"Bullshit!"
Nag-echo sa loob ng apat na sulok ng modernong opisina ni Lorenzo ang sunud-sunod na pagmumura niya. He is more than furious. Margaux is gone and nobody could tell where she is.
Nasipa ni Lorenzo ang pa ang mesa at muntikan na niyang ibato sa kung saan ang cellphone. Kung hindi pa niya naisipang magpadala ng bulaklak sa tauhan para kay Margaux ay di niya malalamang umalis ito. Kabilin-bilinan niya sa tauhan na personal na iabot ang regalo sa dalaga at hindi kung kani-kanino lang.
Niluwagan niya ang kwelyo. He felt his chest tightening. Suddenly, pinangangapusan siya ng hininga. A week since his engagement and his bride ran away. Malaking insulto sa buo niyang pagkatao ang nangyari. Naikuyom niya ang kamao. He has to get to the bottom of this.
"Cancel all my appointments," utos niya sa assistant at mabilis na tinung
Sa tantiya ni Elisa ay tatlong beses siyang nagpalipat-lipat ng sasakyan. Nakapiring man ay sinikap niyang makiramdam sa paligid. Binilang niya talaga. Mula sa silid na kinaroroonan niya ay lumulan sila sa kotse at lumipat sa isang eroplano. Nararamdaman niya ang pressure. Halos masuka siya. Napahawak siya nang mariin sa upuan at naipikit nang mariin ang natatabingang mga mata. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasa-sama kay Margaux kahit anong pangungulit nito na isama siya sa mga bakasyon nito sa ibang bansa. Kapag lumuluwas siya ng Manila, barko ang sinasakyan niya. Ang pressure, ang pagod, ang kaba, naghahalo sa sistema niya. Hinihila na siyang matulog pero hindi niya ginawa.Nang makababa sa eroplano ay sumakay naman sila sa isa pang sasakyan na siyang nagdala sa kanya sa kinaroroonan ngayon. Tinanggalan siya ng piring sa mga mata. Naninibago siya sa nakakasilaw na liwanag na tumambad sa kanyang mga mata. Ilang oras ding may tabing ang paningin niya. Napapikit siyang muli
"What the hell was that?!"Dumadagundong ang malakas at galit na boses ni Audrey sa buong opisina. He was expecting for Audrey to barge in. Hinintay lang nito na lumabas ang ka-meeting niya. Habang nakikipag-usap kay Mr. Pantaleon, ibinulong na ng sekretarya niya na naghihintay ang kapatid sa opisina at mukhang mainit ang ulo nito. Hindi ugali ni Audrey ang pumarito sa opisina lalo at hindi maganda ang relasyon nito sa mga magulang nila. For Audrey to have come here, may mahalaga itong pakay. By the looks of it, she was furious over something."Ganito ba talaga ang greeting mo sa akin, ha, sis? Matapos nating hindi magkita ng matagal-tagal?"Kakauwi lang nito mula sa Europe. Kung nagkataong good mood ito, malamang na sumugod na ito ng yapos sa kanya. Sa buong pamilya niya, si Audrey ang pinakamalapit sa kanya.Niluwagan niya ang pagkakabuhol ng kurbata at naupo sa swivel chair at minwestrahan ang kapatid na maupo sa katapat na upuan. Instead, nagpalaka-lakad ito sa harapan niya habang
Sa nakalipas na dalawang araw na nanatili si Elisa sa bahay ni Lorenzo, walang pagbabago sa sitwasyon niya. Nakakulong pa rin siya sa isang silid. Bagama't hindi sinasaktan, hindi niya maiwasang makaramdam ng pangamba na baka isoli siya nito kay Sir Deo anumang oras. Nakakabagot ang bawat minutong nakakulong siya sa maliit na silid na nagbubukas lang kapag may inihahatid na pangangailangan niya."Hindi mo ginagalaw ang pagkain."Mula sa pagtitig sa labas, nabaling ang pansin niya sa pagkain na inihatid kanina ni Mando. Gaano man ‘yon kasarap tingnan, hindi niya makuhang ganahang kumain. “Pakialis na lang niyan.”Imbes na bitbitin ang tray, napapailing lang na napatingin doon si Mando."Mando, ‘yong bag ko. Kailangang-kailangan ko lang talaga ‘yon. Please." May halo nang pagmamakaawa ang boses niya pero ang lalaki, tumalikod lang nang walang sinabi. Narinig naman siguro nito ang sinabi niya. Napabuntung-hininga na lang siya at muling tumitig sa labas ng grills partikular na sa mga ha
10“Tito, can you read me some stories?”Nakahiga na sa kama si Caleb at kasalukuyan niyang kinukumutan.“Next time, Cal. Promise, next time.”Bahagyang sumimangot si Caleb. Kapag nasa kanya ito, wala itong hinihiling na hindi niya ibinibigay. Pinupunan niya sa abot ng makakaya ang kakulangan nito sa hindi pagkakaroon ng ama. But tonight, he will make a pass on bedtime stories. May mahalaga siyang gagawin. Inihabilin niya muna si Caleb kay Aling Cora. Bumaba siya ng hagdanan at tinungo ang silid ni Elisa. Kailangan niyang makausap nang masinsinan ang babae, once and for all, nang matapos na ang lahat ng gulo at bumalik sa normal ang lahat.Naratnan niyang kasalikuyang nag-aayos ng higaan ang babae."We need to talk."Napahinto ito sa ginagawa at dahan-dahang humarap sa kanya. Tinitigan lang siya ng babae. Hinintay ang anumang sasabihin niya.Damn those eyes.Nakakainis.“May kailangan ka?”He heaved a heavy sigh. Isinuksok niya sa bulsa ang dalawang kamay at matamang tinitigan ang bab
Buong gabi siyang halos hindi makatulog. Pabiling-biling siya sa higaan pero mailap ang antok sa kanya. Hindi pinatahimik ang isip at puso niya sa kaganapan kanina. Bumangon siya at sandaling sinilip si Caleb sa kabilang silid.Mahimbing na sa pagtulog ang pamangkin niya habang yakap ang malaking unan.Ilang sandal rin siyang nanatili sa bungad ng pinto ng silid ni Caleb bago nagdesisyong bumalik sa silid niya.May meeting siya bukas. Kailangan niya ng tamang pahinga.But then he did otherwise. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa tapat ng silid na kinaroroonan ni Elisa.“Kanina pa siya natutulog, boss.”Wala siyang sagot sa sinabi ni Boyong.“Si Mando?”“Nasa kusina, boss, nagkakakape.”Elisa was a harmless human being to begin with. Pero daig pa nito ang isang criminal kung pabantayan niya ang silid na kinaroroonan. Nakita niyang nangalumata na ang ilalim ng mga mata ng tauhan.“Go get some sleep.”Lumarawan ang pagtataka sa mukha ng lalaki. Hindi ito makapaniwala sa narinig na sina
"Why isn't Tita Eli eating with us, Tito?"Si Elisa na naman ang hinahanap ni Caleb. Pangalawang beses na itong nagtanong sa loob lang ng ilang minutong paghaharap nila sa dining. "She is already resting, Caleb."Napahinto si Caleb sa pagkagat sa hotdog na nakatusok sa fork at napasimangot. "Sayang. I like to eat with her pa naman sana po."Napahinto na rin siya sa pagsubo at napasandal sa upuan at matamang tinitigan ang bata. "Why do you like her so much, Cal?" Naalala niya na kahit si Margaux ay halos isumpa siya kapag inaagrabyado niya noon si Elisa. Even Audrey, once, sa kaisa-isang beses na napilit itong sumama sa Hacienda Samonte. "She is so nice po. No. Super-duper nice."Ano ba ang ipinakain ni Elisa sa pamangkin niya at sa buong durasyon ng dinner hanggang sa natapos sila, ito lang ang bukambibig ng bata. Bago umakyat si Caleb sa silid nito ay dinaanan pa muna nito si Elisa."Good night, Tita." . "Good night, Caleb."He didn't mean to spy on them, pero nakikinig siya sa ma
“Are you looking for someone, Tita Eli?” Namalayan niyang hawak na pala ni Caleb ang baba niya para ibaling muli sa TV na nasa kanilang harapan. “No, Caleb.” Nababaliw na yata ang pakiramdam ni Elisa. Bigla na lang kasi siyang napapalingon sa gawing maindoor sa gitna ng panonood nila ni Caleb ng cartoon show. May huminto kasing sasakyan sa garahe. Hinihintay niya lang naman kung sino ang papasok. “Hello po, Kuya Boyong!” Si Boyong lang pala ang dumating. Akala niya kung sino. “Nabili mo na po ang cookies and cream ice cream ko po?” Excited na lumapit si Caleb kay Boyong. Napapalakpak pa ang bata nang makitang bitbit nito ang ice cream. Pinatay niya ang TV at sumunod na rin sa kusina. Nang matapat sa maindoor, hindi na naman niya mapigilan ang pagsilip sa labas. Baka lang kasi…baka mapapadpad muli si Lorenzo sa bahay nito. Dalawang araw na ring hindi napapagawi si Lorenzo sa bahay. Dalawang araw pero sa pakiwari niya ay sobrang tagal na. Napabuntong-hininga siya at pumasok na r
Lakad takbo ang ginawa ni Lorenzo sa pasilyo ng hospital na kinaroroonan sa ngayon. Tuwid lang ang mga titig niya habang sabay na tumatagaktak ang pawis at sapatos niya sa tiles. Si abot-langit ang kaba niya para sa pamangkin. Sa wakas, natunton niya ang silid na kinaroroonan ni Caleb. Caleb’s name was mounted on that door. Kaagad niyang ipinihit ang seradura at sumalubong kaagad ang katamtamang buga ng aircon mula sa loob. "Caleb." Naratnan niya ang pamangkin na nakahiga sa hospital bed, may oxygen na nakakabit sa bibig nito. Conscious na ito at kumaway pa nga sa kanya. Behind that oxygen mask, nasisiguro niyang nakangiti ang bata. Katabi nito si Elisa at mahigpit na hawak ang kamay ng babae. "Caleb." Lumapit siya kabilang gilid ng kama at naupo sa tabi nito. “How are you, buddy?” Gumalaw ang ulo ni Caleb, may kulob na sinabi. “Pinapakaba mo ang tito.” His hand rested over Caleb's, but his eyes bore on Elisa. As expected, iniwasan nito ang paningin niya. Hinarap nito si Caleb.
Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk
Nagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo.Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon.Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli.Napangiti siya.It feels like yesterday.Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno."Ha-ha-ha.!"At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapahalakhak.Napatingin siya sa paligid.This place screams of Elisa. The only woman he loves. His ultimate destiny. His soulmate. Ang tanging babaeng mamahalin niya sa habangbuhay."Dad, ang daya mo talaga. Kap
Cali and Elixir were born eight minutes apart. A beautiful baby girl and a handsome baby boy. Kuhang-kuha ng kambal ang mga features ni Lorenzo.Complete family. Ganoon ang pakiramdam niya.Sa loob ng maraming taon na nabuhay siya, ngayon niya lang tahasang masasabing kumpleto ang pagkatao niya. Ang pagiging maybahay at ina ang epitome ng tinatawag na kabuuan ng pagkababe niya.She was more than happy.“Look at them.”Napangiti siya sa nakikitang tuwa sa mukha ng asawa. Kung may mas masaya man sa mga oras na ito, ang asawa na niya marahil.“They are beautiful, Eli.”Hindi matawaran ang saya ni Audrey habang buhat ang isa sa mga kambal. Ang buong hacienda yata ay nagdiriwang sa pagdating ng mga anak niya. Ang Daddy Manolo na kasalukuyang may iniindang karamdaman, halos ayaw nang ipahiram kay Viviana si Cali.“Manolo, ako na naman.”Nagkakangitian na lang sila ni Lorenzo habang naaaliw sa pag-aagawan ng mga biyenan sa mga apo ng mga ito. Naisisgurado niya na magiging busog sa pagmamahal
"Para saan 'yan?"Kaagad na inilapag ni Eli ang hawak na knitting stick at yarn. Gumagawa siya ng mittens matapos burdahan ang mga lampin. Sabi ni Lorenzo, pwede naman daw silang bumili ng ready-made pero ini-insist niyang gawin ito. Lahat ng magiging gamit ng kambal nila, may personal touch niya.Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair ngunit sinenyasan siya nitong manatili."Don't bother."Lumapit ito at hinalikan siya at ang maumbok na niyang tiyan.Lorenzo looks so tired. Tuluyan na nitong niyakap ang pamamahala ng hacienda. Katwiran nito, dito sila masaya. Si Audrey na ngayon ang humalili sa binakante nitong pwesto. Thankfully, nagkabati rin ang mag-anak. Madalas ngang sabihin ni Audrey sa kanya na lahat ng magagandang nangyayari sa kanila ay siya ang dahilan. Sa papanong paraan ay di niya matukoy. And Caleb, how much he missed that boy, ang isa sa mga dahilan nang pagkakalapit nila ni Lorenzo."Ako ang mag-aalaga sa pinsan ko, Tita Eli," sa tuwina ay pangangako ni
"Don't you think kailangan na nating umuwi, Lorenzo?"Magkatabi silang naupo sa isang bench paharap sa Brooklyn Bridge habang nakasandal siya sa balikat ng asawa. Kagagaling lang nila sa ospital para sa karagdagang tests niya. Nagyaya ang asawa niya na tumambay muna sila sa Brooklyn Bridge Park. Isa ito sa mga pampa-relax niya. Ang sarap lang kasing maupo rito at titigan ang ilog at ang ibang namamasyal sa park. Isa sa mga patients na kasama niya sa isang support group para sa mga cancer patients ang nag-introduce sa kanya sa park na ito.Kalaunan, naging routine na rin nilang mag-asawa.“Naririnig mob a ako, Enzo?”Bumuntong-hininga ang asawa. It was a sigh of frustration. “Saan na naman ba galing ‘yan, Eli?”Ramdam niyang ayaw nito sa tinatakbo ng usapan. "Naaawa na kasi ako sa'yo."Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. "Don't be. I'm tough."He is, pero hindi niya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya nito, ng tapang. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. "Akala mo ba
Isang buwan matapos ang kasal nila ay naisaayos ang mga papeles kakailanganin ni Eli, lumipad sila ni Lorenzo patungo sa ibang bansa. Isang facility sa New York ang pinuntahan nila. Sa US, sinubukan nila ang lahat ng paraang pwedeng magpapahaba ng buhay niya. Kahit mahirap., sinubukan niya ang lahat ng tests na ginagawa sa kanya. Sa totoo lang, nahihirapan siya. Minsan, nakakaramdam siya ng panghihina.Sa lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi siya iniwanan ni Lorenzo.Kapag inaatake siya ng sakit ay naroroon kaagad ito sa tabi niya. Lorenzo never complained. Basta lang nakasuporta sa kanya. He was with her every step of the way. Ito ang nagsisilbing taga-push niya sa mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob. Lagi itong nakasuporta, laging nagpaparamdam ng pagmamahal. Kahit ang mga anxieties at mood swings niya ay nakakaya nitong tanggapin.Ang pasensya nito ay abot hanggang sukdulan.Minsan, nahihiya siya sa sarili, nakakaramdam ng insecurities lalo na kapag nakikita sa salamin an
Intimate at solemn ang naging kasal nila nina Lorenzo at Elisa. Sa mismong Hacienda Helenita ginanap ang pag-iisang dibdib nila. Para saan pa at naging interior decorator at florist si Audrey kung hindi nagmukhang mas enchanting ang paligid. Syempre, si Caleb ang ring bearer at si Margaux ang maid of honor. "Ang ganda-ganda mo, Eli," si Margaux na inayos pa ang wreath na nakapatong sa kanyang ulo. “You look exquisite.” "Oo nga, anak." Maluha-luhang nakatitig sa kanya si Nanay Belya. Inabot nito ang kamay niya at ginagap. "Nakangiti ngayon ang Nanay mo mula sa langit." Kung sana, nakikita ng nanay niya ang nangyayari sa kanya ngayon. "Nanay, masisira ang make up ni Eli niyan," pabirong saway ni Margaux sa matanda. Naiiyak pa ring bumitaw ang matanda sa kamay niya. Minsan pa ay pinasadahan niya ng tingin ang repleksyon sa salamin. She saw a beautiful bride in the mirror. Lahat naman yata ng bride, ang siyang pinakamagandang babae sa araw ng kasal niya. Ang ganda lang din kasi ng we
And so, Lorenzo stayed with Eli everyday. Walang araw na lumipas na wala ito sa tabi niya. Pansamantala daw itong naka-leave sa opisina para maibuhos sa kanya ang buo nitong atensyon. Konting kibot ay naroroon na ito lagi. Pinaparamdam kung gaano siya nito kamahal. He never failed to make her feel loved and valued. Araw-araw din ay may mga bulaklak at mga masasayang notes. Minsan pa nga ay nagsuot ito ng mascot at kikengkoy-kengkoy sa harapan niya.Napahalakhak nga siya ng husto nito. Pero iba ang araw na ito.Walang Lorenzo na dumating. Panay tuloy ang pagtitig niya sa gawing pintuan. Her heart silently hoped that any minute now, his smiling face would show.Nagsasawa ka na kaya?May kirot na dulot iyon sa kanyang puso. Well, he deserves a healthier woman. ‘Di gaya niya. Nakabaon na ang isang paa sa hukay."Sigurado ka bang sa bahay ka uuwi?" si Margaux habang katulong si Nanay Belya na inayos ang mga gamit niya."Bakit, ayaw mo na ba ako sa inyo?"Katabi na niya ito at kasalukuyang
"She's got cancer."Cancer. Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ng doctor. Ayaw tanggapin ng kanyang sistema ang narinig. Pakiramdam niya, sinubagn siya ng bomba na yumanig sa kanyang buong pagkatao."She's too alive to have cancer," si Margaux na kagaya niya ay natigagal sa sinabing iyon ng doctor. "Kailan pa :to, Doc?""She started coming for treatment months ago. Nakaramdam siya ng mga sintomas. Panghihina, pantal sa balat at the time, I suggested na pumunta siya ng Maynila for further tests. Ginawa nga niya. She sought for second opinion, the tests yielded the same results. I recommended for her to have chemotheraphy but she refused. Sabi niya, ibubuhos na lang daw niya ang nalalabi niyang panahon na mabuhay nang normal at masaya. So she had been prescribed with a pain reliever, instead. Unless the patient agrees we can only do so much as physicians.""She never told us, Doc. Basta bigla na lang siyang nawawala at may pupuntahan daw dito sa Bacolod. I nev