"Jerv, cancel all my appointments for today." Agad na sabi ni Adrian ng pumasok si Jervis sa opisina niya. Nagtataka na napakunot noo ito saka idinako ang mga mata kay Zach na noo'y nagkukumahog sa may couch.He was busy opening those paper bag with toys inside.Binili niya iyon kanina sa malapit na mall bago pumunta ng hotel. Plano sana niyang dalhin si Zach doon para ito na ang pumili sa mga gusto nito kaso lang naisip niyang baka hindi pumayag si Jade na ilabas niya ang bata."But sir Adrian, you need to attend the inauguration ceremony by the department of tourism this afternoon, ikaw ang inaasahan nilang a-attend doon.""Just cancel it or ikaw nalang ang pumunta. Bahala ka ng magpaliwanag kung bakit hindi ako makakarating. May ginagawa ako ngayon at higit itong importante kaysa sa seminar na iyon."Mas lalo lang kumunot ang noo ni Jervis. Nasa mga mata ang tanong, ang pagtataka. Wala naman
Last Updated : 2021-11-05 Read more