Takbo lang ako ng takbo, kanina pa ako tumatakbo. Pagod na pagod na ako kakatago at kakatakbo. Bakit ba ako hinahabol ng mga ito, eh, wala naman silang mapapala sa akin dahil isa lang ako palamunin. Wala akong trabaho, kaya palamunin at pabigat sa pamilya ang tawag sa akin. Tapos sabi din ng ate ko, ang tamad ko daw kahit nalinis ko na ang buong bahay. Mukha daw akong cellphone at iyan ang hindi totoo dahil isa akong prinsesa. Nung may nakita akong taxi na huminto sa harapan ko may mabilis akong sumakay"Manong, kahit saan po! Magbabayad po ako basta makaalis lang po ako dito." Sabi ko habang nakatingin sa likod ko. Tinitignan ko kung nakasunod pa sila sa akin. "Manong-" napatigil ako sa dapat na sasabihin ko ng nakatingin siya sa akin. "Manong kahit saan nga po. Paandarin niyo na, may pambayad naman po ako, may humahabol lang sa'kin." Kinakabahan ngunit malumanay na sabi ko, baka mahabol nila ako. Ayokong makasal! Sakal na sakal na nga ako
Read more