Tumawa lang si Luna sa pekeng paghingi ng tawad.Pagkatapos huminga ng malalim, tumingin siya sa butler, si Mr. Walter. “Sinasabi niyo na kilala niyo lang si Mrs. Lynch na dating si Luna Gibson, at hindi niyo alam na may babaeng may pangalan na Luna sa mundong ito, tama ba?”Sumimangot ang butler at nanatili itong tahimik.“Syempre hindi niya alam!” Tumawa ng malamig si Dennis. “Kung alam niya na magkaibang tao si Ms. Luna at si Luna Gibson at sadya niya itong ginawa, ibig sabihin ay intensyon niya na gumawa ng gulo para sayo.”“Higit sa 20 taon nang nagtatrabaho para sa amin si Mr. Walter. Alam niya na hindi dapat gawin ang ganito.”“Ganun po ba.” Huminga ng malalim si Luna at palihim niyang pinindot ang button sa necklace niya.Pagkatapos ang mahinang beep, tumawa siya ng mahina at nagpatuloy, “Ayon kay old Mr. Walter, kung alam ng butler na ako at si Luna Gibson ay dalawang magkaibang indibidwal, ibig sabihin ay sinasadya niya ang lahat ng ito, tama ba?”Namutla ang butler da
Huminga ng malalim si Luna at tumingin siya sa email na sinend ni Nigel sa phone niya.Pagkatapos pindutin ang button sa necklace niya, narinig ni Nigel ang buong pag uusap nila.Nagsend ng ebidensya ang batang lalaki sa kanya.Eleganteng naglakad si Luna at tumayo siya sa gitna ng madla. “Mr. Walter, pwede ko bang mahirap ang projector niyo?”Makalipas ang limang minuto, kinabit ni Luna ang kanyang phone sa projector at binuksan niya ang isang dokumento.“Ito ang mga statistics ng grupo ng mga netizen na pinapagalitan ako sa Banyan City. Ayon sa IP address ng pinanggalingan nito, ang mga netizen ay mula sa isang internet company mula sa ibang bansa, at ang legal na may ari ng kumpanyang ito ay ang butler.”Biglang nagkagulo ang mga tao sa paligid.Gulat na tumingin ang butler kay Dennis. Samantala, palihim na tumuro ang butler sa direksyon ni Alice at nanatili siyang tahimik.Nilagay ni Dennis ang mukha niya sa kanyang mga kamay.Ginawa nila Alice at ng butler ang mga ito ng
Hindi isang simple at inosenteng lalaki ang matandang butler.Bumagsak ang mukha ng butler nang marinig niya ang mga salita ni Alice. “Ms. Gibson, hindi ko ginawa ito para sayo. Ginawa ko ito para sa anak ko, si Yvonne! Isa siyang mabuting kaibigan sayo, at kung malungkot ka dahil sa babaeng ito, malungkot rin siya.”“Bilang ang tatay niya, natural lang na ayaw ko makita ang anak ko na malungkot araw araw! Bukod pa doon…”Tumingin siya ng malupit kay Luna, may malamig na ngiti na namuo sa kanyang mga labi. “Ginamit ng babaeng ito ang trabaho bilang dahilan para mapunta sa tabi ni Mr. Lynch, pero sa katotohanan, masama ang intensyon niya kay Mr. Lynch! Bakit hindi ko ibubunyag ang mga kilos ng isang babae na sadyang inaakit ang isang lalaking kasal na, para ipakita sa mundo kung gaano kasama siya?Ang pagkamuhi sa mga mata habang sinabi niya ito ay higit pa sa pagkamuhi para sa isang kabit.Bahagyang sumingkit si Luna.Makalipas ang ilang saglit, ngumiti siya at tumawa ng malamig.
Tumingin si Joshua kay Luna. “Sa kanya ka dapat humingi ng tawad.”Napahinto ang butler, pagkatapos ay lumapit siya ng nagdadalawang isip kay Luna. “Ms. Luna, pa—”“Hindi ko kailangan ang paghingi mo ng tawad.” Tumingala ng mapagmataas si Luna habang nakatingin siya ng malamig sa tusong mukha ng butler. “Ang lakas ng loob mo na ikalat ang masamang balita sa akin, ang paninira mo, ang pag insulto mo, lahat ng ito ay desisyon mo?”“Syempre.” Tumingin ang butler kay Luna. “Maliban sa akin at sa anak ko, may iba pa bang tao?”Tumawa ng malamig si Luna at hindi niya na sinagot ang tanong at hindi niya tinanggap ang paghingi ng tawad. Tumingin siya kay Joshua, na nakatayo sa malayo habang hawak nito si Alice. “Kung nagdesisyon si Mr. Lynch na hayaan na lang ito, wala nang punto na ituloy ko ito.”“Hindi maganda ang pakiramdam ko. Kalimutan niyo na lang na pumunta ako sa piging na ito.”Pagkatapos, hindi niya pinansin ang reaksyon ng madla sa likod niya at umalis na siya ng hall.Hindi
Nagpatuloy ang piging hanggang madaling araw.Hindi ito ang unang pagpunta ni Joshua sa Sea City, pero para sa isang hindi malaman na rason, masigla at mainit ang pagtanggap sa kanya. Pumila sila para tagayan si Joshua, habang inuubos ang sunod sunod na baso...Sa huli, halos mawalan na siya ng malay, wala siyang tigil sa pagsabi ng pangalan ni Luna Gibson, at dinala siya ni Lucas papunta sa hotel.“Ako na ang bahala sa kanya.” Dinala siya ni Lucas sa kwarto niya. Sa kasunod sa likod niya, sinabi ni Alice ng mahina, “Salamat sa trabaho mo.”Habang nakahiga si Joshua sa kama, sumimangot si Lucas. “Ma’am, bakit hindi na lang po ako ang mag alaga kay Mr. Lynch? Sa anim na taon na wala po kayo, inalagaan ko po siya tuwing lasing siya. ‘Wag po kayong mag alala, magpahinga na rin po kayo.”Nakatayo siya at pumunta siya sa banyo para kumuha ng twalya, balak niyang punasan ang mukha ni Joshua.Sa sandali na binuksan niya ang gripo, may kamay na humawak sa kamay niya.Ngumiti si Alice at
Sa kabilang linya ng phone, mabait at mahinay ang boses ni Nigel, “Mag usap na lang po tayo kapag may oras po kayo!”Pagkatapos, binaba ng batang lalaki ang phone.Walang magawa si Luna kundi pumunta ng pinto at buksan ito.Sa sandali na bumukas ang pinto, agad na naglakad ang lalaki, at amoy alak ang katawan niya. Sa lasing na kalagayan, humiga siya sa kama ni Luna. “Honey, gusto ko ng tubig…”Tumigas ang katawan ni Luna dahil sa pagtawag sa kanya ni Joshua. Hindi pa siya… tinawag na Honey ni Joshua dati.Ang marinig ito ay isa sa mga pangarap na sinulat niya sa kanyang diary. At ngayon, natupad ang pangarap niya makalipas ang anim na taon habang lasing si Joshua.“Gusto ko ng tubig…” Habang nakahiga sa kama, bumuka ang bibig ng lalaki at humiling ulit ito. Walang magawa si Luna kundi isara ang pinto at ipagsalin ng tubig si Joshua.May hawak siya na isang baso ng tubig at lumapit siya ng mabagal kay Joshua. “Heto, uminom ka.”Tumango si Joshua, umupo ng masunurin, sumandal sa
Mahabang mahaba na panahon na niyakap ni Joshua si Luna.Halos makatulog na si Joshua sa kama habang yakap si Luna, ngunit naalala niya na hindi niya ito kwarto. Pagkatapos humiga ng mahabang panahon, tumayo siya ng nanginginig at balak niyang bumalik sa kanyang kwarto.Tumingin si Luna sa hindi matatag na paa ni Joshua at humina ang paninindigan niya.Huminga siya ng malalim, isinandal ang bigat ni Joshua sa balikat niya , at mabagal na naglakad palabas ng kwarto. Ang pinto sa kabilang kwarto ay nakabukas pa rin.Nagbuntong hininga si Luna. Nakalimutan siguro ni Joshua na isara ang pinto noong umalis siya.Tinulungan niya si Joshua papunta ng kwarto nito. Sinara niya ang pinto, tumalikod, at kumuha ng isang baso ng tubig. Habang sinusuri ang kondisyon ni Joshua, umalis siguro ng kwarto si Joshua dahil hindi ito makahanap ng tubig sa kwarto nito.Naglagay siya ng baso ng tubig sa mesa, nilagyan niya ng kumot si Joshua at tumalikod siya para umalis.Bago pa siya makalayo, hinila
...Nung gabing ‘yun, may mahabang panaginip si Joshua, isang makatotohanan na panaginip na bumalik sa kanya si Luna Gibson. Pinainom siya nito ng tubig habang tinawag niya ito na Honey.Sila pa ay...Sa panaginip niya, tinawag niya si Luna Gibson, at sinagot pa siya nito. Hindi ang awkward at hindi natural na sagot ni Alice, sa halip ay isang natural at maayos na sagot.Pumikit ang lalaki at pinag isipan niya ito ng matagal.Kung… naging totoo lang sana ang panaginip.Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang mata niya at nakita niya ang magandang dekorasyon ng kwarto ng hotel. Ngunit, hindi lang siya ang natutulog sa malaki at malambot na kama. Nandoon din… si Alice, na nakasuot lamang ng underwear.Nakahiga ito sa braso niya na parang isang kuting.Sa sahig malapit sa kama, may mga gamit na tissue at ang kanilang mga damit.Kinurot ni Joshua ang noo niya. Nang makita niya mga nasa paligid niya, imposible para sa kanya na hindi malaman ang mga nangyari.Totoo ba ang lahat ng
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya