Home / Werewolf / His Reluctant Luna(Tagalog) / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of His Reluctant Luna(Tagalog): Chapter 91 - Chapter 100

110 Chapters

Meetings

Olivia “Hi!” Sabi sa akin ng matangkad, blonde, at napakagwapong lalaki, habang nakaupo sa tapat ko. "Hindi ka niya sasaktan," pagpapanatag sa akin ni Alice.Ang may berdeng mga mata na guwapong lalaki ito ay malamang ay ang Alpha, kita sa kanya na malakas siya. At halatang may relasyon ang dalawa dahil sa kung paano nila titigan ang isa’t-isa. “Tapos na ang palabas, bumalik na kayong lahat sa trabaho!” utos ng kanilang Alpha at kahalusan ang lahat sa kanila ay agad na gumalaw. Napakatindi ng pagtibok ng puso ko, hindi ko kayang maatim na makita ang mga lalaki pero si Zaiden, hindi naman siya nakakatakot. Mukha naman siyang mabait, katulad ng iba dito. ‘Ano bang problema sa akin? Bakit ba masyado akong kinakabahan sa mga lalaking ito?’ sigaw ko sa aking isipan. “Hi!” sagot ko sa kanya.&
Read more

The obsidian prophecy

Alice Napagtanto kong hindi pa talaga ako nakapasok sa bahay ni Samantha. Mainam itong pinalamutian nang ilang mga artifact na mukhang 100 na taon na ang mga gulang. Para kang nakapasok sa “Ripley's Believe It or Not Museum” nang walang mga morbid na bagay tulad ng mga mummies o lumiliit na bungo. Naupo ako sa isang malambot na sofa at naupo naman sa may tapat ko si Samantaha. “Kung ganun, gaano karami ang alam mo tungkol sa propesiya ng obsidian?”  tanong ni Samantha, at inilagay niya ang mga kamay niya sa may kandungan niya. “Nag-research ako tungkol dito sa aming pack’s archive. Sinasabi nito na ang isang hybrid na witch ay makikipag-mate sa isang Alpha. Magkakaroon sila ng napakalakas na anak na magdadala ng kapayapaan at kasaganaan para sa mga shapeshifter." "Tama ka Ipinapal
Read more

The attack 1

 ALICE "Aalis ka para sa isang pagsalakay?” sabi ko ng hindi makapaniwala. “Oo,” sagot ni Lucian habang naglalagay ng belt. “At wala ding saysay kung sasabihin kong sasama ako sa’yo. Hindi mo iyon hahayaan hindi ba?” “Ganun na nga,” sagot niya at iniayos ang kanyang baril. Puro itim ang suot niya. Bagay na parang combat gear niya. Ang kanyang buong koponan ay nakasuot ng itim, kasama ang ilang ekstrang itim na sweatsuit kung sakaling masira ang kanilang kasuotan sa pagpapalit ng anyo. “Bakit hindi? Alam mong kaya kong lumaban!”“Siyempre naman kaya mong lumaban. Pero hindi ibig sabihin ay kailangan mong gawin. Masyadong mapanganib. Wala tayong ideya kung sino ba ang haharapin natin. Ang mga ito ay mga hybrid na mga nilalang.” Niyakap k
Read more

The Attack 2

LUCIAN Habang pinagmamasdan ko ang mga mukha ng mga rogue sa harapan ko, napansin ko na lahat sila ay madudungis. Halos lahat sila ay gulat na nakatingin sa akin. Hindi pa sila nakakaharap ng ganap na mga werewolves. Tumango ako kay Damon. Sinigurado ng mga beta na ang lahat ay nakaposas na siyang ginawa para sa mga wolves. Paglabas namin mula sa sira-sirang bahay, napansin kong kinaladkad nina Zaiden at Kyle ang dalawa pang rogue na nasa pagitan nila. Pagkatapos ay itinulak ang dalawa sa lupa, tumingala sila at kumaway sa akin. “Ano ‘to?” tanong ko sa dalawa. “Nakita namin silang pumapasok kasunod niyo nang sandaling makapasok kayo sa loob,” sabi ni Zaiden. “May dala silang isa pa ulit na babae,” galit na sabi ni Kyle. “Tila napakabata pa ng babaeng ito.” “Nasaan siya?” &l
Read more

Bonding

ALICE“Hindi ko gustong harapin mo ito ng mag-isa!” pagprotesta ko.“Hindi ako nag-iisa, Alice. Bawat Alpha ay kinakaharap itong probelama. Sa ngayon, ang pinakamapanganib sa atin ay hindi ang mga rogue, kundi ang matuklasan ang pagkatao natin. Hindi natin kakayanin kung lumabas ang impormasyong ito sa mga tao at ang malaman ang sunod-sunod na bangkay o pagkamatay ng mga tao. Ilalantad nito ang seguridad at lihim ng ating buong komunidad." Sinagot na ni Lucian ang tanong na tumatakbo sa isip ko. "Kung ganun, ang mga kawawang mga taong iyon na naghihintay ng balita ay mananatiling ignorante sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay. Hindi nila malalaman kung ano ang nangyari sa kanila?" “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Alice. Pero hindi naman tayo mga bayani. Ang protektahan ang ating pack at ang kaligtasan ng ating mga uri ang pinakamahalaga,&rdq
Read more

Gaining trust

OLIVIA Hindi pa ako nakakita ng kainan na ganito kalaki. Para itong isang kainan ng isang paaralan o kolehiyo, na may mas magandang kasangkapan at pagdating naman sa amoy nito... mas masarap din ang pagkain. Hindi naman masyadong matao, mabuti na lamang. Hindi ako sigurado kung kakayanin ko ang makisalamuha sa napakaraming tao. Hinila ni Meg ang isa sa mga upuan at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.Umupo ako sa gilid ng upuan at tumingin sa mga hindi pamilyar na mukha. May dumating na magandang lalaki at umupo sa tabi ni Meg, inamoy nila ang isa't isa at nagpalitan ng halik na halatang mate niya ito. “Siya ang aking mate, si Paul,” ngiti ni Meg. Ngumiti sa akin si Paul at muling ibinalik ang tingin kay Meg. Maya’t maya pa ay sinamahan kami nina Rain at ang kanyang mate na si Damon, at sawakas pati si Zaiden. &ldquo
Read more

Finally a breakthrough

LUCIANNakita ko ang mga rogue na binugbog mula sa may salamin. Si Jake, ang aking wolf ay galit na galit sa kanila. Habang nahuhukay ang bawat katawan, marahas siyang umungol at sinusubukang niyang kumawala. Ang gusto ko lang gawin ay, pumunta sa mga kulungan at pagpira-pirasuin ang bawat rogue, ilabas ang bituka, at putulin ang kanilang mga katawan. Ang pagsalakay namin na iyon ang una sa aming ilang pagsalakay. Nakita namin ang mas masahol pa doon pagkatapos non. Tanging ang nakapapawi na presensya ni Alice ang pumipigil sa aking pagnanasang pumatay. Ang paglanghap ng kanyang nakakaakit na amoy ay nagpatatag sa aking wolf. Bagama't nandoon pa rin ang pagnanais na kunin ang hustisya mula sa mga rogue, hindi na ito nakakatulong gaya ng dati. Ang mga bagay ay umaayos na rin ng kaunti pabalik sa normal pagkatapos ng nakalipas na ilang araw, na walang katapusang aksyon dahil sa pagh
Read more

Trap

Nagising ako sa mahinang pagsara ng pinto. Ang amoy ni Lucian na tumatagos sa silid ay nagsasabi na nakabalik na siya. Bumalik ako sa pagtulog nang pumasok siya sa banyo. Madalas siyang naliligo bago ako sinasamahan sa kama. Laging ginagabi ng uwi si Lucian nitong mga huling araw. Nakahiga na siya ngayon sa tabi ko, naramdaman ko ang mga paghalik niya sa nakalabas kong braso. Nasa mood siya.Sa isang inaantok na pagngiti, lumingon ako at itinaas ang aking kamay para sa isang yakap para sa aking mate. “Anong oras na?” tanong ko. "Lampas alas dos ng madaling araw," hinalikan niya ang labi ko bago niya ako sagutin. “Ganun ka-late?” “Technically, maaga pa,” sabi niya.“Ganun ba ang dapat mangyari? Katulad ng mga old married couples? Mahihiga ka sa kama ng late na?” pang-aasar ko."Siguro dapat kong hiramin ang ilang
Read more

Danger?

Alice Bagaman tinanggihan ni Lucian ang plano ko at hindi pumayag sa anumang karagdagang bagay tungkol dito. Hindi ko maalis sa isip ko ang ideya iyon. Dahilan para itago ko sa kanya ang iniisip ko. Hindi na siya makakapagpigil kung malalaman niyang iniisip ko pa rin iyon. Naglalakad ako sa puting koridor ng ospital at ginagawa ang aking araw-araw na pagbisita sa mga nasugatan na mga babae. Noong una, lahat sila ay natatakot sa mga guwardiya kaya pinaalis ko sila at binisita ko si Olivia. Naging malaking tulong siya para kausapin ang mga babaeng iyon. Bilang isa sa mga nakaligtas sa parehong karansan, nakipag-ugnayan sila sa kanya. Pagkatapos ng mga araw ng matiyagang pagpapaliwanag sa sitwasyon, sa wakas ay naging mas madali na silang lapitan. Karamihan sa kanila ay sumuko sa katotohanan na ang dati nilang buhay ay nawala na ng tuluyan. Hindi sila tao o werewolf. Madali silang mapapansin ng mga tao, at
Read more

Oracle

OLIVIALumabas ako sa malamig na shower at mabilis na tinuyo ang sarili ko. Naglakad ako pabalik sa kwarto; Lumabas si Zaiden para bigyan ako ng privacy. Ito ang unang pagkakataon na nagpalipas ako ng gabi sa kanyang bahay. Wala pang nangyayari sa amin, at hinding-hindi ako pipilitin ni Zaiden hangga't hindi ako handa. Ngunit ang pagtulog sa tabi niya ay ang pinaka-intimate na naranasan namin. Hinanap ko ang damit ko at nagbihis. Lumapit ako sa bintana at tumingin sa kalangitan. Binuksan ko ito at isang masarap na amoy ang bumungad sa aking ilong. Isinara ko ang bintana at naglakad papunta sa pinto. Habang inaabot ko ang doorknob, halos mapasigaw ako nang biglang bumukas ang pinto. "Patawad kung natakot kita,” inabot ni Katherine ang nanginginig kong braso."Pumunta ako dito para tanungin kung gusto mong sumama sa amin nag mag-almusal?""Darating ba doon si Madam Luna?"
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status