Tumahimik ang buong kwarto.Naging mas maputla ang mukha ni Alice. May… nabunyag siya na hindi niya dapat sinabi…Malamig ang tingin ni Joshua kay Alice. “Ang rason kung bakit wala kang ginawang masama kay Luna ay hindi dahil nagbago ka. Dahil ito sa paglayo ko kay Luna at matagal kaming hindi nagkita, tama ba?”“Alice, hindi mo naisip ni minsan na mali ka, tama ba? Hindi mo man lang pinag isipan ang mga pagkakamali mo, sa halip, nagpadala ka ng mga tao para sumunod sa akin, hindi ba?”Walang masagot ni isang salita si Alice sa pagtatanong ni Joshua.Alam niya na galit na si Joshua.Pumikit si Alice dahil wala siyang magawa.Kahit anong man ang ginawa niyang kaguluhan dati, hindi pa nagalit ni minsan si Joshua. Kahit na natuklasan niya na nilagyan ni Alice ng sedative ang pagkain niya, hindi sumigaw kay Alice si Joshua.Gayunpaman…Nakaupo si Alice sa carpet at humigpit ang mga kamao niya sa galit. Tumingala siya para tumitig kay Joshua. “Oo, ginawa ko. Alam ko ang lahat ng pa
Lumabas si Joshua ng hotel, pumasok ng kotse, at nagdrive papunta sa bandang labas ng Sea City sa galit niya.Pagkatapos umikot ng ilang beses, tumigil na siya sa tabi ng beach at lumabas ng kotse.Umihip ang simoy ng dagat sa mukha niya at tila gumaan ang loob niya dahil ito.Gabi na, kaya’t wala masyadong tao. Nakita ni Joshua ang isang food truck na malapit, may dalawa o tatlong customer na nakapaligid dito, umiinom at kumakain.Kahit na tila masaya ang mga customer, sa sobrang tahimik ng beach maliban sa kanila ay nagsimula na ring antukin ang may ari ng food truck.Nakita ni Joshua ang hugis ng isang payat na babae sa malayo, ang mahabang buhok nito ay hinihipan ng simoy ng dagat. Tila may kausap ito sa phone.Iniisip ni Joshua na mukhang pamilyar ang babaeng ito. Nalala niya si Luna Gibson dahil sa babaeng ito.Nang una niya ring makilala si Luna Gibson, gusto rin nito na kausap siya sa phone ng gabi. Laging may suot ito na jacket sa dress nito at ilulugay ang buhok, pagka
Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ang sinabi ni Joshua.Tumingin siya kay Joshua, maputla ang mukha niya, at wala siyang maisagot.“Nagulat ka ba na alam ko ang tungkol sa pagbubuntis mo?” Ngumisi si Joshua at ipinagsalin ang sarili ng inumin. “Matagal ka nang matalino, pero mukhang ngayong araw, medyo mabagal ngayon kumpara sa ibang araw. Ito ba ang nagagawa ng pagbubuntis?”Ngumiti si Joshua at nagpatuloy siya, “Sobrang desperado mo para umalis ako noong nasa hospital tayo. Kung ako ikaw, hindi ba’t gugustuhin mong alamin kung bakit?”Namutla ang mukha ni Luna, pagkatapos namula ito at namutla ulit.Aamin siya na medyo mabilis siya kumilos kumpara sa ibang araw. Gayunpaman, dahil nakuha niya na ang hinahanap siya, natatakot siya na malaman ni Joshua ang tungkol sa sanggol.Bukod pa dito, biglaan ang lahat ng nangyari nitong hapon at wala siyang paraan para pigilan si Joshua sa pag alam tungkol dito.Baka nga wala talaga siyang maitatago kay Joshua.Pumikit s
Tumingala si Luna at tumitig siya kay Joshua. Bumuka ang bibig niya na parang gusto niyang magsalita, ngunit hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag sa kanya.Tama si Joshua. Bago pa malaman ni Luna na buntis siya, ginawa niya ang lahat para maging malapit kay Joshua. Sa sandali na matanggap niya ang magandang balita, mali ang pagunawa ni Joshua sa tuwa ni Luna na ang bata ay kay Theo.Hindi alam ni Luna kung paano niya ito ipapaliwanag kay Joshua.Sumandal si Joshua sa upuan at tumingin siya kay Luna. “Luna, alam mo ba ang mga kahihinatnan kapag ginalit mo ako? Sa tingin mo ba ay masyado akong maluwag sayo, at ‘yun ang rason kung bakit pwede mong paglaruan ang damdamin ko ng ganito?”Malupit at walang awa ang aura niya nang sabihin niya ito, hindi mapigilan ni Luna na masakal dahil dito. Kumapit siya sa damit niya sa ilalim ng mesa.Yumuko si Luna at sinabi niya ng mahina, “Ako… Oo, alam ko ang mga kahihinatnan.”Sa sobrang sama ni Joshua ay kaya niyang saktan ang mga anak n
“Bakit ka takot na makita ako? Hindi naman kita kakainin.” Nanunuya si Jason habang kinuha niya ang plato ni Joshua at nagsimula siyang kumain. “Sinabi sa akin ni Mr. Lynch nung pinakawalan niya ako na basta’t maging mabait ako, hindi na niya ulit ako ikukulong.”Ngumisi siya kay Luna, pinakita niya ang malinis at puting mga ngipin. “Inutusan ako ni Mr. Lynch na ‘wag kang saktan, syempre hindi ko gagawin ‘yun, Ms. Lyna.”Pagkatapos, tumingin siya sa maliit na grupo ng mga lalaki na nakatago sa beach sa malayo at sinabi, “Dahil binabantayan ka ng mga tauhan ni Luke Jones, hindi kita kayang saktan, kahit na hinayaan ako ni Mr. Lynch.”Nanginig ang katawan ni Luna nang titigan niya ang lalaking nasa harap niya. Sumimangot siya at sinabi ng may mahinang boses, na para bang napakalayo niya, “Si Joshua… ang nagpakawala sayo?”“Syempre,” Nagsinungaling si Jason. “Si Mr. Lynch ang nagkulong sa akin, paano naman ako makakatakas kung hindi dahil sa tulong niya?”Naramdaman ni Luna na para b
Nanatiling nakaupo si Luna at pinanood niya na mawala si Jason papunta sa dilim. Bigla siyang nakaramdam ng lamig at hindi niya napigilan na manginig.Pumikit siya at nanatiling nakaupo sa upuan ng matagal pagkatapos niyon, inenjoy niya ang malamig na simoy ng hangin sa dagat bago siya mabagal na tumayo at tumawag ng taxi papunta sa hotel niya.Buong gabi na hindi nakatulog ng mahimbing si Luna. Marami siyang napanaginipan.Nung una, napanaginipan niya na kinasal sina Jason at Bonnie, ngunit pinatay ni Jason si Bonnie pagkatapos nito, kinuha ang mana at insurance money, at namuhay siya ng masaya at walang problema.Pagkatapos, dumating si Joshua at tinitigan siya nito mula sa taas, inuutusan ang isang tao na ipalaglag ang bata.Sa sumunod na panaginip niya, nabigo siya na iligtas si Nigel at pinanood niyang mamatay ito sa harap niya.Pagkatapos gumising mula sa huling masamang panaginip, hindi na makatulog si Luna, naramdaman niya na naman ang sakit ng pagbubuntis.Kumapit siya
Tumahimik ang buong kwarto.Kinuha ni Luna ang marriage certificate mula kay Gwen at binuklat niya ito ng ilang beses para lang masigurado na totoo ito.Matagal niya nang hula na interesado si Luke kay Gwen. Kung hindi, hindi pahahalagahan ni Luke si Gwen ng ganito, ngunit hindi niya inaasahan na gagamitin niya ito bilang kondisyon bago payagan na magpalaglag si Gwen.“Ginagamit ko lang ito para takutin siya.” Si Luke, na kanina pa tahimik, ay biglang tumayo at inagaw ang marriage certificate mula kay Luna. “Sinabi ko sa kanya na kung gusto niyang magpalaglag, ang tanging paraan na papayag ako ay kapag nagpakasal siya sa akin.”“Akala ko ay tatanggi siya, pero nagulat ako. Sa sobrang desperado niya na ipalaglag ang bata ay pumayag siya na magpakasal sa isang taong tulad ko.”Maingat na itinabi ni Luke ang marriage certificate at naglakad siya papunta sa pinto. “Mabuti na rin siguro ito, kapag namatay siya habang nagpapalaglag, at least may asawa siya na bibisita sa puntod niya.”
Tumango ang doctor at tumingin siya kay Luna. “Paano ang baby mo? Sigurado ka ba na ayaw mo rin magpalaglag?”Umiling si Luna. “Ang batang ito ang pinakamahalagang bagay para sa akin ngayon.”Pagkatapos sabihin ito ni Luna, biglang tumahimik ang buong kwarto, sa sobrang tahimik ay nakakabingi.Tumingin siya sa direksyon ng pinto at napagtanto niya na nakatayo si Joshua doon, nakatitig sa kanya ng may malamig na ekspresyon, may masamang ngiti sa kanyang mga labi.Naalala ni Luna ang sinabi ni Joshua sa kanya kagabi at agad siyang yumuko sa kahihiyan, hindi niya na alam ang susunod niyang sasabihin.Dinala ng doctor si Gwen sa operating room habang naghihintas si Luke sa labas sa isang sulok, may hawak na bouquet ng mga puting lily. Kakaiba na makita ang isang gangster na tulad ni Luke na may hawak na bouquet ng sariwang mga bulaklak.Gayunpaman, lumambot pa rin ang puso ni Luna nang makita niya ito.Maswerteng babae si Gwen. Kahit na nakasama niya ang isang masamang lalaki na tul