HR05
Mabilis ang paglipas ng araw at ngayon na ang araw ng party dito sa mansion. Maaga kaming nagising ni Celene dahil inatasan kami ni Sir Yusuf na magluto at ihanda ang venue. Ang venue ay doon lamang sa pool, may mini stage doon na pwede talaga sa mga party na kagaya nito ngayon. May mga nakikita na rin akong naglagay ng mga speakers doon.
Sabi ni Celene, ganito talaga dito tuwing may business na natapos si Sir Yusuf. Mahilig si Si Yusuf uminom, mahilig din daw sa bar. Pero simula noong napaaway daw siya ay dito na lang daw niya sini-celebrate ang mga special occasion sa bahay niya.
Sa totoo lang mas mabuti nga na dito na lang keysa sa bar. May tamang space naman para sa party at may pera naman si Sir para doon keysa doon sa bar na crowded at iba-iba pa ang utak ng mga tao.
“Good Morning, Zey.” Bati ni Celene.
“Good Morning, Celene.” bati ko pabalik sa
HR06“What are you doing Baron?” pag-uulit ni Sir Yusuf ng kanyang tanong.“Can I borrow this girl for a while? You know, I want to know her. She’s kinda reach my standard, Yusuf. Pwede bang umalis ka muna diyan? Aalis kami.”Tumingin si Sir Yusuf sa akin, agad akong umiling-iling sa kanya. Pahiwatig na ayaw kong sumama. Nagulat ako nang kinuha ni Yusuf ang isang kamay ko, mabuti na lang at busy ang iba sa ginagawa nila.“Kilala mo naman siguro ako diba, Baron? I can crash you, you know that huh?” hamon ni Sir Yusuf sa lalaki.“You always giving me a girl, Yusuf. And I want her.”“Not her.”“Yusuf—““You can leave this place silently Baron, kung ayaw mong ipapakaladkad kita dito.” Banta ni Sir Yusuf.Ra
HR07“Hoy! Anong sinabi mo kay Sir Yusuf? Zeynep!” sabay hila sa akin ni Celene papunta sa loob ng silid namin.Nagkunwari akong walang alam, kinunot ko pa ang noo ko.Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Sir Yusuf ay kaagad niyang pinatawag si Celene. Ngayon, kakabalik lang ni Celene dito at kakatapos lang siguro ng kanilang pag-uusap tungkol sa napagkasunduan namin ni Sir Yusuf.“Ha? Anong sinasabi kay Sir?” pagkukunwari ko.Inirapan niya ako, “Nako! Bakit magiging doble ang sahod namin? Tapos mabibigay pa si Sir Yusuf ng pera sa pamilya namin?” strikatang aniya.Pinigilan ko naman ang aking pagtawa sa kanya. Halata naman sa mukha niya na gustong gusto niya iyon dahil nagpipigil ito ng tawa ngunit pinapairal niya ang pagkukunwaring galit siya.Kibit-balikat ako at nagkunwari pa ring walang alam, “
HR08Napagdesisyunan ni Sir na kumain kami muna bago ako bumili pa ng mga gamit sa trip na iyon. Hanggang ngayon pumayag lang ako sa trip na ‘to ngunit walang alam kung saan kami pupunta at kung ilang araw kami doon! Gusto ko sanang magtanong kay Sir kaso nauunahan ako ng hiya.Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang mamahaling restaurant, wala na ang mga paper dahil pinakuha na ni Sir Yusuf lahat sa isa niyang tauhan. Palihim akong sumulyap sa kanya habang nakatitig siya sa kanyang cellphone.“May itatanong ka, Zey? Spill.” Naramdaman nito siguro ang pagiging aligaga ko.Kanina pa ako tingin at iwas sa kanya. Naramdaman niya siguro iyon.Pinatay nito ang cellphone at hinarap ako. Bigla tuloy akong kinabahan ng lumapit siya ng kaunti sa akin. Magkaharap kami ngayon at pangit namang tignan kong hindi ko salubungin ang tingin niya at sa magkabilang gilid ako tu
HR09Napahinto ang sasakyan sa daongan ng mga sasakyang pandagat. Nauna akong bumaba ng sasakyan kay Sir Yusuf at sumunod naman siya. Nanliit naman ang mata ko dahil sa init na nagrereplikasyon sa mga bintana ng mga maliliit na bersiyon ng yati.“Wow,” iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko dahil sa ganda ng mga yating nasa harapan ko ngayon.Simple lang ngunit maganda.Umuwang ang bibig ko nang makita ko ang logo na naman ng mga Circassian na nakaimprenta sa gilid ng yati. Hindi na ako nagtataka pa kung bakit may ganito si Sir Yusuf. Isa siyang bilyornayo, may ari ng isang kompanya, afford na afford niya talaga ang mga ganitong bagay. Lahat siguro ng mga material na bagay ay kaya niyang bilhin sa dami ng pera niya.Dinig ko ang pagtawag ni Sir Yusuf sa akin, “Let’s go, Zey.” Aya niya.Sabay kaming pumasok sa yati. Inalalayan niya p
HR10“Zeynep, Zeynep, Zeynep.”Nagising ako sa sunod-sunod na rinig ko ng aking pangalan. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa aking pag-iyak at pag-iisip sa mga nangyari. Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa akin si Sir Yusuf. Madiin ang tingin sa aking pisngi at hawak-hawak na ngayon ang ice bag na nilagay ko kanina.Agad akong umupo at akmang kukunin ko na sa kanya ay nilayo niya iyon. Tumayo siya at madiin pa rin akong tinititigan.“Sino ang gumawa sa ‘yo niyan?” mariing tanong niya, tinuro pa ang pisngi ko.Natatarantang umiling ako, galit kasi ang boses niya at baka ano pa ang mangyari kapag sinabi ko ang totoo sa kanya. Umalis ako sa kama at lumapit sa kanya.“W-Wala, napatid l-lang ako s-sa labas at n-natumba kaya n-namula.” Pagsisinungaling ko, lumapit ako at inabot pa ang ice bag sa kanya, “Ak
HR11Sa loob ng dalawang araw pagkatapos nang pag-uusap na iyon ay pinilit ko ang aking sarili na huwag intindihin ang kanyang sinabi at kailangan ay normal pa rin ang lahat. Weird si Sir Yusuf at medyo kakaiba ang kanyang galaw ngunit hindi ko siya pinapayagan na manalo sa tuwing ganoon ang ginagawa niya.Pinipilit ko ang aking sarili na huwag siyang pagalitan o huwag siyang sigawan dahil amo ko siya ngunit hindi ko talaga kayang pigilan. Nakakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman niya ako nakikitang masama ang ginagawa ko. Natatawa lang siya at mas lalo akong iniirita.Kapag napupunta ang topic namin tungkol sa ‘feelings’ niya kuno sa akin ay kaagad kong iniiba ang pinag-uusapan. Ayaw kong mapunta kami doon at biglang lumalim ang pagpag-uusapan at mapaamin ako ng wala sa oras.Ayaw kong masira ang lahat ng ito. Ramdam kong nagiging close na kami nitong mga nakaraang araw pero gu
HR12 Nagpatuloy ang dalawang araw na meeting ni Sir Yusuf kay Mister Reni. Gabi na rin siya kung umuwi dahil naging abala siya sa kanyang mga gawain. Hindi naman ako naburyo dito dahil sa ganda ng tanawin sa labas. Kapag wala si Sir Yusuf ay lumabas naman ako, wala naman na iyong mga babae dito ay hindi ko na sila nakita simula noong nangyari. Maging ako ay abala din sa dalawang araw. Nagluluto ako, para sa umaga, para sa tanghalian, at para sa hapunan ng lahat ng business man na kasama ni Sir Yusuf sa trip na ‘to. Nakapaseryoso din naman mga business man noong pumunta ako sa isang hotel na pagmamay-a*i ni Mister Reni. Kilala na rin ako ng mga business man doon kaya mas lalo akong nahihiyang pumunta. Sa ngayong araw ay hindi na ako nagluto para sa kanilang lahat, mabuti rin iyon dahil sobrang pagod ko talaga. Wala akong katulong sa lahat ng gawain dahil maging si Sir Yusuf ay hindi marunong s
HR13Nagising ako nang may naramdamang gumalaw sa aking tabi. Ramdam ko rin namatigas ang aking niyayakap na unan at may kung anong mabigat sa aking beywang.Biglang kumabog ang puso at napamulat sa aking nararamdaman. Napakagat ako ng bibig at gustong murahin ang aking sarili dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Sir Yusuf. Hindi ko inakala na ganito ang pisisyon namin kinaumagahan.Nakahiga ako sa matigas niyang braso at napapulupot ang braso niya sa akin na para bang niyayakap ako. Habang ako rin ay nakapalupot din ang kamay ko sa kanya.Patay ka, Zeynep!Mabuti na lang talaga at mukhang malalim ang tulog ni Sir Yusuf tapos lasing pa siya kagabi!Bakit hindi ko naramdaman ginawa ko kagabi? Bakit ganoon ang posisyon namin?!Gusto kong maiyak sa katangahang ginawa ko na naman. Dahan-dahan ko ang galaw ko papaalis kay Sir Yusuf. Isang galaw pa
HR61 Mabilis ang paglakad ko papasok sa loob ng kompanya. Ramdam na ramdam ko rin ang kalabog ng puso ko sa binalitang iyon ni Halil. Dadalhin ko sana si Yrine ngayon dito sa kompanya dahil wala siyang makakasama sa bahay. Ngunit nang malaman din iyon ng dalawa ay minabuti namin na iwan na muna doon si Yrine at babantayan nilang dalawa. Nanginginig ang kamay ko nang sinalubong ako ng aking sekretarya. Pumasok ako sa loob ng opisina ko at bumungad sa akin ang tatlong katao. Si Halil, Yusuf, at iyong sinasabi niya kaninag imbistigador na humahanap ng ebinsya. "Zey," dinig kong tawag sa akin ni Halil. Ngunit ang tingin ko ay nasa lalaking imbistigador. Gustong-gusto ko na talaga malaman kung sino ang may pakana ng nangyari sa sitio dati. Gusto ko na ibigay sa ina ko ang hustisyang matagal na niya dapat makuha. A lot of people suffer because of that brutality and worst they lost their own land. Kabuhayan nila at ang mga magagandang karanasan doon sa sitio. "This is Simon, my frie
HR60Simula makarating kami dito sa isang sikat na mall at puro kaartehan ng anak ko ang aking naririnig. Hindi ko naman ma saway dahil nakikita kong maganda ang kanyang ngiti at masayang masaya dahil kasama niya ang ama.Nawala ako sa mood simula kaninang pag-uusap namin ni Yusuf tungkol sa nangyari dati. Until now, hindi pa rin siya naniniwala na magagawa iyon ng ina niya. Kung sabagay, wala naman siya doon noong nangyari ang mga pananakit nila sa akin. Wala naman siya noong inaalipin at inasaktan ako ng dalawa. Hindi rin naman ako nagsusumbong dahil ayaw kong lumaki ang gulo sa loob ng bahay nila.Pero ngayon, wala na akong pakialam kung mag-away silang mag-ina. Wala na akong pakiramdam sa mga nararamdaman nila. Sa ngayon ang iisipin ko na lang ang kapakanan ng anak ko at ng mga kapatid ko. Wala na akong pake sa iba dahil noong iniisip ko ang iba ay nawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
HR 59 Naalimpungatan ako nang makaramdam ng kakaibang bigat sa aking beywang. Naalala ko kagabi na ang posisyon namin ay nasa gitna ni Yrine at ako naman ay papalayo na nang papalayo sa kanila para hindi lang maabot ni Yusuf. Ngunit ngayon, parang kakaiba na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may kamay na sa aking beywang... Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Napalunok ako nang makitang nasa harapan ko ngayon si Yrine at si Yusuf ngunit ang kamay ni Yusuf ay nakasakop sa aking maliit na beywang. Abot na niya ako ngayon dahil malapit na ako sa kanilang dalawa ni Yrine. Parang may kung ano akong naramdaman sa aking puso nang makita ang isang kamay ay nasa pisngi ni Yrine. Si Yrine naman ay komportable ang tulog na para bang ilang beses niya ng nakasama ang ama sa pagtulog. Inalis ko ang kamay ni Yusuf sa aking beywang. Mabuti naman ay hindi siya nagising sa ginawa kong iyon. Dahan dahan akong bumalik sa pinakagilid at muli akong bumalik sa pagtulog. Kinaumagahan ay n
HR58 I really wanted to request a room for myself. Dinig ko kasing matutulog si Yrine sa silidni Yusuf. I know that they missed a lot of years together kaya pinagbigyan ko kung iyon ang kanilang plano. Pero hindi ako papayag kapag maging ako ay kasama sa silid na 'yon. Wala sa plano ang makipagbalikan kay Yusuf. Wala ito sa plano at pinagbigyan ko lang talaga ang anak ko. She deserve to know the truth, she deserve to know her father, she deserves everything. Pero sana ay labas na ako sa kanilang dalawa, labas na ako kung ano ang gusto nilang gawin. But how can I do that when my daughter requested me to join them. To sleep with them?! Sana talaga ay hindi na ako pumayag. Lalo lang nag init ang ulo ko kay Yusuf dahil sa usapan namin kaninang dalawa. Mabuti na lang talaga at nakawala pa ako doon. Akala ko nga malulunod na ako na parang kumunoy sa braso niya. Hindi ko maintidiha
HR57Bumalik ako sa gawi nila matapos kung matawagan si Halil. Mabuti na lang ay kilala ni Celene si Halil kaya alam ni Celene kung ano ang ugali ni Halil.“Mabait naman iyong si Halil, kaya ayos na ayos lang iyon sa kanya na dito kayo matutulog.” Si Celene.Hindi na ako nagsalita nang makita ang pagdugtong ng kilay ni Yusuf. Itong si Celene ay nagkwento pa talaga ng mga pinagagawa dati ni Halil doon sa sition namin dati at gaga ay kinuwento pa sa mga kasamahan, kasama si Yusuf na nakikinig na niligawan daw ako ni Halil.Tikom lang ang bibig ko, ayaw kong makisali sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko.Nagsimula kami sa pagkaing lahat. Si Yrine ay nagpapasubo sa ama habang nanonood siya ng kung ano ano sa cellphone ni Yusuf. Lihim akong napangiti nang makita ang lock screen wallpaper ni Yusuf, siya iyon at si Yrine. Nakahalik siya sa pisngi ni Yrine habang ang na
HR56“How old are you, Yrine?” si Beca iyon, nandito kami sa kusina.“Five po, kaka-five lang.” sabay pakita niya pa ng limang daliri niya.“Cute mo naman.” Ani Celen.“No po, I’m gorgeous po sabi ni Tita Alice.”Umuwang ang bibig ni Celene at nagulat sa anak ko. Natawa sila kay Yrine. Sumama naman si Fiona na may dalang pagkain.“Sabi ni Sir doon daw tayo sa sala” aniya pa.Lumipat kami doon. Tumakbo si Yrine papunta sa ama niya at umupo sa kandungan. Tinaas ng kaunti ni Yusuf ang tube niyang dress na medyo nalalaglag na naman.Inabala ko ang aking sarili sa pagkain ng pizza, si Yrine ay ganoon din at sinusubuan ng ama habang tumakbo takbo na para bang nakalabas sa mataas na tower. Hiyaan ko siya, masaya lang siya dahil nandito siya sa bahay ni Yusuf.
HR55Isang over size t-shirt ang sinuot ko at isang shorts naman sa pang ibaba. Hindi iyon masyadong kita dahil na rin sa laki ng t-shirt. Si Yrine ay ganoon pa rin ang suot ayaw ng palitan ni Yusuf dahil bagay naman daw iyon kay Yrine.Nagdala ako ng extra clothes for Yrine, nilagay ko sa maliit niyang back pack. Nilagay ko rin doon ang mga extra’ng gamit na magagamit mamaya ni Yrine. Pagkalabas ko ng silid ay nakaupo lang ang dalawa sa sofa at nakatingin sila sa cellphone.Nang makita nila ako tumayo din sila sa sofa. Lumapit ako sa kanila at pinasuot kay Yrine ang back pack.“I can carry that.” Yusuf interrupted.“Nah, she can carry that.” Tangi ko, sanay na si Yrine magdala ng kanyang back pack.Bago kami lumisan ng bahay ay tinawagan ko muna si Halil at si Alyn, nagpaalam ako sa kanila at baka mamaya ay hanapin kami. H
HR54Until now, I can’t still believe that this is really fucking happening. Pupunta dito mamaya si Yusuf sa bahay para bisitahin si Yrine. Ayaw ko talaga sa ideyang iyon mula kay Yusuf ngunit ang anak ko naman ay pinipilit ako. Wala akong magawa kundi ang pumayag na lang at bumuntong hininga.It’s been three days since Yusuf knew about Yrine. Simula no’n ay palagi na siyang bumibisita sa opisina ko at palagi niyang pinapadala si Yrine sa akin para magkita sila. May mga kung ano ano rin siyang dala para kay Yrine na gustong gusto naman ng anak ko.Hindi ko muna siya pinapayagan na dalhin siya ni Yusuf kung saan saan. Wala akong tiwala kay Yusuf baka kung saan niya dalhin ang anak ko at mapahamak pa kaya hanggang sa opisina na lang muna siya.But after that three days, he decided to go here in our house. Si Yrine ang nagsabi sa kanya kung saan ang bahay namin at hinayaan ko na lang.
HR53“Hi,” bati ni Yusuf sa kanya.Wala na akong magawa kundi ang titigan silang dalawa. Medyo lumayo ako kay Yrine para mabigyan sila ng espasyong dalawa. Nakatingin lang si Yrine sa kanya at ni buka ng bibig ay hindi niya ginawa.“Hi, may I know your name?” Yusuf’s asked.Sabihin ko man o hindi alam kong ramdam ni Yusuf ang katutuhanan. Hindi siya maghihintay dito kung wala siyang nararamdaman sa anak ko. Kung kaya ko pang masinungaling ay gagawin ko. Hindi ito ang plano ko, sobrang layo.I wanted to make Yusuf kneel and beg in front of me. I don’t want him to see my daughter. Gusto kong mag away sila ni Helena at masira ang pamilya nila. I wanted to Helena and Bianca crying and begging in front of me. I wanted them to kneel in my toes, I want to make their life miserable.And look what happened right now?