“Nagiging interesante na ang mga nangyayari ngayon.” Nag dekwatro si Luke at tumingin siya kay Joshua. “Sinabi mo sa akin na bantayan ang divorce papers para sa kanya, at ngayon ay buntis siya sa ibang lalaki. Bukod pa dito, tila natutuwa siya dahil sa sanggol. Nakakawili naman.”Tumingin sa kanya ng malamig si Joshua at sinabi nito, “Ang desisyon ko para idivorce si Alice ay walang kinalaman kay Luna.”Ngumisi si Luke. “Naniniwala ka ba sa mga sinasabi mo?”Hindi sumagot si Joshua.Nang makita ang pagtanggi ni Joshua sa paniniwala na ang divorce ay dahil kay Luna, ngumisi si Luke at sinabi niya, “Wala nang punto ng pagsisinungaling mo sa sarili mo.”Samantala, biglang nagring ang phone niya.“Medyo madaldal ka ngayong araw,” Nagalit siya habang nakatingin ng masama kay Luke bago niya nilabas ang phone niya para tingnan ang screen.Ito ay si Alice.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luke na parang papatayin niya ito, sumenyas siya na tumahimik bago niya sinagot ang
Kapag nangyari ‘yun, edi kahit na ipinanganak ni Luna ang bata para iligtas si Nigel, sila ng bata ay habang buhay na may utang kay Gwen.Nang maisip niya ito, nagbuntong hininga si Luna at humina ang kanyang boses. “Nakalimutan mo na ba na pinoprotektahan ako ng mga tao ni Luke? Hindi mo kailangan mag alala kay Jason. Para kay Alice, matagal ko na siyang hindi nakita. Bukod pa dito, si Joshua ang habol niya, hindi ako. Kailangan ko lang dumistansya sa ngayon.“Susubukan kong kumbinsihin si Luke na sumailalim ka sa surgery sa madaling panahon… Aalis ako ng bansa pagkatapos mong magpalaglag.”Huminto ng ilang saglit si Gwen, pagkatapos ay tumango siya sa pagsang ayon. Nagbuntong hininga siya at hinawakan niya ang kamay ni Luna. “Magiging ayos lang kayo ng anak mo.”…Sa sandali na bumalik si Joshua sa hotel, agad na lumapit sa kanya si Alice. Una, tinanggal ni Alice ang jacket ni Joshua at sinabit niya ito sa coat rack, pagkatapos ay kinuha niya ang slippers ni Joshua na parang isa
Agad na tumigas ang katawan ni Alice nang marinig niya ang boses ni Joshua sa tahimik na kwarto.Mali siguro ang pagkakarinig niya; kumain si Joshua ng crème brûlée na nilagyan niya ng sedative. Paano naman gigising si Joshua?Imposible ito…Umiling si Alice at nagpatuloy siya sa pagkalkal sa mga damit ni Joshua.“Hindi mo ba kailangan ng tulong?” Muling tumunog sa likod niya ang boses nung aabutin niya na ang shift.Hindi na makumbinsi ni Alice na mali mali ang pagkakarinig niya.Mabagal siyang tumalikod, pakiramdam niya na para bang matigas ang mga kasukasuan ng buong katawan niya. Nakita niya na rin ang eksena sa likod niya.Si Joshua ay nakasuot ng gray na pajama habang nakasandal sa frame ng pinto. Nakatitig siya kay Alice habang may ngisi sa kanyang mga labi.Naramdaman ni Alice na para bang lumamig ang dugo niya at tumigas ang buong katawan niya.Binuksan niya ang bibig niya, ngunit walang lumabas na kahit isang salita. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na r
Nagsalita ng malamig si Joshua, walang emosyon ang mukha niya.Nag dekwatro siya at sumandal siya ng elegante sa sofa. “Bibigyan kita ng huling pagkakataon para sabihin sa akin kung ano ang hinahanap mo. Buhok ng ibang babae ba talaga ang hinahanap mo?”Bumagsak sa sahig si Alice nang marinig niya ito. Tumingala siya at tumingin siya ng nakakaawa kay Joshua. “Joshua…” Nanginig siya. “Pwede ba tayong magpanggap na wala kang nakita?”Hindi niya kayang sabihin ang katotohanan.“Kung ayaw mo maging tapat sa akin, huhula na lang ako.” Tumingin pababa si Joshua kay Alice mula sa sofa at nagpatuloy siya, “Naging tahimik at mabait ka nitong mga nakaraan. Akala ko noong una ay nagbago ka na, pero hindi. Natatakot ka lang na idivorce kita, kaya’t wala kang magawa na masama kay Luna.”Hinawakan ni Joshua ang baba niya at tumingin kay Alice, na siyang may mukha na kasing putla ng pader na nasa likod niya. “Habang nandito ako sa Sea City, kinalkal mo ang study room at ko at opisina ko sa Lynch
Tumahimik ang buong kwarto.Naging mas maputla ang mukha ni Alice. May… nabunyag siya na hindi niya dapat sinabi…Malamig ang tingin ni Joshua kay Alice. “Ang rason kung bakit wala kang ginawang masama kay Luna ay hindi dahil nagbago ka. Dahil ito sa paglayo ko kay Luna at matagal kaming hindi nagkita, tama ba?”“Alice, hindi mo naisip ni minsan na mali ka, tama ba? Hindi mo man lang pinag isipan ang mga pagkakamali mo, sa halip, nagpadala ka ng mga tao para sumunod sa akin, hindi ba?”Walang masagot ni isang salita si Alice sa pagtatanong ni Joshua.Alam niya na galit na si Joshua.Pumikit si Alice dahil wala siyang magawa.Kahit anong man ang ginawa niyang kaguluhan dati, hindi pa nagalit ni minsan si Joshua. Kahit na natuklasan niya na nilagyan ni Alice ng sedative ang pagkain niya, hindi sumigaw kay Alice si Joshua.Gayunpaman…Nakaupo si Alice sa carpet at humigpit ang mga kamao niya sa galit. Tumingala siya para tumitig kay Joshua. “Oo, ginawa ko. Alam ko ang lahat ng pa
Lumabas si Joshua ng hotel, pumasok ng kotse, at nagdrive papunta sa bandang labas ng Sea City sa galit niya.Pagkatapos umikot ng ilang beses, tumigil na siya sa tabi ng beach at lumabas ng kotse.Umihip ang simoy ng dagat sa mukha niya at tila gumaan ang loob niya dahil ito.Gabi na, kaya’t wala masyadong tao. Nakita ni Joshua ang isang food truck na malapit, may dalawa o tatlong customer na nakapaligid dito, umiinom at kumakain.Kahit na tila masaya ang mga customer, sa sobrang tahimik ng beach maliban sa kanila ay nagsimula na ring antukin ang may ari ng food truck.Nakita ni Joshua ang hugis ng isang payat na babae sa malayo, ang mahabang buhok nito ay hinihipan ng simoy ng dagat. Tila may kausap ito sa phone.Iniisip ni Joshua na mukhang pamilyar ang babaeng ito. Nalala niya si Luna Gibson dahil sa babaeng ito.Nang una niya ring makilala si Luna Gibson, gusto rin nito na kausap siya sa phone ng gabi. Laging may suot ito na jacket sa dress nito at ilulugay ang buhok, pagka
Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ang sinabi ni Joshua.Tumingin siya kay Joshua, maputla ang mukha niya, at wala siyang maisagot.“Nagulat ka ba na alam ko ang tungkol sa pagbubuntis mo?” Ngumisi si Joshua at ipinagsalin ang sarili ng inumin. “Matagal ka nang matalino, pero mukhang ngayong araw, medyo mabagal ngayon kumpara sa ibang araw. Ito ba ang nagagawa ng pagbubuntis?”Ngumiti si Joshua at nagpatuloy siya, “Sobrang desperado mo para umalis ako noong nasa hospital tayo. Kung ako ikaw, hindi ba’t gugustuhin mong alamin kung bakit?”Namutla ang mukha ni Luna, pagkatapos namula ito at namutla ulit.Aamin siya na medyo mabilis siya kumilos kumpara sa ibang araw. Gayunpaman, dahil nakuha niya na ang hinahanap siya, natatakot siya na malaman ni Joshua ang tungkol sa sanggol.Bukod pa dito, biglaan ang lahat ng nangyari nitong hapon at wala siyang paraan para pigilan si Joshua sa pag alam tungkol dito.Baka nga wala talaga siyang maitatago kay Joshua.Pumikit s
Tumingala si Luna at tumitig siya kay Joshua. Bumuka ang bibig niya na parang gusto niyang magsalita, ngunit hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag sa kanya.Tama si Joshua. Bago pa malaman ni Luna na buntis siya, ginawa niya ang lahat para maging malapit kay Joshua. Sa sandali na matanggap niya ang magandang balita, mali ang pagunawa ni Joshua sa tuwa ni Luna na ang bata ay kay Theo.Hindi alam ni Luna kung paano niya ito ipapaliwanag kay Joshua.Sumandal si Joshua sa upuan at tumingin siya kay Luna. “Luna, alam mo ba ang mga kahihinatnan kapag ginalit mo ako? Sa tingin mo ba ay masyado akong maluwag sayo, at ‘yun ang rason kung bakit pwede mong paglaruan ang damdamin ko ng ganito?”Malupit at walang awa ang aura niya nang sabihin niya ito, hindi mapigilan ni Luna na masakal dahil dito. Kumapit siya sa damit niya sa ilalim ng mesa.Yumuko si Luna at sinabi niya ng mahina, “Ako… Oo, alam ko ang mga kahihinatnan.”Sa sobrang sama ni Joshua ay kaya niyang saktan ang mga anak n
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya