Home / Romance / Her Revenge / KABANATA 3

Share

KABANATA 3

Author: threyang
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

HR03

Isang araw pa lang ang pagkaalis ni Nanay Tesang pero ramdam ko na ang lungkot. Kaunting panahon ko lang siyang nakasama pero malaki ang pasasalamat ko sa kanya na tinggap niya ako bilang kasambahay ng pamilyang Circassian.

Bumuntong hininga ako kasabay ng pagwalis ko sa malapad na barukan ng mansion. Maaga akong nagising para gawin ang gawaing ito, ramdam ko kasi na hindi ko kaagad matatapos ito kapag hindi ko inagahan. Sa laki ba naman nito parang buong bahay na namin sa probinsiya ang nalinisan ko.

Magdidilig pa ako sa mga malalaking mga pananim at isusunod ko ang swimming pool dahil may mga dahon na naman doon. Hindi naman nagagamit iyon pero pinaalalahanan ako kanina ni Celene na kailangan ko iyong linisan dahil sa paparating na party nila Sir Yusuf.

Gagawin ko na lang ang inuutos ni Celene sa akin dahil baka may magawa pa akong kaunting mali ay papaalisin pa ako dito nang biglaan. Wala na akong mapuntahan dito sa lungsod, ayaw ko ring umuwi ng walang dala kila Nanay.

Kasama ko naman si Beca na nasa kabilang banda para matapos kami agad ang buong bakuran na ‘to. Patuloy lang ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang pagtawag ni Celene ng pangalan ko.

“Ano ‘yun Celene?” tanong ko sa kanya.

Tinuloy ko pa rin ang pagwawalis dahil malapit ko na ring matapos ang isang sulok dito sa bakuran.

Pinaypay niya ako gamit ang kanyang kamay kaya kumunot ang noo ko, “Pinapatawag ka ni Sir Yusuf, kailangan mo raw sumama sa kanya sa kompanya.”

“Paano ito?” muli kong tanong, nilahad pa ang walis na hinahawakan ko.

Hindi ko pa tapos ay medyo malawak-lawak pa ang tatapusin ko. Sabi niya sa akin kahapon tapusin ko ang bakuran at swimming pool. Ngayon paano ko matatapos ito kung ipapatawag niya ako at isasama sa kompanya niya?

Papagalitan niya pa ako kapag hindi ko natapos ang lahat ng ito, magiging kasalanan ko pa ang lahat.

“Si Karin na diyan, pumunta ka na doon at baka magalit na naman ang hari.” Sabay tulak niya sa akin.

Wala na akong nagawa pa kundi iwan ang ginagawa ko. Binigay ko kay Karin ang mga materyales na ginagamit ko at nagtungo sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa loob ng mansiyon ay kaagad kong hinanap si Sir Yusuf, ngunit walang sumasagot.

Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa itaas at nagtungo sa kanyang silid. Pinindot ko ang isa button doon para malaman niyang nandito ako. Napaka-high tect ng buong bahay dito, lalo na doon sa kusina. May mga bagay doon na hindi ko alam kong paano gamitin.

Ngunit sa tulong ni Celene at ibang kasambahay ay nagkakaroon na ako ng mga kaalaman sa ibang mga equipment na doon ko lang nakikita sa loob ng kusina nila Sir Yusuf.

Ilang sigundo akong tumayo doon ngunit wala akong narinig kay Sir Yusuf kaya muli kong pinindot ang boton doon. Sa pagkakataong ito ay binuksan na niya ang pintuan, nakapagbihis na rin siya dahilan siguro kaya hindi niya nabuksan kanina.

“A-Ah Sir, s-sabi ni Celene pinapatawag n-niyo daw ako.” nauutal kong saad dahil nalalanghap ko ang amoy mula sa silid ni Sir Yusuf na nagbibigay kaba sa akin.

Kakaiba iyon at napakasarap sa ilong. Bawal pumasok sa loob ng silid niya kahit sa opisina niya. Sabi pa sa akin ni Celene napakaswerte ko raw dahil nakapasok ako sa loob ng opisina niya dito sa bahay. Ayaw na ayaw kasi iyon ni Sir Yusuf, matindi daw ang trust issue niya sa mga tao.

Umuwang ang bibig ko nang makita si Sir Yusuf, kakaiba siya kapag nasa pormal na kasuotan. Yumuko na lamang ako para hindi ako mas lalong kabahan sa kanyang prensensya.

“Change your clothes and wait for me down stairs.” Puno ng awtoridad niyang sabi sa akin na ikinatango ko naman at nagmadali sa pagbaba.

Hindi ko na pinahaba pa ang kanyang sasabihin at kaagad na akong bumababa mula doon. Pagkapasok ko sa maids quarter sinalubong ako ni Celene, pinabilisan niya ako sa pagbihis at baka mainip si Sir Yusuf.

Matapos kong makapagbihis ay tinignan ang mukha ko sa salamin. Isang kulay kremang palda ang sinuot ko na hanggang sa ilalim ng aking tuhod at ganon din ang kulay ng aking damit sa pang-itaas. Maglilinis lang naman ako doon at baka uuwi din ako pagkatapos.

Lumabas ako ng silid at pumunta sa sala. Nandoon na si Sir Yusuf at iniinom ang kanyang kape. Animo’y hari na nakaupo sa trono si Sir Yusuf sa mahabang lamesa dito sa hapag nila. Nang makita ako ay kaagad na binaba ang baso at tumingin sa akin.

“Get ready,” aniya at tumango ulit ako.

Nauna siyang lumabas sa akin at nakasunod naman ako sa likuran niya. Tinawag niya si Manong Bert para sa pagmamaneho, tumakbo naman si Manong Bert. Nauna siyang pumasok, akmang papasok na rin ako nang bigla niya akong pinigilan.

“Doon ka sa harapan.”

Tumango ako at doon umupo sa unahan.

Sinimulan ni Manong Bert na buhayin ang sasakyan at kaagad na pinaharurot ang sasakyan. Tahimik lang akong nakaupo dito sa unahan ng sasakyan habang si Sir Yusuf naman ay naririnig kong may katawagan. Hindi ko na inabala pang pakinggan at tinuon ang aking mata sa labas ng binatana.

Ganda ng kalikasan ang palagi kong nakikita doon sa probinsya ngunit hindi maipagkakaila na maganda din ang tanawin dito sa lungsod. Kung minsan lang kami noon lumuwas ng lungsod dahil medyo malayo at bawal kaming tatlo lang na magkakapatid ang lumuwas.

Kailangan ay kasama si Nanay o ‘di kaya si Tatay. Si Tatay iyong palaging nagdadala sa amin dito dahil kabisado niya ang lungsod ngunit simula noong namatay siya, hindi na kami nakatapak pa dito.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay nandito na kami sa harap ng isang malaking building. May nakaukit na Circassian Empire sa itaas ng building, ito na ang kompanya ni Sir Yusuf.

Wala sa sarili akong bumaba nang bumaba si Sir Yusuf pagkarating namin sa malawak na parking area ng lugar. Seninyasan akong sumunod sa kanya kaya nagmadali ako sa paglakad para mahabol siya.

“You already eaten your breakfast?”

Nagulat ako sa tanong na iyon mula kay Sir Yusuf pagkapasok namin sa loob ng elevator.

“Hindi pa po baka pagkauwi ko na lang.” tipid na sagot ko.

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil bumukas na ang elevator. Nauna siyang lumabas at sumunod ulit ako sa kanya. Ito ata ang pinakamataas na floor sa buong building, wala akong ideya kung hangga’t anong floor ito pero sigurado akong ito ang pinakahuli.

“You may now start to clean,” sabi niya at tinuro pa ang mga gamit na nandito na rin, “Pagkatapos mong maglinis, linisan mo rin ang bodega na kung saan naroroon ang mga gamit.” Dugtong pa niya.

“Okay po,”

Nagsimula akong naglinis habang si Sir Yusuf ay abala sa kanyang ginagawa. Nagsimula ako sa mataas niyang shelf, hindi ko pa maabot kahit na may upuan na akong pinapatungan ngunit pinilit ko talaga hanggang sa luminis ang itaas.

Wala akong ideya kong ilang minuto na ako sa paglilinis pero ramdam ko na ang pagod ko. Nasa kabilang side na ako, napakawalak din kasi ng buong opisina dito sa kompanya niya. Mas malaki pa ito keysa doon sa bahay niya.

Nasa bandang sahig na ako sa pagwalis ng may biglang pumasok sa loob ng opisina ni Yusuf. Isang lalaki ang pumasok, nagkatinginan kaming dalawa ngunit kaagad kong binawi ang tingin ko nang makita ang ngisi sa kanyang labi. Yumuko ako at nagpatuloy sa aking ginagawa.

“You have a new pretty cleaner, Yusuf. Linggo-linggo iba-iba ah.” Dinig kong ani ng lalaki.

“Shut up, Manuel, I have a lot of things to do.”

Tumawa ang lalaking nagngangalang Manuel, “You already done all your papers, Yusuf. They already approved, kaya nga may party sa bahay mo diba? Dapat nagpapahinga ka na doon sa bahay mo, sunod-sunod trabaho mo.”

“Shut the fuck up, marami akong ginagawa!” tumaas ang boses ni Sir Yusuf at may inis na rin sa boses niya.

“Okay,” dinig kong sabi ng lalaki.

Naglakad ito at nakita ko ang paa niya. Dahan-dahan akong tumingala at muling nagtama ang aming mata.

“You have a mop, pretty lady. Huwag mong isa-isahin baka mapagod ka.” Suhestiyon niya pa sa akin.

“Alam ko po pero hindi po malilinisan ng mabuti ang sulok kapag mop po kaagad ang gagamitin ko. Mas mainam po na gamitin ko po ang kamay ko para matanggal talaga ang dumi.” Paliwanag ko sa kanya.

Ngumisi siya at muling bumalik sa gawi ni Sir Yusuf, “Can I hire her as a cleaner of my office, Yusuf?” tanong niya sa lalaki na busy’ng nagbabasa ng mga papeles.

Hindi nakasagot si Sir Yusuf kaya bumalik si Sir Manuel sa gawi ko.

“Can I hire you as my cleaner too? Hindi kasi ganyan ang cleaner ko, may nakikita pa rin akong dumi sa opisina ko. If you are free after this or I mean tomorrow, you can clean my office. Kung gusto mo lang naman. I can pay, magbabayad ako sa gagawin mo.” Sunod-sunod na aniya.

Napangiti ako, pakiramdam ko kasi napakagandang oportunidad kapag tinggap ko ang alok niya sa akin. Mas magdadagdagan ang pero na mapapadala ko kapag nagkatanong ako ang maglilinis ng opisina niya.

“Ayos lang po!”

“No!”

Napakagat ako ng bibig at napatingin kay Sir Yusuf na nakatingin din pala sa amin. Nagkasalubong ang mga mata namin na kaagad ko namang iniwas dahil sa tindi ng diin sa kanyang titig. Dahil siguro iyon sa sinagot ko.

“Damn, Yusuf. She already said, yes. Huwag ka namang ganyan, Yusuf. Alam mo naman ang mga gusto ko—“

“Leave, Manuel.” Pinutol ni Sir Yusuf ang sasabihin niya.

“But Yu—“

“I said, leave this fucking room!” dumadagongdong na sigaw ni Sir Yusuf na kinagulat naming dalawa ni Manuel.

Walang nagawa ang lalaki at napabuntong hininga na lang sa sigaw ni Yusuf. Bago siya umalis ay suminyas siya sa akin na nasa baba lang daw siya, kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung ano ang ibig niyang iparating.

“Don’t you dare to accept his offer or I will fired you right now.” wika ni Sir Yusuf na nagpakaba sa aking puso.

Agad akong umiling at binawi ang sagot ko kanina sa offer ni Manuel, “Hindi po, h-hindi ko p-po tatanggapin.” Kinakabahan kong sagot.

“If you accept someone’s offer, you already fired, Zeynep.” Aniya pa.

“Opo,” sagot ko sa mahinang boses.

Ayos lang naman siguro na ito lang ang kunin kong trabaho. Makakaya naman nitong tustusan ang pamilya ko. Nakakatakot kasi baka bigla akong mawalan ng trabaho. Mataas at maganda din naman ang sahod kay Sir Yusuf…baka hindi ko an talaga kailangan ng isa pang trabaho…

Matapos kong malinasan ang buong silid ay ramdam ko ang pagod sa katawan ko. Pagkatapos ng silid, ang buong bodega naman na grabe ang kalat. May kasama ako sa paglilinis, ayon sa kanya hindi daw ito nalilinisan simula noong nakaraang linggo dahil nagalit at umalis ng bansa si Sir Yusuf.

Hindi nila malinisan dahil baka bigla silang mawalan ng trabaho dahil hindi iyon inuutos ng hari sa kanila. Mabilis lang natapos ang pag-aayos ng bodega dahil apat kaming cleaner ang naglinis.

Nagpaalam ako sa kanila at bumalik sa loob ng opisina ni Sir Yusuf. Nanlaki ang mata ko at umuwang ang bibig ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ni Sir Yusuf. Nagmadali ako sa pagsira no’n at kaagad na minura ang sarili sa katangahang ginawa na hindi pagkatok.

Shit! Hindi ko inaasahang na makikita ko si Sir Yusuf at ang isang babae. Nasa kandungan ni Sir Yusuf ang babae o ang girlfriend niya. Mukhang may gagawin sana silang milagro.

Tangina mo, Zeynep.

Ilang linggo din sila hindi nagkita tapos tatapusin ko lang ang moment nila?! Oh Lord, sana hindi ako masesante sa katangahang ginawa ko ngayong araw.

Wala pang ilang sigundo ay lumabas ang babae sa silid ni Sir Yusuf. Doon ko lang naaninag ang buo niyang mukha. Maganda siya, kulay pula ang kanyang labi dahil sa lipstick, matangos ang kanyang ilong, at mukha talaga siyang city girl.

“Sorry po sa istorbo,” hingi ko ng patawad, nakayuko pa ako dahil mukhang galit siya sa akin.

“The next you must knock, you dumb!” madiin na ingles niya.

“Sorry po—“

“Zeynep!”

Natigil ako sa pagsasalita dahil sa sigaw ni Sir Yusuf ng aking pangalan. Napatingin ako sa babae at bigla niya akong inirapan sa hindi ko alam na dahilan. Tinalikuran niya ako, pumasok naman ako sa loob ng silid.

“Sorry po kanina, sa susunod hindi ko po kakalimutang kumatok.” Agad kong wika pagkapasok ko sa loob ng silid.

“You must,” aniya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya pa ako tinggal sa trabaho na ito.

“Umuwi ka na sa bahay, tapos na ang trabaho mo dito. Tell Celene to clean the place, the party is approaching.” Paalala niya sa akin bago ako tuluyang lumabas ng silid.  

Good thing, wala akong natanggap na mura at insulto ngayong araw sa paglilinis ko dito sa loob ng opisina niya.

Related chapters

  • Her Revenge   KABANATA 4

    HR04 “Zey, nakita mo ba secretary ni Sir Yusef?” pagkarating ko tanong ni Celene sa akin, nag-aabang din ang ibang kasambahay sa sasabihin ko. Si Beca at Fiona ay lumapit pa talaga sa akin. Kumunot ang noo ko, “Lalaki ba?” tanong ko sa kanila. Baka kasi si Manuel iyong tinutukoy nila na secretary ni Sir Yusuf pero parang hindi din naman dahil inalok pa nga niya ako ng trabaho sa opisina niya. Kung secretary lang siya, hindi ganun ang inaasta niya. At mukhang close na close din sila ni Sir Yusuf dahil nagbibiro pa ito kanina sa harap niya. Komportable pa sila kung mag-usap na dalawa. “Hindi, babae!” sabay ni Celene, Beca at Fiona. Tumawa pa ang tatlo at nag-apir sa kanilang pagkasabay-sabay. “May nakita akong babae kanina, nasa kandungan ni Sir pero hindi ko alam kung secretary niya iyon o hindi. Pormado kasi ang babae at mag

  • Her Revenge   KABANATA 5

    HR05Mabilis ang paglipas ng araw at ngayon na ang araw ng party dito sa mansion. Maaga kaming nagising ni Celene dahil inatasan kami ni Sir Yusuf na magluto at ihanda ang venue. Ang venue ay doon lamang sa pool, may mini stage doon na pwede talaga sa mga party na kagaya nito ngayon. May mga nakikita na rin akong naglagay ng mga speakers doon.Sabi ni Celene, ganito talaga dito tuwing may business na natapos si Sir Yusuf. Mahilig si Si Yusuf uminom, mahilig din daw sa bar. Pero simula noong napaaway daw siya ay dito na lang daw niya sini-celebrate ang mga special occasion sa bahay niya.Sa totoo lang mas mabuti nga na dito na lang keysa sa bar. May tamang space naman para sa party at may pera naman si Sir para doon keysa doon sa bar na crowded at iba-iba pa ang utak ng mga tao.“Good Morning, Zey.” Bati ni Celene.“Good Morning, Celene.” bati ko pabalik sa

  • Her Revenge   KABANATA 6

    HR06“What are you doing Baron?” pag-uulit ni Sir Yusuf ng kanyang tanong.“Can I borrow this girl for a while? You know, I want to know her. She’s kinda reach my standard, Yusuf. Pwede bang umalis ka muna diyan? Aalis kami.”Tumingin si Sir Yusuf sa akin, agad akong umiling-iling sa kanya. Pahiwatig na ayaw kong sumama. Nagulat ako nang kinuha ni Yusuf ang isang kamay ko, mabuti na lang at busy ang iba sa ginagawa nila.“Kilala mo naman siguro ako diba, Baron? I can crash you, you know that huh?” hamon ni Sir Yusuf sa lalaki.“You always giving me a girl, Yusuf. And I want her.”“Not her.”“Yusuf—““You can leave this place silently Baron, kung ayaw mong ipapakaladkad kita dito.” Banta ni Sir Yusuf.Ra

  • Her Revenge   KABANATA 7

    HR07“Hoy! Anong sinabi mo kay Sir Yusuf? Zeynep!” sabay hila sa akin ni Celene papunta sa loob ng silid namin.Nagkunwari akong walang alam, kinunot ko pa ang noo ko.Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Sir Yusuf ay kaagad niyang pinatawag si Celene. Ngayon, kakabalik lang ni Celene dito at kakatapos lang siguro ng kanilang pag-uusap tungkol sa napagkasunduan namin ni Sir Yusuf.“Ha? Anong sinasabi kay Sir?” pagkukunwari ko.Inirapan niya ako, “Nako! Bakit magiging doble ang sahod namin? Tapos mabibigay pa si Sir Yusuf ng pera sa pamilya namin?” strikatang aniya.Pinigilan ko naman ang aking pagtawa sa kanya. Halata naman sa mukha niya na gustong gusto niya iyon dahil nagpipigil ito ng tawa ngunit pinapairal niya ang pagkukunwaring galit siya.Kibit-balikat ako at nagkunwari pa ring walang alam, “

  • Her Revenge   KABANATA 8

    HR08Napagdesisyunan ni Sir na kumain kami muna bago ako bumili pa ng mga gamit sa trip na iyon. Hanggang ngayon pumayag lang ako sa trip na ‘to ngunit walang alam kung saan kami pupunta at kung ilang araw kami doon! Gusto ko sanang magtanong kay Sir kaso nauunahan ako ng hiya.Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang mamahaling restaurant, wala na ang mga paper dahil pinakuha na ni Sir Yusuf lahat sa isa niyang tauhan. Palihim akong sumulyap sa kanya habang nakatitig siya sa kanyang cellphone.“May itatanong ka, Zey? Spill.” Naramdaman nito siguro ang pagiging aligaga ko.Kanina pa ako tingin at iwas sa kanya. Naramdaman niya siguro iyon.Pinatay nito ang cellphone at hinarap ako. Bigla tuloy akong kinabahan ng lumapit siya ng kaunti sa akin. Magkaharap kami ngayon at pangit namang tignan kong hindi ko salubungin ang tingin niya at sa magkabilang gilid ako tu

  • Her Revenge   KABANATA 9

    HR09Napahinto ang sasakyan sa daongan ng mga sasakyang pandagat. Nauna akong bumaba ng sasakyan kay Sir Yusuf at sumunod naman siya. Nanliit naman ang mata ko dahil sa init na nagrereplikasyon sa mga bintana ng mga maliliit na bersiyon ng yati.“Wow,” iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko dahil sa ganda ng mga yating nasa harapan ko ngayon.Simple lang ngunit maganda.Umuwang ang bibig ko nang makita ko ang logo na naman ng mga Circassian na nakaimprenta sa gilid ng yati. Hindi na ako nagtataka pa kung bakit may ganito si Sir Yusuf. Isa siyang bilyornayo, may ari ng isang kompanya, afford na afford niya talaga ang mga ganitong bagay. Lahat siguro ng mga material na bagay ay kaya niyang bilhin sa dami ng pera niya.Dinig ko ang pagtawag ni Sir Yusuf sa akin, “Let’s go, Zey.” Aya niya.Sabay kaming pumasok sa yati. Inalalayan niya p

  • Her Revenge   KABANATA 10

    HR10“Zeynep, Zeynep, Zeynep.”Nagising ako sa sunod-sunod na rinig ko ng aking pangalan. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa aking pag-iyak at pag-iisip sa mga nangyari. Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa akin si Sir Yusuf. Madiin ang tingin sa aking pisngi at hawak-hawak na ngayon ang ice bag na nilagay ko kanina.Agad akong umupo at akmang kukunin ko na sa kanya ay nilayo niya iyon. Tumayo siya at madiin pa rin akong tinititigan.“Sino ang gumawa sa ‘yo niyan?” mariing tanong niya, tinuro pa ang pisngi ko.Natatarantang umiling ako, galit kasi ang boses niya at baka ano pa ang mangyari kapag sinabi ko ang totoo sa kanya. Umalis ako sa kama at lumapit sa kanya.“W-Wala, napatid l-lang ako s-sa labas at n-natumba kaya n-namula.” Pagsisinungaling ko, lumapit ako at inabot pa ang ice bag sa kanya, “Ak

  • Her Revenge   KABANATA 11

    HR11Sa loob ng dalawang araw pagkatapos nang pag-uusap na iyon ay pinilit ko ang aking sarili na huwag intindihin ang kanyang sinabi at kailangan ay normal pa rin ang lahat. Weird si Sir Yusuf at medyo kakaiba ang kanyang galaw ngunit hindi ko siya pinapayagan na manalo sa tuwing ganoon ang ginagawa niya.Pinipilit ko ang aking sarili na huwag siyang pagalitan o huwag siyang sigawan dahil amo ko siya ngunit hindi ko talaga kayang pigilan. Nakakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman niya ako nakikitang masama ang ginagawa ko. Natatawa lang siya at mas lalo akong iniirita.Kapag napupunta ang topic namin tungkol sa ‘feelings’ niya kuno sa akin ay kaagad kong iniiba ang pinag-uusapan. Ayaw kong mapunta kami doon at biglang lumalim ang pagpag-uusapan at mapaamin ako ng wala sa oras.Ayaw kong masira ang lahat ng ito. Ramdam kong nagiging close na kami nitong mga nakaraang araw pero gu

Latest chapter

  • Her Revenge   KABANATA 61

    HR61 Mabilis ang paglakad ko papasok sa loob ng kompanya. Ramdam na ramdam ko rin ang kalabog ng puso ko sa binalitang iyon ni Halil. Dadalhin ko sana si Yrine ngayon dito sa kompanya dahil wala siyang makakasama sa bahay. Ngunit nang malaman din iyon ng dalawa ay minabuti namin na iwan na muna doon si Yrine at babantayan nilang dalawa. Nanginginig ang kamay ko nang sinalubong ako ng aking sekretarya. Pumasok ako sa loob ng opisina ko at bumungad sa akin ang tatlong katao. Si Halil, Yusuf, at iyong sinasabi niya kaninag imbistigador na humahanap ng ebinsya. "Zey," dinig kong tawag sa akin ni Halil. Ngunit ang tingin ko ay nasa lalaking imbistigador. Gustong-gusto ko na talaga malaman kung sino ang may pakana ng nangyari sa sitio dati. Gusto ko na ibigay sa ina ko ang hustisyang matagal na niya dapat makuha. A lot of people suffer because of that brutality and worst they lost their own land. Kabuhayan nila at ang mga magagandang karanasan doon sa sitio. "This is Simon, my frie

  • Her Revenge   KABANATA 60

    HR60Simula makarating kami dito sa isang sikat na mall at puro kaartehan ng anak ko ang aking naririnig. Hindi ko naman ma saway dahil nakikita kong maganda ang kanyang ngiti at masayang masaya dahil kasama niya ang ama.Nawala ako sa mood simula kaninang pag-uusap namin ni Yusuf tungkol sa nangyari dati. Until now, hindi pa rin siya naniniwala na magagawa iyon ng ina niya. Kung sabagay, wala naman siya doon noong nangyari ang mga pananakit nila sa akin. Wala naman siya noong inaalipin at inasaktan ako ng dalawa. Hindi rin naman ako nagsusumbong dahil ayaw kong lumaki ang gulo sa loob ng bahay nila.Pero ngayon, wala na akong pakialam kung mag-away silang mag-ina. Wala na akong pakiramdam sa mga nararamdaman nila. Sa ngayon ang iisipin ko na lang ang kapakanan ng anak ko at ng mga kapatid ko. Wala na akong pake sa iba dahil noong iniisip ko ang iba ay nawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

  • Her Revenge   KABANATA 59

    HR 59 Naalimpungatan ako nang makaramdam ng kakaibang bigat sa aking beywang. Naalala ko kagabi na ang posisyon namin ay nasa gitna ni Yrine at ako naman ay papalayo na nang papalayo sa kanila para hindi lang maabot ni Yusuf. Ngunit ngayon, parang kakaiba na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may kamay na sa aking beywang... Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Napalunok ako nang makitang nasa harapan ko ngayon si Yrine at si Yusuf ngunit ang kamay ni Yusuf ay nakasakop sa aking maliit na beywang. Abot na niya ako ngayon dahil malapit na ako sa kanilang dalawa ni Yrine. Parang may kung ano akong naramdaman sa aking puso nang makita ang isang kamay ay nasa pisngi ni Yrine. Si Yrine naman ay komportable ang tulog na para bang ilang beses niya ng nakasama ang ama sa pagtulog. Inalis ko ang kamay ni Yusuf sa aking beywang. Mabuti naman ay hindi siya nagising sa ginawa kong iyon. Dahan dahan akong bumalik sa pinakagilid at muli akong bumalik sa pagtulog. Kinaumagahan ay n

  • Her Revenge   KABANATA 58

    HR58 I really wanted to request a room for myself. Dinig ko kasing matutulog si Yrine sa silidni Yusuf. I know that they missed a lot of years together kaya pinagbigyan ko kung iyon ang kanilang plano. Pero hindi ako papayag kapag maging ako ay kasama sa silid na 'yon. Wala sa plano ang makipagbalikan kay Yusuf. Wala ito sa plano at pinagbigyan ko lang talaga ang anak ko. She deserve to know the truth, she deserve to know her father, she deserves everything. Pero sana ay labas na ako sa kanilang dalawa, labas na ako kung ano ang gusto nilang gawin. But how can I do that when my daughter requested me to join them. To sleep with them?! Sana talaga ay hindi na ako pumayag. Lalo lang nag init ang ulo ko kay Yusuf dahil sa usapan namin kaninang dalawa. Mabuti na lang talaga at nakawala pa ako doon. Akala ko nga malulunod na ako na parang kumunoy sa braso niya. Hindi ko maintidiha

  • Her Revenge   KABANATA 57

    HR57Bumalik ako sa gawi nila matapos kung matawagan si Halil. Mabuti na lang ay kilala ni Celene si Halil kaya alam ni Celene kung ano ang ugali ni Halil.“Mabait naman iyong si Halil, kaya ayos na ayos lang iyon sa kanya na dito kayo matutulog.” Si Celene.Hindi na ako nagsalita nang makita ang pagdugtong ng kilay ni Yusuf. Itong si Celene ay nagkwento pa talaga ng mga pinagagawa dati ni Halil doon sa sition namin dati at gaga ay kinuwento pa sa mga kasamahan, kasama si Yusuf na nakikinig na niligawan daw ako ni Halil.Tikom lang ang bibig ko, ayaw kong makisali sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko.Nagsimula kami sa pagkaing lahat. Si Yrine ay nagpapasubo sa ama habang nanonood siya ng kung ano ano sa cellphone ni Yusuf. Lihim akong napangiti nang makita ang lock screen wallpaper ni Yusuf, siya iyon at si Yrine. Nakahalik siya sa pisngi ni Yrine habang ang na

  • Her Revenge   KABANATA 56

    HR56“How old are you, Yrine?” si Beca iyon, nandito kami sa kusina.“Five po, kaka-five lang.” sabay pakita niya pa ng limang daliri niya.“Cute mo naman.” Ani Celen.“No po, I’m gorgeous po sabi ni Tita Alice.”Umuwang ang bibig ni Celene at nagulat sa anak ko. Natawa sila kay Yrine. Sumama naman si Fiona na may dalang pagkain.“Sabi ni Sir doon daw tayo sa sala” aniya pa.Lumipat kami doon. Tumakbo si Yrine papunta sa ama niya at umupo sa kandungan. Tinaas ng kaunti ni Yusuf ang tube niyang dress na medyo nalalaglag na naman.Inabala ko ang aking sarili sa pagkain ng pizza, si Yrine ay ganoon din at sinusubuan ng ama habang tumakbo takbo na para bang nakalabas sa mataas na tower. Hiyaan ko siya, masaya lang siya dahil nandito siya sa bahay ni Yusuf.

  • Her Revenge   KABANATA 55

    HR55Isang over size t-shirt ang sinuot ko at isang shorts naman sa pang ibaba. Hindi iyon masyadong kita dahil na rin sa laki ng t-shirt. Si Yrine ay ganoon pa rin ang suot ayaw ng palitan ni Yusuf dahil bagay naman daw iyon kay Yrine.Nagdala ako ng extra clothes for Yrine, nilagay ko sa maliit niyang back pack. Nilagay ko rin doon ang mga extra’ng gamit na magagamit mamaya ni Yrine. Pagkalabas ko ng silid ay nakaupo lang ang dalawa sa sofa at nakatingin sila sa cellphone.Nang makita nila ako tumayo din sila sa sofa. Lumapit ako sa kanila at pinasuot kay Yrine ang back pack.“I can carry that.” Yusuf interrupted.“Nah, she can carry that.” Tangi ko, sanay na si Yrine magdala ng kanyang back pack.Bago kami lumisan ng bahay ay tinawagan ko muna si Halil at si Alyn, nagpaalam ako sa kanila at baka mamaya ay hanapin kami. H

  • Her Revenge   KABANATA 54

    HR54Until now, I can’t still believe that this is really fucking happening. Pupunta dito mamaya si Yusuf sa bahay para bisitahin si Yrine. Ayaw ko talaga sa ideyang iyon mula kay Yusuf ngunit ang anak ko naman ay pinipilit ako. Wala akong magawa kundi ang pumayag na lang at bumuntong hininga.It’s been three days since Yusuf knew about Yrine. Simula no’n ay palagi na siyang bumibisita sa opisina ko at palagi niyang pinapadala si Yrine sa akin para magkita sila. May mga kung ano ano rin siyang dala para kay Yrine na gustong gusto naman ng anak ko.Hindi ko muna siya pinapayagan na dalhin siya ni Yusuf kung saan saan. Wala akong tiwala kay Yusuf baka kung saan niya dalhin ang anak ko at mapahamak pa kaya hanggang sa opisina na lang muna siya.But after that three days, he decided to go here in our house. Si Yrine ang nagsabi sa kanya kung saan ang bahay namin at hinayaan ko na lang.

  • Her Revenge   KABANATA 53

    HR53“Hi,” bati ni Yusuf sa kanya.Wala na akong magawa kundi ang titigan silang dalawa. Medyo lumayo ako kay Yrine para mabigyan sila ng espasyong dalawa. Nakatingin lang si Yrine sa kanya at ni buka ng bibig ay hindi niya ginawa.“Hi, may I know your name?” Yusuf’s asked.Sabihin ko man o hindi alam kong ramdam ni Yusuf ang katutuhanan. Hindi siya maghihintay dito kung wala siyang nararamdaman sa anak ko. Kung kaya ko pang masinungaling ay gagawin ko. Hindi ito ang plano ko, sobrang layo.I wanted to make Yusuf kneel and beg in front of me. I don’t want him to see my daughter. Gusto kong mag away sila ni Helena at masira ang pamilya nila. I wanted to Helena and Bianca crying and begging in front of me. I wanted them to kneel in my toes, I want to make their life miserable.And look what happened right now?

DMCA.com Protection Status