ALICE
“Hindi ko gustong harapin mo ito ng mag-isa!” pagprotesta ko.
“Hindi ako nag-iisa, Alice. Bawat Alpha ay kinakaharap itong probelama. Sa ngayon, ang pinakamapanganib sa atin ay hindi ang mga rogue, kundi ang matuklasan ang pagkatao natin. Hindi natin kakayanin kung lumabas ang impormasyong ito sa mga tao at ang malaman ang sunod-sunod na bangkay o pagkamatay ng mga tao. Ilalantad nito ang seguridad at lihim ng ating buong komunidad." Sinagot na ni Lucian ang tanong na tumatakbo sa isip ko.
"Kung ganun, ang mga kawawang mga taong iyon na naghihintay ng balita ay mananatiling ignorante sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay. Hindi nila malalaman kung ano ang nangyari sa kanila?"
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Alice. Pero hindi naman tayo mga bayani. Ang protektahan ang ating pack at ang kaligtasan ng ating mga uri ang pinakamahalaga,&rdq
OLIVIAHindi pa ako nakakita ng kainan na ganito kalaki. Para itong isang kainan ng isang paaralan o kolehiyo, na may mas magandang kasangkapan at pagdating naman sa amoy nito... mas masarap din ang pagkain.Hindi naman masyadong matao, mabuti na lamang. Hindi ako sigurado kung kakayanin ko ang makisalamuha sa napakaraming tao. Hinila ni Meg ang isa sa mga upuan at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.Umupo ako sa gilid ng upuan at tumingin sa mga hindi pamilyar na mukha. May dumating na magandang lalaki at umupo sa tabi ni Meg, inamoy nila ang isa't isa at nagpalitan ng halik na halatang mate niya ito.“Siya ang aking mate, si Paul,” ngiti ni Meg.Ngumiti sa akin si Paul at muling ibinalik ang tingin kay Meg.Maya’t maya pa ay sinamahan kami nina Rain at ang kanyang mate na si Damon, at sawakas pati si Zaiden.&ldquo
LUCIANNakita ko ang mga rogue na binugbog mula sa may salamin. Si Jake, ang aking wolf ay galit na galit sa kanila. Habang nahuhukay ang bawat katawan, marahas siyang umungol at sinusubukang niyang kumawala. Ang gusto ko lang gawin ay, pumunta sa mga kulungan at pagpira-pirasuin ang bawat rogue, ilabas ang bituka, at putulin ang kanilang mga katawan. Ang pagsalakay namin na iyon ang una sa aming ilang pagsalakay. Nakita namin ang mas masahol pa doon pagkatapos non.Tanging ang nakapapawi na presensya ni Alice ang pumipigil sa aking pagnanasang pumatay. Ang paglanghap ng kanyang nakakaakit na amoy ay nagpatatag sa aking wolf. Bagama't nandoon pa rin ang pagnanais na kunin ang hustisya mula sa mga rogue, hindi na ito nakakatulong gaya ng dati.Ang mga bagay ay umaayos na rin ng kaunti pabalik sa normal pagkatapos ng nakalipas na ilang araw, na walang katapusang aksyon dahil sa pagh
Nagising ako sa mahinang pagsara ng pinto. Ang amoy ni Lucian na tumatagos sa silid ay nagsasabi na nakabalik na siya. Bumalik ako sa pagtulog nang pumasok siya sa banyo. Madalas siyang naliligo bago ako sinasamahan sa kama.Laging ginagabi ng uwi si Lucian nitong mga huling araw. Nakahiga na siya ngayon sa tabi ko, naramdaman ko ang mga paghalik niya sa nakalabas kong braso. Nasa mood siya.Sa isang inaantok na pagngiti, lumingon ako at itinaas ang aking kamay para sa isang yakap para sa aking mate.“Anong oras na?” tanong ko."Lampas alas dos ng madaling araw," hinalikan niya ang labi ko bago niya ako sagutin.“Ganun ka-late?”“Technically, maaga pa,” sabi niya.“Ganun ba ang dapat mangyari? Katulad ng mga old married couples? Mahihiga ka sa kama ng late na?” pang-aasar ko."Siguro dapat kong hiramin ang ilang
AliceBagaman tinanggihan ni Lucian ang plano ko at hindi pumayag sa anumang karagdagang bagay tungkol dito. Hindi ko maalis sa isip ko ang ideya iyon. Dahilan para itago ko sa kanya ang iniisip ko. Hindi na siya makakapagpigil kung malalaman niyang iniisip ko pa rin iyon.Naglalakad ako sa puting koridor ng ospital at ginagawa ang aking araw-araw na pagbisita sa mga nasugatan na mga babae. Noong una, lahat sila ay natatakot sa mga guwardiya kaya pinaalis ko sila at binisita ko si Olivia. Naging malaking tulong siya para kausapin ang mga babaeng iyon. Bilang isa sa mga nakaligtas sa parehong karansan, nakipag-ugnayan sila sa kanya. Pagkatapos ng mga araw ng matiyagang pagpapaliwanag sa sitwasyon, sa wakas ay naging mas madali na silang lapitan.Karamihan sa kanila ay sumuko sa katotohanan na ang dati nilang buhay ay nawala na ng tuluyan. Hindi sila tao o werewolf. Madali silang mapapansin ng mga tao, at
OLIVIALumabas ako sa malamig na shower at mabilis na tinuyo ang sarili ko. Naglakad ako pabalik sa kwarto; Lumabas si Zaiden para bigyan ako ng privacy.Ito ang unang pagkakataon na nagpalipas ako ng gabi sa kanyang bahay. Wala pang nangyayari sa amin, at hinding-hindi ako pipilitin ni Zaiden hangga't hindi ako handa. Ngunit ang pagtulog sa tabi niya ay ang pinaka-intimate na naranasan namin.Hinanap ko ang damit ko at nagbihis. Lumapit ako sa bintana at tumingin sa kalangitan. Binuksan ko ito at isang masarap na amoy ang bumungad sa aking ilong. Isinara ko ang bintana at naglakad papunta sa pinto. Habang inaabot ko ang doorknob, halos mapasigaw ako nang biglang bumukas ang pinto."Patawad kung natakot kita,” inabot ni Katherine ang nanginginig kong braso."Pumunta ako dito para tanungin kung gusto mong sumama sa amin nag mag-almusal?""Darating ba doon si Madam Luna?"
Alice-Naglalaway ako sa ideyang pagtatalik sa gubat. Matagal-tagal na rin simula noong ginawa namin ito sa kagubatan. Sa katunayan, excited ang lahat na pumunta sa party. At sa totoo lang, ang lahat ay eksayted na magpunta sa party.Nagpunta ako sa packhouse kasama ang mga babaeng tao. Si Lucian ay maaaring parating na o abala sa kanyang Alpha Conference. Sa alinmang kaso, hindi ko siya kasamang naglakad papunta dito. Sumabay sa amin ang papalubog na araw. Ang pack ay umalis sa alon. Nagtungo kami sa kagubatan at tuwang-tuwa itong nilampasan.“May hinanda akong ilang mga lalaking sasamahan kayo. Lahat sila ay mga gentlemen, pero kung hindi kayo kumportable, sabihin niyo sa akin,” sabi ko sa kanila.Napagpasyahan kong magsuot ng itim na shift dress na madaling tanggalin para mamaya. Tumingala ako sa kalangitan ng gabi at ngumiti sa madilim na buwan. Ito ay magiging isang
"Hanggang kailan bago siya makakalabas?" nag-aalalang tanong ni Zaiden.Lahat kami ay naghahanda kanina para kumain nang sumulpot siya ilang saglit lamang na bitbit si Olivia. Tila mahimbing ang tulog niya, isang kuntentong ngiti ang puminta sa kanyang mukha."Nagbabago na siya. Ilang araw na lang magigising na din siya. Gaano katagal nakatulog si Rain nung ginawa mo siyang were?" tanong ko kay Damon.“Isang linggo,” buntong-hininga niya. “Bagama't kalaunan ay nalaman kong nagising na pala siya ilang oras na ang nakalipas at nag-eenjoy lang siya sa atensyon kaya nagkunwari siyang tulog."Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin naman sa kanya si Rain."Ano ba ang dapat kong gawin, kinagat mo ako ng walang pasabi!" sagot niya.Umiling ako sa kalokohan nila."Magigising siya sa loob ng 24 na oras. Baka mapapabilis ito dahil nag-uumpisa
OliviaNaglalakad ako patungo sa mga puno bago ko napagtanto ang nangyayari.'Huwag, bumalik ka,' sabi ko sarili ko at pagkatapos ay napagtanto kong hindi ako ang may kontrol sa sarili ko kundi ang aking wolf.Lumabas na ang aking wolf. Nararamdaman ko siya habang tumatakbo ako. Lumalabo ang mga puno sa tabi ko, at nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakaramdam ako ng lakas.Ang parte ng sarili ko bilang isang tao ay nababahala pa rin at sinusubukang makalusot sa aking wolf. Tumakbo ako ng milya-milya upang tingnan ang aking teritoryo.Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at ang mga ito ay paa pa rin ng isang tao, na may maliit na mga puting balahibo ng isang wolf. Humaba ang mga kuko ko sa aking mga kamay, ngunit mukha pa rin itong kamay ng tao. Napagtanto ko na bahagya akong nagpalit ng anyo bilang isang hybrid wolf woman. At napakasarap sa pakiramdam. Hindi na ako makapa