Kabanata 77 Malawak ang opisina ni Yohan. Malayo ang mini sala set niya sa desk niya. Pero kahit gano’n, naririnig ko pa rin ang pagtatalo nila. Humawak ako sa may glass door at pasimpleng nakinig sa kanilang pagtatalo.“You are not the father of her daughter, Yohan?! Huwag kang masyadong hibang! Piniperahan ka lang!”“Can you stop, Mom? Wala ka naman talagang paki sa akin, ah? Bakit ngayon ay may paki ka na?”“Son, concern lang ako sa iyo! Okay lang naman sa akin na magkaroon ka ng girlfriend. Yong wala sanang sabit! Yong mayaman at hindi ugaling kalye! Yong mahinhin!”“Mom, just stop! Umalis ka na!”“I am telling you this because I am your Mother. Malakas ang kutob ko na piniperahan ka lang ng babaeng iyon. Paano kapag babalik ang ama ng batang iyan? Saan ka lulugar, ha?”Kumirot ang puso ko sa narinig. Kumuyom ang kamao ko lalo na nang tum
Last Updated : 2021-11-20 Read more