SIMULA HR00 “Ate, talaga bang kaya mo? Gusto mong sumama ako sayo?” nag-aalalang tanong ni Alyn, nakakabatang kapatid ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko. “Dito ka lang, Alyn. Ako na ang luluwas para makapagtrabaho. Huwag na huwag mong pababayaan si Nanay at Alice. Kung gusto mong makatulong, dito ka maghanap ng trabaho.” Mahinahon ko na sabi sa kanya. Kasalukayan akong nag-iimpake para sa pagluwas ko sa lungsod. Pinasuyo ako ni Celene, kaibigan ko, sa isang pamilya sa lungsod para maging kasambahay. Huling taon ko na lang sana sa koleheyo at makakamtan ko na ang pangarap ko. Ngunit kailan ko talagang mag-aral para sa pamilya namin. Hindi ko kayang tignan sina Nanay at dalawa kong kapatid na naghihirap ng ganito. Noong buhay pa si Tatay, hindi naman kami ganun kahirap. Kaya naman namin araw-araw, pero nang namatay siya nalunod kami sa
Last Updated : 2021-11-03 Read more