Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1441 - Kabanata 1450

3080 Kabanata

Kabanata 1441

“Paano naging hindi nila anak si Aura?” Sumingit si Heather sa sandali na sinabi ‘yun ni Jim. Lumingon siya para tumingin ng masama kay Jim at galit niyang sinabi, “Noong hinanap tayo ni Aura, ang lahat ng ebidensya ay nagpakita na siya ang anak ng ni nanay at tatay na nawala sa Sea City! Pati, sumailalim din sila sa DNA test!” “Nakalagay sa mga resulta na ang DNA ni Aura ay tugma kela nanay at tatay, ibig sabihin ay magkadugo sila!” Pagkatapos, pinunasan ni Heather ang mga luha sa mukha niya at umiyak ulit siya ng malakas. “Jim, anong ibig sabihin mo dito? Kinukwestion mo ba ang palagay nila nanay at tatay, o kinukwestion mo ang pagiging totoo ng DNA test?” “Matagal nang pumanaw si Aura, pero bigla mong sinasabi na hindi siya ang anak nila nanay at tatay… Ano ba ang binabalak mo?” Sumingkit ang mga mata ni Jim nang marinig niya ito, lumingon siya at tumingin siya kay Charles. “Tatay, sa tingin niyo ba ay ang malupit na babaeng ‘yun, ang babae na bumalik ng Banyan City para p
Magbasa pa

Kabanata 1442

“Anong nangyari kay Mrs. Landry?” Ang tanong ni Joshua habang hinatid niya sina Christopher at Jim pauwi, tumingin siya kay Christopher mula sa rearview mirror. “Isang mahusay na chemist si Mrs. Landry, at maraming taon niya nang sinusubukan na gawin ang pinaka malakas na gamot sa buong mundo, pero minsan, kapag kailangan niyang subukan ang lakas ng gamot, iniinom niya ito ng mag isa.” Tumigas ang kamay ni Joshua na nakahawak sa manibela nang marinig niya ito. Nang mabanggit ang gamot ng pamilya Landry… hindi niya mapigilan na maalala si Granny Lynch. Hindi niya pa natatanggap ang pagkamatay ni Granny Lynch. Ito ang dahilan ng paghihiganti niya sa pamilya Landry. Gayunpaman, dahil kasama ni Jim si Christopher sa backseat, walang magawa si Joshua kundi pigilan ang galit niya, nagtanong siya, “Nangyari ba ulit ito dahil nageeksperimento siya sa sarili niya?” “Ang tatay ko, si Larry, ay nagsanay sa ilalim ng parehong guro ni Mrs. Landry, kaya’t pamilyar siya sa mga formulation
Magbasa pa

Kabanata 1443

Kumunot ang noo ni Bonnie at muli siyang tumingin sa bintana, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna, na siyang nagd-drawing pa rin, “Pero…mukhang malubha ang sugat niya. Puno ng dugo ang puting shirt niya.” Tumigas ang kamay ni Luna nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang saglit, itinabi niya ang drawing board at watercolor niya at mabilis siyang pumunta sa bintana. Hindi niya man lang napansin na natapon sa sahig ang watercolor niyang mahalaga sa kanya. Ngunit, nang makarating na siya sa bintana… Nakita niya ang lalaking nakasuot ng pulang shift, nakaupo sa bench sa ibaba ng bintana. May sugat nga talaga sa baywang si Joshua na binalutan na ng bandage. Sa mga sandaling ito, nililigpit ni Joshua ang first-aid kit habang nakikipag usap sa katulong na nagbigay sa kanya ng kit. Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng masama kay Bonnie. “May problema ba sa mga mata mo?” May suot na pulang shirt si Joshua! Nang mapagtanto ito ni Bonnie, tumawa siya ng galit. Habang t
Magbasa pa

Kabanata 1444

Sa sandali na maisip niya ito, sinara ni Luna ang mga kurtina at bumalik siya sa kama niya at nagpatuloy sa pagdrawing. Pagkatapos ng agahan, tumingin si Bonnie sa labas ng bintana. Si Joshua, tulad ng kahapon, ay dumating ng mag isa, hindi niya kasama si Harvey o si Jim. Kumunot ang noo ni Bonnie habang nakatingin siya sa kalsadang walang laman. May nangyari ba… kay Jim nitong nakaraan? Hindi ba’t plano nila na magpanggap na maging magkasintahan para walang maghinala kay Luna at Joshua? Bakit bigla siyang naglaho? Bukod pa dito, nasaan si Harvey? Balak niyang ibalik ang jade ring kay Harvey, pero hindi rin siya nagpakita.… Sa loob ng ICU sa pinakatuktok na palapag ng Merchant City Central Hospital. Nakasandal si Rosalyn sa ulo ng kama at mahigpit niyang hawak ang kamay ni Jim, kasing putla ng papel ang mukha niya. “Jim, alam ko na simula nang matuklasan mo na hindi ikaw ang tunay kong anak… iniiwasan mo na ako at umiiwas ka na sa bahay. Naisip ko na baka dahil ayaw
Magbasa pa

Kabanata 1445

Maaga pa ang gabi. Biglang tumunog ang preno sa tahimik na gabi. Habang nakaupo sa sala sa Tea Cottage, kumunot ang noo ni Bonnie at lumabas siya ng pinto pagkatapos magsuot ng coat. Ang taong lumabas ng kotse ay si JIm, may suot siya na itim. Mas madilim at seryoso ang ekspresyon niya kaysa sa dati. Tumitig sa kanya si Bonnie, nakasimangot. “Ikaw—” Balisang lumapit si Jim sa bahay at hindi niya pinansin si Bonnie. Lumagpas siya kay Bonnie at pumasok siya sa pinto. “Luna!” Sa sobrang bilis ng pag lagpas ni Jim ay kumunot ang noo ni Bonnie. Mabilis siyang humabol at sinabi niya, “Gabing gabi na. Natutulog na si Luna. Anong ginagawa mo dito at hinahanap mo siya? Hindi ka pwedeng umakyat ngayon, natutulog siya. Anong balak mong gawin sa kanya?” Gayunpaman, walang epekto ang mga salita niya. Umakyat si Jim ng hagdan at tinulak niya ang pinto ni Luna. “Luna!” Natutulog na si Luna, dumilat siya nang marinig niya ang boses ng lalaki sa labas ng pinto. Bumangon siya, hinawaka
Magbasa pa

Kabanata 1446

Nang matapos nang magsalita si Luna, nawala na siya sa paningin ni Bonnie, dala siya ni Jim palabas ng pinto. Sumandal si Bonnie sa pader at kumirot ang katawan niya. Kinagat niya ang labi niya at pinanood niya na umalis sila, kumirot din ang puso niya. Ano ang inaasahan niya? Kung sabagay, parte ng pamilya Landry si Jim, ang pamilya na kilala sa pagiging malupit at walang puso nila. Paano naman mahuhulog ang isang taong tulad ni Jim sa isang ordinaryong babae na tulad niya? Kung mahuhulog si Jim sa isang babae, ito ay sa isang babaeng tulad ni Luna. Ginawang ibrainwash ni Harvey si Bonnie, at iniisip talaga ni Bonnie na may namumuo sa pagitan nilang dalawa ni Jim. Makalipas ang ilang sandali, huminga siya ng malalim, nilabas niya ang phone niya, at tumawag siya kay Joshua. Mabilis na sinagot ang tawag. Huminga ng malalim si Bonnie at sinabi niya, “Joshua, pumasok si Jim sa Tea Cottage at kinuha niya si Luna.” Agad na kumunot ang noo ni Joshua at sinabi niya ng may ma
Magbasa pa

Kabanata 1447

Huminga ng malalim si Jim nang marinig niya. Pinigilan niya ang galit sa puso niya at sinubukan niyang pigilan ang pag aaway nila ni Luna. “Syempre hindi! Paano naman kami magiging pabaya?” “Hindi lang namin ginawa ang DNA test, inimbestigahan pa namin ang bahay ampunan kung saan pinagpalit kayo ni Heather, at gumawa pa kami ng background check sa mga magulang mo!” “Ang lahat ng resulta ay nagpakita na si Aura ang tunay na anak ng pamilya Landry. Bukod pa dito, noong nagpakita pa si Aura sa harap ng bahay namin, halos isang taon ka na naming hinahanap.” “Sa mga panahong ‘yun, masayang masaya kami sa balita, kaya’t sino ang mag aakala na peke siya?” Pagkatapos, tumingin siya ng masama kay Luna at idinagdag niya, “Mas alam mo kaysa sa amin na malapit kayo ni Aura dati. Sa tingin mo ba ay hindi siya makakakuha ng buhok o kuko mo at sinabi niya na sa kanya ‘yun?” Tumigil si Luna. Sinabi niya ng galit ang lahat ng ito, pero ngayon at pinag isipan niya na ito, alam niya na tama
Magbasa pa

Kabanata 1448

Sa katotohanan, naniniwala siya kay Jim noong sinabi nito ang tunay niyang pagkakakilanlan. Kung sabagay, mula sa pagtrato ni Natasha at Joseph sa kanya… naghihinala na siya na hindi siya ang tunay na anak nila. Gayunpaman, ayaw niya itong tanggapin. Kahit na isang makasarili na lalaki si Joshua na hindi trinato si Luna ng mabuti, at paulit ulit niyang inuuna ang sarili niya kaya kaysa kay Luna, at nagawa niya pang sabihan ng masama si Malcolm… Siya pa rin ang lalaki na minahal ni Luna ng maraming taon. Alam ni Luna na ang relasyon nila at ang pagkamuhi ni Joshua sa pamilya Landry. Kung… Kung bumalik si Luna sa pamilya Landry at kinuha niya ang karapatan na maging tagapagmana nila… Anong mangyayari kay Joshua? Anong mangyayari sa relasyon at kasal nila? Ang mga anak nila… Haharapin din ba nila ang mga paghihirap na hinarap ni Jim bilang mga anak ng dalawang magkaribal na pamilya? Sa isang palad, ito ang babaeng nagbigay buhay sa kanya. Sa kabilang palad, si Joshua
Magbasa pa

Kabanata 1449

Sa labas ng ICU. Nakatayo sina Jim at Christopher sa labas ng glass windom at pinanood nila ang dalawang babae sa loob ng kwarto. Sa mga sandaling ito, hawak ni Rosalyn at kamay ni Luna at umiiyak siya, sinasabi niya ang mga sakit at pagdurusa na pinagdaanan niya habang wala ang anak niya sa tabi niya Samantala, nakinig si Luna habang nakayuko siya. Nakatalikod siya kila Jim at Christopher, kaya’t hindi nila makita ang ekspresyon sa mukha ni Luna. Gayunpaman, alam nila na mula sa maliit na pagkibot ng likod ni Luna, na emosyonal din si Luna sa reunion na ito. Kumunot ang noo ni Christopher at tinapik niya ang balikat ni Jim. “Hindi mo mapigilan ang sarili mo sa huli.” Tinikom ni Jim ang mga labi niya at tumango siya. Sa katotohanan… wala siyang intensyon na ibalik si Luna sa pamilya Landry sa simula pa lang. Sa isang palad, alam niya na mahalaga si Joshua kay Luna at alam niya na si gagawin din ni Joshua ang lahat para kay Luna. Kaya naman, hindi niya gusto na maghiwala
Magbasa pa

Kabanata 1450

Pumasok si Christopher sa kwarto at umupo siya sa tabi ni Joshua ng nakangiti. “Mabilis mo kaming nahanap. Mas magaling ka pa kaysa sa inaasahan ko.” Tumingin ng masama si Joshua at sinabi niya, “Ano ang binabalak ni Jim?” Kung hindi niligtas ni Jim ang buhay niya at hindi siya inalagaan nito, umakyat na sana siya at nanghingi ng sagot sa halip ng naghihintay siya dito ng tahimik. “Wala naman.” Ngumiti si Christopher at nilaro niya ang phone niya. “Alam mo naman na malala ang kondisyon ni Mrs. Landry. Gusto lang ipakilala Jim si Luna kay Mrs. Landry bago ito pumanaw.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ito. “Bakit niya naman gustong makita is Luna bago siya mamatay? Gusto niya ba maghiganti kay Luna sa pagpatay sa anak niyang si Aura?” Umiling si Christopher. “Joshua, ayaw kong maniwala na hindi mo pa rin alam kung ano ang nangyayari, matalino ka.” Pagkatapos itong sabihin, tumahimik ang buong kwarto. Kumunot ang noo ni Joshua, sa sobrang tindi ng aura niy
Magbasa pa
PREV
1
...
143144145146147
...
308
DMCA.com Protection Status