Ang malakas na tunog mula sa phone ko ang gumising sa akin sa pagkakatulog, pinatay ko ang alarm saka muling bumaluktot sa ilalim ng aking kumot ng ilan pang mga minuto. Karaniwan akong natatagalan sa paggising, kaya naman nag-aalarm ako ng maaga. Sawakas at ibinangon ko na rin ang aking katawan mula sa kama at agad na ginawa ang pang-araw-araw na gawain ko. Isa akong architect, isang 24 na taong gulang, isa ako sa pinakabatang empleyado ng Bartion and Tom, isa sa mga leading Construction firms sa London. Hawak ang aking kape, pumasok na ako sa Tren. Lagi kong suot ang headphones ko dahil naririnig ko ang lahat. Ibig kong sabihin literal, lahat-lahat. Mayroon akong pambihirang pandama dahil hindi ako normal. Mayroon akong pambihirang bilis, liksi, at lakas.
Read more