Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 711 - Kabanata 720

3080 Kabanata

Kabanata 711

Mali ang pagkakaunawa?Tumikhim si Luna ng malamig. Tumingin siya kay Bonnie.“Baka naniniwala ka nga sa mga sinasabi ni Jason, pero ako hindi.”Naramdaman ni Luna na sinabi lang ni Jason kay Bonnie na hindi niya kilala si Joshua dahil sinusubukan niyang itago ang mga bagay na ginawa ni Joshua.Kumunot ang noo ni Bonnie.“Luna, kahit na nagsinungaling sa akin si Jason tungkol sa ibang mga bagay, hindi niya kailangan magsinungaling tungkol dito. Ikaw…”Bago pa matapos sa pagsasalita si Bonnie, nagring ang phone niya.Ito ay si Jason.Habang nakaupo sa restaurant, malamig na nakatingin si Jason sa kanila sa labas sa pamamagitan ng bintana.“Tapos ka na ba? Kakain ba tayo o hindi?”Medyo malupit ang tono ni Jason. Tumigil ang puso ni Bonnie. “Oo, oo, kakain tayo!”Pagkatapos, agad niyang binaba ang phone at hinila si Luna pabalik ng restaurant.Pagkatapos ihain ng mga waiter ang mga pagkain, sinabi ni Bonnie kay Luna na kumain na.Konti lang ang kinain ni Luna.Sa buong kain
Magbasa pa

Kabanata 712

Tumawa ng malakas si Jason.“Alam na ng buong bayan ang tungkol sa kasal namin ni Bonnie. Sa tingin mo ba ay matagumpay akong magpapakasal kay Bonnie kung hindi pumayag ang asawa ko?”Tahimik ng ilang saglit si Luna. Makalipas ang ilang sandali, tumawa siya.“Tama ka. Bagay nga kayo. Natural na wala din masyadong prinsipyo ang asawa mo.”“Prinsipyo? Ano ‘yun?” Tumikhim ng malamig si Jason at humalukipkip siya. “May prinsipyo ka nga, pero mas maganda ba ang buhay mo kaysa sa amin?”Ang mga salita ni Jason ay parang isang kutsilyo na tumusok sa puso ni Luna.Oo. May mga prinsipyo siya, pero mas maganda ba ang buhay niya kumpara sa iba?Dalawa sa apat na anak niya ay patay na. Ang mga buhay naman, ang isa sa kanila ay may malalang sakit, ang isa naman ay autistic.Ang mga taong nanakit sa kanya ay namumuhay ng malaya.Napuno si Luna ng pagkamuhi. Gusto niyang lumapit para patayin si Jason!Gusto niyang buksan ang dibdib nila Jason at Joshua. Para makita kung may puso nga talaga
Magbasa pa

Kabanata 713

Buong gabi na nasa Blue Bay Villa si Luna.Kinaumagahan, dumating ng maaga si Jason sa Blue Bay Villa para sunduin si Bonnie para magsukat ng mga wedding gown.Dumating ng maaga si Jason, hindi pa gising si Bonnie. Umiyak ng buong gabi si Bonnie. Nakatulog lang siya ng umaga dahil sa tulong ni Luna.Dinala ni Luna sina Nellie at Neil sa ibaba. Agad nilang napansin si Jason na nasa sala.Nang marinig ang mga yapak, lumingon si Jason para tumingin.Nang makita niya si Nigel, lumaki ang mga mata niya sa gulat.“Hindi ba’t namatay na ang anak mong lalaki?”“Oo, isang multo ako.” Tumingin ng malamig si Nigel kay Jason. “Nandito ako para kunin ang buhay mo.”Sa sobrang nakakakilabot ng boses ni Nigel, natakot at natahimik si Jason.Pagkatapos ng ilang saglit, kumunot ang noo ni Jason at tumingin siya kay Nigel habang tumatawa, “Anong buhay? Hindi ako ang pumatay sa kapatid mo.”Pagkatapos, hindi napigilan ni Jason na suriin si Nigel at sinabi niya, “Kakaiba talaga ang mga kambal. M
Magbasa pa

Kabanata 714

Nasa sahig si Jason, inaapakan siya ni Joshua. Sinusubukan niyang kumawala. Puno pagkamuhi at galit ang mga mata niya.Kumunot ang noo ni Luna.Kung nagpapanggap lang sina Joshua at Jason kahapon, paano naman ngayon?Hindi nagsisinungaling ang mga biglaan na reaksyon.Niyakap ni Luna si Nellie. Medyo naantig siya bigla.Hindi kaya’t…Wala talagang kinalaman sina Jason at Joshua sa isa’t isa?Ang isang taong tulad ni Jason, ang isang tao na umakyat mula sa baba at napunta sa katayuan niya ngayon, ang tanging hindi niya matatanggap ay tapakan siya ng iba.Alam na dapat ni Joshua ang tungkol dito, pero ginawa niya pa rin ito.Kung magkasamang nagtatrabaho sina Joshua at Jason, hindi ba natatakot si Joshua na baka magalit si Jason at pagtaksilan siya nito?“Mr. Lynch.”Biglang narinig ang boses ni Bonnie mula sa likod nila.Si Bonnie, na nakasuot pa ng pajama, ay nakakunot ang noo habang pababa.“Bitawan mo siya, pakiusap.” Naglakad pababa si Bonnie at tumayo siya sa harap ni
Magbasa pa

Kabanata 715

Nanunuya si Luna at tumingin siya kay Joshua. “Hindi ba’t araw araw naman ako nakikipaglaro sa apoy? Baka nga mapanganib na tao si Jason, hindi ba’t ikaw rin naman, Mr. Lynch?”Dumilim ang ekspresyon ni Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna.Sumingkit ang mga mata niya at tumingin siya kay Luna. Malamig ang boses niya. “Kailangan mo ba akong ikumpara sa isang tao na tulad ni Jason?”“Dahil pareho kayong uri ng tao.”Tumawa ng mahina si Luna. Malamig ang kanyang mga mata. “Hindi lang kayo parehong uri ng tao, nagtutulungan pa kayong dalawa.”Kumunot ng malalim ang noo ni Joshua. Tumingin siya kay Luna at sinabi niya, “Luna, sinabi ko na sayo. Wala akong kinalaman kay Jason.”Ngumiti si Luna. “Sino naman ang maniniwala sayo?”“Hindi kita matutulungan kung hindi ka maniniwala sa akin.” Huminga ng malalim si Joshua at umakyat na siya.Sa itaas, bukas ang pinto ng study room.Nakatayo pa rin sa pwesto si Luna, pinapanood niya na umakyat ng hagdan si Joshua.Ang katotohanan, simula pa
Magbasa pa

Kabanata 716

Si Joshua na may gulay pa sa kamay, ay nagdalawang isip ng ilang saglit, bago niya nilagay ito sa plato ni Luna.Kumunot ang noo ni Luna. Nang makita niya na parang ayaw ito ni Joshua, nalungkot siya.Klank! Binaba ni Luna ang kutsara at tinidor niya. “Busog na ako.”Pagkatapos, tumayo siya, inutos kay Lily na bantayan ang mga bata, tumalikod, at umakyat.Habang nakaupo sa mesa, tumingin si Joshua sa paalis na si Luna. Hindi niya mapigilan na magbuntong hininga.“Nakita mo ba ‘yun? Hindi naman sa hindi ko sinusubukan. Wala lang akong pagasa.”Napansin ni Nigel ang mga kilos ni Joshua. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Joshua. Ang tono niya ay mature at hindi ito parang isang boses ng anim na taong gulang na bata.“Kung wala po kayong pagasa, gumawa po kayo. Kung gusto niyo pong makuha ang mga gusto niyo, hindi po kayo pwedeng umasa lang sa pagsisikap ni Nellie.”Tumigil ng ilang saglit si joshua bago siya tumingala para tumingin kay Nigel. “Naiintindihan ko.”Samanta
Magbasa pa

Kabanata 717

Biglang tumigas ang katawan ni Luna nang marinig niya ang mga sigaw ni Lily.Hindi man lang siya sumagot kay Bonnie. Hinagis niya ang phone niya sa tabi at agad siyang bumaba.Hindi pa rin nasa magandang kondisyon ang katawan ni Nigel. Mabilis siyang magkasakit kapag hindi nabantayan ang mga emosyon niya!Mabilis na bumaba si Luna ng nakapaa. Ang nakita niya ay hindi si Nigel na may sakit, sa halip…May hawak si Nigel na maliit na kutsilyo na mula sa mesa at nakatutok ngayon sa leeg ni Joshua.Ang talim ng kutsilyo at humiwa na ng maliit sa leeg ni Joshua. May mga dugo na ang tumutulo.Maputla si Lily at yakap niya si Nellie sa tabi. Ayaw niya na makita ni Nellie ang ganitong madugong eksena.Kahit na walang sakit si Nigel, nagulat pa rin si Luna sa eksena na nasa harap niya at wala siyang masabi.Kumunot ang noo niya at lumapit siya.“Anong nangyayari dito?”Kalmadong tumingin si Nigel kay Luna. Sinabi niya ng bata ngunit mature na boses, “Mommy, ‘wag po kayong manghimasok.
Magbasa pa

Kabanata 718

May dalawang phone si Joshua. Ang isa ay para sa business, ang isa ay personal.Ang phone na nagring ay ang personal niyang phone.Habang nakatingin sa Blake na ito, kumunot ang noo ni Luna sa pagkalito.Sa mga tao na kilala ni Joshua, may tao ba na may apelyidong Blake?Paano niya hindi alam ito?Noong una, naghihintay si Luna para sagutin ni Joshua ang phone para hulaan kung sino ito base sa pag uusap nila.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na sa sandali na tingnan ni Joshua ang caller ID sa phone, nagdalawang isip ito.Tumaas ang kamay ni Joshua na nakahawak sa phone na nag riring. Tumayo siya.“May mga bagay pa akong dapat puntahan. Aalis na ako.”Nakahawak pa rin si Luna sa iodine.Nakatingin si Luna sa dugo mula sa sugat sa nasa leeg ni Joshua. “Kailangan munang gamutin ang sugat mo, hindi ba?”Kanina, pinapaamin siya ni Joshua na gusto niyang gamutin ang sugat nito. Bakit ngayon, dahil sa isang phone call, hindi man lang siya nag-abala na ipagamot ang sugat niya?“Ayo
Magbasa pa

Kabanata 719

Kumunot ang noo ni Luna. “Anong gusto mong gawin?”Tumawa ng mayabang si Jason, “Anong kinalaman nito sayo? Tumatawag ako para ipaalam sayo. Luna, simula ngayon, ‘wag ka nang makialam sa mga problema namin! Kung ayaw mong matulad ang dalawang anak mo sa patay mong anak, mabuhay na lang kayo ng tahimik ng mga anak mo! ‘Wag kayong makialam sa buhay ng iba!”Pagkatapos sabihin ang mga salitang ito, binaba agad ni Jason ang phone.Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone, narinig niya ang disconnection tone. Lumubog ang puso niya.Huminga siya ng malalim at agad niyang binuksan ang computer sa tabi niya.Kahit na ang tracking app sa phone ni Jason na ininstall ni Bonnie ay tinanggal na siguro. Naginstall si Nigel ng sikretong tracking device sa phone ni Bonnie.Tumawag si Jason mula sa phone ni Bonnie kanina. Ibig sabihin ay nasa kanila pa rin ang phone ni Bonnie!Agad na binuksan ni Luna ang tracking software sa kanyang computer.Ang phone ni Bonnie ay isang pulang tuldok sa mapa, maba
Magbasa pa

Kabanata 720

Tumingin si Luna sa tanawin sa labas ng bintana.“Hindi na kailangan. Nasa taxi na ako. Kung pupunta ang mga tauhan mo, dalian niyo.”Tahimik si Jude dahil sa mga sinabi ni Luna.Makalipas ang ilang sandali, tumawa siya. “Ito ang unang beses akong nakakita ng matapang na babaeng tulad mo.”Malala ang sitwasyon. Halatang alam niya ni Luna na gusto nila Jason ang buhay ni Bonnie, ngunit pumunta pa rin siya ng mag isa.Tumigil ng ilang saglit si Luna. Tumawa siya. “Dapat maging matapang ng isang babae na walang nagmamahal sa kanya.”Pagkatapos sabihin ito, binaba agad ni Luna ang phone.Sa kabilang linya ng phone, nakinig si Jude sa disconnection tone. Tumutunog pa rin sa tainga niya ang sinabi ni Luna kanina.Ang isang babae na walang nagmamahal sa kanya?Mapagkumbaba ba siya?Ang isang babae na pinag aagawan ng anak ni Nathan Allen at ni Joshua ay isang babae na hindi minamahal ng iba?Nakakatawa naman.Habang iniisip ito, umupo ng mas komportable si Jude. Inutos niya sa dri
Magbasa pa
PREV
1
...
7071727374
...
308
DMCA.com Protection Status