Its Christmas eve, kaya naman andito kami sa mansion ng mga Revalde dahil busy sila mama. Lalo na at dito nagpasko ang iba pa nilang kapamilya, kumbaga reunion ata nila ‘to. Andito rin ako sa kusina at tumutulong kila mama, hindi man sa pagluluto at least sa paghuhugas may pakinabang ako. ‘Tsaka birthday rin ni Chance ngayon. “Anak ihatid mo pala ‘tong chips sa kwarto ni Chance. Nag-iinuman ata sila ng mga pinsan niya, bumalik la agad,” utos ni mama sa akin, ang bata pa nun ah, tapos nag-iinum-inom na. ‘Di bale pagsasabihan ko ‘yun sa susunod. “Sige ma, una na ako.” Grabe damang-dama ko talaga ang pasko sa mga dekorasyon ng bahay nila. Mula sa daanan, bintana, muwebles at chandelier paskong-pasko talaga. Ang sakit ng paa ko sana pala gumamit ako nung elevator nila. Kakatok na sana ako sa kwarto niya ng biiglaan itong bumukas. “Hi! Miss? Sabay lahad
Last Updated : 2021-10-03 Read more