Semua Bab Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Bab 341 - Bab 350

3080 Bab

Kabanata 341

Naging tahimik ang kwarto.Tumingin ng malamig si Joshua kay Theo, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna.Sa huli, ngumisi siya ng malamig, “May ibang tao pa ba dito na pumapayag na ikaw ang boyfriend ni Luna?”Sumingkit si Theo, ngunit wala siyang sinabi.Sumimangot si Luna, tumingin siya ekspresyon ni Joshua na puno ng panunuya.Makalipas ang ilang sandali, ngumiti ng maliit si Luna. “Boyfriend ko nga talaga si Theo. Kung magpipilit si Mr. Lynch na sumama sa amin ng mga anak ko, isasama ko rin ang boyfriend ko. Hindi na rin masama ang magbakasyon ng magkakasama ang limang tao.”Gustong gamitin ni Luna ang paraan na ito para mapilitan na umatras si Joshua.Dahil alam niya na ayaw ni Joshua kay Theo, hindi sasama si Joshua kung kasama si Theo.Ngunit, sa hindi inaasahan...Sa sandali na bumuka ang bibig niya, sabay na sumagot ang dalawang lalaki.“Sige.”“Walang problema.”Nabigla si Luna.Napatingin siya kay Theo na nasa tabi niya, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua na
Baca selengkapnya

Kabanata 342

Sinubukan ni Theo na kumbinsihin ang sarili na walang nangyari sa kanilang dalawa.Pero ngayon…Nilapag niya sa mesa ang walang laman na baso, lumingon at bahagyang ngumiti kay Luna.”Bigla akong nag crave sa fried chicken, sasamahan ko na lang sila Neil at Nellie.”Kasabay nun, ngumiti siya ng pilit at tumalikod para umalis.Sa kalabog, muling isinara ang pinto.Napapikit si Luna sa desperasyon.Malamang iniisip ni Theo na siya ay isang madaling babae, bilang isang sinungaling.Ilang beses niyang binanggit noon na hindi siya interesado kay Joshua.Ngunit, ang hindi pagiging interesado sa kanya ay isang bagay.Ang pagliligtas kay Nigel ay isang ganap na naiibang bagay.Ngunit hindi niya masabi ang totoo sa lahat ng hindi nakakaunawa sa kanya."Sumama yata ang pakiramdam mo?"Biglang umalingawngaw ang boses ni Joshua sa tabi ng kanyang tainga, puno ng paghamak.Kumunot ang noo ni Luna.Sa sandaling dumilat siya, agad siyang idiniin ni Joshua sa upuan, nakasandal sa kanya,
Baca selengkapnya

Kabanata 343

Kinaumagahan, nakatanggap si Luna ng tawag mula kay Joshua pagkagising niya."Hinihintay ka ni Yuri sa ibaba, isang linggo tayo sa Sea City, mag-impake ka ng mga gamit mo."Tinapos ni Luna ang tawag sa frustration.Pagkababa ng phone niya, sinilip niya ang oras, 7am pa lang.Matagal siyang pinahirapan ni Joshua kagabi, paano pa siya naging masigla?Pagkatapos maghilamos, lumabas si Luna sa kwarto at nakita si Nellie at Neil na nakatayo sa sala at ang malaking maleta sa tabi nila.Nang makita siyang lumabas, nginitian siya ng dalawang bata. "Maligayang paglalakbay!"Natawa siya sa nakita at naglakad papunta sa kanila, binuksan ang maleta.Sa loob ay may pitong araw ng kanyang mga damit at pang-araw-araw na pangangailangan. Ang kanyang hindi natapos na mga drawings ay nakatiklop nang maayos sa bulsa sa gilid.Nang hindi man lang nag-iisip, alam niyang tiyak na gawa ito ni Nellie.Kahit maalalahanin si Neil, bata pa rin siya.Itinaas ni Luna ang kanyang kamay at ginulo ang buho
Baca selengkapnya

Kabanata 344

Ang pag-ibig at pagmamahal na naipon nitong mga nakaraang buwan ay nawala sa isang iglap.Mula sa simula hanggang sa huli, siya pa rin ang malamig at walang pakiramdam na si Joshua Lynch.Anim na taon na ang nakalilipas, sinasabihan siya nito nang mahinahon bago umalis para sa isang business trip, na sasamahan siya nito sa doktor pag-uwi.At pagkatapos ay pinapatay siya nang walang awa pagkabalik niya.Pagkalipas ng anim na taon, maaari pa rin niyang iparada ang kanyang pag-ibig sa kanyang asawa nang hiwalayan niya ito at pinaplano pa ang pagpatay sa kanya.Agad na nawala ang antok niya.Habang nakaupo si Luna sa kotse, ang pagdadaldal ni Yuri ay pumapasok sa kanyang kanang tainga at agad na lumalabas sa kaliwa.Ang malamig at walang emosyong mukha ni Joshua ang tanging nakita niya.Ang apat hanggang limang oras na byahe ay talagang naging mahaba.Ngunit sa kanyang halo-halong emosyon, nadama ni Luna na napakaikli ng byahe.Sa tanghali, wala na ang kotse sa expressway at papu
Baca selengkapnya

Kabanata 345

Walang pakialam na tumingin si Joshua kay Alice, walang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata, "Nandito ako dahil sa business."“Ah ganoon pala. “Hindi naman mukhang bigo si Alice, sa halip, bahagya siyang ngumiti. “Pagkakataon nga naman, dito rin ako sa hotel na ito tumutuloy. Kapag umuwi na kayo, pwede ba akong sumabay sa biyahe?"Bahagyang dumampi ang mga mata ni Joshua sa kanyang mukha. "Maaari kitang padalhan ng kotse para ihatid ka pauwi."Napatingin siya kay Luna. “Tara na.”Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang paa at umalis na.Kumunot ang noo ni Luna at gusto siyang sundan, ngunit hinarangan siya ni Alice.Tumingin siya kay Luna at ngumuso, "Umalis na lang kayo basta ni Joshua...Sabihin mo, sa tingin mo ba ay ligtas ang dalawang bata nang walang proteksyon?"Lumingon si Luna at walang emosyong tumingin sa kanya at tumawa, "Hindi mo ba nakita ang nangyari kay Hailey Walter?"Tiningnan niya ang maputlang mukha ni Alice, natatawa ng mahina, “Ibinalita na ni Joshua na hih
Baca selengkapnya

Kabanata 346

“Mukhang mataas ang posisyon ni Ms. Luna, dahil lagi kang dinadala ni Mr. Lynch sa lahat ng pinupuntahan niya.”Biglang napunta ang usapan kay Luna, umubo siya ng mahina, “Gusto lang ako ipakita sa iba ni Mr. Lynch.”“Isa siyang designer.”Ang sabi ni Joshua habang kumakain siya ng elegante, “Sa larangan ng jewelry design, mataas talaga ang posisyon niya.”Ngumiti si Hailey. “Madali talaga makasundo ang mga mahuhusay.”Pagkatapos, sinuri niya si Luna mula ulo hanggang paa. “Kapag may pagkakataon, ipapakilala ko ang designer namin kay Ms. Luna, para makapag usap sila at magbigay ng opinyon sa isa’t isa.”Sumimangot si Luna at magsasalita na sana siya nang mapansin niya ang pagkamuhi sa mga mata ni Hailey.Nanginig si Luna dahil sa kasamaan sa mga mata nito.Kung tama ang pagkakaalala niya, ito ang unang pagkakakilala niya kay Hailey bilang si Luna.Bakit may malakas na poot ito sa kanya?Mas malakas pa ang poot ni Hailey kaysa sa pinakita niya noong gumawa siya ng gulo sa wedd
Baca selengkapnya

Kabanata 347

Narinig ang tunog ng sampal ni Gwen sa buong banquet hall.Hinawakan ni Luna ang mukha niya sa gulat, tumingin siya kay Gwen.Humalukipkip si Gwen at suminghal siya ng malamig, “Sino ang mag aakala na pupunta ka pa rin dito!”Tumingin siya ng malupit kay Luna, puno ng kayabangan ang mga mata. “Sa Banyan CIty, inakit mo ang asawa ng ibang babae, sinira ang kasal nila hanggang sa madivorce sila, at ngayon ipinagmamalaki mo ang mga pangil mo dito sa Sea City!”Malakas at maingay ang boses ni Gwen, nakuha nito ang atensyon ng lahat ng nasa paligid nila, pumalibot ang mga ito sa kanila.Habang lumalaki ang madla, naging mas agresibo rin si Gwen. “At ang lakas ng loob mong pumunta dito? Alam mo ba na mula sa Sea City si Alice, sinusuportahan siya ng mga tao mula sa Sea City!”Kahit na kilala si Joshua sa Banyan City, sa Sea City, hindi siya masyadong kilala ng mga tao.Wala masyadong nakakita ng balita, ngunit nang marinig nila ang mga salita ni Gwen, lumaki ang pag uusap ng mga madla
Baca selengkapnya

Kabanata 348

“Kasal pa rin sila, at kahit na divorce na sila, wala ka pa ring pagasa!”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya at sumenyas siya sa security guard. “Palabasin niyo siya dito!”“Sandali lang.”Pagkatapos mag salita ni Gwen, tumawa ng malamig si Luna.Tumingin siya kay Gwen. “Ayon sa mga patakaran, tama ka, hindi dapat ako nandito dahil wala sa guestlist ang pangalan ko. Pero Ms. Larson, ginawa ng pamilya Walter ang piging na ito. Parte ka ba ng pamilya Walter?”Napatahimik si Gwen.Nagpatuloy si Luna. “Kahit na palabasin ako dito, dapat ay gawa ito ng mga Walters, hindi ba?”Naging pangit ang ekspresyon ni Gwen.Sa mga sandaling ito, lumapit sina Hailey at Alice.Agad silang napansin ni Gwen, lumapit siya dito at hinawakan ang kamay ni Hailey, “Miss Walter, pumasok ang babaeng ito sa piging ng walang imbitasyon!”Napahinto si Hailey.Sa tabi niya, napahinto rin si Alice.Habang may suot na light purple gown, tumingin si Alice at nagpanggap na gulat ang ekspresyon niya. “Ms.
Baca selengkapnya

Kabanata 349

Sumimangot si Luna at tumalikod siya.Sa likod niya, may matandang lalaking nakatayo, sinusuportahan ang sarili niya gamit ang tungkod, nakatitig kay Luna ng masama.Sa tabi niya, nakatayo si Joshua, walang ekspresyon sa kanyang mukha.Ang matandang lalaki ang nagsalita.Siya ang awtoridad sa pamilya Walter, ang tatay ni Hailey, si Dennis Walter.Nang makita ni Luna na tumalikod si Luna, suminghal ng malamig si Dennis, “Sa loob ng higit sa 50 taon ng buhay ko, ito ang unang beses na may taong pinahiya ang pamilya Walter sa isang piging na hinanda namin!”Ngumiti si Luna.Tumingin siya ng walang takot kay old Mr. Walter. “Mr. Walter, nakita niyo lang po kung paano ko pinahiya ang pamilya niyo, pero nakita niyo ba kung paano ako pinahiya ng pamilya niyo?”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya at tumuro siya sa guestlist na ginamit ni Gwen para ipahiya siya. “Nitong hapon, personal po na hiningi ni Ms. Walter ang pangalan ko, at binigyan niya ako ng invitation card. Pumunta po ak
Baca selengkapnya

Kabanata 350

Habang nagsasalita siya, ngumiti pa siya at tumingin kay Luna. “Ms. Luna, ito ay isang piging na inihanda namin para kay Mr. Lynch, ayaw mo naman masira ito sa isang maliit na hindi pagkakasundo na tulad nito, hindi ba?”Sumingkit si Luna.Binitawan niya ang kamay ni Joshua at tumingin siya ng walang ekspresyon kay Dennis. “Ako po ba ang sumira nito, o ang pagpapahiya ng pamilya niyo ang sumira nito?”May lumabas na bahid ng kasamaan sa mga mata ng matandang lalaki dahil sa pag uugali ni Luna.Huminga ng malalim si Dennis, ngumiti siya ng peke at sinabi niya, “Dahil parehong mahalaga para kay Ms. Luna at Mr. Lynch ang isyu na ito, ako na ang gagawa ng solusyon!”Pagkatapos, tumingin si Dennis kay Hailey. “Hailey, nung tinapos mo ba ang guest list, sinama mo ang pangalan ni Ms. Luna?”Ngumiti at tumango si Hailey. “PInasa ko ito kay Mr. Walter nang matapos ko ito.”Agad na hinanap ang butler na si Mr. Walter at dinala ito sa hall.Pagkatapos alamin ang sitwasyon, tumawa siya ng
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
3334353637
...
308
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status