“Let’s dance!” anyaya ng isang make up artist ilang sandali noong medyo gabi na. I think it’s already past ten in the night. Hindi ko na mabilang kung naka ilang baso na ba ako ng alak ngayon dahil na rin sa maaga kaming nagtungo rito pero kaya ko pa naman. Hindi pa naman ako gaanong lasing at umaalon ang aking paningin, maybe because my drinks is not that too strong for me. Si Lhara naman ay madaming kinakausap. Madaming nakakilala sa kaniya rito sa bar kaya madami na ring tao ang nagtungo sa table namin at binati siya. “Hindi ko inakala na ganito ka pala kakilala,” bulong ko sa kaniya na nasa aking tabi lamang at hindi pa umaalis simula noong umupo siya. “That doesn’t matter to me, bakit big deal ba sa iyo iyon?” bulong naman niya pabalik. Umiling ako at napahinga ng malalim. “Hindi naman, gulat lang ako at hindi sanay,” sagot ko. “Parang hindi ka naman kilala noon pa, you were also known in our school, siguro ay hindi mo lang napapansin.” Aniya niya sa akin. Umiling ako muli.
Last Updated : 2022-04-29 Read more