“GABRIEL, hindi ko na alam kung anong gagawin sa kapatid mong yan,” naiiling na sabi ng kanyang ina nang dumating siya sa bahay at madatnang nakabulagta sa sofa si Javier, magulong-magulo ang buhok pati ang suot na polo short, “Na highblood na nga sa galit ang ama mo kaya ayun, nag-alsa balutan papunta sa farm. Duon raw muna siya. Pinasusunod nya nga ako dun at ikaw na raw ang bahalang umayos sa kapatid mo.” Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang ina habang nakatingin kay Javier. Huminga ito ng malalim, “Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang yan. Tama ang ama mo, masyado na kaming matanda para mag-alala pa. Gabriel, anak. . .pwede bang kausapin mo si Javier kapag. . .kapag nasa tamang wisyo na?” Nakikiusap na sabi nito sa kanya. Tango lamang ang isinagot niya sa ina. Minsan ay parang gusto na niyang magreklamo dahil lahat na lamang n
Read more