is.Nasipa ni Lorenzo ang pa ang mesa at muntikan na niyang ibato sa kung saan ang cellphone. Kung hindi pa niya naisipang magpadala ng bulaklak sa tauhan para kay Margaux ay di niya malalamang umalis ito. Kabilin-bilinan niya sa tauhan na personal na iabot ang regalo sa dalaga at hindi kung kani-kanino lang.Niluwagan niya ang kwelyo. He felt his chest tightening. Suddenly, pinangangapusan siya ng hininga. A week since his engagement and his bride ran away. Malaking insulto sa buo niyang pagkatao ang nangyari. Naikuyom niya ang kamao. He has to get to the bottom of this."Cancel all my appointments," utos niya sa assistant at mabilis na tinung

    Last Updated : 2022-04-23
  • His Sweet Surrender   Kabanata 7

    Sa tantiya ni Elisa ay tatlong beses siyang nagpalipat-lipat ng sasakyan. Nakapiring man ay sinikap niyang makiramdam sa paligid. Binilang niya talaga. Mula sa silid na kinaroroonan niya ay lumulan sila sa kotse at lumipat sa isang eroplano. Nararamdaman niya ang pressure. Halos masuka siya. Napahawak siya nang mariin sa upuan at naipikit nang mariin ang natatabingang mga mata. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasa-sama kay Margaux kahit anong pangungulit nito na isama siya sa mga bakasyon nito sa ibang bansa. Kapag lumuluwas siya ng Manila, barko ang sinasakyan niya. Ang pressure, ang pagod, ang kaba, naghahalo sa sistema niya. Hinihila na siyang matulog pero hindi niya ginawa.Nang makababa sa eroplano ay sumakay naman sila sa isa pang sasakyan na siyang nagdala sa kanya sa kinaroroonan ngayon. Tinanggalan siya ng piring sa mga mata. Naninibago siya sa nakakasilaw na liwanag na tumambad sa kanyang mga mata. Ilang oras ding may tabing ang paningin niya. Napapikit siyang muli

    Last Updated : 2024-02-02
  • His Sweet Surrender   Kabanata 8

    "What the hell was that?!"Dumadagundong ang malakas at galit na boses ni Audrey sa buong opisina. He was expecting for Audrey to barge in. Hinintay lang nito na lumabas ang ka-meeting niya. Habang nakikipag-usap kay Mr. Pantaleon, ibinulong na ng sekretarya niya na naghihintay ang kapatid sa opisina at mukhang mainit ang ulo nito. Hindi ugali ni Audrey ang pumarito sa opisina lalo at hindi maganda ang relasyon nito sa mga magulang nila. For Audrey to have come here, may mahalaga itong pakay. By the looks of it, she was furious over something."Ganito ba talaga ang greeting mo sa akin, ha, sis? Matapos nating hindi magkita ng matagal-tagal?"Kakauwi lang nito mula sa Europe. Kung nagkataong good mood ito, malamang na sumugod na ito ng yapos sa kanya. Sa buong pamilya niya, si Audrey ang pinakamalapit sa kanya.Niluwagan niya ang pagkakabuhol ng kurbata at naupo sa swivel chair at minwestrahan ang kapatid na maupo sa katapat na upuan. Instead, nagpalaka-lakad ito sa harapan niya habang

    Last Updated : 2024-02-02
  • His Sweet Surrender   Kabanata 9

    Sa nakalipas na dalawang araw na nanatili si Elisa sa bahay ni Lorenzo, walang pagbabago sa sitwasyon niya. Nakakulong pa rin siya sa isang silid. Bagama't hindi sinasaktan, hindi niya maiwasang makaramdam ng pangamba na baka isoli siya nito kay Sir Deo anumang oras. Nakakabagot ang bawat minutong nakakulong siya sa maliit na silid na nagbubukas lang kapag may inihahatid na pangangailangan niya."Hindi mo ginagalaw ang pagkain."Mula sa pagtitig sa labas, nabaling ang pansin niya sa pagkain na inihatid kanina ni Mando. Gaano man ‘yon kasarap tingnan, hindi niya makuhang ganahang kumain. “Pakialis na lang niyan.”Imbes na bitbitin ang tray, napapailing lang na napatingin doon si Mando."Mando, ‘yong bag ko. Kailangang-kailangan ko lang talaga ‘yon. Please." May halo nang pagmamakaawa ang boses niya pero ang lalaki, tumalikod lang nang walang sinabi. Narinig naman siguro nito ang sinabi niya. Napabuntung-hininga na lang siya at muling tumitig sa labas ng grills partikular na sa mga ha

    Last Updated : 2024-02-21

Latest chapter

  • His Sweet Surrender   Teaser

    Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk

  • His Sweet Surrender   Epilogue

    Nagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo.Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon.Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli.Napangiti siya.It feels like yesterday.Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno."Ha-ha-ha.!"At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapahalakhak.Napatingin siya sa paligid.This place screams of Elisa. The only woman he loves. His ultimate destiny. His soulmate. Ang tanging babaeng mamahalin niya sa habangbuhay."Dad, ang daya mo talaga. Kap

  • His Sweet Surrender   Kabanata 33

    Cali and Elixir were born eight minutes apart. A beautiful baby girl and a handsome baby boy. Kuhang-kuha ng kambal ang mga features ni Lorenzo.Complete family. Ganoon ang pakiramdam niya.Sa loob ng maraming taon na nabuhay siya, ngayon niya lang tahasang masasabing kumpleto ang pagkatao niya. Ang pagiging maybahay at ina ang epitome ng tinatawag na kabuuan ng pagkababe niya.She was more than happy.“Look at them.”Napangiti siya sa nakikitang tuwa sa mukha ng asawa. Kung may mas masaya man sa mga oras na ito, ang asawa na niya marahil.“They are beautiful, Eli.”Hindi matawaran ang saya ni Audrey habang buhat ang isa sa mga kambal. Ang buong hacienda yata ay nagdiriwang sa pagdating ng mga anak niya. Ang Daddy Manolo na kasalukuyang may iniindang karamdaman, halos ayaw nang ipahiram kay Viviana si Cali.“Manolo, ako na naman.”Nagkakangitian na lang sila ni Lorenzo habang naaaliw sa pag-aagawan ng mga biyenan sa mga apo ng mga ito. Naisisgurado niya na magiging busog sa pagmamahal

  • His Sweet Surrender   Kabanata 32

    "Para saan 'yan?"Kaagad na inilapag ni Eli ang hawak na knitting stick at yarn. Gumagawa siya ng mittens matapos burdahan ang mga lampin. Sabi ni Lorenzo, pwede naman daw silang bumili ng ready-made pero ini-insist niyang gawin ito. Lahat ng magiging gamit ng kambal nila, may personal touch niya.Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair ngunit sinenyasan siya nitong manatili."Don't bother."Lumapit ito at hinalikan siya at ang maumbok na niyang tiyan.Lorenzo looks so tired. Tuluyan na nitong niyakap ang pamamahala ng hacienda. Katwiran nito, dito sila masaya. Si Audrey na ngayon ang humalili sa binakante nitong pwesto. Thankfully, nagkabati rin ang mag-anak. Madalas ngang sabihin ni Audrey sa kanya na lahat ng magagandang nangyayari sa kanila ay siya ang dahilan. Sa papanong paraan ay di niya matukoy. And Caleb, how much he missed that boy, ang isa sa mga dahilan nang pagkakalapit nila ni Lorenzo."Ako ang mag-aalaga sa pinsan ko, Tita Eli," sa tuwina ay pangangako ni

  • His Sweet Surrender   Kabanata 31

    "Don't you think kailangan na nating umuwi, Lorenzo?"Magkatabi silang naupo sa isang bench paharap sa Brooklyn Bridge habang nakasandal siya sa balikat ng asawa. Kagagaling lang nila sa ospital para sa karagdagang tests niya. Nagyaya ang asawa niya na tumambay muna sila sa Brooklyn Bridge Park. Isa ito sa mga pampa-relax niya. Ang sarap lang kasing maupo rito at titigan ang ilog at ang ibang namamasyal sa park. Isa sa mga patients na kasama niya sa isang support group para sa mga cancer patients ang nag-introduce sa kanya sa park na ito.Kalaunan, naging routine na rin nilang mag-asawa.“Naririnig mob a ako, Enzo?”Bumuntong-hininga ang asawa. It was a sigh of frustration. “Saan na naman ba galing ‘yan, Eli?”Ramdam niyang ayaw nito sa tinatakbo ng usapan. "Naaawa na kasi ako sa'yo."Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. "Don't be. I'm tough."He is, pero hindi niya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya nito, ng tapang. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. "Akala mo ba

  • His Sweet Surrender   Kabanata 30

    Isang buwan matapos ang kasal nila ay naisaayos ang mga papeles kakailanganin ni Eli, lumipad sila ni Lorenzo patungo sa ibang bansa. Isang facility sa New York ang pinuntahan nila. Sa US, sinubukan nila ang lahat ng paraang pwedeng magpapahaba ng buhay niya. Kahit mahirap., sinubukan niya ang lahat ng tests na ginagawa sa kanya. Sa totoo lang, nahihirapan siya. Minsan, nakakaramdam siya ng panghihina.Sa lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi siya iniwanan ni Lorenzo.Kapag inaatake siya ng sakit ay naroroon kaagad ito sa tabi niya. Lorenzo never complained. Basta lang nakasuporta sa kanya. He was with her every step of the way. Ito ang nagsisilbing taga-push niya sa mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob. Lagi itong nakasuporta, laging nagpaparamdam ng pagmamahal. Kahit ang mga anxieties at mood swings niya ay nakakaya nitong tanggapin.Ang pasensya nito ay abot hanggang sukdulan.Minsan, nahihiya siya sa sarili, nakakaramdam ng insecurities lalo na kapag nakikita sa salamin an

  • His Sweet Surrender   Kabanata 29

    Intimate at solemn ang naging kasal nila nina Lorenzo at Elisa. Sa mismong Hacienda Helenita ginanap ang pag-iisang dibdib nila. Para saan pa at naging interior decorator at florist si Audrey kung hindi nagmukhang mas enchanting ang paligid. Syempre, si Caleb ang ring bearer at si Margaux ang maid of honor. "Ang ganda-ganda mo, Eli," si Margaux na inayos pa ang wreath na nakapatong sa kanyang ulo. “You look exquisite.” "Oo nga, anak." Maluha-luhang nakatitig sa kanya si Nanay Belya. Inabot nito ang kamay niya at ginagap. "Nakangiti ngayon ang Nanay mo mula sa langit." Kung sana, nakikita ng nanay niya ang nangyayari sa kanya ngayon. "Nanay, masisira ang make up ni Eli niyan," pabirong saway ni Margaux sa matanda. Naiiyak pa ring bumitaw ang matanda sa kamay niya. Minsan pa ay pinasadahan niya ng tingin ang repleksyon sa salamin. She saw a beautiful bride in the mirror. Lahat naman yata ng bride, ang siyang pinakamagandang babae sa araw ng kasal niya. Ang ganda lang din kasi ng we

  • His Sweet Surrender   Kabanata 28

    And so, Lorenzo stayed with Eli everyday. Walang araw na lumipas na wala ito sa tabi niya. Pansamantala daw itong naka-leave sa opisina para maibuhos sa kanya ang buo nitong atensyon. Konting kibot ay naroroon na ito lagi. Pinaparamdam kung gaano siya nito kamahal. He never failed to make her feel loved and valued. Araw-araw din ay may mga bulaklak at mga masasayang notes. Minsan pa nga ay nagsuot ito ng mascot at kikengkoy-kengkoy sa harapan niya.Napahalakhak nga siya ng husto nito. Pero iba ang araw na ito.Walang Lorenzo na dumating. Panay tuloy ang pagtitig niya sa gawing pintuan. Her heart silently hoped that any minute now, his smiling face would show.Nagsasawa ka na kaya?May kirot na dulot iyon sa kanyang puso. Well, he deserves a healthier woman. ‘Di gaya niya. Nakabaon na ang isang paa sa hukay."Sigurado ka bang sa bahay ka uuwi?" si Margaux habang katulong si Nanay Belya na inayos ang mga gamit niya."Bakit, ayaw mo na ba ako sa inyo?"Katabi na niya ito at kasalukuyang

  • His Sweet Surrender   Kabanata 27

    "She's got cancer."Cancer. Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ng doctor. Ayaw tanggapin ng kanyang sistema ang narinig. Pakiramdam niya, sinubagn siya ng bomba na yumanig sa kanyang buong pagkatao."She's too alive to have cancer," si Margaux na kagaya niya ay natigagal sa sinabing iyon ng doctor. "Kailan pa :to, Doc?""She started coming for treatment months ago. Nakaramdam siya ng mga sintomas. Panghihina, pantal sa balat at the time, I suggested na pumunta siya ng Maynila for further tests. Ginawa nga niya. She sought for second opinion, the tests yielded the same results. I recommended for her to have chemotheraphy but she refused. Sabi niya, ibubuhos na lang daw niya ang nalalabi niyang panahon na mabuhay nang normal at masaya. So she had been prescribed with a pain reliever, instead. Unless the patient agrees we can only do so much as physicians.""She never told us, Doc. Basta bigla na lang siyang nawawala at may pupuntahan daw dito sa Bacolod. I nev

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status