"May nangyari ba Cyn?" kunot noong tanong niya sa kaibigan.
"Arhhg.. Ang bastos na iyon!" Naihilamos nito ang mukha at halos sabunutan na ang sariling buhok. "I hate him! I hate him!" Gigil na gigil na bulalas nito.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa tinuran nito.
'Sino kaya ang nakaaway nito at ganitong halos sirain na nito ang locker room nito?'
"Anong nangyari?"
Kumunot ang kanyang noo ng ma
Its been five long years. Hindi niya napigilan ang humagulgol nang makaharap niya ang kanyang Papa. She hug him tightly as tears poured like an endless rain from her eyes. Five long years, ganoon katagal niyang tinikis ang sarili na makipagkita rito hindi lamang dahil sa matinding kahihiyang nadama kundi dahil nangibabaw sa kanya ang guilt.Sa nagdaang limang taon ang tanging nagsumiksik sa isip niya ay hindi siya karapat-dapat na humarap dito. Na hindi siya karapat-dapat na maging anak nito. She dissapoint him too much. She was even the caused of his nearly death.Dumating noon sa punto na naisip niya na siya ang malas sa pamilyang iyon. Hindi lang ang nangyari sa kanya ang dahilan kaya siya umalis. Hindi lang din dahil sa turing sa kanya ng ina-inahan at ni Arie ang dahilan kung bakit siya lumayo. It was more of her wounded self, of her wounded heart.When she left, she always wished for them to be ha
Nag aapoy ang mga mata at nangangalit ang bagang ng kuya Darwin niya habang nakatingin kay Adrian. Halatang-halata ang pinipigilan nitong galit."Bro, let me explain," Sa mahinahon na boses sabi ni Adrian pero hindi iyon pinansin ng kuya niya. Sa kanya ito bumaling."Paanong nangyaring siya ang ama ni Zach Jade?" matigas nitong tanong. Ni hindi nito magawang sambitin ang pangalan ni Adrian.Napalunok siya. Alam na alam niya kung bakit ganito nalang ang galit ng kuya niya."You told us--" Gumalaw ang magkabilang panga nito at nagtagis ang mga bagang. "That you've been drugged and was r..raped--" halos hindi nito masambit ang huling sinabi. Umangat ang tingin nito sa kanya. "Totoo ba iyon?"Napakagat labi siya. The intensity in her brother voice make her shiver. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na boses sa kanyang lalamunan."Did t
LUTANG ang isip niya habang naglalakad para hanapin ang kuya Darwin niya. Ang sinabi ni Adrian ay parang bagting na nagpabalik-balik sa kanyang isip.'Bubuuin ko ang pamilya natin Jade.''Pamilya natin?' Meron ba silang ganoon?Matapos niyang marinig iyon ay buong lakas niya itong itinulak at tarantang lumabas sa silid na iyon.How will she react at that? ni hindi pa nga iyon maproseso ng utak niya hanggang sa mga sandaling iyon.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang tamang panahon para isipin niya ang bagay na iyon. Ang kailangan niyang gawin ay ang hanapin ang kuya niya para kausapin ito tungkol sa nalaman nito kanina. Kinakabahan siyang sa galit nito ay ibulgar nito iyon sa magulang niya at kay Zach gayong hindi pa siya handa.Kilala n
Nang umuwi siya kinagabihan ay kasama niya ang kanyang magulang at si Arie. Gusto ng mga ito na makilala ang pamilyang kumupkop sa kanya. Wala ang kuya Darwin niya. She tried to call him pero nakapatay yata ang cellphone nito. Kung saan ito pumunta matapos ang kanilang pag-uusap kanina ay wala siyang idea. Si Nanay Cely lang ang nasa bahay. Si Cynthia kahit day off ay nagpaalam na aa-ttend sa kaarawan ng isang kaibigan. Samantalang si Alex ay ilang araw ng hindi umuuwi. Alam niyang may kinalaman siya at ang saglit nilang pag-uusap nong sunduin nito si Zach sa hotel kung bakit pinili nitong huwag munang umuwi. "Susunduin kita mamaya," Sabi nito saka lumigid sa kabilang bahagi ng pick up nito. Nasa parking lot sila ng hotel. Mariin siyang napakagat-labi. "Ahm, Lex.." tawag niya. Sandali niya pang sinulyapan si Zach sa loob ng sasakyan na abala sa mga laruan nito. Lumingon
TANGHALI na ng dumating sila sa shop ni Alex. Agad niya itong nakita na nakatihaya at nagbubusisi sa ilalim ng isang sasakyan. Siniko ito ng kasama nito at inginuso ang direksyon niya.Kitang-kita niya ang gulat sa mga mata nito ng bumaling ang tingin sa kanya. Sandali itong natulala at nanatili lang ang tingin sa kanya na tila hindi naniniwalang naroon siya."Tito Alex!" si Zach na tuwang-tuwa habang patakbo sa kinaroroonan nito.Agad naman nitong ibinaling ang tingin sa bata pagkunwa'y rumehistro ang ngiti sa labi. Lumabas ito mula sa ilalim ng kotse na hawak-hawak pa ang tools na ginamit nito sa pagkukumpuni. Agad nito iyon inilagay sa toolbox ng makatayo. Siya namang lapit ni Zach dito at akmang yayakapin ito."Oops.. mamaya na, ang dumi-dumi ko Zach," natatawa nitong sabi na ipinakita pa ang katawan sa bata.Minasdan niya ito. May mgabahid nga ng dumi
SA buong gabi na iyon, hindi na naalis sa isip niya si Adrian. Her mind wanders. The way he drove his car, he was obviously mad. Galit ba ito dahil sa sinabi ni Cynthia? Ano kaya ang iniisip nito ngayon? And lastly why would he get mad if she's in a relationship with Alex? Ano bang pakialam nito? Is he jealous?Halos pagtawanan niya ang sarili sa naisip. Why would he?Pinilit niyang iwaglit sa isip ang mga iyon at sinikap na ipikit ang mga mga mata para makatulog. Kahit sa trabaho kinabukasan ay pinilit niyang iwaglit iyon sa kanyang isip.Nang araw din iyon ay umuwi ng Buenavista ang mga magulang niya. Balak pa sanang tumagal ng mga ito sa hotel ng ilang araw kaso lang tinawagan ang kanyang Papa ng engineering firm na pinagtatrabahuhan nito. Kailangan daw kasi ang presensiya nito sa meeting na gaganapin bukas ng umaga para sa gagawing city gym ng Buenavista. Her father was the assi
Tulala siya habang nakasandig sa pader ng kanilang locker. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang nakasandig doon. Pero base sa sakit na nararamdaman ng kanyang mga binti marahil oras na ang lumipas. Hanggang ngayon hindi parin maproseso ng utak niya ang lahat ng mga nangyari kanina doon sa villa ni Adrian."B..bakit mo ako liligawan? Dahil ba kay Zach?" She asked thinking that it was because of her son why he wants to court her. "You want my son, kaya liligawan mo ako?""It's one of the reason but not the main Jade, I want to court you because--" Lumamlam ang mga mata nito. "Because I am inlove with you.." He whispered huskily.Hindi niya iyon inaasahan kaya gulat siyang napa-angat ng tingin. He said that without hesitation. He said that with all the sureness in his voice. Pati mga mata nito ay seryosong-seryoso habang nakatingin sa kanya.She swallow the vile on her throat. "S
She never expected he would do it infront of all the employees of the hotel lalo na sa harap ng mga higher ups. She can't imagine the shock they have at that very minute. Na sa sobrang pagkagulat ay biglang natahimik ang buong paligid o pakiramdam niya lang iyon? Ganoon lang marahil ang pakiramdam niya dahil wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng kanyang puso.Her knees were trembling. Ilang minuto nalang at mabubuwal na siya sa kanyang kinatatayuan.Nang tila nahimasmasan na siya doon pa lang siya nakarinig ng mga boses. She heard the crowd mumbling, some were giggling. But she remain there unmovingly. Hindi niya talaga alam kung ano ang kanyang gagawin. Her mind was telling her to run away while her heart wants to stay and gladly accept Adrian's heart.She swallow hard as she slowly turn to face him."I love you.." Paos at namumungay ang mga mata
AUTHOR'S NOTEThis is the final chapter.. Thank you so much guys for reading my story till this very end. Thank you for the never ending support, to my AE and SE, thank you so much. Words are not enough to express how happy and thankful I am right now. I am where I am because of you guys. Thank you.. thank you... thank you. Hanggang sa muli.. Shanelaurice<<<<<-->>>>>Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi matapos na ibaba ang kanyang cellphone. Gladness was in her heart after that talked.Matagal ring panahon na hindi sila nag-usap ni Arie. After that incident four years ago ay hindi na sila muling nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Umalis ito ng bansa and settled in Paris kung saan ito naging full time model ng isang sikat na kumpanya.Noon pa man alam nitong napatawad na nila ito, but still, she choose to stay away from them at piliin ang karerang magpapaligaya rito at magpapalimot sa mga masamang nangyari.
---Cynthia--Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti sa nakikita niya sa kanyang harapan. It was a picture of a happy and contented family. Kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang hindi matatawarang kaligayahan. At masayang-masaya siya para kay Jade, para sa kaibigang saksi siya kung ano ang pinagdaanan at kung anong klaseng hirap ang naranasan.Seeing her this happy with her husband and two angels made her tears form at the corner of her eyes. Alam niya magiging maligaya na rin ito sa wakas. Lihim niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinunan ang mga ito ng larawan. The scene infront of her is pictured perfect. Hanggang sa sasakyan na sila ni Darwin ay minamasdan-masdan niya ang larawang iyon.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kanyang kamay at mahigpit iyon na hinawakan. "Magiging masaya rin tayo kagaya nila Cyn. We will be a complete family and live happily like them kasama ng anak natin at magiging anak pa. I
Six months later...Nagising siya sa kalagitnaan ng madaling araw na humihilab ang kanyang puson. Napahawak siya sa kaumbukang iyon kasabay ng pag-ngiwi ng maramdaman ang paggalaw niyon. Dahil sa nangyari ay mas lalong nadepina ang sakit. "A..Ade.." baling niya sa asawang himbing na natutulog sa kanyang tabi."A..Ade.." ulit niya, marahan niyang niyugyog ang braso nito."Hmm.." nagmulat naman ito ng mga mata na tila naaalimpungatan pa. "May problema ba sweetheart?" paos nitong tanong na iniyakap pa sa kanya ang kanang braso at sumiksik pa sa bandang leeg niya.Pinaglapat niya ang kanyang mga labi. "M..Masakit ang tiyan ko.." mahinang sabi niya."Do you want me to get something to eat?" tila wala pa rin kamalay-malay na sabi nito. Buong akala siguro nito na gutom lang siya kaya sumasakit ang tiyan niya. He was used to her waking up in the middle of the night to eat. Umuling siya. "I.. it's different this time,
"J..Jade?"Kitang-kita niya kung paano nawalan ng kulay ang mukha nito habang gulat na nakatingin sa kanya. Sunod-sunod rin itong napalunok."A..Antonette.." Kung nagulat ito ay higit siya. Hindi niya inaasahan na magtatagpo pa ang landas nilang dalawa. Nakalimot na siya. Kinalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya. But fate really play it's part in between them. And of all places sa lugar pa na iyon sila muling nagkita. All this time, naroroon lang pala ito. What a coincidence, ang kaibigan niyang ibinenta siya ay naroroon lang pala sa lugar ng lalakeng bumili sa kanya!Hindi man diretsang si Adrian, pero dito pa rin siya ineregalo nina Thorne at Fred. And Antonette was the main culprit. Ito ang tumanggap ng pera mula sa dalawa in the exchange of her.Ngayon nakita niya itong muli, hindi maiwasang hindi manariwa sa kanya ang mga ala-ala ng nakalipas na limang taon. Bumalik lahat. Lahat-lahat."Sweetheart do you know Annette?" Boses ni A
--ADRIAN--Namumungay ang mga matang minasdan niya si Jade habang mahimbing na natutulog. She is breathing high and low, kita niya iyon sa dib-dib nitong taas-baba at bahagya pang nakabukas ang bibig nito.She look so exhausted. Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Paano magiging hindi kung buong magdamag niya itong inangkin kagabi. He made love to her not just twice but thrice. Madaling araw na yata niya itong pinatulog. When it comes to her, para siyang nawawala palagi sa sarili. He always wanted to made love with her, to be inside of her. Hindi siya naging ganoon ka sabik sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Ngayon lang. Mag-asawa na sila, magkasama bawat oras but still, he keep on missing her, he keep on wanting her.Gaya na lang ng mga sandaling iyon, ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng pagkalalake niya habang minamasdan ang maganda nitong mukha.He breath heavily. Pilit na pinapakalma ang sarili. "Hmm.." Bahagya itong umungol.
"Where are we going, hmm?" tanong niya habang marahan na inihilig ang ulo sa balikat ni Adrian habang abala ito sa pagmamaneho.Wala siyang ideya kung saan sila papunta para sa kanilang honeymoon. Hindi pa man natatapos ang reception ng kanilang kasal kanina ay nauna na silang umalis. They just change their clothes at pagkatapos ay hinila na siya nitong muli pasakay sa pick-up nito.He gently rested his head on hers too saka marahan at pilyo na ngiti ang sumilay sa labi."Sa lugar kung saan solong-solo kita." Natatawang tinampal niya ang braso nito."As if naman hindi mo ako nasosolo sa bahay." she playfully hissed. Pero sa totoo lang nae-excite siya sa sinasabi nito."Wala nga yatang gabi na--" napakagat-labi siya. Biglang nag-init ang kanyang mukha ng maalala na halos gabi-gabi siya nitong inangkin. May pagkakataon pa ngang inangkin siya nito sa opisina nito mismo sa hotel and even in the car in broad dayli
READY?" bulong sa kanya ng kanyang Papa saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa nakaabrisiete nitong isa pang kamay.Kung hindi lang dahil sa handgloves niya, mararamdaman na nito ang panlalamig ng kanyang kamay o baka ganoon nga kaya nito iyon hinawakan. She's too nervous that she can't feel her feet on the carpet, sa sobra ngang lakas ng tibok ng kanyang puso ay para na iyon lalabas sa kanyang lalamunan. Pangalawang beses na iyon na ikakasal sila pero hindi pa rin niya maiwasan ang hindi kabahan. She was so nervous at the same time very happy. They begin to walk down the aisle slowly habang kinakanta ang kanilang wedding song. Nang mag angat siya ng tingin, naroon si Adrian nakatayo sa may altar, katabi nito ang kuya Darwin niya na siyang bestman nila sa kasal and Mandy as their maid of honor.Sa kaliwang gilid nila, naroon si Zach, looking so handsome in his little tuxedo, napapagitna ito kina nanay Cely, Alex at kay Cynthia na tulad niya ay halata na
Kita niya kung paano unti-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Adrian ng sabihin na niya dito ang tungkol kay Arie. Agad na nagtagis ang bagang nito."She's not herself Ade, kapag nanatili siya doon baka lumala ang kondisyon niya, baka tuluyan siyang mabaliw doon." mahinang sabi niya. Sana makumbinsi niya ito na iurong na lang ang kaso laban sa kapatid."If we're going to let her go, baka ulitin niya lang ang ginawa niya, baka sa susunod mas malala pa dito, God I can't imagine it Jade. Kung alam mo lang ang takot na naramdaman ko sa ginawa niya sa inyo ni Zach!""Siguro naman narealized na niya ang pagkakamali niya, at the end she still save me, binaril niya si Banjo kaya nakaligtas ako."Hindi ito nagsalita, nanatili lang ang tiim na mga mata."She needs to see a psychiatrist para hindi lumala ang kondisyon niya,""How sure are you that she's not faking it?" tanong nito. "Hindi kaya umaarte
Tulalang Arie ang nadatnan niya sa kulungan ng dalawin nila limang araw mula ng makalabas siya sa ospital. Dahil sa hindi pa nag-uumpisa ang hearing ay doon muna ito mananatili sa kulungan ng presinto.Naroroon ito at nakasandal lamang sa pader at tila wala sa sarili na nakatingin lang sa kawalan.Maayos naman ang suot nito. Her stepmother make sure to visit her everyday.Ngayon lang siya nakadalaw rito dahil ngayon lang medyo bumuti ang kanyang pakiramdam at unti-unti na ring naghihilom ang kanyang sugat kaya ngayon niya lang nakita ang kalagayan nito."Arianna Sandoval, may bisita ka!" sabi nong babaeng pulis at binuksan ang selda kung saan ito naroroon.Dagli lang ang pagsulyap nito. Walang emosyon ang mga mata nito ng dumako sa kanya.Pinosasan ito ng isa pang babaeng pulis at ilang sandali lang ay inilalabas na ito sa kulungan para dalhin sa visiting area.Pero hindi niy