Sa sobrang gulat ni Luna ay halos mabitawan niya ang kanyang phone. Tinanong niya habang nanginginig ang buong katawan, “Kaya ngayon…”“Naghiwa-hiwalay kami.” Ang boses ni Theo ay medyo namamaos sa phone. “Kasama nila Zach at Yuri si Nellie, at nandito pa rin kami ni Neil, pero nagpapanggap kami na parang walang nangyari para hindi sila kumilos. Magpapadala ang tatay ko ng mga tao para makipagkita sa amin mamaya, at sabay sabay kaming aalis.”Nagbuntong hininga siya at nagpatuloy, “Hindi mo kailangan mag alala para sa amin. Natatakot ako na kapag sabay na umalis sina Neil at Nellie, makakakuha ito ng atensyon nila. Kung hindi, hindi ko sana sasabihin kay Neil na dito muna kami. Ang mga bata ang habol nila, pero ako hindi, sigurado ako na hindi nila ako susubukan na saktan, gusto lang kitang sabihan.”“Pinupuntirya na kami ni Alice ng walang takot sa kahihinatnan, kaya’t nag aalala ako an baka nasa panganib ka rin.”Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone at sinubukan niyang pigilan ang
“Kung kayang ipalaglag ni Gwen ang bata at makasama si Luke, kaya mo rin gawin ‘yun. Pwede mong ipalaglag ang anak ni Theo at sumama ka sa akin.”Humigpit ang kamao ni Luna sa galit at tumitig siya kay Joshua. “Mr. Lynch, klaro na ang sinabi ko. Ayaw kong pag usapan ang anak ko ng ganito. Kahit na sa tingin mo ay nagbibiro ka, hindi nakakatawa.”Tumaas ang mga kilay ni Joshua kay Luna. “Paano kung hindi ako nagbibiro?”Huminga ng malalim si Luna at sinabi niya, “Joshua, hindi ba’t parang sarili mo lang ang iniisip mo? Gusto ni Gwen na magpalaglag dahil ayaw niya ang anak ng ibang lalaki. Nagdesisyon siyang pakasalan si Luke dahil sa loob ng puso niya, mahal niya talaga si Luke.”“Bakit ko naman ipapalaglag ang anak ni Theo at sasama sayo? Sa tingin mo ba ay mahal kita?”Ngumisi si Joshua at sumagot siya ng patanong, “Hindi ba?”“Hindi!” Huminga ng malalim si Luna at tumingin siya sa oras. Tatlong oras na lang bago ang flight niya. “Joshua Lynch, sasabihin ko ito sayo ngayon: Hind
Tumingin ng masama si Luna kay Joshua at hindi niya na mapigilan ang galit niya. “Walang hiya ka!”“Tama na. ‘Wag mo na siyang guluhin.” Tumingin si Luke kay Joshua at dinagdag niya, “Ang rason kung bakit nandito ako ay para sabihin sayo na nandito si Alice. Nakatayo siya sa labas ng ward ni Gwen, gusto ka niyang makita. Sa sobrang ingay niya ay nagising si Gwen. Gawan mo ng solusyon ‘to.”Kumunot ang noo ni Joshua sa pagka irita. “Sige.” Pagkatapos, binitawan niya si Luna at umalis na siya ng hagdan.Pinanood ng dalawa na umalis si Joshua. Pagkatapos, nagkibit balikat si Luke at pinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa niya habang nakatingin kay Luna. “Mahal ka talaga niya. Kagabi, nung nalaman niya na buntis ka sa ibang lalaki, sa sobrang sama ng loob niya ay hinanap niya ako para uminom kami ng buong gabi.“Para naman sa sinabi niya sa pagpapalaglag… Sinasabi niya lang ‘yun dahil masama ang loob niya. Bakit mo siya sineseryoso? Hindi naman siya masama at walang puso.”Suminghal
Nagsimula nang maging balisa si Luna.Huminga siya ng malalim at sinubukan ulit niyang tawagan sina Theo at Nigel, ngunit walang sumasagot sa kanila.Sa huli, wala nang magawa si Luna kundi tawagan si Malcolm.“Hello?” Tumunog ang boses ni Malcolm mula sa phone, tila pagod.Sumimangot si Luna. “Malcolm, si Nigel…”“May emergency surgery si Nigel,” Parang pagod ang boses ni Malcolm. “Luna, hindi ko kaya ito. Hindi na rin ito kaya… ni Nigel.”Lumaki ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. “Ano… Anong ibig mong sabihin?”Nagbuntong hininga si Malcolm. Ang bawat salita na sinabi niya ay parang suntok sa puso ni Luna, “Lumalala ang kondisyon ni Nigel sa nakalipas na dalawang buwan. Sinabi niya sa akin na ‘wag ko daw ipaalam sayo, at inutos niya rin sa doctor na magsinungaling sayo, na sabihin na gumagaling na siya… Hindi mo ba napansin na hindi ka na niya masyadong tinatawagan?”Halos mabitawan ni Luna ang phone niya.Tama si Malcolm. Hindi na nga tinatawagan masyado ni Nigel s
Gulat na tumitig si Luna sa mukha ni Jason. “Sinasabi mo ba… na pinadala ka dito ni Joshua…?” Ang sinabi niya ng nakadiin ang mga ngipin.“Syempre.” Lumuhod si Jason at tumitig siya kay Luna. “Kung hindi dahil kay Mr. Lynch, paano lalagyan ng mga tauhan ni Luke ang inumin mo ng abortion pills? Kung hindi dahil kay Mr. Lynch, nakatayo pa ba ako dito sa harap mo ngayon?”Kumapit si Luna ng mahigpit sa damit niya, dahil sa kahinaan at pati sa kawalan ng pagasa. “Walang hiya… Alam niya ba…”“Alam ni Mr. Lynch na sa kanya ang bata, kaya’t sinabi niya na ipalaglag ang bata. Sinabi niya na kung gusto mong umalis ng Sea City, ayos lang, pero hindi kasama ang anak niya.”Parang matalim na kutsilyo ang mga salita ni Jason, tumusok ito sa puso ni Luna at nahati sa gitna.‘Joshua. Alam mo ba na dahil nakunan ako, mawawalan ka ng dalawang anak…?’Nigel...Walang tigil ang pagtulo ng luha sa mukha ni Luna, pumikit siya ng mahina. “Joshua Lynch… Hindi kita patatawarin dahil dito…”Naubos ang
Kapag namatay ang tatlong anak nila, hindi na posible na magkabalikan sina Luna at Joshua.Sa sandali na maisip niya ito, tumingala si Alice para tumitig sa kalangitan at tumawa siya na parang isang halimaw.Anim na taon.Anim na taon niyang binago ang sarili para maging si Luna Gibson, ngunit sa prosesong ito, parehong nakulong ang tatay niya at si Liam, habang si Richard at Yvonne ay mahirap na.Ginawa niya na ang lahat at naghirap pa ang mga Walter bilang resulta, ngunit sa huli, hindi niya pa rin nakuha si Joshua.Pagod na si Alice. Kahit na hindi sila nararapat ni Joshua para sa isa’t isa, gagamitin niya ang natitirang lakas niya para paghiwalayin sina Luna at Joshua!Habang iniisip ito, lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Joshua, sabihin mo nga, ano ba ang nagustuhan mo kay Luna Gibson? Minahal kita ng maraming taon, pero sa huli, ako ang taong kinamumuhian mo sa lahat. Sabihin mo nga, bakit ang tanga mo?”Tumigas ang buong katawan ni Joshua nang marinig niya ito. Tum
Patuloy sa pagtawa si Alice, kahit na tumitig sa kanya si Joshua na tila hindi makapaniwala. Tumitig si Joshua kay Alice at kinuha niya ang phone niya, inutos ng nanginginig na boses, “Lucas, hanapin mo agad si Luna, at tawagan mo ang mga nasa ibang bansa para tingnan sina Neil at Nellie! Dali!”Biglang nagring ang phone ni Alice.“Huli na ang lahat.” Ngumisi ng masama si Alice at pinakita niya ang phone niya kay Joshua. “Ibig sabihin ng tumatawag na ‘to ay nagtagumpay na ang plano ko.” Pagkatapos, sinagot niya ang tawag.Hindi marinig ni Joshua kung ano ang sinasabi ng tao sa phone, ngunit nakita niya na lumalaki lang ang ngiti ni Alice.Binaba niya ang phone call at hinagis ang phone sa sahig, muli niyang kinuha ang kutsilyo at tinutok ulit ito sa leeg niya. “Joshua Lynch, sa sobrang pagmamahal ko sayo ay ginawa kong halimaw ang sarili ko para sayo, pero hindi mo man lang pinahalagahan ang mga pagsisikap ko. Hindi mo binalik ang pagmamahal ko.”“Kahit ang kinalabasan ay hindi ko
Ang bata sa sinapupunan ni Luna ay sa kanya pala.Hindi pala niya nakasiping si Theo!Hindi makapaniwala si Joshua na nagawa siyang linlangin ni Alice para maniwala na ang ama ng anak ni Luna ay si Theo.Hinding-hindi mapapatawad ni Joshua ang sarili kung sakaling mawala ang hindi pa isinisilang na anak!Gabi na, kaya walang tao ang mga kalsada, bukod sa sasakyan ni Joshua. Humahagibis siya sa bukas na mga kalsada, patungo sa airport, na sinusundan ni Luke malapit sa likod.Nag-aalala si Luke kay Joshua kaya sumunod agad siya nang makitang palabas na ito ng ospital."Nabaliw na ang lalaking ito!" Itinapon ni Luke ang sigarilyo at inapakan ang pedal ng gas, sinusubukang maabutan si Joshua.Gayunpaman, gaano man kabilis ang takbo ng sasakyan niya, hindi niya magawang makasabay kay Joshua.Biglang nagring ang phone ni Joshua.Si Lucas iyon.Bahagyang pinabagal ni Joshua ang sasakyan at kinuha ang phone. "Kamusta sina Neil at Nellie?"Hininaan ni Lucas ang boses, “Nakuha ko nam