All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2381 - Chapter 2390

3080 Chapters

Kabanata 2381

Sa huli, ginamit lang siya ni Butler Fred noon. Simula nang sumama si Butler Fred sa pamilya nila, ginagamit na siya para sa pansariling kapakanan nito! Nabigla si Rosalyn sa punto na hindi siya makagalaw. Tumanggi siya na maniwala na ito nga talaga ang nangyayari. Hindi kaya’t… “Dahil alam niyo na ang katotohanan, wala nang punto na itago ito.” Ngumisi si Butler Fred, tumitig siya ng malamig bago niyang sinabi, “Isa kang tanga! Ikaw ang pinakamalaking tanga na nakilala ko! Naisip mo ba na isa kang santo? Ang totoo ay hindi; ikaw lang ang pinakamalungkot at tangang tao sa mundo! Sa tingin mo ba ay mahal ka ni Charles?” “Kung ganun, sasabihin ko sayo ito: pinili ka niya lang dahil nalaman niya na matagal nang nawalan ng interes sa kanya si Lucy, kaya’t tinanggap ka na niya, ang kapalit!” “Pati, sa tingin mo ba ay mahal ka rin ng anak mong si Luna at pumapanig siya sayo? Nagkakamali ka rin doon. Ang tanging mga mahal lang ni Luna ay ang asawa niyang si Joshua at ang mga bwisi
Read more

Kabanata 2382

Pumikit si Rosalyn at hinintay niya na mapuno ng sakit ang kanyang buong katawan. Narinig niya ang tunog ng patalim na tumusok sa balat, ngunit sa hindi malamang rason, hindi niya nararamdaman ang sakit na hinihintay niya. Napuno ng amoy ng dugo ang ilong niya. Kumunot ang noo niya at dumilat siya. May pamilyar na kamay na humawak sa patalim, ilang sentimetro lang ang layo nito sa muha niya, at lumaki ang mga mata niya dahil namukhaan niya ito. "Charles!" Ang lalaking nakahawak sa kutsilyo gamit ang kamay at pumigil sa pananakit kay Rosalyn, ay walang iba kundi si Charles, ang asawa ni Rosalyn at ang ulo ng pamilya Landry. TUmulo ang pulang dugo mula sa mga daliri ni Charles, tumulo ito sa mga binti ni Rosalyn. Makalipas ang ilang sandali, ang puting dress niya ay may pulang mantsa na. “Magpapatuloy ka pa rin ba sa panlalaban, Butler Fred?” Tumunog ang klarong boses ng isang lalaki pagkatapos ng gulat na sigaw ni Rosalyn. Ito ay si Jim. Lumingon si Rosalyn at tumi
Read more

Kabanata 2383

“Pero naisip mo ba na ang paggawa ng bitak sa pagitan namin ni Luna, pagkatapos ay sasabihin mo ang malungkot na kwento mo sa nanay ko, ay ang rason para makontrol mo ang lahat? Naisip mo ba na maloloko mo si Luna, ang magiging tagapagmana ng pamilya Landry, na manatili kayo dito kahit na may nagawa kayong mga krimen?” “Nagkakamali ka, hindi mo maloloko ang kahit sino dahil sa pagpapanggap mo.” Ngumisi si Jim at binitawan niya si Butler Fred, hinayaan niya ang mga katulong na lumapit sa eksena na hulihin si Butler Fred. “Hindi kami nag away ni Luna sa simula pa lang. Pero, ikaw naman…” “Sa sobrang sabik mo na gumawa ng bitak sa pagitan namin ay pinili mong isakripisyo si Sean at gumawa ka ng pekeng ebidensya na siya ang nagsabi kay Christopher na sirain ang kasal namin ni Bonnie, para lang mag away kaming dalawa ni Luna. Alam mo ba kung saan kayo nagkamali?” Tumingin siya ng malamig sa mukha ni Butler Fred, puno ng kamuhian ang mga mata niya at nagpatuloy siya, “Akala mo ay mat
Read more

Kabanata 2384

Napahinto sa paglalakad si Butler Fred nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumingin siya ng mapanglait sa mukha ni Luna. “Sa totoo lang, ang tatay mo, nanay mo, kapatid mo, at pati ang asawa mo ay mahusay. Ikaw lang ang tanga sa pamilya.” Ngumisi siya at nagpatuloy siya, “Sa tingin mo ba ay hindi ko napansin na kakaiba ang kilos mo noong araw na ‘yun? O naisip mo ba na sa warehouse ng nanay mo—na puno ng mga pinaka mapanganib na lason sa mundo—ay madali lang pasukin? Kung madali lang matalo si Mickey, maraming beses nang pinasok ang warehouse ngayon.” Hindi mapigilan ni Luna na humigpit ang kanyang mga kamao, dumiin ang mga kuko niya sa kanyang mga palad. “Pero tama ako, hindi ba? Magkasabwat kayo ni Charlotte, tama?” Ngumisi si Butler Fred. “Syempre. Kung hindi dahil sakin, paano malalaman ni Charlotte na ikaw ang pupuntiryahin, ang pinakamalaking tanga sa pamilya? Paano niya malalaman kung paano gamitin ang mga anak mo para takutin ka para makuha niya ang gusto niya?” T
Read more

Kabanata 2385

“Ang kakulangan mo sa kontrol sa sarili ang ang hindi mo pagtangi ang rason kaya’t napagtanto ko na hindi na ulit kita mapagkakatiwalaan.” Lumingon si Rosalyn at tumingin siya kay Joshua at sinabi niya, “Gagawin natin ang lahat para kolektahin ang lahat ng mga ebidensya ng krimen nila na meron tayo at dadalhin ito sa police station, kung saan ang kapalaran nila ay nasa palad na ng hustisya. Para naman sa paghihiganti sa pagkamatay ng lola mo…” Huminga ng malalim si Rosalyn. “Gamitin mo ang kahit anong paraan na gusto mo para maghiganti sa pagkamatay ng lola mo. Kahit anong gawin mo, hindi ako makikialam sa desisyon mo, pero…” Ngumisi siya. “Kung gusto mong makuha ang lason na ginamit sa pagkamatay ng lola mo, tutulungan kita.” “Salamat, nanay.” Ngumiti si Joshua nang marinig niya ito. Sa huli, tumingin siya sa mga papel sa mesa at kinuha niya ito. Habang binubuklat niya ang mga dokumento, tumingin siya kay Jim at sinabi niya, “Jim, nagtataka ako kung saan galit ang lahat ng i
Read more

Kabanata 2386

“Ang sinasabi mo ba ay…” Pagkatapos ng katahimikan, lumingon si Charles para tumitig sa mukha ni Jim. “Noong unang beses kang nagtrabaho para sa Landry Group, inuto ka nila Butler Fred at Mickey para magtaksil?” Kumunot ang noo niya at sinabi niya, “Pero kahit na pito o walong taon na ito, trinato ka pa rin namin ni Rosalyn ng mabuti, hindi ba, Jim? Kung ganun, paano ka mauuto ni Butler Fred para pagtaksilan mo ang pamilya natin? Bukod pa dito, kahit na nagtagumpay siya na utuin ka na gawin ang lahat ng ito, ano ang nangyari pagkatapos?” Tinaas ni Charles ang kamay niya at inagaw niya ang mga dokumento na hawak ni Jim. May bahid ng galit sa malaki niyang mga mata habang tumingin siya ng masama kau Jim. “Ang lahat ng mga papeles na ito ay nagpapakita na ang mga kumpanya ay nasa ilalim pa rin ng pangalan mo hanggang ngayon. Hindi lang ‘yun, mas lumalago pa sila sa bawat araw na lumipas!” “Naiintindihan namin ni Rosalyn kapag sinabi mo na inuto ka at hindi mo alam ang ginagawa mo da
Read more

Kabanata 2387

Kumunot ang noo ni Butler Fred sa pagkalito, halata na hindi rin siya sigurado kung ano ang gagawin ni Mickey. “Ikaw…” “Hindi ko alam na ikaw ang pumatay sa nanay ko.” Lumingon si Mickey para tumingin ng may ekspresyon na puno ng paghihiganti sa mukha ng tatay niya. “Lagi mong sinasabi sa akin dati na namatay sina lolo, lola, at nanay sa isang sunog.” “Sinabi mo na namatay sila dahil wala silang alam sa fire safety at sinabi mo pa sa akin na ang rason kung bakit nakaligtas ako ay dahil sinasadya nila tayong palayasin sa barbecue party nila.” “Tuwing naiisip ko ang nanay ko at ibang kamag anak ko, napupuno ako ng galit at pagkamuhi. Maraming taon ang lumipas na naisip ko na nararapat lang na namatay sila dahil sa katangahan at kayabangan nila… hanggang sa araw na ito.” Ang malamig na titig niya ay puno ng kamuhian. “Nang mabunyag lang ni Joshua ang katotohanan tungkol sa nakaraan mo, doon ko lang natuklasan… hindi lang sa pinatay mo ang nanay, lolo, at lola, binago mo pa ang kat
Read more

Kabanata 2388

“Kasi…” Lumingon si Jim para tumingin kay Charles. “Napagtanto ko na kahit na maliit ang mga kumpanya na pagmamay ari ko sa labas ng Landry Group, mataas ang kinikita nito para sa akin.” “Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa sa paggawa ng sarili kong karera habang tinutulungan kong patakbuhin ang Landry Group.” Sumingkit ang mga mata ni Charles at ngumisi siya nang marinig niya ito. “At bakit naman? Naisip mo ba na hindi na sapat sayo ang Landry Group?” “Hindi naman.” Sumandal si Jim sa upuan at nagpaliwanag siya, “Alam ko lang kung saan ako nakatayo. Kahit na trinato ako ni nanay na para bang tunay na anak niya ako, alam ko na hindi pa rin ako ang tunay na anak niya, at wala akong karapatan na manahin ang Landry Group. Kaya naman, kahit anong pagsisikap na gawin ko, hindi ito mapupunta sa akin.” Ngumiti siya ng mapait. “Noong una, akala ko ay anak niyo si Heather, pero sa kasamaang palad, hindi niya kayang patakbuhin ang Landry Group, kaya’t nanatili ako para patakbuhin
Read more

Kabanata 2389

Nabigla rin si Luna sa biglang rebelasyon na ito. Hindi niya inaasahan na maraming tinatago si Jim mula sa kanila. Kaya pala noong maraming pinagdadaanan ang pamilya Landry, kampante na sinabi ni Jim na kapag nalugi sila, masusuportahan sila nito. Matagal nang pinaghahandaan ni Jim ang sandaling ito. “Hindi ibinunyag ni Jim ang mga asset niya dahil tayo ang iniisip niya…” Ang sabi ni Rosalyn, nagbuntong hininga siya at yumuko siya habang nagpatuloy siya sa pagbalot ng gasa sa sugat ni Charles. “Ito ang rason kung bakit pinagsamantalahan ni Butler Fred ang sitwasyon at kinolekta niya ang napakaraming ebidensya na naging rason kung bakit naisip natin na pinagtaksilan tayo ni Jim…” Nagbuntong hininga siya at lumingon siya para tumingin kay Jim ng may magaan na loob. “Hindi mo ako nabigo, mahal kong anak.” Napuno ng ginhawa ang puso ni Jim nang marinig niya ito. Tinawag siya… ni Rosalyn na isang mahal na anak. Ibig bang sabihin nito ay… hindi lang sa pinagbigyan siya ni Ros
Read more

Kabanata 2390

“Nanay, hindi niyo po kailangan sisihin ang sarili niyo sa nangyari kay Bonnie.” Sumingit si Jim bago pa matapos sa pagsasalita si Rosalyn. Malayo ang tingin ni Jim habang nagpatuloy siya, “Alam ko na kayo po ang gumawa ng lason kaya’t nasa isang coma si Bonnie.” “Kahapon… palihim ko pong binisita si Nikki sa police station, at ibinunyag na na ang nanay kong si Lucy ay binalak na gamitin ang lason na ito para magpakamatay.” “Paglabas ko ng police station, inimbestigahan ko ang clinic kung saan nakuha ni Lucy ang lason, at natuklasan ko na… ang doctor na nagbigay sa kanya ng gamot ay isang kaibigan niyo.” Lumingon siya para tumitig kay Rosalyn. “Kayo po ang gumawa ng gamot na ito, hindi ba, nanay?” Tumawa siya ng mapait at idinagdag niya, “Hindi nakapagtataka. Sino pa ba sa Merchant City ang kayang gumawa ng malakas at nakamamatay na lason maliban sayo, nanay?” “Pero, walang po kayong ideya na hiningi ng doctor ang lason na ito mula sayo para kay Lucy, at hindi niyo alam na
Read more
PREV
1
...
237238239240241
...
308
DMCA.com Protection Status