Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2581 - Kabanata 2590

3080 Kabanata

Kabanata 2581

Ang puting pang itaas at light green na palda ay nakadagdag lang sa ganda ni Yannie. Parang isa siyang diwata na galing sa gubat. Dahil maraming taon na siyang nasa entertainment industry, marami nang nakita si Thomas na magandang mga babae, ngunit sa sandaling ito, nabighani siya sa kagandahan ni Yannie. Tahimik siya ng ilang sandali bago siya tumingin palayo, umubo siya ng mahina. “Hindi ko alam kung sino ang tunay na nanay ni Riley, pero simula sa araw na ito, ikaw na ang nanay niya.” Sa sandali na sinabi ni Thomas kay Wendy na ang anak ni Yannie ay anak niya rin, plano niya nang gawin na nanay ni Riley si Yannie. Kahit na hindi niya pa binisita si Riley sa nakalipas na buwan, alam niya na madalas na binisita ni Yannie si Riley, kaya’t naglagay siya ng camera kay Yannie, gusto niyang makita ang anak niya gamit si Yannie. Sa ganun, pwede niyang makita sa camera si Yannie at hindi niya makukuha ang atensyon ni Joshua. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na mamahalin ni Yannie
Magbasa pa

Kabanata 2582

Huminto ng ilang sandali si Thomas. Pagkatapos, tumaas ang mga kilay niya at tumingin siya kay Yannie. “Ano? Sinusubukan mo ba akong imbestigahan? Nahulog ka na ba para sa akin?” Pagkatapos, umupo siya ng mas komportable, humalukipkip siya at sumandal siya sa pinto. Tumingin siya ng malalim kay Yannie at ngumiti siya. “Kapag nangako ka ngayon na ikaw ang magiging nanay ni Riley, pwede ko sabihin sayo kung ilang babae na ang nakasama ko.” Walang may alam na sa isang gabing ‘yun sa ibang bansa, ito rin ang unang beses ni Thomas—hindi lang sa babaeng yun. Syempre, hindi niya ito sasabihin kay Yannie bago pumayag si Yannie na maging nanay ni Riley. Tutal, naisiip niya na kapag hindi pumayag si Yannie na maging kasintahan niya, kapag sinabi niya ito kay Yannie, baka gamitin lang ito laban sa kanya. Gayunpaman, iba ang pagka intindi ni Yannie sa mga sinabi ni Thomas. Kinagat niya ang labi niya, at tumitig siya sa nakangiting Thomas, medyo kumalma na siya. Ginagamit ba ni Thomas ang
Magbasa pa

Kabanata 2583

Tila nanginginig ang pandinig ni Yannie habang nakatitig siya kay Thomas. Paano nangyari ‘yun? Kinagat niya ang labi niya at kinuha niya ang phone niya na parang isang baliw. Tama nga, kahit na tapos na ang live stream, may mga screenshot at mga komento ng tungkol sa live stream. Ang trending topics sa social media ay tungkol sa kanya, kay Thomas, at kay Wendy. Ang lahat ng nakikita at binabasa niya ay parang isang kidlat na tumama sa kanya, sa punto na hindi siya makagalaw. Akala niya ay sinesetup lang siya ni Wendy, sinisiraan siya sa pag akit kay Thomas, kaya’t hindi natakot si Yannie. Akala niya ay basta’t sumunod siya sa pagpapanggap ni Thomas, mabubunyag niya si Wendy para sa setup nito. Gayunpaman, nang basahin niya ang pag uusap ng internet tungkol sa kanila, gustong mamatay ni Yannie. “Hindi ngayon ang oras para malungkot.” Tila nabasa ni Thomas ang iniisip ni Yannie, ngumiti siya at lumapit siya dito. Tinaas niya ang kamay niya at niyakap niya ang mga balikat
Magbasa pa

Kabanata 2584

Dumating na sina Thomas at Yannie sa hospital, pinalibutan sila ng mga camera ng mga reporter. Lumabas sila ng elevator para makita si Luna, na siyang nakatayo sa harap ng pinto ng ICU ward, pati na rin si Gwen, na siyang nakaupo sa wheelchair sa tabi nito. Walang plano si Luna para bisitahin si Riley sa araw na ito. Isang buwan na ang nakalipas, dinala sa hospital si Riley, binisita ni Luna si Riley tuwing tatlong araw dahil sa payo ng doctor. Ang araw na ito ay ang pangalawang araw pa lang simula nang huling bisita ni Luna kay Riley. Noong una ay ayaw niyang pumunta, ngunit pagkatapos makita ni Gwen ang live stream nila Thomas at Yannie at narinig na anak nila si Riley, pinilit ni Gwen na puntahan nila si Riley. Hindi pa maganda ang kalusugan ni Gwen, masama pa rin ang kalagayan niya dahil kay Luke, kaya sumuko na si Luna at pinuntahan nila si Riley. Hindi nila inaasahan na makakasalubong nila sina Thomas at Yannie habang paalis sila… pati na rin ang grupo ng mga reporter.
Magbasa pa

Kabanata 2585

Alam ni Joshua na si Riley ay ang anak ni Thomas. Alam ni Joshua na hindi madali para sa isang tao na tulad ni Thomas na pumasok sa ICU, ngunit tumanggi pa rin siya na ilipat si Riley sa isang normal na ward. Dahil natatakot sila na bisitahin ni Thomas si Riley, nagdesisyon si Thomas na magdala ng maraming tao. Ang isa ay para malaman ng lahat na si Riley ay anak nila ni Yannie, para mapressure si Joshua para mabilis nang ibalik nila Joshua at Luna si Riley sa kanila. Pangalawa, ay para sabihin kay Joshua na alam niya na ang mga pakana nito. Gayunpaman, dahil sa mga sinabi ni Thomas, mas lalong nakumbinsi si Luna na hindi maayos na tatay si Thomas para kay Riley. Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Ako ang nagsabi na hindi siya pwedeng ilipat. Hindi pa matatag ang kalagayan ng bata. Kahit na gumaling na siya sa nakalipas na buwan, kapag bumalik ang sakit niya habang nasa general ward, dapat ulit siyang dalhin sa ICU, kaya nagdesisyon ako na huwag siyang pahirapan.” Ngumisi si
Magbasa pa

Kabanata 2586

Ngumisi si Thomas nang marinig niya ang mga sinabi ni Gwen. “Walang hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin.” Pagkatapos ng ginawa nila Joshua at Luna kay Riley, ano ang hindi pagkakaunawaan? Sa simula pa lang, nawala nila Joshua at Luna ang anak nila, kaya sinadya nilang kumuha ng ibang sanggol mula sa hospital at nagpanggap sila na sa kanila ito. Ang sanggol na ito ay si Riley! Hindi sana sila kinamuhian ni Thomas kung trinato nila si Riley na parang anak nila ito, pero ano ang nangyari? Nabigo sila na protektahan si Riley. Kinuha ni Malcolm si Riley mula sa kanila, at halos namatay si Riley dahil kay Quentin! Sa huli, nakulong si Quentin, at muling naibalik si Riley kela Joshua at Luna. Gayunpaman, hindi nila naramdaman ang pagmamahal kay Riley nang bumalik ito sa kanila. Patuloy pa rin sila sa paghahanap sa tunay na anak nila at hindi nila naalagaan ng maayos si Riley Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana mapupunta sa masamang kalagayan si Riley! Sina Joshua at Luna ang da
Magbasa pa

Kabanata 2587

Kumunot ang noo ni Gwen habang nakatitig siya kay Thomas, tila hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Thomas. “Nagkakamali ka. Nandito kami dahil sa live stream niyo ni Yannie, pero…” Ngumiti siya. “Nandito si Luna, hindi dahil sa gusto niya kayong pigilan ni Yannie na kunin si Riley. Nandito siya dahil gusto kong bisitahin si Riley.” Nakatingin ang mga mata niya ng malalim sa lalaking nasa harap niya at sinabi niya, “Masyado akong naiinip sa hospital, kaya naisip ko na bisitahin ang anak niyo ni Yannie.” Pagkatapos, tumingin siya kela Yannie at Thomas. “Oo nga pala, kamukha nga talaga kayo ni Riley.” Hindi komportable si Yannie sa komentong ito. Sinubukan niyang pigilan ang sarili niya, ngunit sinabi niya ng mahina, “Ms. Gwen, sinabi ni Mr. Thomas na anak namin si Riley dahil gusto niyang patahimikin ang mga tao. May anak nga ako, pero… Basta, anak ni Mr. Thomas si Riley, hindi siya sa akin.” Nagkatinginan sina Luna at Gwen. ‘Paano nangyari ‘yun? May ana
Magbasa pa

Kabanata 2588

Kumunot ang noo ni Thomas nang marinig niya ang katanungan ni Yannie. Pagkatapos, tumahimik siya, ngunit hindi nagtagal bago siya lumingon at tumingin sa mukha ni Yannie. “Oo, hindi ko binisita si Riley sa nakalipas na buwan. Pero—” “Pero ginamit mo si Riley noong kailangan mo siya para mawala ang mga tsismis tungkol sa atin!” Sumingit ng malamig si Yannie kay Thomas, halata ang sama ng loob sa mukha niya. “Thomas Howard, hindi ko alam na ganitong klase ng tao ka pala. Akala ko ay ayaw mo lang sa akin at masama lang ang ugali mo sa akin. Sino ang mag aakala na walang puso ka rin pala sa anak mo!” Nilagpasan niya si Thomas at naglakad siya papunta sa ward ni Riley, naiwan si Thomas na nakatayo sa pwesto habang pinapanood si Yannie na maglakad palayo. Kumunot ang noo niya. ‘Pwede ba hintayin ng babaeng ito ang paliwanag ko? Pero…’ Ngumiti siya nang makita niya na balisa si Yannie habang papunta sa ward ni Riley. Noon pa lang, alam niya na gusto ni Yannie si Riley at madalas itong
Magbasa pa

Kabanata 2589

Ito ang rason kung bakit pinahahalagahan ni Yannie ang necklace. “May isang bagay sa loob nito.” Nilabas ni Thomas ng walang problema ang pinhole camera mula sa loob ng necklace. “Isa itong customized high-definition camera.” “Tuwing pumapasok ka sa ward, nakukuha ng camera ang lahat ng nakikita mo at ito ay may high-definition quality. Konektado ito sa Wi-Fi ng kwarto, at dahil konektado ang phone ko sa kamera na ito, nakikita ko ang lahat ng nakikita mo.” Nilabas niya ang phone niya at binuksan niya ang application. Totoo nga na makikita sa screen ang eksena kung saan nakaturo ang kamera. Nabigla si Yannie at lumaki ang mga mat aniya. “Ito ay…” “Totoo nga na hindi ako bumisita kay Riley, pero tuwing pumupunta ka, nalalaman ko. Sa tulong mo, nakikita ko rin si Riley.” Ang paliwanag ni Thomas. Kinagat ni Yannie ang labi niya nang marinig niya ito at kumunot ang noo niya. “Kaya hindi sa hindi mo binibisita si Riley, pero… nakikita mo siya dahil sa tulong ko.” Hindi niya ma
Magbasa pa

Kabanata 2590

Hindi naintindihan ni Yannie. “Ayon sa sinabi mo, ang tita mo, ang nanay ni Joshua, ay namatay pagkatapos ipanganak ni Joshua, at kinuha siya ng nanay mo pagkatapos. Paano naman nagkaroon ng koneksyon ang pagkamatay niya kay Joshua?” Nasa Banyan City lang dati si Joshua at hindi siya umalis dito. Samantala, ang pamilya ni Thomas ay nakatira sa Saigen City at Europa. Kung niligtas ng nanay ni Thomas ang nanay ni Joshua at dinala siya nito sa Saigen City… ibig sabihin ay walang pagkakataon si Joshua na makita ang nanay niya. Ang layo sa pagitan ng Saigen City at Banyan City ay higit pa sa ilang libong kilometro! Ngumisi si Thomas nang makita niya ang naguguluhan na itsura ni Yannie. “Mukhang hindi ka kasing tanga ng iniisip mo.” Huminga siya ng malalim at sinabi niya kay Yannie ang kwento tungkol sa nanay ni Joshua. Kambal sina Rianna at Eanne. Noong 20 taong gulang pa lang si Rianna, nakilala niya si Adrian, isang lalaking lapitin ng mga babae. Sa totoo lang, binago niya ang p
Magbasa pa
PREV
1
...
257258259260261
...
308
DMCA.com Protection Status