Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 651 - Kabanata 660

3080 Kabanata

Kabanata 651

Isang oras na kinalkal ni Alice ang hotel room ni Joshua sa bawat piraso ng papel sa briefcase nito, ngunit wala siyang mahanap.Tila naglaho ang divorce agreement at wala man lang itong kahit isang bakas.Makalipas ang isang oras, narinig niya ang katok mula sa pinto kasunod ng mahinang boses ni Lucas. “Sir, oras na po pumunta sa Larson Group para sa meeting niyo.”“Sir?” Pagkatapos maghintay ng matagal at wala siyang narinig na sagot, sumimangot si Lucas at nilabas niya ang backup keys sa kanyang bulsa. Pagkatapos, pinasok niya ito sa handle ng pinto, bubuksan niya na ang pinto.Agad na nagpanick si Alice nang marinig niya ang tunog ng susi sa labas, kaya’t sinabi niya ng malakas, “‘Wag kang pumasok! Magkasama kami ni Joshua sa kwarto!”Agad na tumigil si Lucas. “Ma’am, oras na po para kay Sir na pumunta sa meeting niya. Hinihintay na po siya ng lahat ng mula sa Larson Group.”Balisang ibinalik ni Alice ang mga gamit sa lugar. “Sige! Pagkatapos, mabilis siyang lumapit kay Joshu
Magbasa pa

Kabanata 652

Binaba ni Luna ang tuwalya sa banyo at ngumiti siya ng nahihiya kay Gwen. “Sa sobrang lalim ng tulog ko, hindi ko na narinig ang phone ko.”Tinikom ni Gwen ang mga labi niya at nagbuntong hininga. “Edi… hindi ka galit sa akin dahil sa nangyari ngayong araw, tama ba?”Alam na alam ni Gwen na ang kasal na inimbitahan siya ay kela Ben at Clover.Sa sobrang tagal niyang in love kay Ben ay kailangan niyang makita mismo na ikakasal si Ben sa ibang babae para mag move on na siya. Gayunpaman, pinagbawalan siya ni Luke na pumunta ng kasal, binawalan siya dahil sa takot na mapahiya siya doon.Kaya naman, wala siyang magawa kundi utusan si Luna na pumunta para sa kanya.Nagkibit balikat si Luna. “Ayos lang para sa akin.”Yumuko si Gwen at sinabi niya, “Luna, minsan ay hinahangaan talaga kita… Nag move on ka kay Joshua ng tuluyan, at kahit na matagal mo siyang nakilala, kaya mo pa rin maging malamig sa kanya…”Nagbuntong hininga siya at tumingala para tumingin kay Luna. “Hindi ka ba nababal
Magbasa pa

Kabanata 653

“Pupunta… kami sa hospital.” Lumingon si Gwen para tumingin kay Luna. “Ihahatid ako ni Luna pabalik ng hospital…”Tumango si Joshua at naglakad siya papunta sa elevator, tinulak niya ang wheelchair ni Gwen habang sumulyap siya kay Luna. “Ito ang impormasyon na binigay ng supplier ng Sea City sakin. Sa tingin ko ay may kakaiba sa data, kaya’t gusto ko sanang tingnan mo.”Kumunot ang noo ni Luna at sumunod siya sa dalawa, binuklat niya ang dokumento na inabot ni Joshua sa kanya.Tama si Joshua. Ayon sa dokumento na ito, ang mineral content sa loob ng mga gemstone ay hindi tugma sa dating data.Kumunot ang noo ni Luna, nilabas ang kanyang phone, at sinimulan niyang kalkuahin ang pagkalugi sa kumpanya. Pagkatapos, tinanong niya ng malamig, “Ito lang ba ang supplier list na may problema? Paano yung mga nakaraan?”“Kinukumpara pa ito ni Lucas. Sa tingin ko ay hindi na dapat tayong makipag collaborate sa vendor na ito sa susunod, at gusto ko silang kasuhan sa mga nalugi ng kumpanya.”“S
Magbasa pa

Kabanata 654

Mahigpit na humawak si Luna sa shirt niya.Kahit na hindi siya sigurado kung buntis siya o hindi, paano kung buntis nga siya? Anong iisipin ni Joshua kapag natuklasan niya na nabuntis niya si Luna?Dumiin ang mga ngipin ni Luna.Kahit na hindi tapat sa babae si Joshua, isa pa rin siyang responsable na tatay. Kahit na ayaw niya si Luna Gibson, kinumbinsi niya pa rin ang sarili niya na tratuhin ng mabuti si Alice, iniisip na ito si Luna Gibson, ang nanay ng dalawang bata.Kung natuklasan niya na nabuntis si Luna sa anak niya, siya kaya…Ayaw nang isipin ni Luna kung anong mga susunod na mangyayari…Pinanood niya ang tanawin sa labas ng bintana at tila naging balisa siya.Hindi niya pwedeng ipaalam kay Joshua na buntis siya…Alam ni Luna na walang paraan para kumbinsihin si Joshua na ayos lang siya at na hindi nila kailangan pumunta sa hospital. Sa halip, baka magduda pa lalo si Joshua kapag nagpatuloy si Luna sa pagkukumbinsi.Gayunpaman, ayaw niya rin tumalon palabas ng kotse s
Magbasa pa

Kabanata 655

Nabigla si Luna, pagkatapos ay nag buntong hininga siya at tumingin siya sa doctor. “Hindi pa ako sigurado. Hinala ko lang ‘yun.”“Balak mo ba na ipalaglag ang fetus kapag nabuntis ka?”Umiling si Luna. “Gusto kong… manganak ng hindi niya nalalaman.”Tumango ang doctor, pagkatapos ay nagsulat siya sa kanyang notes, kumunot ang noo niya. “So gusto mo ng blood test para matest ang hormone levels mo? Kung ayaw mo na matuklasan niya ang tungkol dito, ang maipapayo ko ay ibang checkup na lang ang gawin para hindi siya maghinala.”Tumango si Luna at ngumiti siya sa doctor. “Salamat.”Ngumiti ang doctor sa kanya. “Walang anuman.” Pagkatapos ay tinanong niya kay Luna, “Magkaibigan ba kayo ni Gwen Larson?”Nabigla si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Opo, magkaibigan kami.”“Interesante kayong dalawa. Ang isa ay hindi pwedeng magpalaglag pero pilit niya pa rin, habang ang isa naman ay pinili na dalhin ang bata. Perpekto na kung nagkapalit kayo.” Pinunit ng doctor ang prescription note a
Magbasa pa

Kabanata 656

Nang makita na lumabas na si Luna sa kwarto, agad na tumayo si Lucas at nagtanong, “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako,” Ang sabi ni Luna habang sinusuot ang kanyang jacket. “Parating na rin ang mga resulta mamaya.”Pinag usapan na nila Luna at ng doctor at alam niya na na hindi lalabas ang blood test niya sa mga checkup na ginawa niya.Tumingin siya kay Luna at nagtanong siya, “Nasaan si Joshua?”Ngumiti ng maliit si Lucas. “Kakatawag lang ni Mrs. Lynch, sinabi niya na kailangan niya si Sir, kaya’t umuwi si Sir para puntahan siya.”Tumigil si Luna. Kaya pala.Sobrang nag aalala ni Joshua noong dinala niya si Luna sa hospital at pilit niya pang gustong makinig habang sinasabi ni Luna ang mga sintomas niya sa doktior. Gayunpaman, nung lumabas si Luna, wala na si Joshua.Ang tanging dahilan dito ay tinawag ni Alice si Joshua.Pagkatapos matuklasan na buntis sya, hindi na naabala si Luna sa mga bagay na ito. Ngumiti siya at tumingin kay Lucas. “Sige pala. Mabuti at binigyan ni Mr. L
Magbasa pa

Kabanata 657

“Nagiging interesante na ang mga nangyayari ngayon.” Nag dekwatro si Luke at tumingin siya kay Joshua. “Sinabi mo sa akin na bantayan ang divorce papers para sa kanya, at ngayon ay buntis siya sa ibang lalaki. Bukod pa dito, tila natutuwa siya dahil sa sanggol. Nakakawili naman.”Tumingin sa kanya ng malamig si Joshua at sinabi nito, “Ang desisyon ko para idivorce si Alice ay walang kinalaman kay Luna.”Ngumisi si Luke. “Naniniwala ka ba sa mga sinasabi mo?”Hindi sumagot si Joshua.Nang makita ang pagtanggi ni Joshua sa paniniwala na ang divorce ay dahil kay Luna, ngumisi si Luke at sinabi niya, “Wala nang punto ng pagsisinungaling mo sa sarili mo.”Samantala, biglang nagring ang phone niya.“Medyo madaldal ka ngayong araw,” Nagalit siya habang nakatingin ng masama kay Luke bago niya nilabas ang phone niya para tingnan ang screen.Ito ay si Alice.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luke na parang papatayin niya ito, sumenyas siya na tumahimik bago niya sinagot ang
Magbasa pa

Kabanata 658

Kapag nangyari ‘yun, edi kahit na ipinanganak ni Luna ang bata para iligtas si Nigel, sila ng bata ay habang buhay na may utang kay Gwen.Nang maisip niya ito, nagbuntong hininga si Luna at humina ang kanyang boses. “Nakalimutan mo na ba na pinoprotektahan ako ng mga tao ni Luke? Hindi mo kailangan mag alala kay Jason. Para kay Alice, matagal ko na siyang hindi nakita. Bukod pa dito, si Joshua ang habol niya, hindi ako. Kailangan ko lang dumistansya sa ngayon.“Susubukan kong kumbinsihin si Luke na sumailalim ka sa surgery sa madaling panahon… Aalis ako ng bansa pagkatapos mong magpalaglag.”Huminto ng ilang saglit si Gwen, pagkatapos ay tumango siya sa pagsang ayon. Nagbuntong hininga siya at hinawakan niya ang kamay ni Luna. “Magiging ayos lang kayo ng anak mo.”…Sa sandali na bumalik si Joshua sa hotel, agad na lumapit sa kanya si Alice. Una, tinanggal ni Alice ang jacket ni Joshua at sinabit niya ito sa coat rack, pagkatapos ay kinuha niya ang slippers ni Joshua na parang isa
Magbasa pa

Kabanata 659

Agad na tumigas ang katawan ni Alice nang marinig niya ang boses ni Joshua sa tahimik na kwarto.Mali siguro ang pagkakarinig niya; kumain si Joshua ng crème brûlée na nilagyan niya ng sedative. Paano naman gigising si Joshua?Imposible ito…Umiling si Alice at nagpatuloy siya sa pagkalkal sa mga damit ni Joshua.“Hindi mo ba kailangan ng tulong?” Muling tumunog sa likod niya ang boses nung aabutin niya na ang shift.Hindi na makumbinsi ni Alice na mali mali ang pagkakarinig niya.Mabagal siyang tumalikod, pakiramdam niya na para bang matigas ang mga kasukasuan ng buong katawan niya. Nakita niya na rin ang eksena sa likod niya.Si Joshua ay nakasuot ng gray na pajama habang nakasandal sa frame ng pinto. Nakatitig siya kay Alice habang may ngisi sa kanyang mga labi.Naramdaman ni Alice na para bang lumamig ang dugo niya at tumigas ang buong katawan niya.Binuksan niya ang bibig niya, ngunit walang lumabas na kahit isang salita. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na r
Magbasa pa

Kabanata 660

Nagsalita ng malamig si Joshua, walang emosyon ang mukha niya.Nag dekwatro siya at sumandal siya ng elegante sa sofa. “Bibigyan kita ng huling pagkakataon para sabihin sa akin kung ano ang hinahanap mo. Buhok ng ibang babae ba talaga ang hinahanap mo?”Bumagsak sa sahig si Alice nang marinig niya ito. Tumingala siya at tumingin siya ng nakakaawa kay Joshua. “Joshua…” Nanginig siya. “Pwede ba tayong magpanggap na wala kang nakita?”Hindi niya kayang sabihin ang katotohanan.“Kung ayaw mo maging tapat sa akin, huhula na lang ako.” Tumingin pababa si Joshua kay Alice mula sa sofa at nagpatuloy siya, “Naging tahimik at mabait ka nitong mga nakaraan. Akala ko noong una ay nagbago ka na, pero hindi. Natatakot ka lang na idivorce kita, kaya’t wala kang magawa na masama kay Luna.”Hinawakan ni Joshua ang baba niya at tumingin kay Alice, na siyang may mukha na kasing putla ng pader na nasa likod niya. “Habang nandito ako sa Sea City, kinalkal mo ang study room at ko at opisina ko sa Lynch
Magbasa pa
PREV
1
...
6465666768
...
308
DMCA.com Protection Status