COHEN’S POV“Bili na kayo ng panutsa, tatlo isang-daan, murang mura na lang. Pampasalubong, panregalo at meryenda sa byahe,” kaliwa’t kanan ang sigawan dito sa loob ng Calapan Pier. Dagsa rin ang mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng ticket at pagpila papasok sa terminal ng daungan. Ito na ang huling byahe ng barko ngayong gabi, pinilit namin na makaluwas dahil mag-uumpisa na ang klase sa isang araw. Ito ang unang pagkakataon na lilisanin ko ang aming probinsya na hindi kasama ang aking pamilya. Ngunit maswerte pa rin ako sapagkat may kasama naman akong kaibigan.“Hoy Cohen! Tara na nakakuha na ako ng ticket,” papalapit na sigaw sa akin ni Nicole. “Kalalaking tao, asa sa babae pagkuha ng ticket,” bulong nito ngunit dinig na dinig ko pa rin.“Kung makareklamo ka naman, parang ang gaan naman nitong mga gamit mo,” ewan ko ba sa babaeng ito akala mo ay
Last Updated : 2021-10-03 Read more